watch now

Author Topic: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2  (Read 129698 times)

kim_trasher07

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #80 on: December 20, 2011, 02:06:21 pm »
^ hala! ganyan din yung SIL ng kapatid ko pati panty at bra sinusuot! whaaaa

electricpink17

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #81 on: December 22, 2011, 02:29:32 pm »
ganyan din ang BIL ko. sinusuot ang brief ni hubby kaya tuloy wala nang makitang brief si hubby kasi nasa labahan na lahat.

kim_trasher07

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #82 on: December 22, 2011, 03:51:58 pm »
^ atleast yun sis kapatid niya.pero unhygienic pa rin. hahaha.

leelou

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #83 on: December 22, 2011, 03:58:15 pm »
^ sis, kahit na kapatid gross pa rin dating di ba? and like what you said, unhygienic.

angel_babyteen

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #84 on: December 22, 2011, 10:04:12 pm »
^^^Yucks naman yun sis,pano nya nakukuha?as in kuha sya sa drawer ni hubby mo?christmas na,regaluhan nyo ng brief,sabihin nyo na rin wag gamitin yung sa husband mo.

wkt

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #85 on: January 01, 2012, 02:06:50 pm »
i super hate my SIL. i really hate her guts. napakabastos.  naiinis ako kasi whenever her name crops up, nagaaway kami ni hubby. gusto ni hubby, we tell MIL directly na na ayaw na namin maki-associate kay SIL so wag na sila mag-effort na mag-invite ng mga lunch etc. kesa naman he would need to make excuses everytime... ako  naman, yun din ang gusto ko, pero parang hindi ako ready na "pasamain" ang loob ni MIL.  hubby wants this confrontation to happen, para daw ma-realize ni MIL na napakawalanghiya talaga ni SIL since it will come from an outsider (which is me).  nakaka-kunsumi... ang tahi-tahimik ng buhay naming mag-asawa, basta pumasok sa eksena yung SIL, nagkakagulo kami. hmpf...

alinkshel

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #86 on: January 12, 2012, 12:12:32 am »
Malungkot din kwento ko. Super haba so di ko na lang idedetalye. Perhaps, when i'll have time...and courage na din (feeling ko kasi GT din si SIL na wife ni BIL).

I have a very good relationship with my in-laws, never had a problem with them... Until our encounters/get-togethers got so frequent that it came to the point that we're almost living together na, in our house, with all of them. I said I HAVE a very good relationahip kasi hanggang ngayon,wala pa din akong pinakitang masama kahit "sobra na". Meaning, they thought everything's fine. Hays... Sana i can vent out.

From what i'm experiencing now, i can only advice one thing to keep your good relationship with in-laws (and it is the total opposite to nurturing friendships and relationships in general): THE LESS CONTACT/COMMUNICATION, THE BETTER. Try to stay as away as possible from them. With in-laws, tge saying "absence makes the heart grow fonder" applies. In my case, lagi ko sila namimiss nuon. I even insisted to hubby that we visit them more. But it all changed because of what's happening :(

Sayang talaga. Nag-iba tingin ko sa kanila. Sana hindi na lang ganito :(

k_heart

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #87 on: January 12, 2012, 12:34:09 am »
Sa MIL and [textspeak!] ko, wala akong problem. Pero dun sa isang BIL ko, dun lagi umiinit ulo ko, as in gusto ko talaga tampalin sa face! Pero syempre hindi nya alam na i don't like him pero yung hubby ko, alam nya yunh feelings ko.

peninsula

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #88 on: January 12, 2012, 07:20:47 am »
super relate ako sa thread na ito. wala naman ako masyado problems sa in-laws, isa lang super dependent nila kay hubby. i won't say we have a good relationship but it's not bad either.  hindi naman kasi ako malapit sa kanila. hindi rin ako maka relate sa MIL ko. wala kami common interest kaya hindi rin kami masyado nagkukuwentuhan. saka wala sila masasabi dahil hindi napuputol sustento nila from hubby pati mom ng MIL ko.  With that alone, I can say mabait ako, tama ba? good thing lang dahil sustentado sila, sumusunod sila sa sinasabi ng asawa ko. at hindi rin nila ako pinapakialaman but who knows what they are saying behind my back or kung nagsusumbong kay hubby about me? eh yong asawa ng middle bro niya lagi nila pinapakialaman yon to the point na sinusumbong nila sa asawa na baka daw nanlalalaki daw. buti at hindi naniniwala. P20T daw allotment, laging ubos. Di ko naman masabi na P20T din sustento nyo mag-asawa lang kayo eh yong DIL nyo may 3 anak...di ba? yong unang asawa naman noong isa, nakatira sa compound nila, sipsip yon. chuchu kaya galit yong asawa ni middle brother.

