watch now

Author Topic: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2  (Read 129729 times)

myleia27

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #100 on: February 22, 2012, 06:30:02 am »

my MIL and 2 SILs (hubby's side) like me a lot, with that I have no complaints. I'm just uncomfortable on how they treat my BIL (my MIL's son/hubby's brother) and his wife. I like to stay out of their conflict pero they're recruiting me to be on their side in putting BIL's family down. They really don't like his wife kaya they resort in taking behind their backs. They include me in their conversation but all I can do is smile while they make disparaging and insulting comments from her having no breeding to her lack of sense of style.

Naloka pa ako last Sunday when we're at my in laws house. It was a weekly lunch get together and kami nila SILs nasa dining room, then they started talking about BIL's daughter. They're calling the daughter na mukhang witch and saying kanino pa kasi mag mamana, stuff like that. When I saw his daughter, naka all black outfit nga from head to toe longsleeves black dress, black leggings and black boots, medyo off nga for a  pre schooler. Then when MIL came in, nagulat ako when she asked us, "Nakita nyo ba yung suot nung japayuki?!!" I was shocked, apo pa rin naman nya yun to call her names like that. Then my SILs laughed lang. I was very very uncomfortable with them kasi for me hindi naman dapat dinadamay pa yung kid sa issue nila sa mag asawa. Pamangkin at apo pa rin naman nila yun. Sana hindi na idamay yung bata. I told them that before na to spare the pamangkin from their not so good comments, wala dedma lang sila.

alright777

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #101 on: February 23, 2012, 04:36:19 am »
Nice thread :) Hehe! Masheshare ko na din sa wakas ang inis ko sa mga SIL ko.  >:( Sa age namin na nsa 20's pa lang, dba kadalasan SIL bonding ang ganap! Ako iba..
4 years kami bf/gf ni hubby bago ako nag buntis. Di pa kami kasal, masasayang kasi petition sa kanya ng Daddy nya. Pwede naman kami mag intay e at medyo bata pa din kami.  ;) So eto na:

Grabe sama ng ugali ng hipag kong panganay. Ultimo cheese spread, itinatago sa kwarto nila which is para naman talaga sa lahat yon, pag nag grocery good for 1month, diretso agad sa kwarto nila kahit tomato sauce. LOL! Nasa isang bahay lang kasi kami at wala ang parents nila. Monthly may budget kami para sa lahat. Alam naman nila na hindi ako sabik sa pagkain dahil nakita naman nila na galing din naman ako sa maayos na pamilya. Yung unang taon ko nga na pag tira sa bahay nila halos everyday sa house pa din ng Mommy ko ako kumakain, minsan nag dadala pa si Mommy ng ulam na pwede din ishare sa kanila (pero di nila kinakain, Baka iniisip may lason) Charot! Haha  :P Bakit kaya ganon ugali nila?  ???

Pati balik bayan box na para lang sa anak ko ang laman, muntik na ipasok sa kwarto, buti na lang sinabi agad ni Hubby na "Ate kay ___ yan lahat". May nakalagay na nga sa labas ng box na "for my Apo" Nakakaloka laging itinatago yung mga gamit at pagkain, minsan makikita ko na lang sa basurahan 2 galon ng mouth wash, expired na! Hindi na nagamit kakatago. Pati chocolate ang dami dami, nasasayang lang. Sa punto naman na yon e, hindi ako pwedeng makialam dahil sa kanila yon pero naloloka lang talaga ako kung bakit ganon ugali nila. Tinatanong din naman ako ng byenan ko kung ano ang gusto ko, pero pag dating ng box, yung para sakin, naitago na agad nila sa kwarto. haha!

