watch now

Author Topic: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2  (Read 130156 times)

sistah!

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #380 on: June 04, 2013, 02:43:02 pm »
this is a small issue lang naman and since I don't live with my in laws, hindi naman ako masyado bothered except when we go to their place.

sobra nilang tipid na minsan I feel like it's the kind of misplaced thriftiness that I don't understand. they turn off the fridge, the water dispenser, microwave, even the internet router all the time. they always say kasi wala naman gumagamit, etc etc. I kinda get the point but I don't understand why they keep 2 kinds of fridge (a big one that they only use during seasons of plentiful food like Christmas or birthday times pag marami kailangan grocery) and a small one that they use on a regular basis pero grabe sa sikip ng laman kasi pinagpipilitan pagkasyahin kasi maliit. pero grabe, parang feeling ko double time yung motor ng ref para lumamig yung loob. they never have cold or hot water in their house so if you want water, it's warm water. for hot water, magpapakulo pa sila if you want coffee. this is because they don't want the water dispenser to be turned on kasi gastos daw.if you want to warm up some food, you have to plug the microwave or use the stove top. I think it's just frustrating for me kasi pag nagmamadali ka na, or if summer and you want water, asa pa na makahanap ka ng malamig na tubig.

I guess everyone has their own way of doing things. when my husband and I moved in, he insisted onturning off the water dispenser din. awa ng dios, because I insist on having cold water when I want it, because it was turned on, turned off, sandal lang nasira na yung dispenser. my inlaws made a comment pa daw before as to why we have a big fridge eh 2 lang kami (this was before we had a baby). buti they did not make that comment to me kasi hello, regalo kaya ng daddy ko yung ref na yun. nakakaloka lang.

when we invite them to go out with us to dinner, I get the sense that they are dismayed that we go to restaurants instead of cooking at home. it has become a running joke na rin how bad I am in the kitchen. but to me, when we celebrate something, it's better to go to a resto. you pick the food, someone cooks and serves it, you don't have to clean up. kesa naman pakahirap ka sa kusina magluto buong araw tapos ikaw pa magliligpit. sa kanila, it's always such a waste.

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #381 on: June 06, 2013, 04:29:49 pm »
Sis sistah! Opinion ko lang naman sis,kuripot naman yata ng byenan mo,tapos medyo weird yung sa paggamit ng ref hihi ;D

alam mo sis naka relate ako sayo,pero di ko alam kung same attitude in-laws mo sa akin,si MIL kasi madamot yon,palagi ha.kaya kahit may tao,may bisitang kapamilya,wala ka mahagilap na cold water,o pagkain man lang ;D
ang ref 2 rin,isang bago at luma,naku sis yung luma ang gamit-gamit,kasi raw aksaya rin kuryente yung malaking ref,wala ka makitang stock ng lulutoin sa bagong ref kahit na may sustento naman sa sister ni hubby,paano,binubulsa niya ng pera kahit may pera siya >:( sa food rin naman pag kakain ka,ihahain sayo mga tira na ulam na titimplahan o dagdagan na lang ng sabaw,kakainis.

pag dumalaw naman dito sa amin ni hubby,controlling naman,marunong pa sa akin eh sa isip ko,ako ang Reyna dito :P teritoryo ko ito,sinasabi wag na ko mag abala mag luto dahil hindi importante pagkain,tapos yun pala may dala kasing lutong ulam na halos idikit na sa mukha mo pag iaalok sayo ;D gusto kasi kahit saan sila pumunta,siya/sila ang masunod at bida,buti na lang di na sila dalaw dito,kasi sakit lang sila sa ulo,isang baranggay pa sila kung magpunta,mga nagkakalat pa.. :P

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #382 on: June 21, 2013, 10:29:37 pm »
haha ako pala yung bhuling sumagot dati,pwes may idagdag ako haha >:(

dati year 2009 balak kami tulungan ni SIL para sa rent-to-own na bahay,tapos sumama pa sila ng asawa niya dun sa bahay para makita kung worth it,tapos biglang hindi na kami tinulungan,madalas pag naalala nila ang sinasabi mahal raw kasi.hindi naman kasi nila alam yung sitwasyon ni hubby na ang pinili namin na bahay yung hindi ganun kalayo sa trabaho ni hubby,ang gusto kasi nila sa bandang Bulacan,or yung medyo probinsya para mura,sila kasi mga self-employed lahat,si hubby lang ang hindi,syempre kahit na bumyahe sila nandun lang yung negosyo nila,malapit sa kanila,sa amin iba sitwasyon.

