^myles_away, ako na-confront ko si mil about sa ganyan. actually, hindi naman confront na as in dinakdakan ko siya, napasagot lang ako. may instance lang kasi na hindi ko nagustuhan yung ginawa niya (actually pala, madalas niya ginagawa yan, nun lang ako napasagot), e nagsalita pa siya sakin.
eto kwento, ako kasi pag may sinabi ako, gusto ko sumunod na agad sa akin, para tapos na usapan. e yung bunso ko hindi sumunod agad, nagalit ako (nagtaas lang ako ng boses, hindi ko papaluin). tumakbo kay mil yung bunso ko. aba itong mil naman na to e saklolo agad, kinuha ko nga yung anak ko sa kanya. sumunod pa sa amin at sinabi sakin, "pasalamat ka nga at kinakampihan ko pa yung mga anak mo". sabi ko naman, "pwede po ba pagdating sa mga anak ko, hayaan niyo naman po ako magdisiplina".
nakikialam kasi sa pagpapalaki ko. e kung kukunsintihin ko yung ganung attitude, makakaaway talaga ako ng mga anak ko dahil ang magiging tingin nila sakin kontrabida at si mil ang savior nila. at yan na nga ang gustong mangyari ni mil kaya kinukuha niya loob ng mga bata. hindi naman ako papayag, kaya hindi ko masyado pinapalapit yung mga anak ko sa kanya.
pagdating ng gabi, nagsumbong po kay f i l at sa hubby ko, pinalabas niya na inaapi ko daw siya. inaway ko daw siya dahil sa nangyari (gigil na gigil ako kay mil nun). galit na galit ako kay hubby nun kasi nung nalaman niya, sinugod niya ko agad at nagalit sakin. sinagot ko nga siya, "nagagalit ka agad sakin, bakit hindi mo muna itanong sakin kung ano ginawa ng magaling mong nanay?". kinwento ko at marami pa akong sinabi sa kanya na pinag gagagawa ng nanay niya, itinago ko lahat yun kasi ayoko naman na sumbong ako ng sumbong kay hubby. edi naliwanagan siya, nagsorry siya sakin pagkatapos ko magkwento.
pati si f i l, bihirang magalit yun, pero sinermonan ako dahil naniniwala siya sa sumbong ni mil. habang nagsasalita siya parang gusto ko silang isumpa. hindi nalang ako sumagot, hinayaan ko sila magsalita sa harap ko. pero dahil dun sa nangyari na yun, tigas akong hindi nag sorry. wala akong kasalanan. talagang simula nun, lalo ko pa silang iniwasan.
^thebratinella, ganyan na nga ang ginagawa ko sis. maghapon kami nakakulong dito sa kwarto. dito na rin kami kumakain ng mga bata. ako lang ang lumalabas, magluluto. ang labas na ng mga bata, pagdating ng daddy (kasabay si f i l dahil magkasama sila sa work) nila sa hapon. tapos magdadrama pa si mil, nagpaparinig, "ngayon ko lang nakita mga apo ko, maghapon sila nakakulong sa kwarto nila".