watch now

Author Topic: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2  (Read 129809 times)

j.adore

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #540 on: May 03, 2016, 05:06:09 pm »
Post ka din sa FB singilin utang nila ;D Aattend ng mga party at gathering at maniningil in front of everyone  ::)

monopoly19

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #541 on: May 03, 2016, 11:08:10 pm »
Wala naman conflict but why is my mom in law like this? Grabe sepanx niya sa anak niya! Laging gusto pauwiin sa kanila. Ano ba may asawa na anak mo!

Valkerie

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #542 on: May 05, 2016, 12:31:25 am »
^ i feel you sis hahaha..
Grabe nagfeefeelingera ako today ah?!?! Emo?

googoo

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #543 on: May 06, 2016, 04:55:31 pm »
jj_27 your hubby should have told his mom about your set up  :-[  It was just a misunderstanding obviously, and in your case, it could have been prevented if he had been open about it.  Hirap naman kasi with men, quiet lang and feeling nila no need to explain.

imprincessfiona

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #544 on: May 10, 2016, 02:36:43 pm »
Post ka din sa FB singilin utang nila ;D Aattend ng mga party at gathering at maniningil in front of everyone  ::)

^I did post something about UTANG (like keep calm and bayad your utang) but they unfriended me sa Facebook. Baka tinamaan ng BONGGANG BONGGA. I still haven't spoke to them o baka sila na mismo umiiwas (btw we lived in the same subd). Mukhang na-brainwash na nila si mother kasi everytime I brought it up (pati kasi si hubby sinisiraan ni BIL sa iba) nagagalit si mother sa akin as if kami ang kontrabida sa pelikula. Well that's life may pagka-unfair din talaga paminsan minsan.

stylus

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #545 on: May 10, 2016, 09:52:10 pm »
We're having our first baby. Hubby just resigned from work to start his own business. Nag usap na kami and okay naman.

It's just that- his side doesn't know about the "business" thing. Na pag nag uumpisa syempre.. walang regular income, di mabilis balik ng pera.. stressful lang kasi akala nila marami kaming pera. At tuloy lang ang dating ng pera. Kaya tuloy lang din ang pag assign sa kanya ng gastos for the parents.

prickyslime

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #546 on: June 01, 2016, 11:47:31 pm »
Very comforting ang thread na ito. I super hate my MIL too. Hahah super pakialamera parang wala pang sariling pamilya anak niya, bunso kasi yung asawa ko sa 3 magkakapatid. So, kami nalang nakatira sakanila. Yung dalawang girls bumukod na. Mismong pati pupuntahan namin kailangan pili lang at bawal namin puntahan yung mga ayaw nyang puntahan namin haha wtf. >:'(
Sariling pera ko naman ginagamit namin nangingialam pa siya. Minsan masama pa loob nya pag may sahod ako parang obligado pa akong abutan siya. lol

Purple_Power

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #547 on: June 02, 2016, 02:33:44 pm »
^Oo nga pala bakit hindi pa kayo bumukod?
Paano niya ba kayo binabawalan sa mga pupuntahan niyo? Kasi kung ako lang ha, kung kaya naman huwag intindihin eh! Puntahan niyo pa rin yung dapat niyong puntahan. Saka ano ang ginagawa ng hubby mo regarding this?

Huwag mo rin obligahin ang sarili mo na abutan siya. Kung ano lang ang kailangan sa bahay ganun lang dapat. To be honest with you huwag kang sumunod sa lahat ng gusto niya kasi chances are lalo lang yan mamimihasa saka maghahanap ng mali. Ganyan ang ginawa ko nun, hindi ko sinunod lahat kasi lalong naging abusada. Maraming paraan para hindi kayo pakialaman ng MIL mo.

Noon nga may pinuntahan kami tapos nagalit itong GMIL na aalis na naman raw kami, meron pa siyang patampo effect dun sa baby namin. Yung gusto niya sinusuyo pa namin siya. Gusto ko nga sabihin kung pwede nga lang huwag na namin siya balikan. Ngayon wala na kami sa kanya gusto ko talaga iparamdam sa kanya na hindi niya ako pag-aari and anything can happen, yung tipong pwede ko siyang iwanan dahil in the first place sige andun na ako siya nagpalaki kay hubby pero kay hubby lang, pero hindi meaning nun na pwede na niya akong maging ari arian niya o iposses.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #548 on: June 11, 2016, 10:08:38 pm »
I dont have in laws as Iam NOT married.. But, with the kind of in laws my ate has, THANKS, but NO THANKS!! Nakakatakot na mag asawa! Tapos ganyan ang magiging in laws ko?! WTFUDGE!