so ayun nga dumaan ang panahon,ayaw na kami tulungan,siguro iniisip nila na hindi kami magbabayad >:( kahapon yung BIL kong hiwalay sa asawa dahil niloko ng asawa,na mabilis naka move-on at may gf na ngayon eh nag post ng picture sa facebook,naiinggit lang kami ni hubby..kasi siya ang tutulungan ni SIL para makabili ng house and lot..eh kung tutuusin paano gagawin niya don,2 anak niya,twice a month lang ang uwi niya sa bahay tapos yung naging gf niya may 1 anak rin tapos dinadalaw-dalaw rin nung hapon na tatay nung bata..yun lang sabi ni hubby bakit raw ganun,naiinggit siya kasi si BIL dun naman nakatira sa parents nila,okay naman..sana raw yung ate niya naisip na kami muna ang tulungan dahil una,bunso si hubby,siya na lang ang walang bahay  :( lahat ng kapatid niya may bahay na eh,itong si BIL iniwan na muna yung bahay nila sa province dahil ibebenta kasi hiwalay na sa asawa niya,saka kung titignan,kami lang ni hubby yung talagang mahirap sitwasyon :( naiinis lang ako na nalulungkot,na bakit ganun,kami matagal ng nakikiusap,parang pag kami ayaw,pero sa ibang kapatid ang bilis tumulong..naisip ko na lang rin okay na rin siguro na wag kami tulungan,kasi sa kanila kasi ang style,pag nandyan yung ate ni hubby saka yung bigtime na asawa nun,lagi kaming parang nahihiya-hiya,lalo na sila,kasi madami na naitulong sa kanila yon,sila yun laging pinakikisamahan,lahat ng sabhin nila nasusunod,syempre ayoko tumanaw ng utang na loob sa ganun klase ng tao,kaya naisip ko di bale susuwertehin rin kami ng asawa ko pagtagal..
« Last Edit: June 21, 2013, 10:33:52 pm by fairywinkle79122 »

khriseeee

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #383 on: June 22, 2013, 01:54:45 am »
sistah We don't keep our water dispenser plugged in also. If we want cool water we get ice. I don't drink much hot drinks so no point in keep cold and hot water on all the time.

We also pull out the plugs for appliances we won't use - TV, microwave, toaster, electric fan. They all consume some energy even when not in use. It saves money and saves electricity.

I dunno that's just how we were raised and I don't see anything wrong with it.

sarsingkit

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #384 on: June 22, 2013, 11:11:08 am »
^^unfair naman ata to the sister na just because she changed her mind eh parang pangit na yung tingin nyo sa kanya. Its her money so its her choice diba. walang kapalit ang sarap sa pakiramdam ang makapagpundar ng walang tulong from anyone, not even from your parents.

little_princess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #385 on: June 22, 2013, 12:43:40 pm »
MIL and F-IL are separated and one thing that i don't like is how much of a filthy mess the house is kasi MIL moved out na. We left some stuff in their place for a month and pagbalik namin super baho na to the point na even if i air it out, ang baho talaga.

even his car is super dirty. as in kadiri, i wince when i ride with them. even si hubby nadiri.

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #386 on: June 23, 2013, 11:20:49 am »
sila naman yung unfair eh.totoo namn kasi,pag kami ang hihingi ng tulong sasabhin walang pera,baka hindi namin kaya.....pero pag yung ibang kapatid niya,nagbibigay agad,nililihim pa,“secret” daw pero nakakarating samin..alam ko naman kung bakit eh,talagang iniisip nilang hindi kami makaka bayad.oo nga choice naman niya tulungan kung sinong gusto niya pero halata kasi kung sinong “favorite” tulungan..pag naman may kailangan i-utos dito,pagawa ng pagawa ng kung ano-ano..ako naman di masyadong inggit,si hubby lang,kasi kapatid niya yun,nagtataka lang siya kasi bakit ganun,sa kanilang lima,lahat stable na,self-employed yung 4,may mga pera..tapos si hubby yung bunso,sabi niya,siya yung regular na empleyado,umuupa ng bahay,minsan delayed sweldo,nangungtutang,tapos pag siya hihingi ng tulong,sasabhin wala daw hehe.sabi ko nga wag na damdamin,magsikap na lang kami kasi lumaki ko na umaasa,ayoko maging ganun kami.

