watch now

Author Topic: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2  (Read 129714 times)

whinx

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #20 on: June 11, 2011, 01:28:56 am »
while browsing sa mga threads nakita ko ang thread na eto and super swak na swak sya sa banga sa mga nangyayari sa akin ngaun... As a background, I'm leaving with my in laws as in bil with wifey and kids and dad in law... nakakainis with my in laws as in parang ako yung help desk nila lahat nalang sabihin sa akin pagawa or pakiusap kahit simpleng bagay na kaya naman nila gawin... ok lang at first sa akin pero dumating na sa point na too much to handle na for me... parang hindi na nila inisip na busy ako sa work and all.

Meron nangyari just today. Pinagalitan ng asawa ni bil ang helper namin. Pero majority na ginagawa ng helper ay para kina bil and family kasi may sarili ako helper. So after pagalitan ng wifey ni bil gusto na umalis ng helper... Aba aba aba maya maya ngtext na si dad in law ngsasabi na kung may mahanap daw ako na papalit na helper. Nainis talaga ako kasi baket hindi sya kina bil mgpahanap sila naman may kailangan and sila naman dahilan baket like na umalis ng helper. Ang mas nakakainis pati yung helper ko ginugulo nila... nakakainis talag  >:(

ishi_08

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #21 on: June 11, 2011, 07:17:46 pm »
ay naku mga sis, yung MIL ko, panay text kay hubby, inuunhan pa ako magsabi.. gayan nung brother ko, eh pinahinto ko na sa pag aaral kasi di pumapasok... since kami nagpapaaral nakakhiya kay hubby, eh ang mama ko nakwento kay MIL.. eto ang epal masyado. sinabi kay hubby agad!pwede ba! unahan ba ako... kaya tumawag si hubby at nagalit sakin... suko talaga ang inis ko kay MIL. pati nung andito lola ko epal sya! unahan ba [textspeak!] ako ke hubby, eh kakarating lang ng lola ko. taguan ko nga sya!

j27

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #22 on: June 11, 2011, 09:26:15 pm »
i live with my inlaws, too. super pakialamera. hindi porket nakatira kami sa house niya e siya na masusunod sa lahat, lalo na sa pagpapalaki ko sa mga anak ko.

lalong lalo na sa pera, napakatinik. kapag nasesense niya na may pera kami, kung anoanong hinihingi samin as SHARE daw. to think na yung sinusweldo ni f i l e sobra sobra pa kahit i-accomodate kaming lahat for life. ayaw niya kasi na may pera kami, akala niya sinosolo ko. at kaya siya gigil sa sweldo ni hubby, kasi never niya napakinabangan yun. aba naman, 2 na anak namin, gusto pa niya kumuha ng tong samin?

nagbibigay naman kami dito sa house kaya hindi niya pwede isumbat sakin na pinapalamon niya kami. tsaka sila naman tong ang kulit kulit na gusto makasama mga apo nila, kaya na-stock na rin kami dito ni hubby. kapag umalis kami dito, sigurado ang daming sumbat ni mil na ibabato samin.

dahil sa kanila kami nakatira, ang naghihintay naman sa amin yung parents ko. sila, nagtatanong lang kung kailan kami uuwi dun, kailan papasyal. kung ano man ang mapag usapan namin ni hubby, kung uuwi o hindi, okay lang sa parents ko (kahit siyempre, sa loob ko, gusto ko umuwi). iba ang nagtatanong sa nagdidikta. haha. so, ang set-up namin ni hubby, basta hindi busy, atleast every month makadalaw kami dun (overnight), tsaka kapag may special occasions like birthdays, christmas day, new year's eve.

pero itong mil ko, pang gulo! gusto niya christmas at new year nasa kanila kami para kumpleto daw. paano naman ang family ko? tsaka pag uuwi kami sa amin kung anoano sinasabi sa mga anak ko. kesyo, "ay lilibot kami mamaya sa ganito/ganyan". or sasabihin niya sa mga bata, "ay iiwan mo na ako? dimo na ako love?". parang ayaw pa pasamahin e. kulang nalang ipaiwan yung mga bata. kainis!

mishmish

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #23 on: June 11, 2011, 09:48:04 pm »
^ Naging problema ko din yang holiday vacation na yan. Usually gusto ni kontrabidang MIL na kasama namin sila, together with her relatives (siblings, pamangkin..) Ang akin lang, huwag naman siya masyadong selfish na gusto niya yung time namin sa kanya lang. Paano naman ang family ko diba? Hindi naman porque mga taong-bahay lang parents ko eh ichepwera na sila! kainis!

