Author Topic: Should I give up sa marriage namin? Pls Help...  (Read 15011 times)

female01

  • Guest
Should I give up sa marriage namin? Pls Help...
« on: March 26, 2011, 08:03:43 am »
Married for more than 10 years na kami. We were in a 4-year relationship bago kami nagpakasal. Sa tagal ng marriage namin, na encounter namin ang maraming problems. Ma bisyo si hubby, name it, meron xia like sugal, sigarilyo, barkada, babae (last year) etc. Pero I tried my best to save our marriage. Lagi akong nag forgive and forget (sana nga).

Nag abroad na kami pareho several years ago. But we decided to go back sa Pinas to be with our kids. We have 2 kids nga pala, an 11-year old girl and a 7-year old boy. Naka base kami dito sa mindanao.

Last July 2009, hubby decided to go to Cebu to do some business pero dito pa rin kami ng kids ko sa mindanao. the biz was doing really bad, as in super lugi. yung sustento nya, hindi consistent, minsan nagbibigay minsan hindi kasi nga lugi lagi. Eversince ako na ang consistent na nagbibigay ng sustento sa mga needs namin coz i always work. I am currently working online for more than 2 years na. so consistent ang sueldo ko. I was really hoping na he can support us consistently pero di nga yun nangyari.

Last year 2010, this time lang din, gagraduate yung bunso namin sa prep. bigla na lang walang communication for 4 days. as in walang tawag, di ma contact yung number nya eh alam nyang gagaraduate si bunso. I tried to contact our kumpare and told me na hahanapin nila si hubby. so siya na lagi na kinausap ko. One time, si kumare ang nakasagot sa call ko then I asked her if may problema ba. so parang sinabi na na it's better for me to go there and see for myself. reading between the lines, nagka guts ako na tanungin siya if nambabae na ba si hubby and she answered naman na "oo". ang sakit! kasi i trusted my hubby very much. Worse pa was nagka chicken pox si panganay nung time na yun. Btw, di talaga siya naka attend sa graduation ni bunso at dir in siya nangumusta sa panganay naming na may chicken pox.

So I went to Cebu at inamin naman nya ang katotohanan. He asked for forgiveness and I was willing naman to give a marriage a second chance. Grabe yung sakit na naramdaman ko. We started from scratch. I am very mahinahon before. Pag nag away kami, iiyak lang ako tapos talk kami. After ng incident ng pambabae nya, medyo sumisigaw na ako, nagmamaldita every time na may away kami. Naintindihan naman nya yun. So for several months from April til Dec 25 last year, we were together sa Cebu while my kids andito sa Gensan with my parents. Super okay na ulit marriage naming though of course meron pa rin away minsan. Pag di naman kasi sinumpong sa mga bisyo nya, he is a good hubby naman  pero di talaga siya good provider eversince. Basta tumutulong siya sa akin if meron, minsan wala.

female01

  • Guest
Re: Should I give up sa marriage namin? Pls Help...
« Reply #1 on: March 26, 2011, 08:05:01 am »
Umuwi siya 2nd week of March this year. After more than a year, nung time lang xia nakauwi. He stayed with us for 3 or 4 days balik agad kasi may kailangan asikasuhin. March 25 ang graduation ng panganay namin sa Grade 6, with honors. So yung flight nya from cebu to sa place namin was supposedly March 24. Matagal na naming nabili yung ticket nya. So everyday kami nag usap sa phone until March 22 ng gabi. March 23, 1 day before his flight pauwi, di na naman ma contact phone nya. Di rin siya tumawag. Hanggang gabi, walang communication. Pinapunta ko yung friend naming sa puesto nya pero wala daw doon, kakaalis lang daw. Then March 24 came, day na ng flight nya. Wala pa rin tawag. My father and I went to the airport to fetch him pero wala siya. Ansakit. Walang tawag. Kahapon, graduation ng anak na panganay namin. Communicate lang ako lagi sa friend naming na ka roommate din nya sa boarding house. Di pa rin nagpakita ang magaling kong asawa.

Halfway sa rites ng graduation. Bigla na lang nag text si hubby. Sabi he is so sorry daw kasi hindi siya nakauwi sa graduation ng anak namin. Natalo daw siya sa sabong kaya wala ng siyang pera. He tried to gamble daw para may madala siyang pera sa amin. Ngek… ano bay an?

