watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3  (Read 97104 times)

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #380 on: March 23, 2011, 12:44:29 am »
Yes Pia, yung Diego book. Wala yun! Ikaw talaga! Binasa naman ba ni K? Sana nagustuhan nya. Wait, hindi naman ako nalito ah. Si Jen (redrose) ang nagtatanong ng mars, mare diba? Hehe. Tapos si Brendz (reb) sya yung sa kapatid nya, pinakain ng wafer si baby? Tama ba or nalito ako? Lol.

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #381 on: March 23, 2011, 12:49:24 am »
Naku Van, buti ka pa magaling sa pagbudget. Ewan ko ba kay hubby. I really want na dun nalang sa villa or fastfood nalang, but I think decided na sya. Basta max namin siguro 40-50k. Kasi as of now, 30k na daw sya. Eh wala pa yung cake at photog. Hay, maloloka ako.

huckleberry

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #382 on: March 23, 2011, 12:51:41 am »

Dette, ano ang side effect ng ADHD? Hindi ko pa nasisimulan magbasa about that.. and do you think it's an effect of early exposure on TV?


meds for ADHD kasi are either stimulants or anti-depressants. ang concern ko sa stimulants e psychiatric problems (anxiety, aggression, depression, hostilty), interfere with brain development, heart problems (increase BP and heart rate, at saka drug abuse. sa anti-depressants naman depression and insomnia. if ever may ADHD talaga si K1 sure ako na dahil yun sa genetic disorder nya although early TV exposure might have a contribution din dahil naiwan sya kay MIL na everyday e nag-TV marathon nun nag-work pa ako. kaya si bunso strict ako na bawal ang TV until she reaches 2y/o.

Marose - sana nga therapy lang ang maging recommendation at sana rin di pa late kasi 7y/o na si kyle.  nag SpEd sya for 2 years (preschool), meron OT/PT/ST kaya lang pinalagay na sya sa regular ed ng teacher nun nag-kinder at pina-continue lang ang ST. pero sa assessment ng dev ped kahapon mukhang ipapa-OT sya ulit. nakakatakot kasi lalo dahil dito halos lahat ng bata diagnosed with ADHD.  btw, di mahaba ang post mo. para sa akin informative and comforting ang posts mo esp sa mga moms na may pinagdadaanan gaya ko kaya salamat talaga.

RE: iPad and other gadgets - deprived anak ko sa mga ganyan. wii lang ang nagagamit nya pero para lang mag-exercise nitong winter. mas gusto ko mag-engage sya sa sports.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #383 on: March 23, 2011, 01:59:16 am »
Sa fb ko nadiscover si bunny baker. Super nice talaga her cakes! Nagpa-quote ako nung candyland cakes and cupcakes niya, check na lang sa photos niya sa fb kung anong itsura. Para may idea kayo sa price:

(1) 8" candyland cake         P3,500
(100) candyland cupcakes       9,500
   with fondant 3D toppers   
   P95 each

OPTIONAL:
(1) 5tier cupcake tower       P750
(100) premium cupcake      2,000
   boxes P20@

I think ok lang ang price.

Pia, we brought my niece to HK disneyland march last year. She was 3 then super enjoy siya! I think ganyang age ok idala don.

Itong niece ko nato mahilig din sa books. When they were here last year, she always wanted to be at our house kasi madami akong disney books. Hindi niya alam kwento ni snow white. She made me read it to her. Paulit ulit. Tapos one time lumapit siya sa husband ng sister ko tapos tinanong "do you knkw snow white's story?" sabay nagkwento na. Walang kodigo yung kwento niya at tama.

Sunod naman don beaury and the beast. Tapos incredibles. Namangha ako sa kanya kasi kaya niyabtalagang ikwento yung kwento.

Tapos mahilig din sa arts and crafts. And mahilig sa pretend play. May video siya na kunyari host siya ng cooking show. Imbento, sarili niyang script. Very bright talaga. I can't help but wish na sana maging ganon din ang anak ko.

