watch now

Author Topic: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2  (Read 129791 times)

babykat

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #560 on: January 17, 2017, 04:56:31 pm »
^Unfortunately, some people, especially relatives, can be overbearing and insensitive lalo na pag sa pagkakaroon ng anak.  In my case,  may tita si hubby na everytime makikita kami:
1.   hahawak bigla sa tyan ko sabay sabi wala pa ba laman ito?  Taba lang ba talaga to?
2.   naunahan na naman kayo ni ganito or ni ganyan na ibang mga pinsan ni hubby.  doesn't matter if yun sinasabi nyang nauna sa amin is hindi naman kasal or wala naman ipapakain sa magiging anak, etc.

Buti na lang we don't see much of this tita so dedma na lang.

bluewingedangel

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #561 on: January 17, 2017, 08:35:11 pm »
Salamat mga sis, dito lang ako maka vent kasi ayoko talaga ng gulo. Nagkatampuhan kami ni hubby kasi feeling ko wala syang ginawa. Ayon, nakapagusap naman kami kanina at sabi ko that hurt a lot kasi kahit gustuhin ko magka anak too dangerous for me and medically impossible na.  Naintindihan nya yun at sabi nya ako lang eh complete na for him.  Impossible din na hindi alam ng tita nya yun kasi minsan sa isa sa mga surgeries ko nagbantay kuno din sa akin yun.

 As for the tita, tinawagan pala ni hubby without my knowledge, ayon nabingo ni hubby.  Ang sagot ba naman eh, memory gap, hindi man lang humingi ng pasensya. O well, sabi ko na lang kay hubby, just don't expect me to come at your next gathering kasi I don't want conflict and bawal mastress.  Hindi ko naman sya pinipigilan if he wants to be with his family.

Yung tita na yan checks on hubby all the time, kasi wala dito parents nya.  Nung una chummy sa mother ko, yun pala gusto lang ng pasalubong kasi nasa US din parents ko.  So nung nakwento ko sa parents ko yung latest na ginawa ng tita nya, shempre masama loob nila.

As for my MIL, buti na lang nasa US din sya.  She is mean, kung pwede ngang sabihing she's evil hehe. Nung umuwi siya last summer, habang karga karga yung newborn nyang apo sa cousin ni hubby sabi ba naman, "di na mapigilan ang pagdami ng mga apo, sarap magkarga ng baby," sabay tingin sa akin ng malaman at naka smirk pa. Sinabi ko kay hubby at sa parents ko, sabi ng dad ko "that's so cruel." Ayon nakatikim din kay hubby yung nanay nya. Once in a blue moon na lang umuwi nang aano pa eh! Grr!!!

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #562 on: January 21, 2017, 08:43:34 pm »
ultimatehousewife, about to get married soon, parang ganito gusto ko imaintain na relationship between my in laws, I'll keep my distance tutal based naman kami ni future hubby abroad.

Ok naman future in laws ko, in fact halos napaka Saint nila, masyado mabait at matulungin pero kung sa parents nga natin nagkakaron tayo issue every now and then sa kanila pa kaya? I want to avoid any misunderstanding or conflict as much as I can. Alam ko kasi ugali ko, di nako sanay masyado mapagsabihan when it comes sa decisions in life, kasi parents ko though nung bata ako eh talaga tutok ako ng Daddy ko, ultimo pag nguya ko bawal malakas ganon hehe, iba na ngayon, I am raised to be responsible, and trusted na kami magkapatid ng parents ko, lahat ng decisions namin ke successful or fail ang outcome, kailangan namin panindigan. That's where we learn daw eh. Though future in laws ko maayos, secured financially, willing to help, madali lapitan, all the more reason para mag intervene sila yung mga "advise" na unsolicited, siguro nasanay din sa future hubby ko na happy go lucky, feeling nila kailangan ng anak nila lagi ng guidance.

These kind of conflicts are my fear, ayoko kasi dumating sa point na maipit ang h2b ko sa kung anong magiging issue namin ng parents nya. Ang thin ng line ng concern at pagintervene kasi. wITH ALL MY MIGHT iiwasan ko talaga makalaban ko sila and makasagutan. Bukod sa I respect them a lot, mahirap i mend kapag may lamat na. Umpisahan ko na magpractice ng pagka tuod the following months haha. Pag may narinig pasok sa kanan labas sa kaliwa.
« Last Edit: January 21, 2017, 08:56:42 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close