Ilang beses siya nag text, ignore ko lang. then I decided to call him but he constantly refused my calls. [textspeak!] siya ulit na hindi nya daw ako kayang kausapin kasi alam niya malaki daw kasalanan nya. Ngek! Until now, a day after my daughter’s graduation, hindi pa rin siya tumatawag sa akin.

Sis, marami pa masyado ako I type ditto pero super taas na. please I need your advises… Give up ko na ba finally ang marriage namin?

Grabe na masyado ginawa niya. Twice in a row, hindi siya sumipot sa graduation ng mga anak niya to think na our kids graduate with honors lagi. Ang sakit talaga.

realmofadreamer

  • Guest
Re: Should I give up sa marriage namin? Pls Help...
« Reply #2 on: March 26, 2011, 09:32:09 am »
sis, question lang. bakit kailangan nasa Cebu yung business nya? Hindi man lang ba sya nageffort na imove nalang business nya sa Gen San or Davao at least?

sa tingin ko lang sis meron syang inferiority complex (tingin ko lang ha since hindi ko naman sya kilala and hindi ko alam ang buong kwento) but KUNG totoo man, its still better kung magkakasama kayo lagi para lagi nyang maramdaman/makita yung support nyo sa kanya. Dati kasi meron din ako inferiority complex and I need a constant reminder of the support from the people I love or else "nawawala ako sa landas". I always seek approval from other people and if he's the same, that "might" be the reason why nambabae sya dati kasi merong isang taong within reach lang who can give him that approval. About him missing his kids graduation, again, inferiority complex "might" have played a big role sa decision nyang hindi umuwi.

I know there should really be no excuse for not providing or for not showing up on your kids graduation but if there's still a hope (kahit konti), try to work it out with him. Unless ayaw nya talagang magbigay at talagang nararamdaman mong wala talaga syang pakialam sa inyong mag-ama at gawa gawa nya lang yung kunwari nahihiya sya kasi may kasalanan sya but in fact talagang ayaw nya lang. Mararamdaman mo naman yun sis and its up to you to decide if its still worth another try.

female01

  • Guest
Re: Should I give up sa marriage namin? Pls Help...
« Reply #3 on: March 26, 2011, 10:14:28 am »
salamat sis sa reply moh. i really needed advises badly kasi tuliro ako. am working right now sa online job panay pa rin iyak ko. di ako maka concentrate. ang sama sama ng loob ko...

yun nga sis eh, yung biz nya sa cebu is tuna na puede naman gawin dito sa gensan kasi nga dito usually naka base yan kaso gusto niya dun sa cebu kasi wala masyado kumpetensya dun. yung sinugal niya na pera sa sabong, dapat pambayad niya yun sa nag supply sa kanya but he gambled it para daw may madala siya dito.

ang ikinasasama pa ng loob ko lalo is until now, hindi pa siya tumawag. kung ka boardmate nya na kata text ko lately, i confided to him lahat ng problema namin since close kami sa kanya kaya sabiko sa kanya na bigyan din ng advise ang asawa ko. Ang sabi daw ni hubby na nahihiya/natatakot siya na tawagan ako sa laki ng kasalanan niya. Wala pa daw siya guts to call me. Sis, inaamin ko talaga, grabe pambabara ginawa ko kanya before para lang matauhan siya na he has a big responsibility sa family niya. Di naman masyadong malaki ang income ko pero mas malaki talaga siya compared sa income niya. Eversince ganito na set up namin, nag wo work ako, nag business siya which is palagi naman nalulugi. Pag lugi na, bigay ulit ako ng capital. naging vicious cycle na ito. Sinabihan ko siya before na hindi na ako tutulong or magbibigay sa kanya na pang capital kaso hindi ko maatim na hindi siya bigyan. Bago pa siya magsabi sa akin ng kailangan niya, naka ready na ulit yung pang capital niya. feel ko nga rin na parang "insecure" siya though iba yung pinapakita niya. kasi kahit yung panganay namin, iba na yung feeling niya sa father nya eh. kahit anong pilit kong instill sa kanya na mabait at tumulong naman yung father nila sa financial support, hindi siya naniniwala kasi daw eversince ako daw yung nakikita niyang nag provide for the family.
.
sis please give me more insights on how to deal with "insecurity" niya. marami din akong insecurities sa buhay, pero di ko naman pinapabayaan yung family ko.