Nakakaloka yung ugali nya, kahit anong malasakit at kabutihan yata ang ipakita ko parang kada nakikita nya ako, parang inis na inis sya. Wala naman ako ginagawang masama sa kanya. Minsan nagkasagutan kami ng pinsan ni Hubby sa facebook, nainis ako dun sa post na ang tinutumbok eh yung anak ko. etc etc. Ang magaling kong hipag nakisali pa sa gulo. nakakaloka pa don, yung byenan ko, araw araw tumatawag sa telepono, cellphone, at skype. Ni isa sa tatlo kong hipag walang sumasagot, ayaw yata nila kausapin tatay nila. Lol Kaya sakin lagi tumatawag, ako naman lagi ko sinasagot syempre di ko maiwasan na hindi sagutin at baka emergency na o kung ano pa man lalo na't nsa malayo siya. Para bang inis na inis sila sakin kasi kada tumatawag tatay nila syempre hahahanapin sila, eh lagi silang wala. Hindi ako sipsip pero di ako sanay na binabaliwala ang tawag lalo na at magulang nila yon. Mommy ko nga, kahit naririndi na ako kakatawag sakin, sagot lang ng sagot, baka emergency e. Malay ko ba. ::) Di naman siguro tatawag parents natin para lang sabihin na "EOWZ POH ANAK" HAHAHAHA!

Take note ha, Pag off ng kasambahay nila tila ako ang SUB! Pinag kainan nila at pinag kainan ng mga boyfriend nila, ultimo pinag kapihan, ako nag huhugas. Kung hindi ko gagawin dudumugin kami ng ipis at daga, dahil kung kelan babalik yung kasambahay saka lang ulit mahuhugasan yung mga plato, kutsara at baso. OH MY GULAY! Di ko isinusumbat pero grabe ang pagkadugyot.  :o Hindi ako mapapel pero syempre ako yung may anak na bata, kailangan malinis ang bawat kinikilusan namin lalo na at kusina yon.  Baka isipin nyo oa naman ako, dahil karaniwan na off ng mga kasambay ay Sunday lang. Yung kasambahay nila, Alis ng Saturday lunch, balik ng Monday mga 4 or 5pm, minsan Tuesday pa yon babalik. Bongga! Lol

Isa pang kinakainis ko, ang lalakas ng loob mag alaga ng aso eh hindi naman marunong mag linis ng pinag ihian at pinag dumihan ng aso nila. Grabe sa loob ng bahay may ihi ng aso, dadaan daanan lang nila na parang wala lang hanggang natutuyo na ng kusa yung ihi. Di naman ako maarte sa mga ganon pero lagi ko lang iniisip, may anak akong bata, 19mos old. Mahilig mag laro, tumakbo at mag hawak ng kung ano ano at subo ng kamay, pano na lang kung yung dumi ng aso ang hawakan nya. At yung ihi ng aso nila, pwede madulas yung anak ko. No choice ako kundi linisin lahat yon. Ang dami pang kuto nung mga aso. BRRRR! Puro kagat na kami ni baby. Minsan naisip ko na umuwi na lang sa house ng Mommy ko, pwede naman kami don, ayaw lang ng byenan ko at ni Hubby.

Kumuha na dati ng helper ang Mommy ko para sa akin, naawa na Mommy ko sakin. hahaha! Kaso di din nag tagal pinauwi ko na lang yung helper kase medyo may (sorry sa term ko ha) - Achay war na nagaganap. LOL! Hayy Wala naman kasi akong ginagawa sa bahay namin dati nung dalaga ako kundi Pumasok sa school, kumain, Matulog, mag net. In short, masarap ang buhay ko, isang anak lang ako. Ngayon tila naging kalbaryo ko na ang mga hipag ko. Buti na lang, Napaka bait ng byenan ko. Swerte na din ako kahit papano.

Masasabi ko din naman na hindi ako pabigat sa bahay nila kase  yung mga madumi namin damit, bed sheet, pillow case, blanket, sa bahay ng Mommy ko nilalabahan lahat. CR namin ni Hubby at anak ko, ako na din ang nag lilinis dahil medyo dugyot ang kasambahay nila. Bote ni baby ako ang nag huhugas. Halos 2 years na din ako nakatira dito, sana makayanan ko pa o sana medyo mag bago na ng konte mga hipag ko. Hehe!

Kaya araw araw, Nakakulong lang kami sa kwarto ng anak ko at iniintay na lang namin dumating si hubby galing office. Medyo mahaba yung story ko, pero highlight pa lang yan ng araw araw na pakikisama ko, hindi sapat ang isang page. Haha!

bluewinkle

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #102 on: February 23, 2012, 09:24:18 am »
i can only advice one thing to keep your good relationship with in-laws (and it is the total opposite to nurturing friendships and relationships in general): THE LESS CONTACT/COMMUNICATION, THE BETTER. Try to stay as away as possible from them. With in-laws, tge saying "absence makes the heart grow fonder" applies.