 Yung sister in law niya ang galing galing mag imbento ng kwento. My mom allowed my nephew and niece to go greet them, which is just right across from where we were eating, kasi magkaharap lang naman yung kinakainan namin. Nakikita naman namin yung mga kids. Abah! Ang bruhilda, tinawagan ang kuya niya ( bruho in law) at sinabing nawawala daw yung mga kids!  "Kuya, andito sila ( name of kids) sunduin mo na sa akin, kasama niyo ba sila? Andito sila eh! Nawawala sila"

Hello! Bakit di niya muna tinanong mga kids bago siya nag panic mode? Tsaka niya tinanong AFTER the phone call to his brother, kung sino kasama. Sinabi naman ng kids, na kasama kami, at nagpakita lang sa kanila, kasi nga naririnig nila boses nung pinsan nila. Etong bruhang ito, bingo bonanza na eh! Dami na niyang ginawang paninira. Buti na lang at  tumawag si ate and nag confirm sa amin kung ano totoong nangyari. Kasi duda siya sa bunganga ng hipag, na gustong gusto ko ng tahiin para tumigil na.

So ngayon, official na civil war na family namin and them. Si mama ko na kasi ang ginawaan nila ng ganyan. Eh di nakatikim sila kay mama ko. Mother vs Mother na ang labanan.

Tama na, ilang beses na kaming ginagawaan ng ganito ng side nila. Pwede na bang mag saulian na ng kandila at wag ng mag pakilamanan at mag usap na?   Humantong na lang sa point na sagad na. Sinagad na kami.  Please! Cut all ties with them. Nagsimula yan na paninira na di namin pinapakain katulong namin, kino kolektahan ng inumin sa other tables. Please, ask our former  maids if that is what we do to them? Eh, matagal na kaming walang katulong, pero mga anak ng mga naging katulong namin ka facebook friends namin!  Pinadadalaw namin dito. When my Dad died, lahat sila nakiramay. Si Inday, iyak ng iyak nung nalaman na wala na si papa. Yun ba ang malupit sa kapwa?   Yan ba ang di nagpapakain ng mga katulong? Bumabalik sa amin at nakikiramay?  We are still pretty close with their family. Kaya ang sarap tahiin ang bunganga ng sister in law niya at ang daming nalalamang basura! Tapos yung nanay naman ngayon,nanunumbat naman ng kung ano ano, wala naman sa issue na dapat tina tackle. Please! Lets just sever the ties with them. Lech!

Lahat ng katulong sila ang nirereklamo, all 7-8 confrontations na nangyari! Sila ang source ng pag aawayan. No wonder sinapak siya ng sarili niyang pinsang lalake.. At kasapak sapak naman talaga ang ugali!   ( siguro siniraan din sila!) pinsang buo pa niya. Anak ng kapatid ng tatay niya. ( well, Iam NOT surprised at all) and most likely, ako rin may sinabi siyang di totoo sa kuya niya as his brother became icy cold sa akin, na di ko maintindihan bakit. When I asked why, wala naman masabing reason kung bakit! Kaya di sila kawalan kung putulin na kung ano mang relasyon sa kanila. Si ate, dumadaing na rin sa mga ugali nila. Di ka take take!  Ready na ready na ako silang di kilalanin!
« Last Edit: June 11, 2016, 10:22:11 pm by hazelbrown_eyes27 »

Purple_Power

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #549 on: June 12, 2016, 10:46:22 pm »
^Curious ako, anong ugali ng asawa ng Ate mo?

Ang masasabi ko if the spouse is already horrible of course sa kanya pa lang nakakatakot nang mag-asawa. Pero kung mga monsters in laws lang hindi pa natin masasabing nakakatakot mag-asawa ang masasabi ko lang don't ever dare living with them. But if both of them are already horrible aba dapat lang mag-isip isip na lalo na kung panig ang asawa sa pamilya niya laban sa sariling asawa eh! masasabi ko hindi na ito recommended for marriage. Paulit ulit ko lang rin sasabihin na pakasalan na lang rin niya pamilya niya kung ibang tao lang rin naman ang trato sa naging karelasyon niya.

