Pia, huwag ka muna ma-praning. Iba talaga ang kalikutan at kakulitan ng boys. Pero ang batang may ADHD/ADD, kakaiba ang kalikutan, higher level kumbaga. Hindi mo talaga sila mapapa-sit still or hindi makikinig. Usually naman, teachers ang nakaka-spot if may special needs ang bata kasi siempre tayong parents we think our children are perfect. If wala naman report na ganoon from the teachers of Kyle, I don't believe you should worry.
Okay lang naman kalikutin minsan-minsan ang iphone basta nasa lugar at controlled mo pa rin siya. Ang nakaka-worry yung kids na kahit saan, kahit sa restaurant or parties may dalang PSP at hindi nakiki-socialize. May inaanak akong ganyan. Kapag party, sa sulok uupo tapos mag-P-PSP instead of participating. Ako pa naman, gusto ko maging sociable ang mga anak ko. Kaya napaisip akong hindi maganda ang ganoon.
Regarding books, naku, when my kids were around Kyle's age, hindi mo rin sila mabasahan nang matino kasi ang lilikot at mas gusto maglaro. Okay lang yun. Do not force the issue kasi nga kids should associate reading books as a pleasurable activity, not a chore. Continue lang to surround him with books, flash cards, paper to doodle on, crayons, pencils, etc. Ang mommy ko talaga ang matiyaga mag-read sa kanila during the day kaya I thank her talaga for this. Kasi sa gabi and weekends ko lang sila nababasahan.
Dette, sa tuloy-tuloy na OT at tulong ng mga teachers, malaking chance ng child mo magkaroon ng semblance of normality. I agree about sports or art. Basta, something that will make a child focus, helps in managing ADHD/ADD. Did you know that Michael Phelps, the Olympic gold medalist in swimming, has ADHD?
Alam mo, sa kakakausap ko sa dev ped namin (Dr. Tippy Tanchanco), incidentally kasi may anak siya na same school sa kids ko, kaya marami akong ganyang insights about developmental stuff.
Brendz, magagalit din ako if may pinapakain na kung ano-ano sa baby.
Lisa, advice ng pedia namin re solids ay mag-start sa bland food like rice porridge (am), boiled sayote na mashed then gradually sa mas masarap like squash, carrot, etc. Every 3 days din before you introduce another type of food. You can mix your breastmilk sa food para hindi masyadong manibago si baby Bianca sa taste. Kapag may teeth na siya , you can give her teething biscuits or Marie biscuit. Hindi rin kami nag-Cerelac or EB na food. All home-made ang kinain ng bebes ko. When they turned 1, table food na sila, without the seasoning.
Ganda nga ng cakes ni BB. Kahit maganda yun, keber ako. Kakainin ko pa rin LOL.