That is SO true! Growing up, my parents always told me to NEVER live with my in-laws.  As my mom says, you should only see in-laws during holidays, birthdays and reunions.

It's even in the Bible - thou shall leave thy mother and father and cling to thy wife - God knew from the beginning that in-laws will not mix.

My husband didn't believe this and said that "everything will be fine" and "things will work out" and insisted that we live with his mother despite my very VEHEMENT objections.  Hindi daw pweding iwanan mag-isa si mommy - paano naman mag-isa yon na at the time we moved in, MIL's mother, brother, other son and two maids were all living with her??? I told him that I don't care if we live in a shack for as long as we're the only ones in it.

Now, my husband has admitted that it was a mistake and tells all newly engaged couples he knows to not live with their in-laws.

I know this is bad but sometimes when I'm really mad and feeling really mean, I kind of wish that my husband had been an orphan (because I also have issues with a couple of his uncles who scammed us).  Bad, noh? But there it is.  It's a good thing we were able to buy a house and hopefully we'll be able to move in soon because after five years, I think I'm going to go crazy...

our_precious_gift

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #103 on: February 24, 2012, 01:24:38 am »
grabe naman ILs nyo mga sissies! i just hope na hindi ko maranasan mga yan. ikakasal pa lang kami ni H2B pero ang good news is hindi ko makakasama mga ILs ko sa isang house since taga province sila and i'm working here in manila. pero sa tingin ko when it comes sa money matters eh dun kami magkaka-problema. H2B is a seaman and siya lahat ang nagpapaaral sa mga kapatid nya pati mga gastusin sa house nila eh cya ang sumasagot. kaya ewan ko na lang pag we're officially married na. hopefully everything will turn out ok. i'll just keep my hands crossed na lang..^_^

Buti nalang i read your post halos we have the same situation. Hubby din kase is a seaman and were married fot 6years already. Bago kami ikasal napagusapan namin ni hubby na tumutulong siya sa family niya tuloy parin kahit married na kami. Sakin walang problema hindi naman ako madamot na tao tsaka para kase sakin kahit magasawa na kami pera ni hubby kanya parin yon pinaghirapan naman niya yon. Ang ikinasasama lang ng loob ko kay hubby yung nililihim pa niya sakin na allotee niya sister niya na hindi man lang niya pinapaalam sakin since hindi ko naman nakikita yung allotment agreement. Feeling ko tuloy wala bag tiwala sakin hubby o feeling ko hindi niya ko pinapart sa family kaya kailangan pa niya maglihim sakin tungkol dyan kahit napagusapan naman namin.

Eto pala nung sinita ko si hubby na baket wala akong natatanggap na allotment agreement sagot sakin di bibigyan kita nung binigay naman sakin parang 2years ako na sakay niya ako nalang ang allotee na nakalagay surprise naman ginawa nalang niyang special allotment yung sa sister niya. Dba talagang nililihim niya sakin. Sinubukan kona nga iopen kay hubby yan pero di kami nakakapagusap ng maayos binalak ko bigyan ng letter at dun sabihin lahat ng sama ng loob ko pero naisip ko bka pagbalik niya sa dami ng sama ng loob na sinabi sa sulat hiwalay ang ending namin. Di naman madamot hubby ko pagdating naman sa money halos lahat naman nasakin joint account kase kami tapos solo ako dun sa allotment ko sobra-sobra naman yung allotment niya sakin. Iniisp ko kaya siguro hindi nalang siya nagrereklamo kahit naghahanap siya na minsan magkano lang natitira na sobra sa allotment ko dahil nga naglilhim siya sakin na nagbibigay siya sa pamilya niya. Nito nga lang umalis siya nagbigay nanaman patago sakin ng pera pamangkin niya di ko tuloy alam kung siya ba nagpapaaral don eh may business naman yung brother inlaw ko. Dami tuloy nagsasabi sakin na dapat marunong naman mahiya yung side ni hubby kahit na ba daw malaki sweldo ni hubby isipin naman daw na may pamilya na at dalawa na ang anak hindi na dapat iasa lahat sa kanya. Kase mga sis yung sisterinlaw ko naman na seaman din ang asawa kuripot yon mukhang hindi naman natulong dun sa kapatid nila na may business lang na 2 ang college na nag aaral. Sa totoo lang kase mga sis si hubby an pinakamalaki kita sa mga kapatid niya yung isang sister pa niya oldmaid kaya masungit at mapagpuna feeling ko niya yun ang nagsusulsol kay hubby kaya pag nandito hubby ko imbes na masaya kami madalas ang away. Malaki kase age gap namin ni hubby kaya siguro iniisp nila pinaperahan ko lang si hubby kaya ko pinakasalan which is mas nakikita ko ngang mas mahal na mahal ko si hubby kesa sa mahal ako ni hubby. Tsaka reklamo pa nila di daw ako marunong sa gawin bahay which is totoo naman na hindi ko alam lahat dahil only girl ako at sa bahay namin non lahat mommy ko nagawa at binibigay nalang samin magkakapatid.