To think pa na itong niece ko had a very low apgar score of 2 when she was born. Akala namin hindi siya mabubuhay or magkaka-developmental problems siya. Nag-rupture kasi uterus ng sister in law ko. They didnt know exactly when it happened so they didnt know for howmlong the baby was without oxygen. She was whisked to the NICU agad. She was born in canada and buti na lang our parents were there to support my brother. Sabi nga ng dada ko kung nakita lang daw namin si gabbi na ganon nung baby siya, di daw aakalain na ganito na siya ngayon.

Gusto ko din maging mahilig sa books si baby. I collect disney books so sana naman ma-appreciate niya.

I've started to read up on starting solids. Iba iba nababasa ko as usual. Ano ba talaga ang most recommended first food ni baby? Some say veggies muna, wag muna fruits kasi matamis. Some say naman yellow food like squash, carrots. Yung isa sa LLL meeting na napuntahan ko dati said avocado, isa naman sabi rice cereal. Kayo, what was the first sold food you gave your babies?

I plan to make our own rather than buy so i need ideas. Gusto ko nga bili book eh.

Ayaw ko cerelac because of the sugar. Isip ko earths best jarred food pwede sana pero sabi ng asawa ko dati may nabasa daw siya na article tungkol sa false claims ng companies. Earths best was one, claiming to make environment-friendly and organic stuff pero in truth hindi naman daw. So ayaw niya ng earths best. Kaya sabi make our own na lang. Payag naman na siya na organic. Pero di ko alam anong magandang ipakain na una. Please share your experiences naman. Thanks

huckleberry

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #384 on: March 23, 2011, 03:02:55 am »
^baby ko pinag-start sa rice cereals. when she turned 9 mos. pina-introduce ang veggies (peas, carrots, squash) tapos fruits naman. pinayagan lang sya mag fish, eggs, and nuts nung 1 yr old na sya para iwas allergy.

reb_woods072683

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #385 on: March 23, 2011, 04:07:34 am »
redrose: naku! BI talaga! nakakairita!

tin: sabi ng kapatid ko, konti lang naman daw. ang point ko is ayokong basta basta kumakain yung baby ko ng kung ano ano kasi mahirap na, 6 months pa lang at talagang pili lang pinapakain sa kanya. keber kung konti o madami, may nakain pa rin. Super careful kasi ako dun since first baby ko, gusto ko alagaan talaga siya.

van: same here. yung paglilinis ang nakakainis at tiring talaga. plus pag sa bahay kasi namin gagawin yung party, imbes na hapon matatapos, gabi na because of the other people na mag stay pa hanggang gabi, mag iinom, etc. so need mo pa sila hintayin matapos. I live in my family's house kasi, though we (me and my hubby) lang nag nakatira sa bahay, pag pumunta ang family members, hindi ako makaangal.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #386 on: March 23, 2011, 04:22:15 am »
^Ang nakakainis pa samin pag sa house nagpapa-party, after kumain, kumusta naman sa take home ang mga relatives. Pati mga groceries namin at stock na ulam sa freezer nasisimot, ang ending wala na pala kame food the following day.

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #387 on: March 23, 2011, 04:38:25 am »
present! windang akech may colic si bebe :( hanggang ngayon gising na gising pa tuloy ako sa sobrang worry at napalinis ng room and laundry ng wala sa oras, gusto kong magpahinga na but d ako makatulog sa sobrang worry :-\

mother dette, sports is one of the things that's highly recommended for kids with ADHD. avoid sweets din if ever baby's diagnosed with ADHD, maghyhyper cya lalo. pansin ko lang with kids na may ADHD, despite of their short attention span, as long as madetect ng maaga na meron sila ADHD and magkaoutlet cya sa pagiging hyper nya, nageexcel naman sila. so don't fret :)