Ang ayaw ko lang sa kanila, sumosobra naman ang pagigigng dependent nila.  yong sustento nila, panggastos lang yon. pag may ibang gastusin iba pa yon like birthday or some occassion.  I mean hindi ba nila maipon yong panghanda sa birthday from the sustento?  Saka, pag humiling, as in 6 digits. Like noong minsan, balak daw mag-canteen chuchu need daw ng P100,000 kasi bibili ng freezer, etc. Malaki naman daw kikitain. Di ko masabi na kung malaki kita, assuming P1,000/day, then you roll it up until lumaki and you won't need to ask for P100,000. saka it just gies to show na wala talaga sila naiipon sa sustento nila. Tapos noong nag retire [textspeak!] ko, aba eto na, pinagawa bahay tapos kinulang ng pera, tawag agad. i mean, nagparenovate ka ng bahay hindi mo man lang kanausap anak mo kung may pera sya sakaling magkulang tapos tatawag ka kailangan mo money ngayon as in ngayon? feeling mo ba may ilalabas kami agad? gosh...sobrang nakakaloka.

Nakakainis pa, sila pa yong naglalapit sa amin sa mga mangungutang. Like noong minsan, gusto daw manghiram ng pampagawa ng bahay yong ninang ni hubby. hello????? kami nga walang bahay. at noong time na yon, kahit bahay nila di pa napagawa ni hubby!!!! tapos eto tuwing saturday chat sila, pati mga domestic problem nila doon kinukuwento pa. hindi ba nila naisip na baka kami may problema rin. Lola nya laging daing...inutang daw pera nya...mga apo daw nya umuuwi sa kanya, pinapakain nya, etc. ano ba gusto nya, pati yon iadamay sa allowance nya?

Tapos 'tong si MIL may pinupuntahan. yong hihiga sa kama tapos may kinakabit ata yon. basta dati pinakita yan sa TV. gusto magpabili ng kama na yon which is P85,000 yong murang model. Nakakaloka.  Hindi man lang naisip na may 2 anak na kami ngayon.  dati wala kaming anak, medyo okay pa mga whims nila.  In the end, hindi rin nya nasabi kay hubby yong gusto nya.   

Tapos iting kapatid na isa, 2 ang pamilya. Bale yong pangalawa sya pa ang legal dahil sya pinakasalan. Tapos 'tong irresponsible na kapatid, noong na finish contract, tumanggi sa job offer naliitan sa offer.  Kaya ayon, 1 year na bum. tapos, yong unang family dahil umaasa lang sa sustento, ayon kahit makain wala. husband ko na sumapo pati sa schooling noong anak. nakakainis, alam ng walang kasiguraduhan kung magkakatrabaho, hindi pa nilipat sa public. ang galing pa kamo nila. yong bata ang pinagsasalita sa ninong nya. pag need ng pera for food or school.

ang pinakamalaking problem sa lahat yong asawa ko, tulong lang ng tulong kahit wala ng pera. he earns well but then, may 2 anak na kami. siguro dapat change of focus naman. hindi naman namin napapag usapan dati ang money matters - i didn't expect him to be like this. to the point na kapag pinupuna ko, ano daw magagawa nya, pag di sya nagpadala mamatay sa gutom mga kamag anak nya.  hello di ko naman sinabi na putulin sustento no? dati kasi pareho kami may work at hiwalay money namin. ngayon wala na ako work, pero hiwalay pa rin money namin. minsan binibigyan nya akong allowance pag naguiguilty like noong may nangutang ng P100,000.  Nitong katapusan, walang binigay, nakuha ko kasi severance pay ko sa company ko.  katwiran nya, i can charge anything to his card naman.  The other sabi nya pano daw nya ma-tatransfer yong utang nya sa akin from his account, sabi ko maganda dyan maging joingt ang account natin. LOL deadma...hayz....

peninsula

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #89 on: January 12, 2012, 07:31:55 am »
pasensya na sobrang haba kanina....