Isa pang issue sis parents ko kase samin nakastay ni hubby simula nung nanganak ako sa first baby ko kase nga seaman si hubby so wala ako kasama sa bahay non aside sa maid tsaka nagwowork pako that time. Feeling ko iniisip nila pati pamilya ko kapatid nila nasagot since nakastay samin at ngayon hindi nadin ako nagwowork since 2008 pa. Kay hubby wala naman ako naririnig na about sa pagstay ng parents ko samin imagine naman daddy ko nagdridrive samin mommy ko nagluluto at nagaalaga din sa kids ko tinutulungan ako lalo ngayon tagal na naming walang maid. Ang sakin baket kaya kailangan sabihan ng SIL ko mommy ko na dapat daw padalaw-dalaw nalang daw mommy sakin para daw matuto ako, imagine sinabi niya yon sa burol ng kuya na namatay last july lang. Sumama loob ng mommy ko don pakiramdam niya na parang sa salita ni SIL ayaw niya na nakatira parents ko samin ni hubby. Di kopa naopen kay hubby yan dahil ayaw ko ng gulo,pero tingin niyo mga sis masyado na ba silang pakeelamera sa buhay namin ni hubby? Dati kase okei pa naman kami nagtatawagan ka kami non mas madalas ako pa nagaayaya kay hubby na pumasyal sa sister niya pag nakabasyon nagbago lang lahat nung nanganak ako sa 2nd daughter ko nung nagstay dito samin SIL na oldmaid for 1week na ang dami niyang puna sa bahay namin na kesyo baket daw ang pagkain nasa tinatago sa kwarto( may lalagyan kase kami ng mga biscuit ng daughter eh tinatago namin kase kuha ng kuha) pati ba naman yan big issue pa. 2010 nagsimula lahat yan at simula non never nako natawag sa kanila at sila ganon din tatawag lang sila pag nandito kapatid nila paasyal kami don ako nakikipagplastikan nalang din alam ko naman kase na sila nakikipagplastikan din sakin. Advice nga mga sis dapat kopa iopen lahat yan kay hubby, kase skain gusto ko din na maging maayos relasyon namin ni hubby masakit din sa dibdib ko na ang dami kong tinatago na hinanakit kay hubby. Sensya na mga sis at napahaba ang kwento ko.

sanchie

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #104 on: February 26, 2012, 04:11:03 pm »
pajoin mga sis... Well, it's not that I hate my inlaws, actually love ko nga sila, but I guess there'll be some incidents na di ma-avoid which in turn mgresult sa conflict. My dilemma is more of how to sustain yung magandang relationship ng mgbalae... (My mom & MIL)... we live with my mom, since unico hijo ang aking 6 month old baby, pampered na pampered as in everything is provided na. financially and materially, wala na akong problem k baby...the thing is, there are certain practices that MIL insists on doing na indi naman pabor sa aking mom. Like for instance, putting the 5 mo old baby sa walker, which MIL insists na dapat ilagay na doon at lagyan ng pillows, but mom insists na indi pa kaya ng baby since he hasn;t been able to sit up straight pa and ang ulo nya medyo dpa carry na matagal nakatyo... I ended up buying a walker nalang para d masabi na i am nt accepting MIL's suggestion (eventho mom refused)...Mom actually paid for it, sabi nya para nga d na masabihan na ayw namin...and result is ayun naka tengga si walker, bec baby is not that ready pa...Tapos ngayon naman the food that i will give... gusto nya cerelac, e as for me, i would rather give him natural food...and i really would like him to eat around 6 mos. (as per his pedia) kasi she noticed dpa sya masyado still ang neck nya at 5 mos...kaloka lang is that si hubby ang inaaway nya. :(

chilled

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #105 on: February 27, 2012, 04:17:52 pm »
Bakit ba ang daming SIL or BIL or MIL na monster?

