haha ako pala yung bhuling sumagot dati,pwes may idagdag ako haha

dati year 2009 balak kami tulungan ni SIL para sa rent-to-own na bahay,tapos sumama pa sila ng asawa niya dun sa bahay para makita kung worth it,tapos biglang hindi na kami tinulungan,madalas pag naalala nila ang sinasabi mahal raw kasi.hindi naman kasi nila alam yung sitwasyon ni hubby na ang pinili namin na bahay yung hindi ganun kalayo sa trabaho ni hubby,ang gusto kasi nila sa bandang Bulacan,or yung medyo probinsya para mura,sila kasi mga self-employed lahat,si hubby lang ang hindi,syempre kahit na bumyahe sila nandun lang yung negosyo nila,malapit sa kanila,sa amin iba sitwasyon.
so ayun nga dumaan ang panahon,ayaw na kami tulungan,siguro iniisip nila na hindi kami magbabayad

kahapon yung BIL kong hiwalay sa asawa dahil niloko ng asawa,na mabilis naka move-on at may gf na ngayon eh nag post ng picture sa facebook,naiinggit lang kami ni hubby..kasi siya ang tutulungan ni SIL para makabili ng house and lot..eh kung tutuusin paano gagawin niya don,2 anak niya,twice a month lang ang uwi niya sa bahay tapos yung naging gf niya may 1 anak rin tapos dinadalaw-dalaw rin nung hapon na tatay nung bata..yun lang sabi ni hubby bakit raw ganun,naiinggit siya kasi si BIL dun naman nakatira sa parents nila,okay naman..sana raw yung ate niya naisip na kami muna ang tulungan dahil una,bunso si hubby,siya na lang ang walang bahay

lahat ng kapatid niya may bahay na eh,itong si BIL iniwan na muna yung bahay nila sa province dahil ibebenta kasi hiwalay na sa asawa niya,saka kung titignan,kami lang ni hubby yung talagang mahirap sitwasyon

naiinis lang ako na nalulungkot,na bakit ganun,kami matagal ng nakikiusap,parang pag kami ayaw,pero sa ibang kapatid ang bilis tumulong..naisip ko na lang rin okay na rin siguro na wag kami tulungan,kasi sa kanila kasi ang style,pag nandyan yung ate ni hubby saka yung bigtime na asawa nun,lagi kaming parang nahihiya-hiya,lalo na sila,kasi madami na naitulong sa kanila yon,sila yun laging pinakikisamahan,lahat ng sabhin nila nasusunod,syempre ayoko tumanaw ng utang na loob sa ganun klase ng tao,kaya naisip ko di bale susuwertehin rin kami ng asawa ko pagtagal..