eto pa, noong buntis ako nagpumilit pumunta dito. tapos sabi sa mom ko, pinapunta sya dito. haller, sya ang nagpumilit. sinasabi kunwari gusto mag apply ng maid sa amin. sabi ko nga kay hubby, saka na sila pumunta, may helper naman kami. as if naman kasi babae anak nila noh. hindi lang kasi pwede mom ko dahil may work din, sana sya na lang. hindi man lang nila naisip yong gastos papunta rito considering that nanghingi sya ng pampagawa ng bubong at sinabihan sya na nag-iipon kami para sa baby. hayz. tapos yong tatay naman ni hubby nagtatampo pa raw at hindi sya kasama kaya ayon super stress ako dahil 2 silang andito. tapos imagine, maghapon nagbabatay sa hosp. gusto ko mag try mag bf, hindi ko magawa tapos you know what they do sa hosp? natutulog....my gosh, wala naman sa room yong babies dahil lagi rin kinukuha ng nurse.

tapos pagdating sa bahay kainis...konting iyak kinukuha sa akin si baby...tapos kung [textspeak!]-ano ginagawa like noong sinisinok, nilagyan ng sinulid sa noo!!!! tapos padede ng padede kaya lumulungad. tapos hindi naman marunong magpa burp!!! at pinapadee pa ng nakahiga. gosh, kaloka talaga. buti na lang 2 months lang dito.

in fainess naman, noong umuwi kami nag-aalaga naman biyenan ko. hirap kasi ako dahil kambal. pero siyempre no free lunch kaya siguro gusto humiling ng kama...




Leilama

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #90 on: January 12, 2012, 09:21:24 am »
^grabe sa pagkaabusada yang mga IL mo! Patayuan mo na ng monumento si hubby mo sa sobrang dakila nya. Kaloka sis, habang binabasa ko yang post mo lalo akong naiinis. You need to talk with your hubby about this kasi habang kinikimkim mo yan darating ang point na mapupuno ka at pag napuno ka baka kung ano masabi mo nyan, mag-aaway lang kayo lalo ng asawa mo. Cool your head, find time na magkausap kayo ni hubby at idiscuss nyo yan. Wala talagang masamang tumulong, pero kung ganyan mukhang forever and ever na yang setup na yan naku, kawawa naman mga anak mo pag nagkataon. Remember, hindi habang buhay malakas tayo at pwede magtrabaho. Kailangan mag ipon para sa kinabukasan ng mga iiwan nyo at iyon ang mga anak ninyo.

myleia27

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #91 on: January 12, 2012, 10:46:53 pm »

^^sis advise lang ah, please tell your husband to talk some sense to his family na hindi naman forever pwede silang nakaasa sa sustento. i have relatives na umaasa rin sa sustento at sila pa mayabang sa mga demands nila. ang sarap nilang pagtitirisin kaya naku i feel your pain. makita ko pa lang mga pagmumukha nila sira na araw ko! lalo na kapag biglang nagkwekwento na may bago silang gamit na alam mo naman na di nila afford dahil alam mo na hiningi lang yung pambili.

ON TOPIC: ako na magkwekwento para sa mommy ko about sa Sister In Law nya.

last October kinasal yung tita ko sa province sa North. So kanya kanyang uwi sa province, mostly couples lang ang umuwi, pero etong SIL ni mommy (so tita ko na rin by law) binitbit ang kids nya, so 5 lahat silang umuwi. usapan naman na KKB yung transpo cost dahil nag bus lang silang lahat. Akala nila okay na lahat nung nakauwi na sila sa Manila after the kasal. Eto palang si tita, pinagkakalat na masama loob nya doon sa kinasal kasi hindi raw sinagot yung pamasahe ng family nya. Si tita na kinasal ang dami raw nakuha nung nag money dance, hindi man lang raw sila binigyan ng pamasahe. Naloka si mother ko sa SIL nya dahil ang usapan naman ang uuwi lang ay yung kapatid at asawa, at KKB sa pamasahe. wala raw kasi mag aalaga sa kids niya, kaya sinama nya raw lahat akala nya raw kasi bibigyan sila ng pamasahe pauwi. nung hindi binigyan ayun kung ano anong kasiraan na pinagkalat. si tita pa na kinasal ang madamot.

BUT the worst trait of the SIL is masyado silang ganid sa pera at mayayabang. Last Christmas, sinamantala talaga nila ang season at gumawa sila ng listahan ng lahat ng relatives nila and how much they expect them to give. May computation talaga sila kung magkano dapat nila makuha. And take note, hindi per family ang bigay, dapat per working individual. Example sa family namin, my dad, me, my hubby, and my 2 brothers work, so expected nila na 5 tao magbibigay sa kanila separately. Hindi pwede yung 1 cash gift per family.