whinx

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #106 on: February 27, 2012, 06:20:15 pm »
Truly! Pero meron din na good and OK na BIL or SIL :)

Mai

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #107 on: March 05, 2012, 08:51:34 pm »
Oh my, angsarap magbasa dito! Hehe
Makes me feel na hindi lang ako ang minamalas sa Mil! It's a stress reliever knowing I'm not the only one who is annoyed and irritated sa Mil.

Mai

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #108 on: March 05, 2012, 09:00:07 pm »
Disliked Traits of my Mil: feeling royalty/vip , inggitera, paimportante, maarte, masyado makwenta sa amin pero galante sa paboritong anak/Dil/apos. At dapat as Dil itrato mo sya hindi bilang isang mother kundi dapat bilang isang toddler, inshort caregiver style!!

whinx

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #109 on: March 06, 2012, 01:26:25 pm »
common traits ng in laws: inggitera, pakialamera and mahilig sa fishing expedition :D

Paperless

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #110 on: March 14, 2012, 11:49:38 am »
may ganitong thread pala dito, meron din kasi sa married life almost the same mga silent feelings sa inlaws natin...  ;D

whinx

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #111 on: March 14, 2012, 02:48:13 pm »
kahit na gusto ko na wag pansinin ang mga ginagawa ng in laws ko dumadating talaga ang araw na ngpapansin... hay kainis!

Paperless

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #112 on: March 15, 2012, 10:41:03 am »
ang sa akin naman, ayoko na talaga pansinin, kaya lang nagagalit sila, gusto nila pinapansin...

FayeP

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #113 on: March 24, 2012, 04:26:01 pm »
un MIL kong weird, nagtext ulit ke hubby na wala cyang pera at bigyan naman nya daw, tapos sabi umuwi ka naman dito...haller!!! ni hindi man lang kinumusta kun ano na ang lagay baby namin (di pa nila nakita un, at mukang wala na ako balak ipakita sa kanila un baby ko)....

ayaw kasi sakin ng family ni husband esp MIL kasi feeling nya inagaw ko si hubby dun sa ex gf.  nakwento ko na sa kabilang thread un ginawa ng MIL ko na pinatira nya sa house nila un ex gf ni hubby tapos gusto nya uuwi si hubby dun lagi (ngayon naman ala na dun si ex)...

puro cya pera, pera, pengeng pera...dati nga sinabihan pa nya si hubby ng "umuwi ka na nga lang dito sa bahay para di ka napapagod mag alaga sa anak nyan!" ganun mga sis...

hello eh ako kaya ang may work at si hubby ang house-band!

ewan talaga!

stormy_princess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #114 on: March 26, 2012, 02:33:33 pm »
ako ngayon gigil na gigil sa bayaw ko parasite na napakakitid ng utak. kahit walang mali konting dutdot lang ng jowa nyang aeta eh sunod sunuran. Aba at ako pa ngayon ang hinahamon.

ayaw ko kasi sa jowa nya. eh ang anak ko na nasa probinsya dahil sa inuwi ng MIL ko dinala dun sa lugar nila ng hindi nagpapaalam sa akin. buti sana kung kasama MIL ko, eh yaya lang kasama. Syempre naghurimintado ako kasi dahil sa ayaw ko sa kanya ibig sabihin wala ako tiwala sa kanya. Tapos di ko pa alam ang lugar nila. Paano na lang pag may nangyaring masama sa anak ko at sa yaya nya. O eto na nagkagulo gulo na dahil sa reaksyon ko. Ako na nagmamalasakit lamang sa anak ko bilang ina ako pa ang lumabas na masama at pati itong asawa ko hindi ako naintindihan. At itong bayaw ko galit na galit bakit daw pinag-iinitan ko ang jowa nya. haller!! kung may personal issue ako sa jowa mo walang kinalaman yun sa pagpprotekta ko sa anak ko noh. kitid ng isip palibhasa .under the saya. Hihiwalay sya ngayon ng bahay (kasi sharing sya sa amin eh) eh ano naman ngayon?? tinatakot nya ako? nek nek nya! magsama sila. At itong jowa nya may pasulat sulat pa sa MIL ko. Ano to MMK ang drama? Mga shonga! kung kaya nilang paikutin ang lahat sa mga palad nila ibahin nila ako. At itong asawa ko kung mas matindi pa rin ang pamilya nya kesa sa amin ng anak nya magsama sama sila. Ang importante akin ang anak ko. Di ko kelangan ng lalakeng walang paninindigan at di ko kailangan ng mga inlaws na walang utak! kaya ko mamuhay mag-isa  ng wala sila noh. kaya sorry na [textspeak!].

