super relate ako sa thread na ito. wala naman ako masyado problems sa in-laws, isa lang super dependent nila kay hubby. i won't say we have a good relationship but it's not bad either. hindi naman kasi ako malapit sa kanila. hindi rin ako maka relate sa MIL ko. wala kami common interest kaya hindi rin kami masyado nagkukuwentuhan. saka wala sila masasabi dahil hindi napuputol sustento nila from hubby pati mom ng MIL ko. With that alone, I can say mabait ako, tama ba? good thing lang dahil sustentado sila, sumusunod sila sa sinasabi ng asawa ko. at hindi rin nila ako pinapakialaman but who knows what they are saying behind my back or kung nagsusumbong kay hubby about me? eh yong asawa ng middle bro niya lagi nila pinapakialaman yon to the point na sinusumbong nila sa asawa na baka daw nanlalalaki daw. buti at hindi naniniwala. P20T daw allotment, laging ubos. Di ko naman masabi na P20T din sustento nyo mag-asawa lang kayo eh yong DIL nyo may 3 anak...di ba? yong unang asawa naman noong isa, nakatira sa compound nila, sipsip yon. chuchu kaya galit yong asawa ni middle brother.
Ang ayaw ko lang sa kanila, sumosobra naman ang pagigigng dependent nila. yong sustento nila, panggastos lang yon. pag may ibang gastusin iba pa yon like birthday or some occassion. I mean hindi ba nila maipon yong panghanda sa birthday from the sustento? Saka, pag humiling, as in 6 digits. Like noong minsan, balak daw mag-canteen chuchu need daw ng P100,000 kasi bibili ng freezer, etc. Malaki naman daw kikitain. Di ko masabi na kung malaki kita, assuming P1,000/day, then you roll it up until lumaki and you won't need to ask for P100,000. saka it just gies to show na wala talaga sila naiipon sa sustento nila. Tapos noong nag retire
[textspeak!] ko, aba eto na, pinagawa bahay tapos kinulang ng pera, tawag agad. i mean, nagparenovate ka ng bahay hindi mo man lang kanausap anak mo kung may pera sya sakaling magkulang tapos tatawag ka kailangan mo money ngayon as in ngayon? feeling mo ba may ilalabas kami agad? gosh...sobrang nakakaloka.
Nakakainis pa, sila pa yong naglalapit sa amin sa mga mangungutang. Like noong minsan, gusto daw manghiram ng pampagawa ng bahay yong ninang ni hubby. hello?

? kami nga walang bahay. at noong time na yon, kahit bahay nila di pa napagawa ni hubby!!!! tapos eto tuwing saturday chat sila, pati mga domestic problem nila doon kinukuwento pa. hindi ba nila naisip na baka kami may problema rin. Lola nya laging daing...inutang daw pera nya...mga apo daw nya umuuwi sa kanya, pinapakain nya, etc. ano ba gusto nya, pati yon iadamay sa allowance nya?
Tapos 'tong si MIL may pinupuntahan. yong hihiga sa kama tapos may kinakabit ata yon. basta dati pinakita yan sa TV. gusto magpabili ng kama na yon which is P85,000 yong murang model. Nakakaloka. Hindi man lang naisip na may 2 anak na kami ngayon. dati wala kaming anak, medyo okay pa mga whims nila. In the end, hindi rin nya nasabi kay hubby yong gusto nya.
Tapos iting kapatid na isa, 2 ang pamilya. Bale yong pangalawa sya pa ang legal dahil sya pinakasalan. Tapos 'tong irresponsible na kapatid, noong na finish contract, tumanggi sa job offer naliitan sa offer. Kaya ayon, 1 year na bum. tapos, yong unang family dahil umaasa lang sa sustento, ayon kahit makain wala. husband ko na sumapo pati sa schooling noong anak. nakakainis, alam ng walang kasiguraduhan kung magkakatrabaho, hindi pa nilipat sa public. ang galing pa kamo nila. yong bata ang pinagsasalita sa ninong nya. pag need ng pera for food or school.
ang pinakamalaking problem sa lahat yong asawa ko, tulong lang ng tulong kahit wala ng pera. he earns well but then, may 2 anak na kami. siguro dapat change of focus naman. hindi naman namin napapag usapan dati ang money matters - i didn't expect him to be like this. to the point na kapag pinupuna ko, ano daw magagawa nya, pag di sya nagpadala mamatay sa gutom mga kamag anak nya. hello di ko naman sinabi na putulin sustento no? dati kasi pareho kami may work at hiwalay money namin. ngayon wala na ako work, pero hiwalay pa rin money namin. minsan binibigyan nya akong allowance pag naguiguilty like noong may nangutang ng P100,000. Nitong katapusan, walang binigay, nakuha ko kasi severance pay ko sa company ko. katwiran nya, i can charge anything to his card naman. The other sabi nya pano daw nya ma-tatransfer yong utang nya sa akin from his account, sabi ko maganda dyan maging joingt ang account natin. LOL deadma...hayz....