When hubby brought this issue up to her, ang sagot ba naman, ang lalaki daw masusunod, which is well, si hubby nga daw. Buti na lang, before ni-bring up ni hubby yan sa mom niya, na-briefing ko na siya. Kaya sapol ang ermats niya kasi sinagot niya eto -- bakit? tuwing holidays, ang kasama naman na relatives puro sa mother's side (MIL's) not father's side... Nakakainis lang kasi nakapa self centered, pa-importante masyado  ::) hmmmp!! Meron pa siyang nalalaman na ang guy ang dapat na nasusunod che! Bakit di na lang niya sabihin na ang totoo, sarili niya ang gusto niyang masunod!! Kapal ng face na diktahan ako! Hmmp!!  >:(

j27

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #24 on: June 11, 2011, 11:40:22 pm »
^sus! kung sasabihin sakin ni mil yung ganyan na dapat ang lalaki ang masusunod, magtigil nga siya! isipin niya yung ginagawa niya kay f i l. kahit gustong mag comment ni f i l, hindi siya makahirit kay mil dahil mamumura siya. takusa yun e! magcomment ka lang ng konti isusumpa ka ni mil. kaya kami pag nagsasabi sabi si mil, deadma lang, no comment, walk-out, ng matigil sa kadadakdak. hehe.

yung holidays na yan, hindi lang ako ang binubwisit niyan. pati si f i l. taga pampanga kasi sila, kami pag umuuwi sa cabanatuan nueva ecija. yung parents ni f i l taga la union. so ang drama, kapag nag uwian, sila din uuwi sa la union para bumisita. ayaw ni mil. e once a year lang makita ni f i l yung mga parents at kapatid niya dahil nasa abroad nga siya palagi, uuwi lang twice a year. tapos kontra pa si mil. selfish to the nth level. gusto nasa kanya lahat ng attention. kapag sinuway mo akala mo mamamatay na kung magdrama, paawa epek.

thebratinella

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #25 on: June 11, 2011, 11:55:42 pm »
daming issues sa in-laws. ang hirap kasi makisama. yung MIL ko naman mabait pero may issues din sa buhay. magtatanong yan pag pupunta siya sa province kung anong gusto naming pasalubong. bilin naman kami ng husband ko. ang ending magbabayad kami ng binili niya for us. before i gave birth, bumili siya ng clothes for our baby, binayaran din namin ng husband ko. she helped us with hospital bills pero utang yun at hindi bigay. magtetext na walag pera pero magsusumbong ang father-in-law ko na nagshopping sila ng sister-in-law ko at nagdeposit sa bank. biglang uuwi na may dalang havaianas and perfume. sabi nga ng husband ko pagdating sa pera may attitude yung mom niya. mom ko kasi generous. kaya nga nagwiwish husband ko na sana nakuha ko daw ugali ng mom ko para masaya kami kasi ang bait sobra.  ;D ang masakit pa nga talaga ay pag hindi niya kami nakikita, magtetext ng sumbat. akala mo simple text pero may kasunod na litanya. i mean if she needs something, she can simply tell us but she ends up saying hurtful words. she could simply say na naiinis siya dahil nagcelebrate kami ng birthday ko at gusto niya pinuntahan namin sila the day before. nakakainis lang kasi last year on my birthday, we prepared food at home at pumunta sila, sister niya, niece and grandsons. nagplan lang ako ng iba this year. hindi man lang niya naisip na umuulan the day before my birthday at bumabaha sa area nila. kung concerned ka sa apo mo, sasabihin mo bang ibiyahe (kahit may car pa) dahil lahat sila nasa house. buti sana kung hindi sila binibisita. wala naman kaming magawa ng husband ko kasi we have different scheds. alangan huwag na kami magwork. pag nalaman pa niya na umuwi from quezon dad ko, magtatanong na yan sa husband ko if may sugpo/hipon at bigyan daw sila kasi favorite ng sister-in-law ko yun. gusto ko sabihin sana pasalubong niyo nga pinapabayaran niyo tapos mag-eexpect kayo na bibigyan kayo. i mean we're not selfish kasi ako mismo nagbibigay and even my mom would ask my husband to take seafoods to their house pero hindi lang maganda na sisingilin ka bigla dahil may dala siya.