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #387 on: June 25, 2013, 12:41:42 pm »
sila na nga bibigyan ng bahay at lupa,gusto pa mauna sa garden wedding..hoy BIL mag file ka muna ng annulment sa una mong asawa.grabe naman tong bago mong gf sabik na sabik sayo,nabanggit ko lang na nag iipon kami ng budget pang garden wedding,wag daw muna kami ng hubby ko,sila raw muna..hahaha!sabi ko target namin in 2 years,ang sagot nung girl sila raw muna.talagang madaling madali na masungkit si BIL..ang sabi niyo kagabi papasyal kayo,so 10pm na,tapos na nga visiting hours,ginawan na ng paraan,aba prepared pala kayo kasi may dala kayong damit,matutulog pala dito,hindi papasyal >:( amoy alak pupunta dito,binibigyan ng tsinelas panloob dahil bawal outdoor shoes dito at may toddler,mga walang pakialam,tapos nasa sofa kaharap ang toddler ko,“naglalampongan” kayo,sa harap namin ng anak ko! di kayo nahiya,sana sa motel kayo nagpunta o sa hotel man lang..mga B.S.

sistah!

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #388 on: June 27, 2013, 10:16:33 am »
sis khriseee, I guess there's nothing wrong with it nga. I am just not used to it because our water dispenser is turned on all the time. no need for ice because we have cold water always. I just find it rather odd that they never turn them on even when they have guests so they always serve warm water. di man lang lagyan ng ice. they have all these appliances -- oven, microwave, toaster -- pero they don't really get used because gastos daw. one time we were there, my husband wanted to eat so he helped himself to some food and he was trying to find a socket to plug the microwave but he couldn't find one near kasi ang daming gamit na patong patong sa kitchen. sabi sa kanya ng MIL ko, heat na lang sa stove. syempre hassle kaya wag na lang. ewan ko nahahasle lang ako sa kakuriputan nila.

rhed

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #389 on: June 27, 2013, 11:23:12 am »
^ hi sistah! baligtad naman tayo I'm irritated with my in-laws kasi lahat ng appliances sa bahay nila nakasaksak kahit hindi ginagamit. same with sis khriseee, we were reaised to unplug everything when not in use for safety purposes too esp mga electric fans and microwave oven which are the usual causes of fire. and we don't have a dispenser at my parents home, for cold water we stocked them sa ref and for hot water we have a thermos :) malakas din sa kuryente ang dispenser kasi :) but then again that's us :)

jmljoven

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #390 on: July 10, 2013, 11:07:01 am »
Share ko lang mga sis... This happened last April.

Si yaya kasi nagsumbong sa akin, hinihipuan daw sya ng father in law ko and this time sa dede na niya. Pero medyo confused din si yaya kung joke lang ba yun or totoo. So nakiusap sya sa akin na kung pwede wag na sya sumama everytime pupunta kami sa house ng inlaws ko. At first, parang di ako makapaniwala...

Then I remembered, dun sa previous yaya ko, meron kasi akong nabasa na sulat dati na ayaw na ayaw daw nila magpunta dun sa house ng father in law ko kasi manyak daw. But they never confided naman to me regarding this. So I called up the previous yaya to ask and she told me na kaya daw lagi sila nag alibi dati na di sila makakasama dun sa house ng father in law ko is because hinihipuan daw sila. E di bale tatlo na silang nagsabi nun sa akin.

