watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3  (Read 97259 times)

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #400 on: March 23, 2011, 10:43:52 am »
lia, sige i'll borrow the bouncer na lang and try it out kung mas okay kay katie. pm me naman your address. pwede ko ba daanan sa saturday? punta din kami atc kasi may appointment kami sa picture company for katie's "photo shoot." i'm so excited! :D (thanks sisses for sharing the deal with beeconomic)

ang sosyal naman ng rebond mo but good deal yan ha.. tingin nga din ako ng tingin sa ensogo, twangoo, etc. since last night, baka may deal for rebonding. wala naman active ngayon. meron nagbebenta sa fn marketplace ng voucher for rebonding mura niya lang binebenta yung kanya kaya lang sa metrowalk pa yung salon eh.. pero muntik ko na kagatin kagabi but nahimasmasan ako at naisip ko kung pano ko pupuntahan yun. hehe

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #401 on: March 23, 2011, 11:00:21 am »
marose..
taga bacoor din si eric so medyo familiar kami and ayun ka sisterette sila ni sherwin..sayang wala na sya sa studio..i heard may affiliated salon sya but i dont know where...
talaga? mura lang kay eric?.. pero oo flawless sya mag make-up..
ako naman eversince talaga kasy sherwin na ako nagpapamake up basta may events.. i always recommend him..
tsaka ang maganda sa kanya... you wont need a separate hair stylist when you get him..kasi hair and make-up na sya.. unlike yung iba na sikat ngayon make-up lang forte nila.. when my sister in law got married kinuha nya for the prenup photo shoot si sherwin...pero nung wedding nya mismo..ang kinuha nila yung suki nila na MUA na si bong.. (forgot his last name) ok din sya sa make-up he used to work for MAC sa rustans shangri-la noon and now is the MUA ni valerie concepcion daw.. anyway naging problem ko lang was the hair! yung assistants nya di marunong gumawa ng buhok! hinde pulido! yon lang naman ang rant ko..pagdating sa mga ganyan.. nasanay kasi ako kay sherwin na hair and makeup na.

kim..
sorry, wala kami sa weekend.. akyat kami ng tagaytay eh.. sunday night pwede?
will PM you my address

wait mo lang yung sa mga groupon sites na yan kasi good deals talaga.. ang nakikita ko lagi jan yung salon de san lorenzo..dito lang yan sa pasay road.. and this new salon along amorsolo.. when i read their ad.. affiliated daw sila sa piandre group..pero specializing in straightening and rebonding.. pero i forgot the name.. you will surely see it basta along amorsolo lang sya lagi ko nga yon nakikita when we go to makati med for checkups e
at least ito makati lang..
nung nagpa-rebond nga ako sa shangrila di ako hinatid ni hubby eh..as in ayaw nya ako pumunta ng shangrila kaya nag commute ako!!! nag bus pa ako ng ordinary sa may loyola memorial just to get to the mrt station sa magallanes!!!
LOL!!
« Last Edit: March 23, 2011, 11:07:36 am by liyapot »

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #402 on: March 23, 2011, 11:26:06 am »
^sige sis, sunday night. i got your pm, i'll reply to you. :)

iniisip ko nga din na ganyan maging drama para puntahan lang yung salon sa metrowalk. commute galore kaya lang kelangan maaga ako umalis since matagal ang rebond tsaka makakailang sakay ako nun. pero nag-pm nako dun sa seller sa fn marketplace. ang sign ko, if available pa then it's meant for me. lol

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #403 on: March 23, 2011, 11:31:33 am »
grabe, mukhang di natulog mga mommies dito :)  Late na ko umuwi from office and nag check muna kung may tao pa,yun pala mga sa gabi nabuhay lahat hahaha :)

ako nagcheck muna sa Imortal thread, di ko kase napanood kagabi - yun lang naman pinagtitiyagaan ko panoorin.  Kaso minsan pag uwi ko pagod na ko at 9pm malayo na narating ng tulog ko :)

cakes - hinayang din ako dito kahit 1 layer lang yung kinuha ko for 1st bday ni Yuel. Medyo malaki din kaya ang siste pinamigay sa kapitbahay.  Yung cupcakes sana gusto ko kaso si yayabels, di pa tapos bday pinamigay na agad.  Natuwa lang ako dun sa Go nuts donuts mickey face na ginawa naming part ng dessert.  Theme kase namin is mickey mouse clubhouse.  Tapos mura ko pa nakuha 2,000 for 100pcs.  Aliw din mga bisita.  Isa din 'to sa unang kinain ng mga chikitings.

