thanks ulit sis, grabeh, andami mo natumbok sis... as in...
here in gensan, tsaka right now my 2 kids and I nakatira sa bahay ng parents ko though ang bahay namin is nasa likod lang ng bahay nila. since wala si hubby, doon kami natutulog ng kids ko sa house ng parents ko though of course i shoulder the expenses like food, cable, katulong, isp basta yung needs nila. pero right now, dito ako sa sariling house namin so i can cry at di makita ng mga kids ko.
when i went to cebu last year to settle yung problem namin sa pambabae niya, we rented a house. as in, ang taas ng increase ng cost of living namin coz we rented a place sa cebu na 4x as much ang rent namin sa house namin dito sa gensan (thru pag-ibig). so doble doble gastos namin since we pay 2 rent sa house, times 2 din expenses sa food, gas, etc. as in hanggang leeg ang expenses. I tried everything sis na kaya kong gawin just to show him my love and support. i hate the smell of tuna, ang lansa though masarap siya, kina career ko ang pagbenta nyan sa cebu kasehodang mag amoy tuna ako. right after ko mag work (i start working online at that time, around 4am until 12noon), rest for a few hours then punta sa puesto to help him. ganyan ako sa supportive sa kanya sis. so bale doble work ko nyan.
magkasosyo na siguro kami sa business sis since i always give him pang capital if maubos na yung capital nya sa lugi (how sad). i went back here last Dec 25 to be with the kids at sila naman asikasuhin ko provided na tatawag si hubby everyday. ok naman set up namin though minsan inaaway ko siya kasi nakukulangan ako oras ng chikahan namin (several hours a day kami mag usap hehe) kasi na lowbat or out of reach
[textspeak!] phone nya.
while andun ako, okay yung lakad ng business namin. nagka problema lang dahil sa supply kasi may times na mahirap ang supply ng tuna tsaka may management problem din yung company na kinukunan namin, now maganda na naman ang supply kasi dumarami na naman kaso nga nangyari na naman yung nangyari sa amin ni hubby. plano na namin na babalik ako sa cebu to help him since summer na. sabi nga nya sa friend nya na mas maganda daw na andun ako kasi i take care of the budgeting sa expenses namin.
By the way, if you get involved in his business though. Just give him suggestions. Don't decide for him. Let him make the decision parin. But show him the pros and cons of his ideas and your ideas. Meet halfway.
One last thing, communicate. More than just business, you're married. Talk to him, tell him how you feel and also encourage him to talk to you and to open up. Try not to overpower him sa conversations nyo. Let him know and feel that you're willing to start with a clean slate (if you are willing) and if he is willing to do the same. again, meet halfway. (wag ng banggitin ang nakaraang pagkukulang or pagkakamali in terms of family matters)
If you think you've done more than enough of what you should do and wala parin syang ginagawa, then kalimutan mo na sya. Most cases, kapag ganyan na ang tao, hindi nila nakikita kung anong meron sila or kung gaano sila kaswerte hanggang sa nawala na sa kanila yun. Good luck sis... and sana maayos nyo na yan.
minsan sabi nya, palagi ko na lang daw iniisip na ako daw lagi tama sa diskarte namin sa business (eh minsan totoo naman

). I am very willing to start all over again. though guilty ako kasi everytime magka problema kami, lagi ko binanggit yung pagkakasala niya before. try ko naman iwasan minsan pero minsan din hindi ko ma control sarili ko na banggitin ulit yun. haizz sana lang sis, maayos pa ito, hindi pa rin siya tumatawag til now
at least, medyo gumaan feelings ko now kasi naishare ko ang bigat ng loob ko. wala akong friends dito na puede ako mag confide. hindi ako masyado mag open up sa mga friends kasi since nag asawa ako , tutuk lang ako sa hubby and kids ko...