And this week lang, tumawag yung MIL ko sa akin. May sasabihin daw sa akin regarding kay yaya. Kesyo yung yaya ko daw malandi. Then pinakausap ako sa father in law ko, sabi niya inakit daw sya ni yaya kaya niya pinatulan pero wala naman daw nangyari sa kanila kasi old na etong father in law  ko and wala ng capacity... So I asked him, bakit ngayon lang niya sinabi? E yung first time 5 months ago na. Ang reason pa sa akin, sayang daw kasi ng binayad namin sa agency... So sabi ko, e di po ba alam nyo naman na replaceable si yaya. Yun pa nga po and una nyong tanong sa akin kung pwede palitan pag di namin gusto. Tapos di nakasagot father in law ko. Sabi na lang niya, kasi nadadamay na anak ko. Sabi daw kasi ni yaya sa kanya magsusumbong daw sya sa BIL ko kasi bf niya yun.

According sa kwento ni yaya, twice na daw sya nahipuan ni father in law. Yung una sa husband ko sya nagsumbong. Eh eto naman si hubby, di naniwala kaya di na sinabi sa akin. Tapos nga etong 2nd time, sa akin na sya nagsabi.

Ang sama sama talaga ng loob ko sa father in law ko. Imagine, pag out of the country ako, pinapakiusapan pa naman namin sya na magstay sa house... Yun pala nagtake advantage sya sa mga maids ko. Love na love ko sila dati kaya nga ako pa nagoorganize ng birthday celeb nila. Tapos ako pa nagsasabi kay hubby na bili kami ng pang bp para mamonitor nila bp nila since pareho silang high blood. Pati kung ano pangangailangan nila, binibigay namin. Everytime pupunta kami dun, sinasabihan kami ng MIL ko na kelangan bumili kami ng kakainin namin, na okay lang naman yun saken kahit na alam ko pareho naman silang may pera at wala na silang pinapaaral.

So after this incident, medyo tinabangan nako sa kanila. Nung umatend kami ng wedding ng BIL ko, aba ang MIL ko mega tanong, kung pinaalis ko na daw ba si yaya. Sabi ko andun pa, kasi okay naman sya samin. Ganun katipid yung sagot ko. Tapos eto na, gumawa na ng kwento at ang sabi kay hubby, di daw nya gusto pananalita ko tungkol sa father in law ko. Kesyo kala daw ba nya matalino ako, eh bakit daw si yaya pa pinapaniwalaan ko. Tapos sabi pa, kasalanan ko daw bat nangyari yun kasi ako nagpapapunta sa father in law ko sa bahay. Kaloka talaga.

Tapos eto, drama #2 na naman yung MIL ko. Mega iyak nung tumawag kay hubby. Bakit daw di namin sila pinapapunta sa pinapagawang bahay eh pwede naman daw bantayan yun ni father in law . Sabi ni hubby, eh ang lapit lang sa amin nung bahay kaya everyday napupuntahan namin. Sila from fairview pa, kami from taguig tapos nasa taguig lang din yung pinapagawa namin na house. Sabi ko sa hubby ko, magalit sya kung nasa fairview yung house tapos di namin sila pinapapunta. Tsaka bakit ko sila sasabihan na magpunta dun, eh yung nangyari nga sa yaya ko eh ako pa may kasalanan kasi pinapapunta ko father in law ko. Hayyy naku nakakainit ng ulo... Pasensya na napahaba.
« Last Edit: July 10, 2013, 11:10:19 am by jmljoven »

Misis_Maku

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #391 on: July 10, 2013, 12:11:10 pm »
@jmljoven ang scary naman ng father-in-law mo... tsk, tsk...

@sistah! weird nga in-laws mo. hahaha! sana di na lang sila bumili ng appliances mas sayang kung hindi naman pala nami-meet purpose ng mga gamit nila sa bahay.