Eb this April 2 - di din kami makakapunta kase bday ng mother ko sa Mar30 kaya sa Apr2 na lang namin gagawin.  Sana next na EB makapunta na ko :(

rebond -alala ko last year bago mag xmas yung mga officemates ko nagpa rebond.  Kaya ako nag pa kulot :) hirap pala ng kulot [textspeak!] di ko masuklay. Kaya last week, nagpagupit na ko ng super ikli - ala Dora hehe.

junk foods sa bata - guilty ko dito kase mahilig ako sa cheeseballs kaya minsan (di naman ganun kadalas ang minsan :)) sinusubuan ko si anak. Pero big no no sa kin ang softdrinks.  Nung malaman ko nga na pina- sip ng tita ko e halos mag away na kami.  Chocolates - minsan pero nung nasa Sg kami halos araw araw.  Nainip kase sa byahe sa train kaya para tumahimik eto ang pang suhol ko.

milk- dito ko sa office kumukuha pero 5% lang discount ko (based on list price kaya mas mababa pa din kesa sa supermarket.

sis tin, enfapro ka ba? pag mas mura dito kesa sa multiply seller dito na lang kita ikukuha.  Tutal lapit mo lang dito sa office namin dito sa Sun Valley. 

handa sa house - yoko din kase sigurado may inuman sa gabi yung mga tito ko and mga pinsan.  Tapos sa umaga dadatnan ko madumi, sumasakit ulo ko at nag aaway lang kami. Kaya para walang away, sa labas na lang :)

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #404 on: March 23, 2011, 11:49:44 am »
Kim, ayaw mo perma blowdry? Friend ko nagpapaganon, parang gusto ko itry nga. I have virgin hair, never been hot oiled, never been permed, etc. Pero i have wavy hair kasi. Lagi naka ponytail kasi pag nakalugay uhaghag sobra unless i blow dry, whcih i dont have time for. Itutulog ko na lang ang blow drying time. Hence, the idea of perma blowdry. Isip ko kung worth it.

Marose, i think maybe i will start nga with sweet potato. If avocados are ins eason, will give that din. Yung isa LLL din pala dati i remember she started with yellow foods so her baby became a yellow baby.

How did you store the pre-made food? Sulit ba to buy those parang covered ice trays to freeze baby food in small portions? Isip ko kasi kung sa via cup ko ilalagay tapos a few teaspoons lang per serving, space consuming masyado ang via cups sa freezer ko. And how do you heat the food for the day?

Sana masarap cakes ni bunny baker. It's good to have a nice-looking cake that you can also eat.

All this talk about parties - naiinggit ako! Pabago bago isip ko. Minsan gusto ko good shepherd na lang talaga. Minsan gusto ko restaurant, minsan gusto ko venue+caterer.

Van, yung sa shakey's syempre you'll get your own host for the games kasi you're not availing the package diba? Magkano yung monster meal? Thanks.

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #405 on: March 23, 2011, 12:00:11 pm »
^lisa, ngayon ko lang narinig yang perma blowdry. where is it available and how much? we have the same hair i think. wavy and buhaghag kaya i always ponytail. for the longest time, pinaparelax ko siya. ayaw ko nga kasi rebond as much as possible since flat na flat ang bagsak. gusto ko may konting body pa din. natigil lang ako sa pagparelax nung nabuntis ako. i always had my hair done din at benchfix in glorietta. pero now kasi na i moved to south, i'm trying to look for a salon somewhere there..