mommy marose, medyo kontra rin ako sa pagbabad sa tv pag baby, yung mga cousins ko naman na 7-11 madalas inaaya ko magswimming, gumala sa neighborhoor area or treat them breakfast. naraise kasi sakin ng auntie ko yung concern nya na madalas magbabad sa PSP ang mga chikitings. or i tutor them para lang madivert ang attention sa kakalaro ng computer games. pag manunuod naman ng tv sinasadya ko na nat geo or discovery channel pinapanuod namin :P i like super your insights about avoiding kids to watch tv or yung mga gadget. kasi super totoo yan! i've seen it kasi sa SIL ko. she's ADHD pero in fairness to her matalinong bata naman, mega over hyper harot lang talaga, ultimo iced tea iniiwasang painumin cya kasi maghyhyper talaga cya. discussing such issues made me appreciate my mom even more, at an early age kasi i was surrounded by books, colouring books, writing notebooks. d pwede magplay sa hapon pag hindi natulog and hindi tinapos ang abc writing. it paid off naman kasi sa class namin nung kinder 2 ako i was the only one who can write ng dikit dikit.

mother pia, ADHD is sobrang extreme hyperactive ng bata and short attention span ang isa sa mga distinct trait ng kid pag may ADHD.

mommy tin, yan din ang initial budget na binigay ni hubby, LOL! pero nung sinabi ko sa kanya prices and such sa food mga ganun and showed him mommy luz' email, no choice cya kundi taasan ang budget :P kailangan rin kasi namin bumawi somehow sa mga relatives sa manila.

re: party sa bahay. nakupo! ok lang sakin to basta may caterer AND tutulungan ako ng mga tao sa paligid ko magligpit and make sure na everything's maayos naman i.e. enough food at the table, complete condiments, no unnecessary trash around the place. kasi impossible to lalo na kung puros boys ang kasama sa house, based on personal experience :P sa manila naman, malabong mangyari din to kasi iisa ang house office and factory samin. and true na nakakatamad magligpit/maglinis afterwards

re: binangonan, natawa tuloy ako dun sa passport ;D

huckleberry

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #388 on: March 23, 2011, 05:40:20 am »
mommy Grayce - sports nga din naisip ko, pantulong na rin sa kanyang muscle coordination. nag-start sya sa swimming 2 years ago tapos ngayon ni-register ko naman sya sa baseball.  pansin nga namin malaki talaga naitulong ng sports sa kanya.

Van: nakaka-relate ako sa take home pag-uwi. ok lang naman kung magpabalot pero wag naman limasin ang ref at pantry.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #389 on: March 23, 2011, 05:41:41 am »
^Correct, nakakainis noh kase nasanay na. Pero pag ako ang nasa house hinde na nila masyadong nagagawa yan. dapat naman noh kase sana maisip din nila na ang groceries eh hinde pinipitas sa puno.

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #390 on: March 23, 2011, 05:42:24 am »
Grayce :) hehe, buti nga sayo dinagdagan ni hubby mo ang budget. Kame, no comment na ako. Haha, sole provider kasi si hubs. Housewife ang drama ko. Asa sa padala ng magulang at ni hubs. Nakupo, hirap magbudget! Pero more than enough naman yung natatanggap ko, nasa paghahawak ko nalang yun. At dun ako sablay :( nahihiya na ko humirit kay hubs eh. So sa ngayon, oo lang ako. Once nagkawork na ako, naku may SAY na ako. Haha. At gusto ko makabawi kay baby. Sa 3rd and 7th nalang :)

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #391 on: March 23, 2011, 08:10:19 am »
Nakaka paranoid si ADHD. Parang gusto ko pa assess si Kyle. Maybe there's a thin line between malikot/kulit and ADHD?

Dette, nakakaawa naman pag anti depressant. May mga side effects nga yun.