Ako naman hindi ko nakakasama mga in-laws ko since geographically malayo kami sa kanila. Pero ayoko lang yung thought na lahat ng financial expenses inaasa nila sa mister ko and hindi man lang sila marunong mag-budget!  ??? Sana lang maisip nila, lalo na't malapit na kami magka-baby na hinay-hinayin naman yung binibigay sa kanila na sustento monthly. Tapos si father-in-law pa ang hilig sa yosi at inom... kaya buwisit na buwisit mister ko,e. Anyway, I think I have to deal with it kasi it seems like forever nila kakailanganin ng help ng asawa ko.  :( I feel bad for my husband pero hindi ko din naman alam ano maitutulong ko sa family nya, binigyan na nya ng business pero mukhang hindi naman inaayos. Dagdag pa yung kapatid nya na walang stable na job at kasama din sa expenses nya. Hay!




fairywinkle79122

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #392 on: July 12, 2013, 03:59:27 pm »
bagay na ayoko sa isang SIL ko,yung pag nakakasakit ng kapwa bata yung isang anak niya,hindi man lang pagsabihan ng maayos.nakakapikon dahil yung anak niya may pagka salbahe naman talaga.ilang school na ang nag pull-out dahil suko from first day of school pa lang dahil nannkit kasi yung anak niya,kahit nga yaya walang tumagalexcept sa yaya ngayon matiyaga..special child kasi yun,grade 1 pero may multiple intelligence daw,wala na raw ituturo yung teacher..okay naman,kaso hyper,,masyadong bossy sa mga playmates,yun tipong nakita niya yung toy,kukunin sayo tapos sisirain niya >:( or kung di masira,i-disassemble niya yung nilalaro tapos mang tutulak pa,yung mga naglalaro kasama anak ko puro 2 years old,mas bata sa kanya,tinutulak niya..alam ko naman hindi gusto ng kahit sino na ganun yung anak mo,pero wag mong kunsintihin dahil nakaka inis.kung ako nanay nun pinalo ko man lang sa kamay o pagsabihan ng matino,napaka mahinhin kasi pag kinausap yung bata,hindi naman nakikinig..hindi man lang marunong na mag cover ng mouth,pag ubo,ma-ubohan mga kalaro na parang sinasadya..yung ipad ko ginagamit ko,biglang kinuha,dedma lang sila,hinahayaan lang..kaya mainit dugo ko sa btang yun..laging sinasaktan yung anak ko,hindi naan lagi magpapsensya ka dahil hindi man lang nila pinagsasabihan,kaya lumalaki lalong “salbahe” >:(

BDJ

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #393 on: May 02, 2014, 06:56:58 am »
Good thing there's a thread like this. Naimbyerna rin ako sa IL ko although grannie na siya. I've tried to understand pero napuno rin ako sa kanya. Akala ko pa naman kaya siya matapang just because she is really objective pero yun pala wala rin sa hulog, puro kahinaan rin sa emosyon ang umiiral.

She keeps on bragging about her hardship before which is hindi naman kailangan, tapos compare pa to us na wala kaming alam at yung mga ginagawa namin ngayon walang wala sa pinaghirapan niya. Kung ganun pala eh di sana nagbunga ng maayos yung hardship niya?  ::)

Puro siya expectations sa mga tao kay sa mga anak, apo pati sa akin as in law. She should know na expecting will mean disappointment.

Advises niya are always contradicting.

She is also bragging when giving advise to others may bayad pero sa amin wala. We didn't ask for her unsolicited advise in the first place.  :o And as part of the family she is obliged to do that. Kasi she is projecting na marunong nga siya eh!

She is commenting much about other people including about my family kesyo raw yung Nanay ko sinisiraan raw yung anak niya about her life in USA. It only reflects to me that she is the one who has a big problem not us.  ;D

I observed na because panay ang panlilibak niya sa kapwa niya tapos yung sarili niya pinapabango niya nang husto parang bumabalik lang sa kanya yung nagiging matapuhin to the highest level na hindi naman inappropriate. May sabihin ka lang ng maayos binibigyan na niya ng masamang kahulugan.

Her foul languages bothers me that much. I find her as asal squatter the way she talks pero educated naman siya kahit na ba hindi tapos. Mahilig mambastos pero siya itong begging for respect. I have this feeling na she is just making excuse of being old.

outandaboutph

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #394 on: May 02, 2014, 08:39:57 am »
Never ko na-imagine na magkakaroon kami ng conflicts ng IL ko pero it happened. I came to a point na ayoko na suko na ako, feeling ko mas mabuti pang makipaghiwalay kay hubby para lang magkaroon ako ng peace of mind ulit. Nawalan na kasi ako ng amor eh sa kanilang lahat, minsana naramdaman ko naman na they're trying kaya lang kasi until now, parang hindi parin nila alam if ano ng mga limitations nila now na may asawa ng anak/brother nila.