pasensya na mga sis if medyo magulo ang pagka state ko dito, very emotional ako ngayon. feeling ko sobra sobrang pasakit na yung binigay niya sa akin pero kahit ganyan siya, love na love ko siya. i have done everything para i save ang marriage namin despite sa mga kapalpakan na nagawa niya. tsaka willing talaga akong i work out yung marriage namin kaso hindi naman siya nag cooperate. pag nasa tamang pag iisip or mood siya, napaka bait nya kaso pag papasok yung bisyo na, nakakalimutan niya kami. ang sakit isipin na baka nga hindi na niya kami mahal. okay naman sa akin na kahit super konti binibigay niya basta sa ibang aspects mapunan niya kaso ganun pa rin. wala rin nangyari.

realmofadreamer

  • Guest
Re: Should I give up sa marriage namin? Pls Help...
« Reply #4 on: March 26, 2011, 10:47:18 am »
iba kasi tayong mga babae sis (nyahahaha. biased much? *LOL*) kaya kasi nating itago yun. Sa akin lang kasi, masyadong malaki ang ego ng ibang lalaki lalo na kung hindi sila ang bread winner ng family. Hindi ko rin masisisi ang anak mo kung ganun ang nararamdaman nya kasi yun ang nakikita nya. Pero sis, pwede kasing maging reason yun ng lalong paglayo ni hubby. Mas lalo syang maiinsecure knowing na ganun ang tingin ng anak nya sa kanya. Although dapat talaga gumawa sya ng paraan para sya yung maging bread winner, e kapag may inferiority complex kasi, hindi namin naiisip yun hanggang sa too late na (kaya siguro marami akong regrets :D )

Do you still live with your parents ba? or you have your own place na? or nagrerent ba kayo? in any case, a bit of compromise will do. If its more practical to stay in gen san, if you can, give him advise or suggestions (in terms of better work opportunities or better business ideas kung talagang ayaw nyang magwork) para umuwi nalang sya jan. If mas maraming opportunities sa Cebu and if you're renting sa Gen San, then 'maybe' a move to Cebu is more practical para hindi na dalawang rent ang binabayaran nyo, kasama nya pa mga anak nya. Tingnan nyo ang pros and cons kumbaga.

And for me, its better if magkasosyo kayo sa business. There are different partnerships and you don't have to be full time since diba meron kang work. Or if not partners, at least get involved. Para magabayan nyo ang isa't isa. Pag-aralan nyo kung bakit nalulugi ang business and pag-aralan nyo if its more practical to hold on to that business or move on to a new one. In this case, maramdaman nya na meron syang katuwang sa kung ano ang gusto nyang gawin at the same time nakikita mo kung ano yung weakness nya pagdating sa business, magawan nyo pareho ng paraan. Kumbaga, find his strengths and weaknesses and invest on that. Look for your strengths and weaknesses too and combine with his. Lalo na kung ang weakness mo ay strength nya or strength nya ay weakness mo. Kumbaga, try to compliment each other. And in this case, yung pagpoprovide sa family, nanggagaling sa inyong dalawa. Hindi na sya lumalabas na walang kwenta sa mga anak nya. Just to reiterate, gawan ng paraan. minsan kasi nakakaoverwhelm ang business na hindi natin napapansin, we're already blaming the other person.

By the way, if you get involved in his business though. Just give him suggestions. Don't decide for him. Let him make the decision parin. But show him the pros and cons of his ideas and your ideas. Meet halfway.

One last thing, communicate. More than just business, you're married. Talk to him, tell him how you feel and also encourage him to talk to you and to open up. Try not to overpower him sa conversations nyo. Let him know and feel that you're willing to start with a clean slate (if you are willing) and if he is willing to do the same. again, meet halfway. (wag ng banggitin ang nakaraang pagkukulang or pagkakamali in terms of family matters)

If you think you've done more than enough of what you should do and wala parin syang ginagawa, then kalimutan mo na sya. Most cases, kapag ganyan na ang tao, hindi nila nakikita kung anong meron sila or kung gaano sila kaswerte hanggang sa nawala na sa kanila yun. Good luck sis... and sana maayos nyo na yan.

cry_mandy

  • Guest
Re: Should I give up sa marriage namin? Pls Help...
« Reply #5 on: March 26, 2011, 11:03:42 am »
im in no position to tell you what to do sis. but naiintindihan kita. especially kapag damay na yung anak. somehow i should be thankful na hindi kami kasal. at least mas madali...

passionfruity

  • Guest
Re: Should I give up sa marriage namin? Pls Help...
« Reply #6 on: March 26, 2011, 11:06:15 am »
Sis quote ko lang sayo etong reply sakin sa isang blogsite where i also uttered my own dilemma as a wife.