On sports, me and bong pray na inclined sana si Kyle dito pati music. Other than Thomas, mahilig sya Sa bola. He can run while kicking the ball na Hindi nadadapa. Once in a while pinapatakbo nin sya Sa basketball court dito. Nakakatuwa how he balances his body. Batang YoungHusband! (crush ko sya hehe)

Van, yang kiliti kiliti e talagang kikiligin sya. Nakakatuwa hagikhik ng bata. Winner ang comment mo na limas pantry nyo! Lol mga kabilang Sa looters Inc. Hahaha

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #392 on: March 23, 2011, 09:07:45 am »
Pia, huwag ka muna ma-praning.  Iba talaga ang kalikutan at kakulitan ng boys.  Pero ang batang may ADHD/ADD, kakaiba ang kalikutan, higher level kumbaga.  Hindi mo talaga sila mapapa-sit still or hindi makikinig.  Usually naman, teachers ang nakaka-spot if may special needs ang bata kasi siempre tayong parents we think our children are perfect.  If wala naman report na ganoon from the teachers of Kyle, I don't believe you should worry.

Okay lang naman kalikutin minsan-minsan ang iphone basta nasa lugar at controlled mo pa rin siya.  Ang nakaka-worry yung kids na kahit saan, kahit sa restaurant or parties may dalang PSP at hindi nakiki-socialize.  May inaanak akong ganyan.  Kapag party, sa sulok uupo tapos mag-P-PSP instead of participating.  Ako pa naman, gusto ko maging sociable ang mga anak ko.  Kaya napaisip akong hindi maganda ang ganoon.

Regarding books, naku, when my kids were around Kyle's age, hindi mo rin sila mabasahan nang matino kasi ang lilikot at mas gusto maglaro.  Okay lang yun.  Do not force the issue kasi nga kids should associate reading books as a pleasurable activity, not a chore.  Continue lang to surround him with books, flash cards, paper to doodle on, crayons, pencils, etc.  Ang mommy ko talaga ang matiyaga mag-read sa kanila during the day kaya I thank her talaga for this.  Kasi sa gabi and weekends ko lang sila nababasahan.

Dette, sa tuloy-tuloy na OT at tulong ng mga teachers, malaking chance ng child mo magkaroon ng semblance of normality.  I agree about sports or art.  Basta, something that will make a child focus, helps in managing ADHD/ADD.  Did you know that Michael Phelps, the Olympic gold medalist in swimming, has ADHD?

Alam mo, sa kakakausap ko sa dev ped namin (Dr. Tippy Tanchanco), incidentally kasi may anak siya na same school sa kids ko, kaya marami akong ganyang insights about developmental stuff.

Brendz, magagalit din ako if may pinapakain na kung ano-ano sa baby.

Lisa, advice ng pedia namin re solids ay mag-start sa bland food like rice porridge (am), boiled sayote na mashed then gradually sa mas masarap like squash, carrot, etc.  Every 3 days din before you introduce another type of food.  You can mix your breastmilk sa food para hindi masyadong manibago si baby Bianca sa taste.   Kapag may teeth na siya , you can give her teething biscuits or Marie biscuit. Hindi rin kami nag-Cerelac or EB na food.  All home-made ang kinain ng bebes ko.  When they turned 1, table food na sila, without the seasoning. 

Ganda nga ng cakes ni BB.  Kahit maganda yun, keber ako.  Kakainin ko pa rin LOL.
« Last Edit: March 23, 2011, 09:12:40 am by marose17 »

huckleberry

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #393 on: March 23, 2011, 09:21:49 am »
Pia, makikita mo naman kung normal likot bata lang. with ADHD kasi nandyan yun fidgeting, inappropriate running and climbing, can't stay seated while the class is going on.
re:books si K1 din nagkainteres lang sa books when he was 3 1/2. una nyang nagustuhan pop-up books as per his teacher's observation.
dahil nabanggit mo si Thomas, ikwento ko lang masasakyan namin si Thomas. 2 yrs ko rin pinapangarap yan para kay K1 at finally mangyayari na.  habang nagreserve nga ako ng ticket naalala ko si K2.