Sino ba yung bruho in law na sinasabi mo? yung asawa ng Ate mo?

Too bad umabot na sa confrontation ang mother mo sa monster in law.

As I mentioned on my post ang parents ko asar rin sa Lola ni hubby lalo na yung Papa ko. Hindi lang nila pinatulan pa. Lalo na my mom will never stoop down on the level of my hubby's granny.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #550 on: June 17, 2016, 12:36:16 am »
^ yes, Bruho in law is the hubby of my ate. 

Ugali niya? Kasing ewan ng pamilya niya. He easily believes what his sister says. Parang walang sariling isip. Nagagalit agad, without really knowing the real score. Dati, okay kami. Pero, bigla na lang siya nag turn cold. So, I asked my ate,if may nagawa ba ako sa asawa niya bakit nag iba ang treatment sa akin.So, she asked him. Wala naman daw siyang problem sa akin. Wala lang daw kaming " common denominator" or common interest. Pero, if you're me. Mararamdaman mo na its more than what he is saying. Before, binabati ko pa siya pag Father's day, or if birthday niya. I greet him. Pero, napapansin ko, parang he's pretending na di niya narinig. Magkaharap kami sa table. My sister would still have to nudge him " happy birthday daw!" Then, he'd say.. " ah, thanks." Then, mga tra transfer sa ibang lugar.  Hanggang sa, nagsawa na ako. Pero, kapag birthday ko, at inimvite siya, wala, lamon lang ng lamon. He'd pretend he doesnt know its my birthday. Kahit na binabati na ako ng mga relatives namin ah. Kaya di kapani paniwala eh.

Ngayon, kahit ate ko, pansin na pag kami nag kakamali, big deal sa asawa niya. " bakit ganyan ang pamilya mo?! Etc..." Pag pamilya niya ang nag kakamali.. Wala kang marinig sa kanya. Okay lang. Sila lang may karapatan pumalpak. Pag kami.. Kaunting mali.. Parang karumal dumal na ginawa namin. Unacceptable!   

Once, bruho in law went to Japan for work. My sister followed after, nag extend sila for a short vacation. When they came back from that short vacation and resumed to work, they asked me to look after their kids..( umuwi din sa province yaya nila for a wedding)  so, 3 weeks ako nag bantay. Si ate, sabi niya before they left for work, pwede ko ipark car ko sa loob ng garage para di mainitan sa labas ng garage kotse ko. Since gabi pa naman sila uuwi. So, okay. Ate ko muna yung pumasok. Then, after a while, akala ko papasok na ang bruhildo, I went out to move the car para maka labas siya ng garage. Nephew ko, he went outside to open the gate, when he peeped outside to me.. and told me.." tita, daddy doesnt want you to park your car inside the garage."
Pucha di ba?  You asked me to look after your kids while you are out for 3 whole weeks! Ipark ko lang kotse ko sa garage para di mainit pag pumasok ako pag uwi, ipagdadamot niya.  Di ko naman pinagpilitan ipark ko doon kotse ko, inoffer ng ate ko. So, puro na lang dapat at your advantage? Kayo lang dapat ang makinabang? Pag kami, hindi pwede ikaw mag bigay?   Yan ang ugali ng bruho in law.

Ngayon, sila na ang mag hatid sundo sa anak nila. Ayaw ko na! Hanggat di umaayos ang ugali ng asawa niya.. Bahala sila!  Paano ka ba naman gaganahan pag ganyan ugali ng brother in law mo? Ngayon, ayan. Lumala na.

Oo nga pala! Duplex ang bahay nila.Different gates, pero sharing the same backyard.. ( used to be!) napuno na ate ko sa ugali ng in laws niya, na di matuto tuto, ilang beses na sinabihan wag ipalapit aso sa niece ko,since may asthma.. Walang pumapasok sa utak nila. Kami ang nag tatakbo sa ER, pag inaatake mga kids.. Dahil sa kanila sa pamilya nila! ( wala silang narinig sa amin. Ngayon na lang.. Naghahamon kasi ang nanay ni bruho in law na mag kwentahan ng nagawa.)  ayan, pinalagyan ng sementadong PADER, yung pagitan nila sa likod. 