Yung 1 ko pa na tita, 3 anak nya na nag wowork. Yung 1 nyang anak binigyan na ng tig 500 yung mga kids nya. Aba nagtext siya sa tita ko na asan raw yung pamasko ng tita ko at nung 2 pang anak nya. Sabi ng tita ko, diba sabi ng kuya nyo yung 500 na binigay nya galing na rin sa akin yun? Ang sagot pakisabi na lang raw sa 2 pa nyang anak na remind about sa pamasko nila aside from the 500 na binigay na nung 1 pa. Grabe sa kapal. Kailangan talagang may reminder pa.

Tapos when we had our annual gathering some days after Christmas, this kid of hers walang ginawa but to count the money na napamaskuhan nya in front of us. As in walking around at ginagaya si Jose at Wally ng Eat Bulaga na magbilang ng pera, at dinedeclare pa kung magkano binigay ng mga kamag anak sa kanila. Si tito ganito raw 1k binigay, tapos si tito ganyan 200 lang raw, pinintasan pa na kuripot. Nanay naman nya tawa lang ng tawa. Ano naman kaya nakakatawa doon? Kinukunsinti pa kayabangan ng anak. Eh wala pang 10k napamaskuhan nya. Pinagmamalaki pa na bukas na bukas raw bibili na siya ng sony playstation portable. Nanadya talagang magmalaki. As in the whole night, nabadtrip kaming lahat dahil sa pamilya nila, walang bukang bibig but yung nakuhang pera nila.

Hindi naman kasi sila well off. Weird kasi family nila mommy, 8 silang magkakapatid and most of them are licensed professionals. Etong isang brother nya naging work up to now ay project based helper dahil hindi nakatapos then yung SIL ni mother eh nag didirect selling ng kung ano ano. wala silang steady source of income dahil contractual jobs yung nakukuha. minsan nga umaabot ng 3 months na walang work yung lalake. Tinutulungan naman sila ng family ni mommy to the point na sila na nagbabayad ng tuition ng mga anak nila, or give them food kapag walang makain sila which is most of the time. kaya kung mag mayabang sila wala talaga sa lugar. si tito naman tahimik lang, yun lang talagang SIL ni mommy, plus yung mga kids nya na super angas at yabang.

Funny lang, a few days after that, pumunta si tito sa bahay nila mommy, nanghihingi ng pagkain. my mom was like, ang daming napamaskuhan ng mga anak mo hindi kayo nakapamalengke? turns out, naubos na raw dahil nag one day millionaire sa mall ang mga loko.  nasabi na lang ng mom ko, okay lang yan may playstation naman kayo. ayun back to being poor ulit sila.

alinkshel

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #92 on: January 13, 2012, 01:13:35 am »
http://www.covenantkeepers.org/index.php?option=com_content&view=article&id=37:dealing-with-in-laws&catid=6:general-marital-issues&Itemid=21

Mga sis, it's already morning but hubby is still out with some BILs kasi trip lang nila mag-starbucks kahit 11pm na nakauwi si hubby from a dinner meeting...

At dahil jan, na-search ko yung link posted above. Di ako makatulog so binasa ko ng buo. Feeling ko, this will help pag binasa naming dalawa together. Try nyo din mga sis, baka mag-work. Antagal ko na hinahanap yung biblical explanation kung bakit kelangan iwan ng isang tao ang pamilya nya pag mag-aasawa, and here it is!

Let our hubby read Genesis 2:24.

chic_clothes

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #93 on: February 11, 2012, 10:16:43 pm »
iritable ko sa mil ko, sinabihan ngayon baby ko malnourished..nakaka gigil na talaga, hindi iniisip ang sinasabi..alam naman niya naconfine si baby kase nagsukat tae tapos sasabihan ng ganun, parang hindi niya apo..

peninsula

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #94 on: February 17, 2012, 03:49:48 am »
I went ballistic just recently kasi I found out na humiling ng aso ang pamangkin ng hubby ko...aso as in yong may breed. humingi ng shi tzu. I read the PM, 12T ata yong nakita na tuta.  Gusto ko talaga maghuramentado kasi si hubby na nag nagpapaaral doon dahil nawalan ng work ang tatay so si hubby na yong nagpatuition this year.  Aside from that, minsan humihingi pa sila ng pang food allowance. Grabe as in grabe.  Wala na makain mag-aalaga pa ng aso. I wrote my husband a lengthy e-mail about it at sinabi ko na rin lahat-lahat ng mga gusto kong sabihin about dyan sa financial help na binibigay nya sa family nya which i wrote in my earlier post. I e-mailed it kasi talking to my husband won't work. Hindi ako makakakuha ng matinong sagot pag kinausap ko yan.  Pero sabi ko sa kanya, that's the first and last time I will talk about it. Never again. Sabi ko rin sa sarili ko hindi ko na babsahin ang mga PMs nya.