For starters, no-one should ever judge another person for leaving their marriage as we NEVER know what's going on inside another person's home. If you're unhappy, that's all the reason you need to leave. If you feel emotionally abused, then that's MORE than enough reason to leave. In the end, it's your choice and you need to be comfortable with it.

Hope and pray youll find the right path for you.

cry_mandy

  • Guest
Re: Should I give up sa marriage namin? Pls Help...
« Reply #7 on: March 26, 2011, 11:08:36 am »
^like!

female01

  • Guest
Re: Should I give up sa marriage namin? Pls Help...
« Reply #8 on: March 26, 2011, 11:09:32 am »
thanks ulit sis, grabeh, andami mo natumbok sis... as in...

here in gensan, tsaka right now my 2 kids and I nakatira sa bahay ng parents ko though ang bahay namin is nasa likod lang ng bahay nila. since wala si hubby, doon kami natutulog ng kids ko sa house ng parents ko though of course i shoulder the expenses like food, cable, katulong, isp basta yung needs nila. pero right now, dito ako sa sariling house namin so i can cry at di makita ng mga kids ko.

when i went to cebu last year to settle yung problem namin sa pambabae niya, we rented a house. as in, ang taas ng increase ng cost of living namin coz we rented a place sa cebu na 4x as much ang rent namin sa house namin dito sa gensan (thru pag-ibig). so doble doble gastos namin since we pay 2 rent sa house, times 2 din expenses sa food, gas, etc. as in hanggang leeg ang expenses. I tried everything sis na kaya kong gawin just to show him my love and support. i hate the smell of tuna, ang lansa though masarap siya, kina career ko ang pagbenta nyan sa cebu kasehodang mag amoy tuna ako. right after ko mag work (i start working online at that time, around 4am until 12noon), rest for a few hours then punta sa puesto to help him. ganyan ako sa supportive sa kanya sis. so bale doble work ko nyan.

magkasosyo na siguro kami sa business sis since i always give him pang capital if maubos na yung capital nya sa lugi (how sad). i went back here last Dec 25 to be with the kids at sila naman asikasuhin ko provided na tatawag si hubby everyday. ok naman set up namin though minsan inaaway ko siya kasi nakukulangan ako oras ng chikahan namin (several hours a day kami mag usap hehe) kasi na lowbat or out of reach [textspeak!] phone nya.

while andun ako, okay yung lakad ng business namin. nagka problema lang dahil sa supply kasi may times na mahirap ang supply ng tuna tsaka may management problem din yung company na kinukunan namin, now maganda na naman ang supply kasi dumarami na naman kaso nga nangyari na naman yung nangyari sa amin ni hubby. plano na namin na babalik ako sa cebu to help him since summer na. sabi nga nya sa friend nya na mas maganda daw na andun ako kasi i take care of the budgeting sa expenses namin.

By the way, if you get involved in his business though. Just give him suggestions. Don't decide for him. Let him make the decision parin. But show him the pros and cons of his ideas and your ideas. Meet halfway.

One last thing, communicate. More than just business, you're married. Talk to him, tell him how you feel and also encourage him to talk to you and to open up. Try not to overpower him sa conversations nyo. Let him know and feel that you're willing to start with a clean slate (if you are willing) and if he is willing to do the same. again, meet halfway. (wag ng banggitin ang nakaraang pagkukulang or pagkakamali in terms of family matters)

If you think you've done more than enough of what you should do and wala parin syang ginagawa, then kalimutan mo na sya. Most cases, kapag ganyan na ang tao, hindi nila nakikita kung anong meron sila or kung gaano sila kaswerte hanggang sa nawala na sa kanila yun. Good luck sis... and sana maayos nyo na yan.

minsan sabi nya, palagi ko na lang daw iniisip na ako daw lagi tama sa diskarte namin sa business (eh minsan totoo naman :)  ). I am very willing to start all over again. though guilty ako kasi everytime magka problema kami, lagi ko binanggit yung pagkakasala niya before. try ko naman iwasan minsan pero minsan din hindi ko ma control sarili ko na banggitin ulit yun. haizz sana lang sis, maayos pa ito, hindi pa rin siya tumatawag til now

at least, medyo gumaan feelings ko now kasi naishare ko ang bigat ng loob ko. wala akong friends dito na puede ako mag confide. hindi ako masyado mag open up sa mga friends kasi since nag asawa ako , tutuk lang ako sa hubby and kids ko...

female01

  • Guest
Re: Should I give up sa marriage namin? Pls Help...
« Reply #9 on: March 26, 2011, 11:15:11 am »
Sis quote ko lang sayo etong reply sakin sa isang blogsite where i also uttered my own dilemma as a wife.

