Lisa, sa Basement Salon ko una nakita ang perma blow-dry. Kaso, sabi ng friend ko, pareho daw iyan sa Brazilian blowout na banned sa US dahit may formaldehyde sa chemical na ginagamit nila. Nabasa ko yata dati sa yahoo news ang tungkol sa Brazilian blowout. Medyo hindi safe. Pero, kung hindi sila pareho, baka okay naman.
Naku, ako, every day kailangan naka-blow dry. Hindi ako lalabas ng bahay ng hindi naka-blow dry. Hindi naman wavy ang hair ko. Pero mas maganda ang finish ng hair ko kapag naka-blow dry. Isama mo pa ang foundation at makeup. Well, mga 15 minutes lang naman ang routine ko. Saka mabilis akong maligo sa umaga kaya keri na.
Yung pre-made food, I stored it in Via cups. Usually 1-2 days lang naman sila sa fridge kasi small batches lang gawa namin or si midwife dati gusto niya fresh batch every time. Kaya siya na lang gumagawa. To heat, ginagawa namin, pinapatong si via cup sa bowl na may warm water. Wala kaming food warmer.
Kim, may perma blowdry sa Basement Salon in Rockwell.

Hindi ko alam how much though.
Maui, para ma-engganyo ang bata, dalhin mo siya sa bookstore na maganda ang selection ng children's books tapos basa-basa kayo doon. Tapos, papiliin mo siya ng 1-2 books na gusto niya. Iba ang feeling ng bata kapag siya mismo ang pumili ng book.

Re clean-up after party sa house, madalas kasing may salo-salo sa bahay namin kaya okay lang sa amin. May sistema na kami. Kapag salo-salo, aba, hindi naman ako martir na magluluto the whole day. Potluck kami. Kapag in the mood ako magluto, I prepare a three-course meal for a few guests lang, yung kasya lang sa dining table namin so 4 lang sila. Kasi 6-seater ang dining table namin. I make a salad sa hapon pa lang tapos arrange ko na sa bowl, takpan ng saran wrap and refrigerate. I prepare a main course - isa lang usually fish or meat - and a pasta course. I buy dessert or let the guest bring dessert.
Tapos, kapag marami-rami ang bisita, kagaya sa birthday ng mga anak ko dati, aba, hindi naman sobrang daming putahe ginagawa ko. Yung iba, order na lang.

Tapos, nagha-hire ako ng arawan na maid para mag-help sa clean-up.