Marose - nabasa ko nga na may ADHD si Phelps at nangarap kami na maging gaya din nya si K1.
sa arts bokya si K1 pero building blocks and Lego cum laude sya ;D

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #394 on: March 23, 2011, 09:25:38 am »
Kristine, tulungan kita mag-plan ng anik-anik na matipid para sa house party ninyo.  Puwede ka kasing mag-art/craft activity using materials bought in National Bookstore.  Tapos, kailangan lang ng bibong tita or pinsan to supervise the smaller kids and do a storytelling session.

Marami akong napuntahan na blogs and sites ng mommies in the US about parties.  Hindi naman yata kasi uso doon ang party planners at kung ano-ano.  Nakakatuwa ang daming magagawa na patok sa kids basta creative ka. ;D

To start, ilan ang kids at ano ang range ng mga age nila?  Ano pala ang theme mo?  Puwede ka naman mag-theme kahit sa house.  Incorporate mo na lang sa cake, maglagay ka ng tarp, DIY invites, at kung ano-ano.   Kaya natin iyan sa budget! 

Sino pala ang magluluto ng food?  Dapat kontrolado mo ang gastos doon para may matira ka pa sa mga anik-anik.  Noong 2008, food for 60 guests naka-10k kami.  Spaghetti (made by yours truly), chicken lollipops (gawa ng maid), salad, caldereta (made by me), cocktail hotdogs for the kids, colored sandwiches, tapos nag-order kami sa CCME ng chicken pastel and one other dish pandagdag.  Lahat yun, 10k lang.  So, kung 100 guests, puwede ka mag-allot ng 15-20k na budget.  May 20k ka pa para sa anik-anik and it is more than enough.

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #395 on: March 23, 2011, 10:07:51 am »
kung ano ang ikinatahimik kahapon, siya naman ang kinaingay ng thread na 'to kagabi. ang dami ko tuloy na-miss! mahaba habang backread.

tin, check ko nga price diyan sa ystilo..

van, pia, may naririnig nga din ako na mura lang pa-rebond eh. sa may victor ortega daw sa mandaluyong. kung marunong na sana ako mag-drive pwede ko dayuhin yun since malapit na din sa house namin sa mandaluyong. although bigla din ako napaisip kung paparebond na ba ko now kasi summer tapos baka ang ending ko lang eh lagi iponytail ang buhok ko..

jen, mas expensive ata volume rebond eh.

marose, yep bawal rebond sa breastfeeding mothers because of the chemicals being used.

pia, layo ko na sa libis eh.. btw, napadaan ka na sa cotton on? :)

deadma muna ako sa mga parties na yan. wala ako nababasa at naririnig coz if i consider looking at your suggestions as early as now, baka matulad din ako na biglang tumaas ang requirements sa party along the way. :D

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #396 on: March 23, 2011, 10:24:24 am »
kim
re the bouncer.. pahiram ko na lang sa iyo tutal magkalapit lang tayo ng bahay di ba? bf lang tayo pareho..and for sure ilang months lang magagamit ni baby mo yon.. try mo na lang muna if she likes to sit there.. para hinde din masayang ang bili mo din sa isang bouncer mo di ba??

tin and kim
re rebonding ng hair..
sayang yung promo nung isand beses sa mga ensogo a few days ago.. they were selling rebond sa isang salon here in makati for about 3500 yata.. any length yon..
i have rebonded hair... 2008 ako huling nakapagpa-rebond... tapos january this year na yung sumunod... bff ko kasi yung artistic director chuva  ng salon 546 sa shangri-la mall so he gives me a good price pag nagparebond ako..mga 4500 ata nagastos ko noon.. mura na kasi back to virgin hair ako since lampas 2years akong hinde nagpagalaw ng buhok