MauiGS

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #406 on: March 23, 2011, 12:04:08 pm »
Saya ng gabi ng mommies :) Haba ng backread hehe

Pia, san nabibili yung Tsubaki shampoo? Gusto ko din i-try, tingin ko lalong nag-dry hair ko after manganak eh parang 2nd thoughts akong magpa-hair treatment kasi like clueless "virgin" pa din hair ko

Marose, wish ko din na mahilig sa books si Bianca... madami nga syang books & mukhang interesado naman sya :) kaso guilty ako dun sa early exposure to TV... pinapanood kasi namin si B ng your baby can read since 4 or 5 months tapos nood din sya pag nagt-tv mama ko, pag nga tinanong mo ng "Nasan bampira?" (c/o Immortal) tingin agad sya sa TV

Luz, buti nga may discount ng milk sa office nyo. Milk ni Bianca, enfapro din-- g0sh, S$40 kami almost every week para sa milk lang... iniisip ko na lang, para sa anak ko naman at wala namang nasasayang kaya keri lang!

On party preps- Ayoko din na sa house, lalo na kung more than 50 yung guest... agree ako sa lahat: mahirap maglinis after, ubos lahat lahat sa takeaways, inuman na pa-morningan etc though maganda naman experience namin dito sa SG nung nag-1 month si baby- nagpa-cater lang kami tapos as in kainan lang, picture picture then bigay ng giveaways at alis  :) weekday naman kasi yun hehe Para sa 1st bday ni B, dyan sa Pinas sana maging maayos lahat
Thanks sa pag-share kay bunny baker... tingnan ko nga din, naghahanap pa ko para sa cake ni B eh

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #407 on: March 23, 2011, 12:12:37 pm »
maui,ok na din yung konting savings sa milk kesa wala :)  kung kaya ko lang magpa breastfeed hanggang 1yr old e.  Imagine mo yun, laking tipid sana kase super mahal ng milk.  Pero syempre ibibigay lahat maski mahal :)

lapit na 1st bday ni bianca, bilis ng panahon no?

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #408 on: March 23, 2011, 12:25:16 pm »
lisa
i used tommee tippee cups..similar to via cups yon..may cover.. i prep food good for 4-5 days.. kumbaga if i make carrots since may 4 days waiting period for the allergies..4 to 5 days syang naka carrots.. we freeze them pala.
i bought a couple of those ice trays with cover pero di ko rin nagamit.. mas ok ang cups.. at least yung cup na yon good for the day na..

we started with EB rice cereal... nabasa ko yung comment mo na comment ni mike regarding EB.. napapraning ako pero pinipigil ko hahaha kasi nak EB kami noon combo with regular veggies/fruits na ako gumagawa... like the peas and the fruit and veggie combos yun ang binibili ko na eb food noon..

nabaliw ako sa kakaisip ng sistema sa pagkain ng bata.. boil lang ng boil then  blitz sa blender para smooth at walang lumps.. sometimes i add milk..pero mas gusto ni gianna noon na plain lang.. lalo pag veggies and fruit..
easiest fruit to feed them.. bananas and avocado.. wala ng luto luto pa..
oohh and sa kabaliwan ko i even made a menu/chart.. hanggang sa naubos nya yung usual foods..alternate between green and yellow/orange veggies
rice, peas, pumpkin, sayote, carrots, papaya, ganon..tapos we eventually added fruit na sa menu nya... alternate pa din..

ngayon she eats table food.. she likes pancit, spaghetti.. vermicelli..and pira pirasong rice.. she likes to eat with her hands pansin ko..ayaw nya de kutsara.. so hinahayaan ko na lang kahit makalat after basta lang makakain sya kasi nagkaron sya ng phase na tamad kumain! dahil all we serve her before was rice with sabaw, veggies with either chicken  or ground beef.. every day the same.. iba lang luto ng gulay.. so nag sawa.., sabi ng brother ko hayaan na kumain ng kahit ano basta kumain lang.. so we now give her fried fish, adobo, fried chicken, pasta, bacon (shhh!!) hotdog (gasp!), balat ng chicken (which she loves)... hinayaan ko na lang kesa naman mamayat kasi walang gana kumain lage.. at mangayayat..