For starters, no-one should ever judge another person for leaving their marriage as we NEVER know what's going on inside another person's home. If you're unhappy, that's all the reason you need to leave. If you feel emotionally abused, then that's MORE than enough reason to leave. In the end, it's your choice and you need to be comfortable with it.

Hope and pray youll find the right path for you.

urong sulong yung decision ko sis kasi yung family ko, yung family nya, gusto iwan ko na daw talaga ng matuto si hubby, kaso dream ko pa rin magkaroon ng maayos at intact na family. even may panganay told me namas better pa daw na wala na siyang father kaysa meron daw pero sinasaktan kami sa pagiging irresponsable niya. haizz.

passionfruity

  • Guest
Re: Should I give up sa marriage namin? Pls Help...
« Reply #10 on: March 26, 2011, 11:25:14 am »
Were in the same boat sis, I will say all wives have one same dream, an intact and happy family. actually while struggling on this same matter narealized ko its not our spouses ang matindi nating kalaban, but ourselves. dahil satin mangagaling ang final verdict. So bigat ng pressure, its either we go  with our battle and gamble to win our dream family, or retreat to gain our dream happiness.
« Last Edit: March 26, 2011, 01:09:21 pm by passionfruity »

female01

  • Guest
Re: Should I give up sa marriage namin? Pls Help...
« Reply #11 on: March 26, 2011, 12:05:36 pm »
^well said sis;

it's hard to let go of our dreams... logic tells me to let go, heart tells me to save my marriage. i personally want to save it kaso if my hubby does not care whether magiging okay kami or not ... wala ring mangyayari.

ang hirap, kung logic lang ang pag uusapan ang dali  ma solve eh kagaya ng math :)

sana "Math" na lang ang buhay anoh, mas madali pang hanapan ng solution
« Last Edit: March 26, 2011, 12:08:44 pm by female01 »

PinKisH_23

  • Guest
Re: Should I give up sa marriage namin? Pls Help...
« Reply #12 on: March 26, 2011, 12:22:02 pm »
Sis I feel for you.

Halos same scenario pero wala pa kaming baby.

Married kami for 5 years and a half, wala naman syang bisyo pero super palaging mahina sa diskarte and financially talaga walang maibigay. It's been my consistent problem kasi marami pa akong pangarap sa bahay and one of them is to have our own house. Paano naman kaming magkakabahay kung sweldo ko palang nauubos na bills namin and wala syang share at all. May times pa na sa akin nanggagaling ang binibigay nya sa family nya.

So a month ago, I gave him the ultimatum, na pag di sya umayos at ganyan parin sya may 3 lang syang options, 1. maghanap sya ng work (freelancer din kami) at magtagal, 2. mag abroad sya at mag iipon at magbabayad ako sa DP ng house namin or 3. ako ang mag aabroad. Kapag di sya umayos wala talagang magandang mangyayari.

Anyway, kaya mo yan sis pag isipan mong mabuti. Actually nagpost narin ako dito about leaving my husband a year ago sa halos same issue pero I decided to stay kasi mas matibay talaga yung love, pero di naman tayo nakakakain at nakaka survive sa mundo just because of LOVE.

female01

  • Guest
Re: Should I give up sa marriage namin? Pls Help...
« Reply #13 on: March 26, 2011, 12:42:49 pm »
thanks sis, i remember you from odesk thread though antagal ko na di nakabalik doon...

yes, sis super hirap. open naman ako na ayusin namin ito eh. lagi lagi yun kaya nga parang used si hubby na kahit ano pa gawin niya, i will always forgive him. di nga ako nag post dito sa forum g problems ko before kasi gusto ko lang sarilin pero sobra sobra na talaga kaya ginawa ko ang thread no ito for advises para naman makita ko lahat na possible angles kung talagang bang mag let go ako or hindi.

i just wish na matauhan siya at ma realize niya ang worth namin sa kanya. mahirap din magiging asawa ng isang walang family value. i mean mahirap maging asawa ang isang taong hindi masyadong nagbibigay ng halaga sa love and support ng family niya. Na akala niya, lagi lang kaming nasa likod niya kahit ano pang gawin niya. ang sakit...