Isa pang nakakadisappoint, lagi ko naririnig from hubby and his parents iyong sentence na "let's do it para sa family natin." They plan things na para sa pamilya nila. Paano naman ako and ang magiging baby namin ni hubby? I am really trying to understand. Inisip ko na lang na baka ganyan sila kasi nga si father in law working abroad, so may mga plans sila na after niya magretire nakatira sila lahat sa isang malaking house sama-sama --  para mabawi iyong mga years na malayo sila sa isa't isa. Although naiintindihan ko, parang for me, may mali parin.

BDJ

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #395 on: May 02, 2014, 12:29:33 pm »
^yung mismong MIL ko nasa abroad rin tapos si hubby nakapetition. Long story pa pero honestly hindi pa niya alam na I am preggy and mag asawa na kami. Nabasa ko lang yung conversation na my MIL likes my hubby na magpunta na ng US tapos gusto na nilang magsama. Tapos napaisip rin si hubby like mauna muna siya then susunod na kami ng kid. I told my hubby already that I don't like being with her kung yung sa grannie pa nga lang nakakaimbyerna na paano pa itong mother? My mom even told me na parang hahawakan rin kami sa leeg run. We know that dahil yan ang relatives ko. I understand kung gusto nilang magsama silang muli as family but too late her son has her own family that needs to prioritize. Pag naramdaman ko nga na this year habang andyan ang kid eh hindi pa rin kami independent, mapipilitan akong ipa abroad ang hubby ko pero hindi sa US then titira na lang ako with the kid sa family ko kapag nakapag abroad siya.

outandaboutph

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #396 on: May 02, 2014, 04:03:49 pm »
^paano sis pagpunta niya sa US, as single parin ba? Nagkaproblem kasi diyan in-laws ko eh, noong first time umalis ni father in law, dineclare niya na single siya but mayroon na silang 1 anak that time and married narin.

Bakit pala hindi pa alam ni MIL ang tungkol sa inyo?

Ang hirap nga sis talaga like noong newly wed pa lang kami nandito si father in law. Lagi sinusundo ni MIL si hubby, na samahan father niya para makapagbonding sila. Hinayaan ko na lang pero start pa lang ng marriage namin naramdaman ko na kakaiba talaga like lagi kang maiiwan kasi nga kailangan puntahan ni hubby mom and sister niya kasi nga wala si father in law to protect them. So ang nangyayari, feeling ko which I really hate talaga, parang kabit lang ako, lagi naiiwan mag isa and uuwian lang kung kailan gusto. At walang karapatang magdamdam kasi nga family niya naman pinupuntahan niya di ba.

BDJ

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #397 on: May 03, 2014, 12:24:05 am »
^ang sinasabi ng Tita ko pwede naman raw mapetition hubby kahit married na. Pero ang Cityhall naman sinabi na magkakakaso raw siya kapag married tapos tinuloy niya petition. Though seriously kahit si hubby is not interested na to go in USA. Alam rin niya siempre what his mother can do. Ni grannie nga na mismong itong ina ayaw rin eh! Well nakapetition rin siya.

Hindi pinapaalam ng hubby ko to MIL kasi nakapetition siya, eh sobrang mahal pala yung pagprocess. Ang payo kay Hubby huwag biglain si MIL dahil baka himatayin.  ;D One time nga tumawag sa bahay kamuntikan ko nang sagutin pero I have this feeling na baka si MIL nga yun kasi simula naman ng tumira ako rito sa bahay wala pa naman tumatawag ng 11:00 pm so naramdaman ko na si MIL yun then tama kutob ko. Narinig ko sila ni Granny tapos sinabihan siya na huwag nang umiyak matutuloy yun.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #398 on: May 12, 2014, 08:13:41 pm »
Ako naman, not from my inlaws kasi single ako, pero inlaws ng sister ko ako may problema! Kainis!! Pag sila nagkamali si bro in law susumbatan si ate " bakit ganyan ang family mo?!" Pero pag sila ang may pagkakamali biglang major pag tatakip ginagawa. Pati si bro in law ko may major attitude problem eh!