Pamilyang ewan talaga!  Nasa dugo na ata yan.
Sabi ni ate " hayaan mo na, weirdo talaga sila. Ma stre stress ka lang"

Pero grabe! Ayan, ka hahayaan.. Lumala. Mas stressful ang nangyari. Pero aminado siya may kakaibang ugali asawa niya and ang in laws niya. 

Alam naman ni hubby, na ilang si ate sa mga "
Nakiki hiram, nakiki lagay" so, reklamo ni ate pag dine defrost daw ref ng in laws, lahat ng laman ng ref sa kabila, nakasiksik sa kanila. Hindi nag papaalam ah, makikita na lang niya wala ng mailagay sa loob ng ref, kasi nakatambak ang laman ng ref ng in laws sa ref nila. Walang magawa si lalake. Sa kanila nakiki hiram ng itlog, kamatis, patatas.. Pero hiram na wala ng saulian.

Pero, okay lang kay lalake. Pag kami, once in a blue moon lang mag ask ng favor, he never agreed, and said yes. Pero sila.. Hingi ng hingi ng pabor!  ( lalo na pag my sister goes to Malaysia for work) I ask his permission. Wala ako maalalang ni isa, pumayag siya. Kaya ngayon, nagdadahilan na ako. Iam just sooo FED UP!:(
« Last Edit: June 17, 2016, 12:56:13 am by hazelbrown_eyes27 »

cutemama

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #551 on: June 17, 2016, 04:52:45 pm »
lately lang to pero petty lang naman parang na HB lang ako deep inside.. hehe 1 week na kasi kaming walang helper kasi pinauwi na ng asawa yung helper namin.

and sa grocery, ugali na namin mag grocery for the week, naka plano na yan, may list ako what to cook in a day, example monday-pork sinigang, tuesday-daing na bangus and ginisang sayote, Wed-ginataang manok... basta ganyan nakaplan na para di na ko tatanungin ng helper ano lulutuin penge pambili, kasi pag evryday ang grocery ang tendency di na binabalik ang sukli and mas magastos.

yung parents in law ko, mabait naman and concern lang talaga sila samin, pumupunta sila samin kasi 3rd flr lang sila nakatira, yun MIL ko pinagluluto nila kami ng kanin (kasi di kami marunong mag saing ni hubby, sira kasi rice cooker namin). Nahihiya na nga kami sa kanila.

ang ayaw ko lang sa kanila hindi sila marunong mag tipid as in uubusin ata grocery namin sa bahay haha.. yung kanin nga dami sinasaing eh yung hubby ko lang naman yung nasa house ang yung sister ko na college student on diet pa yun,. ako nasa work di naman ako kumakain na dun. yung 3 trays of egg namin bilis maubos, pati mantika as in.

tapos yesterday pag gising ni hubby may nakahanda ng food, niluto ni MIL, take note dalawa lang sila ng sister ko sa house, aba ang niluto ba naman ay isang kilong adobong manok, 2 pcs daing na bangus (whole fish ha) and 5 pcs tortang talong. hahah naloka si hubby sabi bakit ang dami naman, sabi ni MIL hanggang gabi niyo na yan, kasi di nga marunong magluto hubby and sister ko. natatawa na lang si hubby.

pinagalitan pa siya ng daddy niya, masyado daw kasi kami matipid, sila kasi sanay sila laging 3 ang ulam dapat everyday. 
pero overall okey naman sila, mabait naman sila sakin, yung lang talaga problema sa kanila hindi marunong magtipid, pati nga mga SILs ko nawiwindang sa magulang nila kasi super gastos lalo na sa food eh matatanda na kailangan diet na.. ang reason naman nila eh matatanda na nga daw sila konting taon na lang itatagal sa mundo titipirin pa ba daw ba  nila sarili nila.

lilsaintsm0m

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #552 on: September 26, 2016, 09:03:32 am »
Wala akong mapag share ng problems ko tungkol sa mga  inlaws and my hubbys relatives so dito  nalang. Iniisp ata nung.mga kamag anak ng asawa ko anti social ako Lagi akong pinapupunta sa Province invited sa.mga gatherings pero dahil wala ang hubby.ko Hindi ako pumupunta. I.am not close with other relatives in the.province, my.inlaws are based in the US so pag pumunta ako.doon makikitulog kami ng anak ko in someones house. Eh nasa abroad.ang.hubby ko kaya ayaw kong pumunta. Is it me? How about you girls pupunta ba kayo.sa gatherings without the hubby?

sarsingkit

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #553 on: September 27, 2016, 12:38:51 am »
^I do, basta pwede ako. Pero hindi overnight. Usually pag dinner lang.