luz..
we give her chips minsan and popcorn pag kumakain kami.. and chocolate of course tsaka peanuts! hahaha!!! we let her try softdrink nung isang beses di nya type!! siguro yung bubbles ayaw nya

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #409 on: March 23, 2011, 12:31:09 pm »
Lisa, sa Basement Salon ko una nakita ang perma blow-dry.  Kaso, sabi ng friend ko, pareho daw iyan sa Brazilian blowout na banned sa US dahit may formaldehyde sa chemical na ginagamit nila.  Nabasa ko yata dati sa yahoo news ang tungkol sa Brazilian blowout.  Medyo hindi safe.  Pero, kung hindi sila pareho, baka okay naman.

Naku, ako, every day kailangan naka-blow dry.  Hindi ako lalabas ng bahay ng hindi naka-blow dry.  Hindi naman wavy ang hair ko.  Pero mas maganda ang finish ng hair ko kapag naka-blow dry.  Isama mo pa ang foundation at makeup.  Well, mga 15 minutes lang naman ang routine ko.  Saka mabilis akong maligo sa umaga kaya keri na.

Yung pre-made food, I stored it in Via cups.  Usually 1-2 days lang naman sila sa fridge kasi small batches lang gawa namin or si midwife dati gusto niya fresh batch every time.  Kaya siya na lang gumagawa.  To heat, ginagawa namin, pinapatong si via cup sa bowl na may warm water.  Wala kaming food warmer.

Kim, may perma blowdry sa Basement Salon in Rockwell. ;)  Hindi ko alam how much though.

Maui, para ma-engganyo ang bata, dalhin mo siya sa bookstore na maganda ang selection ng children's books tapos basa-basa kayo doon.  Tapos, papiliin mo siya ng 1-2 books na gusto niya.  Iba ang feeling ng bata kapag siya mismo ang pumili ng book.   ;D

Re clean-up after party sa house, madalas kasing may salo-salo sa bahay namin kaya okay lang sa amin.  May sistema na kami.  Kapag salo-salo, aba, hindi naman ako martir na magluluto the whole day.  Potluck kami.  Kapag in the mood ako magluto, I prepare a three-course meal for a few guests lang, yung kasya lang sa dining table namin so 4 lang sila.  Kasi 6-seater ang dining table namin.  I make a salad sa hapon pa lang tapos arrange ko na sa bowl, takpan ng saran wrap and refrigerate.  I prepare a main course - isa lang usually fish or meat - and a pasta course.  I buy dessert or let the guest bring dessert.

Tapos, kapag marami-rami ang bisita, kagaya sa birthday ng mga anak ko dati, aba, hindi naman sobrang daming putahe ginagawa ko.  Yung iba, order na lang. :)  Tapos, nagha-hire ako ng arawan na maid para mag-help sa clean-up.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #410 on: March 23, 2011, 12:43:54 pm »
Marose, will ask nga my friend where she has perma blowdry done. thanks for that heads up. malamang di ko nanaman mac-convince asawa ko sa ganyan. napaka-nerdo kasi non, gusto lahat iresearch. minsan OA minsan naman good that he does his research well.

that's how we warm breastmilk din ngayon - dip the cup in a bowl of hot water. pero kasi my breastmilk is all refrigerated lang, not frozen so i was thinking baka this tqchnique will not work well pag frozen. so ok lang din pala.

Lia, sabi ko nga sa kanya pabasa ako nung article na yon. eh di na daw niya matandaan saan niya nabasa.  :( iniisip ko nga baka sinasabi lang niya yon sakin para gumawa ako ng food imbes na bumili. hehe.