alam pa niya na may incentives ang husband ko sa office. they get free GCs for good performance. minsan mababasa ko text messages niya kasi hindi binubura ng husband ko para mabasa ko lahat. tatanong if may GCs daw husband ko at pahingi sila. sana maisip niya na may anak na kami. daming gastos. we use the GCs to buy milk, diapers and groceries. kahit may extra money kami, we need to save. siya wala ng pinapaaral dahil my sister-in-law already works at malaki pa salary. pinagmamalaki nga ng father-in-law ko na madaming savings/bonus ang sister-in-law ko pero magtetext si MIL na broke siya etc. nagtataka nga kami ng husband ko kung bakit ganun ang drama niya. may hirit pa sila minsan na we can afford nga daw to buy stuff for our baby. alangan naman tipirin namin yung baby namin?! bills na lang iniisip niya at todo ipon sila so we don't understand why she acts and says the opposite. as if naman manghihingi kami sa kanila. sabi ko nga sa naranasan ng husband ko na sumbat, i'd rather ask help from my parents and siblings if ever may emergency. mabait si MIL pagdating sa ibang bagay  pero when it comes to money, ibang usapan na. sabi nga ng husband ko sa dad niya na bakit naman daw sa relatives nila, okay lang magbigay ng financial assistance ang mom niya pero pagdating sa kanya, makakarinig siya. anak pa siya sa lagay na yan. days na hindi nagpaparamdam husband ko sa kanila and i can't blame him. kahit siya nakakatanggap ng hurtful words, i feel bad too. alam ko kasi lahat ng pera ng husband ko he allots for our family.
« Last Edit: June 12, 2011, 12:08:07 am by thebratinella »

ishi_08

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #26 on: June 12, 2011, 06:33:40 am »
GRrr yung pagpunta nya dito eh namumuna lang pala sya! then megatext ke hubby! dakilang sumbungera! i hate you! ang dami mong sakit. ang arte arte mo! yung pera na binibgay ni hubby sa inyo, aba sweldo na ng isang office worker yan, kulang pba yan! kesyo ganito ganyan. ang hilig nyo kasing mag ampon ng tao, eh pare pareho kayong walang silbi

pwede ba pag pumunta ka dito, tigilan mo yang kakasabi ng sakit mo.... ayoko ng negative vibes kung pwede lang!

j27

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #27 on: June 12, 2011, 12:20:05 pm »
^thebratinella, haha! pareho tayo ng mil, pagdating sa pera, biglang nagniningning ang mga mata niya at parang natataranta. gusto ko na nga pagawan ng contact lens yun na may $ or peso sign e. hehe.

nung nagbirthday nun yung 2 daughters ko, gift daw niya yung cakes and cupcakes. so, sige, makakabawas sa expenses, thank you. pero naman, nung in the making na, ako lahat ang bumili ng ingredients, ako pa assistant niya sa pag bake. parang ako na din ang gumawa. so, regalo ko pala sa mga anak ko yun. haha!

1 more thing, kapag birthday ng mga anak ko, tsaka nung binyag nila, kami ni hubby ang gumagastos. tapos sasabihin niya sa mga bisita na siya ang nagpa-cater. nakakahiya! kahit andun parents at relatives ko sinasabi niya yun.

tapos once sa pa-party ko, pinagpipilitan niya yung friend nila na caterer, kahit may regular caterer na ako na sarap na sarap talaga mga guests sa foods. ay nako, nasayang pera ko. parang kumain sa canteen yung mga bisita ko. kumbaga, kumakain ka na sa mcdo, lumipat ka pa sa food stand lang. ganun ang quality difference ng food. ang daming tirang pagkain. sa ilang years ko nagpapaparty, nun lang parang walang gana sa pagkain ang mga tao. nagsinungaling pa ako sa caterer ko dahil hindi ko masabi kung bakit hindi siya ang kinuha ko. kaya next party, sinasabi niya ulit yung friend nila, inunahan ko na, nasettle ko na kako yung sa caterer ko.

