Good morning mommies!

Grabe naman, haba ng binack-read ko! hirap talaga dito pag absent ka

Re working - korek kayo diyan! mas maganda may sariling pera. Although, ako naman ang VP of Finance samen ni hubby, mas feel ko pa din may sarili akong pera kase in cases na may di siya approve na decision sa gusto kong pagkagastusan, may paghuhugutan ako

gaya sa 1st birthday, minsan ayaw niya ng ganito ng ganiyan, eh sinasabi ko na lang, okay! LOL! Or minsan, I tell him 5K lang ang bayad sa ganito pero totoo eh 10K! LOL!

Atsaka, di pa naman kame ganun kayaman para di ko sungaban lahat ng opportunidad para kumita, pano na ang project bahay!
Re solid foods - I started reading na din ano pwede ibigay kay baby, halos 1 month to go na lang 6 months na siya. Nag-take down notes na ako mga pwede and mga i-ask ko sa Pedia on our visit on baby's vaccine schedule. Kaka-excite din pero sana wala maging allergies.
Re party sa bahay - jusmiyo! samen din sa probinsiya, pag nag-party ka dun, mas madami pa ang naiuwi kesa napakain! LOL! uso kase sa province ang mag-katay ng pig or chicken rather than buy in kilos pag may occassion and last thing you know naitago na ang ulo ng pig pati mga paa

pati chicken, kunwari 10 pina-lechon mo, siguro 5 na lang ang matitira

ayos di ba?
Lisa - dati wala sa list ko ang videographer since may videocam naman kame, pero naisip ko kelangan din pala gaya ng sabi ng mga sisses natin. Kaya get ka na din if budget permits sis

Re party planning - nae-excite ako sa Fairyland theme, I have been reading through the net and dami pala magagawa. I hope talaga si PC ang mag-cater para pagawa ako table centerpiece and other anik anik (pa-borrow marose) LOL! I want to play with baby pink, cream/light yellow and green colors sa venue.
Kahit late na, happy 11 month birthday Kenzo!