biannce_809

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #115 on: March 26, 2012, 03:20:57 pm »
I have a BIG problem talaga. This is because of my MIL!!! She was kind naman. Naramdaman kong tinuring niya akong anak pero nung kinasal na kami ni BF tapos tumira sa kanya dito sa Manila parang ang daming nagbago.  [textspeak!] ko nasa province, pero hindi sila hiwalay ng MIL ko. Dito kasi nagwowork si MIL. Tapos si hubby nag-aaral pa lang. May baby na kami, so kailangan ko magwork for baby at sa mga pangangailangan naming and of course kailangan ko rin tulungan si MIL magbayad sa bills at sa renta ng apartment.  OK kami ng MIL ko pero minsan kasi bigla na lang akong hindi iniimikan. Hindi ko alam kung ano problema niya sa akin pero alam ko marami siyang problema. Marami siyang utang tapos kapag wala siyang pera parang ang init ng dugo niya sa akin. One time, nagising ako sa lakas ng boses niya, kausap niya si [textspeak!] on the phone, tapos parang nag-aaway sila. Kesyo ang dami-dami raw niyang gastos. Halos siya lahat. Wala raw gustong maglabas ng pera, gusto raw lahat LIBRE! Eh HELLO!!! Ako ang bumibili ng mga gamit ng apo niya, nagseshare ako sa apartment at naggogrocery ako tapos ako nagpapasahod sa yaya ng baby ko? Anong libre dun?! Nasakatan ako kaya nagsumbong ako sa nanay ko. Hindi lang kasi miminsan niyang ginawa un. To make the story short. Sila na ng nanay ako ang magkaaway. As in personalan na talaga. Ang masaklap. Nakialam [textspeak!] kapatid niya, tita ng hubby ko. Tinext pa ako na wag ko raw awayin MIL ko na walang karapatan nanay ko pagsabihan si MIL ng kung [textspeak!]-ano. SINUNGALING kasi MIL ko, lahat ng text ng nanay ko sinisend niya sa kapatid niya kaya lumabas na bastos nanay ko, pamilya ko. Na plastic pa raw at ayaw na nila ako Makita! WTH! Eh di wag..alam ba nila both sides of the story? Judge sila nang judge. Hay nakakaasar talaga. Hindi ko naman kinokunsinti nanay ko. It’s wrong naman na ang pinersonal niya text niya pero haller! Hindi manlalait nanay ko kung hindi rin siya nilait ng MIL ko! Until now, we live with my MIL! I’m dying to move out from the house, sabi ko kay hubby kaya ko naman siguro magrent ng maliit na room for us. Kaso nag-aaral pa siya. Hindi niya alam ang gagawin! War of the worlds. Asar! Please help me..makikipagbati ba ako sa MIL ko? >.< TIA!

janix athena

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #116 on: March 27, 2012, 12:07:41 pm »
Nyahaha nakaka-highblood when we think of all the reasons we get irritated by ILs.

I consider myself lucky kasi hindi ko kasama ang ILs ko sa bahay. Bukod pa dun si hubby knows full well yung mga kakulangan ng Mama at sister nya. Short engagement lang kami ni hubby so bago ko pa lang nakikilala si MIL at SIL.

Kay MIL eto ang mga ayaw ko:
-Sobrang ma-pride kaya kapag nasasabihan sya ng hubby ko about sa mga maling diskarte nya, all hell breaks loose! Nagmumura sya and sinasabihan si hubby ko na "Nakatulong ka lang ng konti kala mo kung sino ka na" Si hubby kasi ang breadwinner sa family nila. Eh totoo naman na palpak ang mga diskarte nya.