twix

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #28 on: June 12, 2011, 04:11:04 pm »
wow! dami talagang issue about IL's natin..hay! nakaka relate dito sa thread na ito kahit ibat' iba pa ating sitwasyon basta't inlaw 's hay!!! ::) ::)

ishi_08

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #29 on: June 13, 2011, 07:16:33 am »
ay naku, dahil sa kanila, maghihiwalay na kami ng asawa ko! salamat sa inyo! ang malas ko naman talaga! may gana ka pang pumunta dito... tataguan talaga kita! the nerve!

thebratinella

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #30 on: June 13, 2011, 08:21:19 am »
J27- pagdating nga sa ganyang decisions, don't let her meddle kasi kayo mapapahiya. Si MIL naman maluwag sa pera pag sa daughter niya. Iba pag husband ko kaya sumasama loob sa kanya.

Ishi- sis, pag-usapan niyo ng husband mo. Sabi ng mom ko before, if inis ako sa in-laws ko, huwag ko awayin husband ko. At first, he won't understand kaya you need to let him know everything you feel.

j27

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #31 on: June 13, 2011, 11:40:22 am »
^thebratinella, sis ganyan din mil ko. pag sa ibang kapatid ni hubby ang galing! pinagshoshopping niya, kahit yung asawa ng 2sis niya at gf ng little bro nila. pero pag si hubby ang binilan, sinisingil kami. ako madalang ako bilhan ni mil, salamat kung meron, kung wala naman e okay lang din dahil binibigay naman sakin ni hubby lahat, kaya hindi ko kailangan mag expect sa kanya.

sa mga apo naman, pantay pantay naman ang tingin niya sa 2girls ko at sa 1boy na anak ng ate ni hubby. ang problema lang, itong panganay ko, sobrang na-brainwash ni mil. kinukuha niya talaga ang loob, nung minsan nga nadinig ko pa, sinasabi sa eldest ko, "tandaan mo apo ko, mahal na mahal ka namin ni papa ha. wala lang tayong magawa.".

ako kasi disciplinarian sa anak. pag sinabi kong hindi pwede, matuto silang sumunod. so sa mga anak ko, ang labas e masungit ako, parang palaging nagagalit. so nung nadinig ko yun, parang ang labas pa sa sinabi ni mil sa anak ko, na no choice sila at ako naging mommy nila. bwisit kakong mil to. kaya nung nadinig ko yun, tinawag ko agad anak ko, pinapasok ko sa kwarto.

sinabi ko sa mommy ko yung sinabi ni mil sa anak ko, sana daw sinabi ko, "kung hindi ako ang naging mommy ng mga yan, hindi rin sila ang mga apo niyo".

kaya itong bunso, hindi ko masyado hinahayaan na nakasiksik kay mil. baka pati ito e turuan na magalit sakin.

myles_away

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #32 on: June 13, 2011, 11:33:54 pm »

@ ishi_08- naku sis sabi nga ng sis in law ko  (wife ng bro ni hubby) kung ako daw sya, either baliw na sya or hiwalay na sya sa asawa..hehe sinabi ko nga yun kay hubby.. at sabi ko ayokong mabaliw.. yun second option na lan kaya.. wala lang, nr..

i tell him everything na ginagawa ng mom nya pero wala din sya masabi coz wala naman din daw sya magagawa.. coz ganun na daw talaga mom nya. we need to be patient lang daw. hello? hanggang kelan?.. hayz..

question mga sis, was there an instance na you argue or confront your MIL? and how did it go? thanks... i want to tell her na ayoko ng mga ginagawa nya sa baby ko... [textspeak!] naman effective yun nice way eh like sinasabi ko pwede po mommy ganito.. ay oo ng sasabihin naman nya pero when im at work, yun gusto pa din nil ang ginagawa nila.. nakakainis talaga..