Kim, i'll talk to my friend about perma blowdry and will let you know. ako since tinamad akong mag blowdry ponytail na lang din. always naka-ponytail wala akong ibang look.  :P

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #411 on: March 23, 2011, 12:53:00 pm »
i have a food/bottle warmer lisa.. gusto mo hiramin? :)

what i did was i take out the frozen food cup na from the freezer and transfer it na agad sa ref part the day before gamitin para ready na sya ng umaga.. then pop lang sa food warmer ok na.. eventually tinamad na ako gumamit ng warmer namin hahahaha!! ewan ko ba it was supposed to make life easier di ba? pero for some reason tinamad akong gamitin kasi lalagyan pa ng tubig hahaha!! tapos need ko pa i-consult yung chart kung how much water to put..iba kasi pag ilang ounces ng milk or pag food ang ni warm mo..,. may system naman  ako actually pero mas madali kasi mag utos sa katulong na pakibabad sa bowl ng warm water ang food up di ba? :P

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #412 on: March 23, 2011, 12:58:56 pm »
Lia, oo nga, foolproof yung babad sa bowl. supposedly. pero yung maid ko nung una pag naginit ng breastmilk, papainitin talaga. as in pag bigay kay babay mainit ang gatas! sabi ko ibabad sa tubig para lang matanggal ang lamig hindi para gawin mainit talaga. pero ngayon gets na niya. tinign ko ganon na lang nga, ibaba na sa ref the day before para mag-thaw na.

ika nga yung sumagot dati nung nagtanong ako kung must buy ba ang food warmer.  :D

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #413 on: March 23, 2011, 01:09:10 pm »
hahahah! ako ba? teka.. same pa din ba ang sagot ko? baka di ako consistent hahahaha!!!

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #414 on: March 23, 2011, 01:22:26 pm »
marose, ah okay. thanks for the info pero parang ang layo pa din ng basement salon unless i do it on a weekday..

lia, pwede ka na magbusiness na rental ng baby stuff/gadgets mo.. hehe

lisa, alright. will wait for your update about perma blowdry. ako din, walang ibang style ng buhok aside from ponytail. minsan naman half pony o kaya brush up na pony or minsan may hati sa gilid. haha! para lang maiba ang style pero, pony pa din. :P

marose17

  • Guest

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #416 on: March 23, 2011, 01:49:46 pm »
lia, i hope yung popcorn na binibigay mo kay gianna is wala na yun matigas na part ha? not to scare you, pero may nabasa ako dati na autopsy ng bata na namatay, may nakitang popcorn sa trachea... :(

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #417 on: March 23, 2011, 02:00:56 pm »
marose, i saw that article too pero i figured baka di updated yung price. 2009 pa kasi yung article.

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #418 on: March 23, 2011, 02:03:30 pm »
op kors mother weng!!
sumasakit nga tyan ko pag nakain kami ng popcorn kasi akin lagi yung matigas na part eh! :P kung tyan ko hirap na i-digest yung hard parts ng popcorn.. what more ang 1 year old na walang molars pang nguya!!!! delikado!

kim..
sensya na.. lage ako may offer eh..parang me commercial lage.. nakakahinayang kasi yung mga gamit ni gianna...sandalian lang nagamit.. eh ayaw ko naman ibenta.. might as well get some use from it di ba? ipahiram ko na lang..tutal baby din naman ang pagagamitan..

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #419 on: March 23, 2011, 02:16:26 pm »
Luz, sis, enfapro a+ sya ngayon. Next month enfagrow a+ na! Yey, pamura na ng pamura ang milk. Hehe. Yung dypes lang nagmamahal habang lumalaki ang size. Bigyan mo po ko ng price para alam ko? Thanks! :)

Maui, sis, yung Tsubaki shampoo sa Japan ko yun nabibili dati. Not sure if meron dito, pero sa Japan, nagkalat yan! Hehe. Yung red/maroon yan diba? Shisiedo yan, tama?

Marose! Sis, thanks ha :) sa side ng hubby ko, mga magagaling magluto. Sila ang magluluto. With bibong tita, hmm, hanap ako or yung friend ko nalang. Ang mga kids, may kaage si Kenzo, maraming nasa 3-8 year olds na bata. Ang gusto ko talagang theme, Mickey mouse! Hehe. Fan ako ng disneyland kasi. Tama ba? :) thanks sis talaga. Naappreciate ko.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close