But I'm itching to e-mail his brother.  Kasi yong brother nya may iba ng family.  May sustento naman itong anak sa una na siya pang naging anak sa labas kaso nga nawalan ng work.  Ngayon pa lang ulit nagkawork.  Gusto ko sya i-e-mail na sana naman next year sya na ang magpatuition sa anak nya at kung di nya afford, mag-isip isip na sila lumipat sa public school no.  Gusto ko rin i-email yong hipag na hilaw ng asawa ko na sana naman magkaroon sya ng discernment kung ano ang importante at di importante.  sana rin maisip nya may 2 anak na kami...Hindi nga bumibili ng car seat kasi naghihintay ng sale tapos bibili ng aso.  Sa tingin nyo tama ba na mag-e-mail ako.  Dapat talaga si hubby ang awayin ko pero hindi naman makikinig sa akin yan.  Sa akin lang gusto ko malaman ng mga kaanak niu hubby ang tunay sa kalagayan ng aming finances, mga loans namin para naman sila na mismo ang mahiya kung meron pa sila noon. wala akong pakialam kung may masabi man sila sa akin..sobra na di ko na kaya.  on our end naman hindi na rin ako masaya sa aming relationship ni hubby so wala na akong pakialam kung ma-strain man ang relationship namin. palagay nyo?

cindylulu

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #95 on: February 17, 2012, 11:15:41 am »
^sis, better talk to the pamangkin din. you have the right naman kasi pera nyo yung pambili ng aso. an not only that, better talk to your bil and hilaw sa sil din. tell them frankly na hindi nyo na ma afford yung anak nila, and sinosoli nyo na ang responsibility sa kanila, tutal may bagong work naman itong si bil. usually ganun naman ang mga husbands e. they will clam up if the wife confronts them about in-law's financial matters. pero kung ang wife ang humahawak ng finances (income and budgeting), then may control over expenditures.

peninsula

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #96 on: February 17, 2012, 04:35:00 pm »
that's my problem. i have no control of my husband's finances. kahit kausapin ko sila lahat...in the end pag gusto ng hubby ko na magbigay magbibigay pa rin kahit patago lalo ngayon na naconfront ko na hubby ko. balak ko rin talaga kausapin yong pamangkin para yong bata mismo maintindihan nya.  kaya ko lang gusto kausapin mga ILs para malaman nila at kung may konsensya pa sila, sana sila na mismo ang umiwas humingi ng pera.

rics

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #97 on: February 21, 2012, 07:57:16 am »
^i encourage you to talk/email your BIL and SIL na hilaw (email is better since for sure you will be able to express yourself better), sabihin mo na lahat ng hinaing mo just so they know, no holds barred. but also, mention to your hubby that you talked to them para lang din alam nya, once and for all, that you are major pissed off, and you can no longer tolerate the help being extended to his family.

if hubby doesnt seem to care, ikaw and your kids na lang ang umubos ng pera, kesa naman ubusin ng angkan nya.

cindylulu

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #98 on: February 21, 2012, 09:21:37 pm »
^hahaha correct sis. why spend it on someone na relative lang? e di spend it on your family na hehe. makikinabang pa ba sila sa pera nyo?  ;D

Princess_Chill

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #99 on: February 22, 2012, 04:40:40 am »
ako sobrang inis ko sa MIL ko..walang ka amor amor sa anak ko...wala kasi kaming yaya so minsan we asking if she can go to our house to look after my kid naku palaging me lakad..e hindi naman kami araw araw nagpapakiusap na paki bantayan anak namin...pero dun sa SIL ko laging punta halos araw araw andun siya... to think na sa sta mesa pa nakatira SIL ko e kami same lang na sa valenzuela! tapos may yaya naman SIL ko since aalis sila mag asawa ayaw lang nila maiwan with the yaya lang kids kailangan pumunta pa dun MIL ko siya naman keri lang ok lang pag kami pahirpan pa...

porket ba hindi kami well off kaya ganun?

tapos eto pa pinaka iinis ko lagi niya compare anak ko sa pinsan niya. i told hubby na wag naman ganun kung hindi niya feel anak ko i don't care huwag nalang niya i kumpara sa ibang apo niya.

Tapos kung utusan si hubby kala mo trabahador!! dun siya magaling ang utusan hubby ko..hai!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close