@j27 - naku sis, nakikinita ko na rin nga yan.. yun ibbrainwash ang anak ko ni MIL.. she don't have daughter kc.. kaya tuwang tuwa sya nun girl baby ko. feeling nya nga sya na nanay.. sorry, not for long.. buti na lang pumayag na si hubby na dun muna kami sa parents ko, just need to find a yaya.. hay sana makahanap nako ng yaya soon.. hayz..

thebratinella

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #33 on: June 14, 2011, 03:04:40 am »
^^sis, better keep your kids beside you all the time para hindi mabrainwash ni MIL. When it comes to money, ayoko lumapit sa in-laws if emergency. Sa family ko na lang para walang issues. Kaloka lang yung sasabihin na kunin ang food dun sa house nila then bigla sisingilin ka. Gusto ko nga sana sabihin sa husband ko na hindi naman pasalubong yan eh.

^ mas maganda talaga bumukod, sis. Iwas conflict na rin. Dito kami nakatira sa parents ko pero no problem naman. Pero if someday may issue, bubukod kami kasi kawawa naman husband ko if hindi na siya comfortable.

j27

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #34 on: June 14, 2011, 12:03:13 pm »
^myles_away, ako na-confront ko si mil about sa ganyan. actually, hindi naman confront na as in dinakdakan ko siya, napasagot lang ako. may instance lang kasi na hindi ko nagustuhan yung ginawa niya (actually pala, madalas niya ginagawa yan, nun lang ako napasagot), e nagsalita pa siya sakin.

eto kwento, ako kasi pag may sinabi ako, gusto ko sumunod na agad sa akin, para tapos na usapan. e yung bunso ko hindi sumunod agad, nagalit ako (nagtaas lang ako ng boses, hindi ko papaluin). tumakbo kay mil yung bunso ko. aba itong mil naman na to e saklolo agad, kinuha ko nga yung anak ko sa kanya. sumunod pa sa amin at sinabi sakin, "pasalamat ka nga at kinakampihan ko pa yung mga anak mo". sabi ko naman, "pwede po ba pagdating sa mga anak ko, hayaan niyo naman po ako magdisiplina".

nakikialam kasi sa pagpapalaki ko. e kung kukunsintihin ko yung ganung attitude, makakaaway talaga ako ng mga anak ko dahil ang magiging tingin nila sakin kontrabida at si mil ang savior nila. at yan na nga ang gustong mangyari ni mil kaya kinukuha niya loob ng mga bata. hindi naman ako papayag, kaya hindi ko masyado pinapalapit yung mga anak ko sa kanya.

pagdating ng gabi, nagsumbong po kay f i l at sa hubby ko, pinalabas niya na inaapi ko daw siya. inaway ko daw siya dahil sa nangyari (gigil na gigil ako kay mil nun). galit na galit ako kay hubby nun kasi nung nalaman niya, sinugod niya ko agad at nagalit sakin. sinagot ko nga siya, "nagagalit ka agad sakin, bakit hindi mo muna itanong sakin kung ano ginawa ng magaling mong nanay?". kinwento ko at marami pa akong sinabi sa kanya na pinag gagagawa ng nanay niya, itinago ko lahat yun kasi ayoko naman na sumbong ako ng sumbong kay hubby. edi naliwanagan siya, nagsorry siya sakin pagkatapos ko magkwento.

pati si f i l, bihirang magalit yun, pero sinermonan ako dahil naniniwala siya sa sumbong ni mil. habang nagsasalita siya parang gusto ko silang isumpa. hindi nalang ako sumagot, hinayaan ko sila magsalita sa harap ko. pero dahil dun sa nangyari na yun, tigas akong hindi nag sorry. wala akong kasalanan. talagang simula nun, lalo ko pa silang iniwasan.