Ibang klase! Civil lang kami with them. If we dont need to communicate with them, di kami nakikipag usap. Buong family ng bro in law ko may problem. Ginawaan kami ng issue. We collect drinks daw from other table and give the drink to the yaya of our niece. Hello! Sino naman gagawa nun?! Talagang mag cocollect pa talaga kami sa ibang tables ng leftovers ng ibang tao para ibigay sa yaya? Baka sila ang gumagawa nun!   

leiram05

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #399 on: June 07, 2014, 11:30:34 pm »
Hi mga sis, need your advise kasi I also have conflict with my ILs.

We got married ni hubby last 2010. Nung bf-gf palang kami, nakita ko na nakakaiba ugali ng family nya (opinionated, self-righteous, know-it-all, they want their way lagi) pero nageffort ako na makisama by being nice to them pero pag nasa house nila ako mag-hi lang sila tapos wala na ako kausap (as in nakatingin lang ako sa TV), and lagi din sila nagdedebate among themselves (as in hindi sila nagpapatalo sa isa't-isa) kaya hindi na din ako masyado umeffort na makipagusap sa kanila kasi baka awayin lang ako ng sisters ni hubby pag hindi kami pareho ng opinion.

Then last year nabuntis na ako, high-risk pregnancy so medyo mahirap tapos emotional pa ako. Then one day, may dinner kami dapat with my husband's family tapos ininvite din namin family ko para magbonding sana both families pero night before the scheduled dinner, narinig ko si husband na kausap si Mama nya na sinasabi ni Mama nya na wag na saw ituloy [textspeak!] dinner kasi ayaw daw nya kasama ang Mommy ko. Super nainis ako kasi nung na-ondoy sila dati, tinulungan ng family ko [textspeak!] family nila, as in dinalhan namin sila ng clothes, food, grocery and pinahiram pa sila ng parents ko ng car kasi na-ondoy din cars nila tapos sasabihin ng Mama nya na ayaw daw nya sa Mommy ko?!? Nainis talaga ako sa kanila nun pero triny ko pa din sila pakisamahan. Then nagka-issue sa name ni baby kasi nagpromise daw husband ko sa parents nya na ipapangalan daw nya sa Daddy nya si baby. Nung nalaman ng Father ko yun, gusto din daw nya na kasama ang name nya kahit as second name lang pero since hindi maganda ang combination ng names nila, napagdecide-an namin ni hubby na totally different name nalang para fair on both sides. Naintindihan ng family ko at inaccept nila ng maluwag pero yung family ni hubby nagtampo at nagalit kasi hindi pala nasabi ni hubby (na-emergency CS kasi ako and premature si baby) kaya dun na nila nalaman sa hospital ang name ni baby. Ayun nagalit sila at nagtampo. Ok lang saken naagtampo sila kasi nga hindi agad nasabi ni hubby pero sobrang tagal ng pagtatampo nila at grabe din ang galit nila tapos gusto pa nila na ang nickname na itatawag nila kay baby is yung nickname ng name ng Daddy ni hubby kasi nga daw hindi ipinangalan so nainisi na talaga kami ni hubby kasi parang wala silang respetovsa name na ibibigay namin. Nakiusap kami ng paukit-ulit na wag yun ang itawag kay baby kasi may name naman sya pero hindi nila kami sinusunod. Tapos idagdag nyo pa na every weekend sila bumibisita samin at hindi sila nagpapasabi na dadatig sila, as in magdodoorbell nalang sila. Nakiusap din kami sa kanila ng ilang beses na magtext o tumawag sila bago sila pumunta pero hindi nila ginagawa. Tapos nung sinita na sila ni hubby, sila pa ang galit, kesyo bakit daw hindi pwede na linggo-linggo nila makita [textspeak!] bata at kung bakit daw kelangan pa nila tumawag o magtext pagpupunta sila, kesyo si Price George of Wales daw ba ang anak namin na kelangan pa daw magpa-appointment, as in super close minded sila, pag pinagsabihan mo sila, magagalit sila agad at sasabihin nila na kami ang mali. Ano ba ang kelangan namin gawin mommies? Please help!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close