-I tried talking to her and getting her on my good side para she can confide in me and see me as a friend, so I would also understand her and hopefully influence her. Trying hard ako to be her therapist. :) Nagkukwento naman sya yun nga lang I realized na parang wala na syang pag-asang magbago. Na yung mga masama nyang ugali eh hanggang kamatayan na nya dadalhin. You can't teach old dogs new tricks talaga.

Si SIL naman
-Lumaki syang walang self-esteem bec MIL is sooo domineering. Nagrebelde and now single mom sya to a 5 yr old boy na may autism. Lahat sila umaasa lang ng panggastos kay hubby. Hubby sent her na to TESDA, because di naman nakatapos ng college and mukhang pagiging masahista ang kaya nyang gawin. But until now naka-graduate na ayaw pa rin magtrabaho. Madami dahilan, kesyo umiiyak daw anak nya pag umaalis sya (natural ganun talaga sa umpisa!), kesyo ayaw daw ng Mama nya na iwanan kay MIL yung bata, etc etc. I tried to also talk to her para maintindihan ko sya, but when I get to the part na encourage ko sya to take action sa buhay nya she zones out (as in parang di na nakikinig sakin) Haha.

Naaawa talaga ako kay hubby that he was born with that kind of family. Aminado naman sya na kung pwede lang i-mercy killing na lang sila para matapos problema nya gagawin nya. But he really loves them kahit pasaway sila, and pareho kaming aware na wala kami magagawa kundi antayin na lang namin sila pumanaw. (Bad ko, sorry po Lord).
« Last Edit: March 27, 2012, 12:10:56 pm by janix athena »

janix athena

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #117 on: March 27, 2012, 12:21:23 pm »
^Having said all that, I still wish to give them credit where credit is due. Si MIL super asikaso ako when hubby and I stay over. She's excited to make alaga to her apo sa amin kahit di pa naman ako nagbubuntis. Siguro as a way na rin to return the favor sa hubby ko na super nag-sacrifice para sa kanila financially. Super chika sya sa akin when we visit kaya I was surprised when I heard na nagmura sya (directed towards SIL na pinapagalitan nya at that time).

Si SIL naman, she's pleasant sa akin. I think it's because may pagka-isip bata sya, so ang theory ko eh di sya talaga magiging bratinella kasi feeling nya super ate nya ako. Kahit 28 na sya para talagang hindi pa sya adult kung magsalita, kumilos. So I guess, when it comes to SIL stories here it's either: Bratinella, or may pagka-kulang kulang. (Ayay, sorry again Lord.)
 
Kayo mga sis anong pipiliin nyo? IL na Bratinella, or IL na may maluwag na turnilyo?

stormy_princess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #118 on: March 27, 2012, 12:24:10 pm »
ewan ko ba sisses, siguro kung susumahin kaya nagkakahighblood karamihan ng mga tao its not because of the food intake alone but also of the problems natin sa ILs. haha. kakaloka lang. di na nga sila nakakatulong minsan pero nakakadulot pa ng sakit sa katawan.:D

janix athena

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #119 on: March 27, 2012, 12:41:38 pm »
^Haha. I believe our ILs are not really bad people. Sometimes they act out of fear, sometimes they don't know that how their behavior is offending another person. In an ideal world where we can read each other's mind, sana we know the next person's expectation so we can adjust accordingly, or adjust our expectation so we don't get disappointed. I think it also helps to see things from their perspective from time to time. In some cases our reactions to their 'bad behavior' is much ado about nothing.

@sis pregnantgirl, sorry to say sis pero I don't see anything wrong with your SIL not editing your baby's pic. Magtataka ako oo pero hindi magagalit o magtatampo. Kung gusto mo rin ng edited pics ng baby mo, you can try doing it yourself and posting it on FB para di mo ma-feel na deprived sya of pictures. Or pwede mo lambingin si SIL na, "Uy ate ang galing mo mag-enhance ng photo. Baka pwede rin naman yung pic ni baby ko." Then kapag sinagot ka ng pabalang, ayun understandable na if magtampo ka man.

Sa mga sis natin na may daughter-in-law na, share some views naman on how your DILs are irritating you. Baka matauhan din kami sa mga unintentional bad behavior namin. :) 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close