Nice thread

Hehe! Masheshare ko na din sa wakas ang inis ko sa mga SIL ko.

Sa age namin na nsa 20's pa lang, dba kadalasan SIL bonding ang ganap! Ako iba..
4 years kami bf/gf ni hubby bago ako nag buntis. Di pa kami kasal, masasayang kasi petition sa kanya ng Daddy nya. Pwede naman kami mag intay e at medyo bata pa din kami.

So eto na:
Grabe sama ng ugali ng hipag kong panganay. Ultimo cheese spread, itinatago sa kwarto nila which is para naman talaga sa lahat yon, pag nag grocery good for 1month, diretso agad sa kwarto nila kahit tomato sauce. LOL! Nasa isang bahay lang kasi kami at wala ang parents nila. Monthly may budget kami para sa lahat. Alam naman nila na hindi ako sabik sa pagkain dahil nakita naman nila na galing din naman ako sa maayos na pamilya. Yung unang taon ko nga na pag tira sa bahay nila halos everyday sa house pa din ng Mommy ko ako kumakain, minsan nag dadala pa si Mommy ng ulam na pwede din ishare sa kanila (pero di nila kinakain, Baka iniisip may lason) Charot! Haha

Bakit kaya ganon ugali nila?

Pati balik bayan box na para lang sa anak ko ang laman, muntik na ipasok sa kwarto, buti na lang sinabi agad ni Hubby na "Ate kay ___ yan lahat". May nakalagay na nga sa labas ng box na "for my Apo" Nakakaloka laging itinatago yung mga gamit at pagkain, minsan makikita ko na lang sa basurahan 2 galon ng mouth wash, expired na! Hindi na nagamit kakatago. Pati chocolate ang dami dami, nasasayang lang. Sa punto naman na yon e, hindi ako pwedeng makialam dahil sa kanila yon pero naloloka lang talaga ako kung bakit ganon ugali nila. Tinatanong din naman ako ng byenan ko kung ano ang gusto ko, pero pag dating ng box, yung para sakin, naitago na agad nila sa kwarto. haha!
Nakakaloka yung ugali nya, kahit anong malasakit at kabutihan yata ang ipakita ko parang kada nakikita nya ako, parang inis na inis sya. Wala naman ako ginagawang masama sa kanya. Minsan nagkasagutan kami ng pinsan ni Hubby sa facebook, nainis ako dun sa post na ang tinutumbok eh yung anak ko. etc etc. Ang magaling kong hipag nakisali pa sa gulo. nakakaloka pa don, yung byenan ko, araw araw tumatawag sa telepono, cellphone, at skype. Ni isa sa tatlo kong hipag walang sumasagot, ayaw yata nila kausapin tatay nila. Lol Kaya sakin lagi tumatawag, ako naman lagi ko sinasagot syempre di ko maiwasan na hindi sagutin at baka emergency na o kung ano pa man lalo na't nsa malayo siya. Para bang inis na inis sila sakin kasi kada tumatawag tatay nila syempre hahahanapin sila, eh lagi silang wala. Hindi ako sipsip pero di ako sanay na binabaliwala ang tawag lalo na at magulang nila yon. Mommy ko nga, kahit naririndi na ako kakatawag sakin, sagot lang ng sagot, baka emergency e. Malay ko ba.

Di naman siguro tatawag parents natin para lang sabihin na "EOWZ POH ANAK" HAHAHAHA!
Take note ha, Pag off ng kasambahay nila tila ako ang SUB! Pinag kainan nila at pinag kainan ng mga boyfriend nila, ultimo pinag kapihan, ako nag huhugas. Kung hindi ko gagawin dudumugin kami ng ipis at daga, dahil kung kelan babalik yung kasambahay saka lang ulit mahuhugasan yung mga plato, kutsara at baso. OH MY GULAY! Di ko isinusumbat pero grabe ang pagkadugyot.

Hindi ako mapapel pero syempre ako yung may anak na bata, kailangan malinis ang bawat kinikilusan namin lalo na at kusina yon. Baka isipin nyo oa naman ako, dahil karaniwan na off ng mga kasambay ay Sunday lang. Yung kasambahay nila, Alis ng Saturday lunch, balik ng Monday mga 4 or 5pm, minsan Tuesday pa yon babalik. Bongga! Lol
Isa pang kinakainis ko, ang lalakas ng loob mag alaga ng aso eh hindi naman marunong mag linis ng pinag ihian at pinag dumihan ng aso nila. Grabe sa loob ng bahay may ihi ng aso, dadaan daanan lang nila na parang wala lang hanggang natutuyo na ng kusa yung ihi. Di naman ako maarte sa mga ganon pero lagi ko lang iniisip, may anak akong bata, 19mos old. Mahilig mag laro, tumakbo at mag hawak ng kung ano ano at subo ng kamay, pano na lang kung yung dumi ng aso ang hawakan nya. At yung ihi ng aso nila, pwede madulas yung anak ko. No choice ako kundi linisin lahat yon. Ang dami pang kuto nung mga aso. BRRRR! Puro kagat na kami ni baby. Minsan naisip ko na umuwi na lang sa house ng Mommy ko, pwede naman kami don, ayaw lang ng byenan ko at ni Hubby.
Kumuha na dati ng helper ang Mommy ko para sa akin, naawa na Mommy ko sakin. hahaha! Kaso di din nag tagal pinauwi ko na lang yung helper kase medyo may (sorry sa term ko ha) - Achay war na nagaganap. LOL! Hayy Wala naman kasi akong ginagawa sa bahay namin dati nung dalaga ako kundi Pumasok sa school, kumain, Matulog, mag net. In short, masarap ang buhay ko, isang anak lang ako. Ngayon tila naging kalbaryo ko na ang mga hipag ko. Buti na lang, Napaka bait ng byenan ko. Swerte na din ako kahit papano.
Masasabi ko din naman na hindi ako pabigat sa bahay nila kase yung mga madumi namin damit, bed sheet, pillow case, blanket, sa bahay ng Mommy ko nilalabahan lahat. CR namin ni Hubby at anak ko, ako na din ang nag lilinis dahil medyo dugyot ang kasambahay nila. Bote ni baby ako ang nag huhugas. Halos 2 years na din ako nakatira dito, sana makayanan ko pa o sana medyo mag bago na ng konte mga hipag ko. Hehe!
Kaya araw araw, Nakakulong lang kami sa kwarto ng anak ko at iniintay na lang namin dumating si hubby galing office. Medyo mahaba yung story ko, pero highlight pa lang yan ng araw araw na pakikisama ko, hindi sapat ang isang page. Haha!