re: parties sa bahay

mas prefer ko din na sa labas na lang mag party kesa sa bahay.. hirap kasi mag clean before, set-up ng place, cook and then clean again after... yon eh dun sa bahay ko...
pero since we're living with my inlaws.. and very sanay sila with having parties and laging may visitors sa house..and maraming househelp  ok lang.. problem lang dun since KIDS kalimitan ang bisita and ang byenan ko has a vast collection ng mga anikanik na antiques and whatevers!! nadedelikaduhan ako.. pano kung may mabasag ang visitors ko?? kaya nung baptism and 1st birthday si gianna i had to fight them tooth and nail na sa labas na lang mag party.. rason kasi nila.. mura pag sa bahay and mas masarap ang food kesa sa ibang lugar.. whatever!!!

reb
buti nakaya mo awayin sister mo!! big no no din yan sa akin... kaya as much as possible..double - triple - 4x instructions sa yaya at sa lahat ng taong makakarinig na bawal ang ganito..di pwede ang ganon..
pag nag visit kami sa mga cousins ko may instruction na ako kay yaya.. magpaalam muna sa akin kung may isusubo sa bata.. without my permission hinde pwede..
pero ang mom ko kasi sutil.. mga 7 or 8 months old yata si gianna eh nakatikim na ng kape.. nanay ko ang nagpahigop..kaso di ko naman magawang sigawan ng todo hahaha!! takot ko lang baka pingutin tenga ko!! pero napagsabihan ko naman.. sabi di na daw uulit.. pero ayun sumbong ng yaya ko pag iniiwan ko sila sa mga mom ko..tuwing morning pinapahigop ng coffee... haaaayyy.. ang hirap talaga magpalaki ng magulang!!! ewan ko ba! gumaganti ba ito sa akin sa dami ng sakit ng ulo na ibinigay ko sa kanya nung bata ako?? bwahahaha!! i think she is!!!!!

re: cakes
that's why i really prefer cupcakes..
so cliche na yung cupcakes and very ordinary na pero.. at least yun double purpose na.. may cake na kayo may party favor pa!

may bigay lang akong idea...
kasi i visit bakerella's blog... she makes  cupcake pops.. or cake pops. cake balls on a stick!!! ang ganda kaya! maybe you can find a local baker who can customize one for you?? kasi eto yung plan ko for gianna's 2nd birthday.. kinontrata ko na ang sister in law ko to make it for us sa october...
and cute kasi and the possibilities.. endless!!!
oohh.. meron na palang cake pops available sa starbucks! 45/pc and masarap!

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #397 on: March 23, 2011, 10:28:36 am »
Lia, sino ang friend mo sa Studio 546?  Doon ako nagpapa-threading ng kilay, kay Ms. Delia.  Tapos, doon ko kinuha ang makeup artists for my wedding - sina Eric Maningat (connected pa siya dati doon) and Sherwin.

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #398 on: March 23, 2011, 10:37:34 am »
wow marose! si eric ang mua mo nung wedding mo? wow! as in wow!

si sherwin ang bff ko.. kababata ko actually we grew up in the same neighborhood..
sya lang kilala kong bading na magaling mag-manage ng buhay.. family first  bago ang lalake!! :P

sya ang MUA ko nung wedding namin.. syempre presyong kaibigan din hahaha!!

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 3
« Reply #399 on: March 23, 2011, 10:41:59 am »
Lia, hindi naman ganoon ka-mahal si Eric.  Nagulat nga ako na hindi sila nagkakalayo ng rate ni Eddie Bruan.  Actually, mas mahal pa sina Madge Lejano, Robbie PiƱera and yung mga bagong MUA na nababasa ko sa wedding threads.

Si Sherwin nag-makeup sa mga abay ko.  Ang ganda rin ng makeup nila.

Nakakainggit ang makeup trunks (as in 3 trunks) ni Eric na dala-dala niya noong minake-upan niya ko. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close