PinKisH_23

  • Guest
Re: Should I give up sa marriage namin? Pls Help...
« Reply #14 on: March 26, 2011, 01:24:06 pm »
Mahirap talaga yang situation mo sis lalo pa at ganyan na ang tingin ng anak mo sa kanya, siguro mahirap din sa kanya, let's give him the benefit of the doubt na he cares parin sa inyo at talagang nahihiya sya. Pero he should face you and explain everything. Alam mo sa tingin ko mas okay pa siguro talaga yung kahit wala na syang binibigay sa iyo pero di rin naman sya sakit ng ulo gaya ng ginagawa nya ngayon.

Nga pala, ayaw nya rin ba mag freelance work gaya natin? Para magkasama parin kayo? Mahirap yan kasi magkalayo kayo, di mo talaga sya maiintindihan kapag ganyang magkalayo kayo.

emeenem

  • Guest
Re: Should I give up sa marriage namin? Pls Help...
« Reply #15 on: March 26, 2011, 01:27:28 pm »
baka business is not for your hubby. why not let him try na mamasuakan na lang sa isang company. kahit maliit na office lang pero diyan sa GenSan para magkasama kayo? That way, makakasama niya ang kids nya at ikaw and makikila ng kids niyo ng maiigi ang father nila.

female01

  • Guest
Re: Should I give up sa marriage namin? Pls Help...
« Reply #16 on: March 26, 2011, 01:34:46 pm »
^^naghihintay lang naman ako na tawagan niya. pero until now, wala pa rin. kasi before, ako lagi tumatawag sa kanya pag may problema at pinapagalitan ko agad. now, ewan ko talaga, di siya tumawag. ilang beses siyang nag text sa akin kahapon, hindi ko sinagot kasi gusto ko mag usap kami, nung tinawagan ko naman, ayaw tanggapin yung calls ko. pero at least ng dahil dito sa GT at nababasa ko yung mga views ng mga sisses natin dito, gumagaan lang loob ko. andito pa rin ang pain pero at least gumaan ng konti.

still doing online job. yung boss ko since 2008, same pa rin. maghahanap nga rin siguro ako ng another work or additional work (online din sana) kaso di pa ako nakavisit dun sa site. matagal na. musta nga pala work nyo sis? based sa mga posts ko, am I too harsh sa hubby ko? super effort ako right from the start na i work out relationship namin.
« Last Edit: March 26, 2011, 01:42:14 pm by female01 »

female01

  • Guest
Re: Should I give up sa marriage namin? Pls Help...
« Reply #17 on: March 26, 2011, 01:40:58 pm »
baka business is not for your hubby. why not let him try na mamasuakan na lang sa isang company. kahit maliit na office lang pero diyan sa GenSan para magkasama kayo? That way, makakasama niya ang kids nya at ikaw and makikila ng kids niyo ng maiigi ang father nila.

ilang beses ko na sinabi na baka nga hindi para sa kanya yung ganyan na business kasi ilang beses na talaga siyang nalugi pati kami na family niya, halos pabayaan na niya pero diyan daw siya aasenso. kasi daw if mag work siya, ang liit daw ng salary, di daw kasya yung minimum wage. maganda yung education niya sis, we both came from the same university na isa sa pinaka magandang school sa cebu tsaka he used to work sa banks before (here and abroad) pero ayaw nya talagang mag work ulit sa office or bank. sabi ko nga sana man lang kahit maliit, basta consistent tsaka magkasama kami lagi, ok na sana. basta, sarado ang isip niya when it comes to working in an office or sa bank, ayaw din niyang mag abroad ulit. gusto niya siya ang boss (kahit lagi na siyang nalulugi) haizzz...



emeenem

  • Guest
Re: Should I give up sa marriage namin? Pls Help...
« Reply #18 on: March 26, 2011, 01:58:15 pm »
kahit maliit sis at least stable diba? meron siyang maiuuwi tapos yung sweldo mo, kesa makihati pa sa capital ng biz nya, buong buo sa  inyo yun.

nakita mo ba na may business talaga siya?

female01

  • Guest
Re: Should I give up sa marriage namin? Pls Help...
« Reply #19 on: March 26, 2011, 02:10:01 pm »
yes sis, kasi nung andun ako, tumutulong ako sa business namin. kung tuloy tuloy sana sis, super ok ang biznez na yan. yun nga lang pag busy siya or may lakad or mag inuman, iniiwan niya lang sa tauhan namin or sa friends niya. weakness niya kasi yung bisyo niya. kaya nga lagi nalulugi eh. lagi niya sinasabay negosyo at bisyo. yun nga lang eh, emotionally attached ako sa kanya kaya nahihirapan ako bumitiw

 

Latest Stories

Load More Stories
Close