Purple_Power

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #554 on: September 28, 2016, 01:22:20 am »
^^Depende!!! Kapag close ko then why not, pero pag hindi then hindi ko type magpunta.

lilsaintsm0m

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #555 on: September 29, 2016, 06:45:57 am »
I would to, if small.dinner lang and if here lang sa manila. Problem is I have to travel pa sa province at ang gatherings nila super dami I barely even know most of them and I'll be wondering whom to greet and give respect to. Diba sa probinsya kung sino sino ang invited minsan hindi pa kamaganak. I am not with hubby to introduce me sa mga tao, walang bubulong sakin kung sino kausap ko. Funny lang but its true. Imagine going to party na hindi mo kilala mga tao. Thats how I feel. Worst part hndi lang overnight they require you to stay for a couple of days. My hubby understands naman kaya he is the one to decline invitations.

sakura30

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #556 on: September 29, 2016, 10:13:06 am »
If it's a big gathering just like what you described, hindi rin ako pupunta ng wala si hubby. Parang ang awkward kase. Tapos days pa. Pero like the other ladies here, if it's a small dinner, why not. :)

shinies

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #557 on: September 30, 2016, 04:10:26 pm »
1. Pera - lagi daw wala silang pera pero mahilig humingi ng mga luho nila sa mga anak
mahilig din magreklamo na wala sila pera kahit na sila naman may kasalanan bakit nagkaganun sila
2. Religion - namimilit si MIL
3. Social Media - overposting susko pati ID namin pinost nung minsan >:(

bluewingedangel

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #558 on: January 16, 2017, 09:21:53 pm »
Ma-share ko lang, ang bigat bigat ng loob ko sa tita ni hubby.  Sa isang family gathering nila the other day, ipinakilala nya lahat ng anak nya sa ibang relatives as, heto si X - ayan may bagong baby, eto naman si Y- binata na ang anak at heto (sabay turo sa amin ni hubby) mga walang anak. Yung relative nila na awkward pa, buti na lang may pinag aralan, sabi na lang "ok lang subok lang ng subok, at ano naman ngayon kung wala ang importante nagmamahalan sila."  Di ko na pinansin [textspeak!] bruhang tita ni hubby. As in napaiyak talaga ako after the party, totoo namang wala kaming anak, pero hindi naman ako manhid. Napakasakit kasi alam naman ng tita nya na nagka cancer ako before (Thank God, wala na ngayon) so medically impossible na magka baby na kami ni hubby lalo nat marami na akong surgeries and radiation therapy.  Eto naman si hubby, wag ko daw dibdibin at rude naman ang tita nya dati pa, hindi naman daw nya narinig.  Haller, sana man lang kausapin nya or something.  Alam ko ayaw ni hubby ng conflict kasi chismosa at inggitera yung tita nya pero sana maka "tikim" din naman paminsan sa kanya at hindi na lang puro pasaring ang gawin sa amin.  Hay, umasa sya next time na mag imbita sya, hindi nya na makikita ni anino ko!!! Hindi ko na siya bibigyan ng pagkakataon na maliitin kami dahil yun at yun lang ang litanya sa akin.

PS. sana man lang klaro ang introduction din nya para sa mga anak nya, like heto si X- pangalawang panganay na naman nya. heto si Y - ibang lalaki na naman kinakasama, yung panganay binata na at matanda na pero 2nd year HS pa rin kasi bulakbol yung kapatid nandun sa ama at di nakikita ng ina. hay, talagang wala lang ako masabihan, pag sinabi ko sa mama ko at papa ko tiyak magagalit sila sa sobrang insensitivity ng tita nya.
« Last Edit: January 16, 2017, 10:28:36 pm by bluewingedangel »

ultimatehousewife

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #559 on: January 17, 2017, 03:22:36 pm »
^ nakakaloka naman ang tita na yan bluewingedangel  sarap patulan ha.

The next time na she does that, sabihin mo na wala naman problema e. Wala namang perfect sa mundo. Tsaka di pa namin time.

Wala naman ako problema sa in laws ko. Yun lang, i keep my distance para walang masabi. Mahirap kasi na chummy chummy e. Baka masyado mag expect na you will treat them the way that their own children treat them.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close