^thebratinella, ganyan na nga ang ginagawa ko sis. maghapon kami nakakulong dito sa kwarto. dito na rin kami kumakain ng mga bata. ako lang ang lumalabas, magluluto. ang labas na ng mga bata, pagdating ng daddy (kasabay si f i l dahil magkasama sila sa work) nila sa hapon. tapos magdadrama pa si mil, nagpaparinig, "ngayon ko lang nakita mga apo ko, maghapon sila nakakulong sa kwarto nila".

thebratinella

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #35 on: June 14, 2011, 06:21:29 pm »
^sis, you live with your in-laws? hindi ba puwede kausapin mo husband mo na bumukod kayo kasi in the long run magiging problem mo talaga yung pagdiscipline sa kids mo. for now, you can control them by keeping them beside you pero dadating yung time that your kids will grow up and they need to go outside din to play. dito naman sa house walang nakikialam sa pagdiscipline sa baby ko though she's just 16 months. yung brothers ko sinasaway na siya pati lola ko. she gets pampered pero pag makulit na napapagsabihan din na don't do that, that's not good, huwag makulit etc.

j27

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #36 on: June 14, 2011, 10:04:18 pm »
^yes sis. ever since kinasal kami ni hubby, we live with them. bata kasi kami nag asawa ni hubby, pareho pa kami nag aaral nun. nung nagka work naman si hubby, request nila na since matanda na sila, dun kami sa kanila tumira para makasama mga apo nila. hindi naman kami kapal muks, kaya simula nung nagka work si hubby, we give our share sa lahat ng expenses sa house. gusto man naming bumukod, dinadramahan talaga kami ni mil. and si hubby, pinapakiusapan din siya ni f i l. kaya hirap kami bumukod kahit gustong gusto ko na. siyempre gusto ko din may sarili akong bahay. kaya lang pagbigyan muna daw. tiis nalang sa attitude ni mil hanggat kakayanin.  :-)

myles_away

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #37 on: June 17, 2011, 06:14:40 pm »
ganun yata talaga mga sis noh, most MIL eh feeling nila dahil sa nakatira tayo sa kanila eh sila na ang masusunod sa gusto nila. pati yun apo nila feeling nila anak nila. sabi ko nga kay hubby, hindi naman yun pwede. i just learned nga last night sa maid na pinipilit daw pakainin baby ko even she closes her mouth na and she refuse na the spoon. naawa ako bigla sa baby ko.. :( when i feed her, i let her hold the spoon and guide her lang. she enjoys eating.. tapos ganun ginagawa nya. ialso told her to feed 2-3 times a day lang. 1 hr after nya magmilk. pero 4-5 times daw gingawa ang even kakain lang bibigyan na din ng milk. kaya tuloy konti lang nadede nya and sayang din yun milk. gusto kasi nila tumaba baby ko. eh sabi mom ko parang ako daw baby ko d talaga tabain. ang hirap kahit firm ka sa gusto mo and you always say what you want, pag kausap mo as if they agree, pati pag nagkwento yun sinabi mo yun ang gingawa, pero iba pala gingawa nila pag wala kana sa bahay. buti na lang chika kami ng maid. sinabi ko yun kay hubby, no comment lang sya.. konting tiis na lang daw.. we're planning na bumukod na din next year. pero parang antagal pa ng next year..hayz.. isa pa pala, my MIL is very good on making up stories.. grabe talaga.. nakakloka sya. gustong gusto ko na sya iconfront talaga sa mga pinagagawa nyang kwento, buti  nalang at napapagpasensyahan ko pa sya.

electricpink17

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #38 on: August 10, 2011, 11:04:19 am »
me naman, wala akong problema kay MIL. thank gawd naisipan ng husband ko na ilayo ako sa kanya. pero ang problem ko naman ang brother in law ko. BIL is my hubby's closest brother and I know how they love each other. BIL is gay. Noong graduating si BIL sa college, he expressed his interest in staying with us kasi we live in makati, mas malapit ang access sa work. I really prayed hard na hindi matuloy. Unfortunately, natuloy na nga and he's living with us.

Since kakastart lang niya magwork, konte lang ang mga gamit niya. he borrows hubby's shirts, shorts, socks, jeans, shoes. bumabaho na ang shoes ng husband ko because mabaho ang feet niya. I got really mad when I saw the pics he uploaded kasi not only he was wearing hubby's clothes from top to bottom, but also the bag I gave to hubby as a gift and the sunglasses. kaloka. I found out that he was using hubby's deo too. the worst part was one time after shower, hubby was looking for briefs and he couldn't find one. I asked my maid, wala daw siyang nilabhan. Hubby checked BIL's dirty bin and there he saw his briefS!!! wtf....

during his rest days, BIL would just sleep all day and all night long. we'll just wake him up pag kakain. he don't bother buying his own toiletries. he is working in ortigas pero noong nagstart pa lang siyang tumira dito, sabi niya titira siya until makasweldo na siya at maghahanap siya ng sarili niyang place. obviously, hindi iyon natuloy. i am just hoping na pag naregular na siya ay maisipan niyang maging independent.

sometimes i ask myself kung natural lang na mainis ako na hinihiram niya mga gamit ng husband ko from shirt to briefs o baka naman nagiging madamot lang ako. I couldn't just get mad at hubby kasi i know they are supeeeerrr close. Me and hubby are okay. we seldom fight and even if we do, konteng misunderstanding lang. I am sure na pag sinabi ko kay hubby lahat ng inis ko sa kapatid niya, na sasama ang loob niya kaya wala akong lakas ng loob magreklamo sa kanya.. so there, until now i am just keeping everything to myself.   :(

thebratinella

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #39 on: August 10, 2011, 09:49:45 pm »
another thing that i don't like with my in-laws is yung mga kaya nila gawin gusto nila husband ko gagawa. magtetext si MIL. sasabihin tawagan siya ng husband ko. pagtawag ng husband ko, ang tatanong lang pala kailan off niya kasi gusto niya magdownload ng songs and stuff husband ko for my SIL's iphone and samahan niya bumili ng protector. sabi nga ng husband ko puwede naman niya bigyan ng instructions over the phone. hindi naman bata yun para lahat gawin niya. then nagtext last monday kung kailan daw off ng husband ko. tuesday daw tripping nila sa kawit for the house they're thinking of buying. sabi ng husband ko may work siya kasi off niya sat-sun na. pag-uwi ng husband ko, sabi sa akin ano daw ba lakad namin sa sunday kasi nagpapasama daw si MIL, father-in-law and SIL sa tripping. nagparesched si MIL sa agent bigla kasi hindi pala off ng husband ko. ayaw pala nila umalis mag-isa at gusto magpadrive. sinabihan ko na kasi maghanap ng house sa malapit lang. dun pa gusto pero kailangan naman pala magpadrive. bad timing na naman kasi plan namin pumunta sa tagaytay ng husband ko to celebrate our anniversary. annoying kasi wala man lang akong narining na, 'may lakad ba kayo? baka puwedeng magpasama'. ang linya, 'samahan mo kapatid mo bumili ng protector, pumunta ka sa house para magdownload ng songs, samahan mo si SIL sa DFA kasi appointment niya today (iinform niya husband ko a few hours before) and sumama ka sa tripping. kaya masyadong annoyed ako kasi off ko once a week lang. magkaiba pa kami ng husband ko ng sched, so i have to file a leave or schedule whatever we need to do on my husband's rest day. tapos si MIL schedule din niya mga gusto niya gawin na ask niya husband ko dun pa sa leave na matagal kong hinihintay para makapagspend kami ng time ng husband ko. graveyard shift kasi ako while husband ko naman dayshift ang work.  :( so ang mangyayari if ever, we'll make time for their tripping.  nagfile pa ako ng leave para lang sa plans namin. i have saturday night to spend lang with my husband kasi aalis din siya during the day para magparepair ng car while i'm sleeping. sunday pala is MIL's day kung susunod husband ko. parang gusto ko nga sabihin, sige, kayo na lang magdate.  ;D

sana maisip man lang na may pamilya na anak niya at consider naman nila na busy din kami. akala yata nila madali lang work ko. okay nga lang sa kanila dati na wala akong tulog basta dalhin namin yung baby sa house nila. sabi nga ng mom ko, if they want to visit, puwede naman anytime. intindihin na lang na busy kaming mag-asawa. nagwowork din naman kami. pag alam mong you'll cause inconvenience to somebody, hindi ka na magrerequest di ba? like inconvenient pala sa kanila yung location ng house dahil nalalayuan sila pag commute, then why choose to go there tapos ask nila husband ko to drive for them. in the long run, sila rin mahihirapan. bahala husband ko magsabi kay MIL about our weekend plans. super stressed pa naman ako because i've been working 6 days sometimes even 8 days straight.
« Last Edit: August 10, 2011, 10:04:42 pm by thebratinella »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close