^ the problem with salons hiyangan din talaga. but sige sis, paki post where sila nagpupunta. feeling ko kasi mga locals, hindi maselan ang hair.
sis kaye - swerte mo, wash and wear ang hair! Ako kasi forever buhaghag, makapal, alsado parang sponge, curls na kanya-kanya, bawat strand mataba. ok sana yung curls kasi uso ngayon, pero sakin wavy na iba iba direction. makapal na tipong yung ulo ko, puno ng hair follicles (konti lang anit makita mo) and mababa ang hairline ko sa batok. so makapal talaga. Niloloko ngako ng friends ko dati na tipong pagnagpagupit ako, gagaan daw ako ng 1kg

pag normal straight lang sa parlor, after isang ligo, back to square one. natry ko na kasi yan before. during the 90s, ang umubra lang eh yung matapang na gamot ng freshaire (nung barbero pa sila at 1 lang ang branch). Tried bob cut din dati. Naku nagmukhang bunot ang hair ko. pagbasa ok, pero pagtuyo, umaakyat sya ng 1inch sa length! Kaya kung di marunong yung nagugupit, gugupitin nya bangs ko with wrong length, kasi pagtuyo, magic! sobra ikli! haha
Kaya I keep my hair long, para mabigat sya at bumagsak kahit papano. Buti nga ngayon may internet na para madali makasagap what to do. Unlike nung 90s, di ko talga alam kung papakalbo ako or what.

I maintain my hair with hair spa at home - madami narin ok ngayon ano. sabi nila maganda daw Dove, pero di ko pa ntry kasi inuubos ko pa pantene ko. I also have Redken, inuubos ko din, ok din sya. Pero so far, the best for hair spa na natry ko (mabango at bagsak) is Nutrive Seward Mediter Olea Mask (made in Italy). Yung Loreal ok din

Ngayon kasi beach time, kaya todo alaga din ako sa hair ko. Pag nagswim sa beach, binabantayan ko talaga hair ko, lagay agad ng conditioner otherwise, sasabog sya! haha Kahit rebonded, lumalaki sya pag hindi sinuklay but not as bad pag hindi rebonded. Nung hindi rebonded, it grows like a lion's head (no exag haha).
Isang advantage naman na na appreciate ko with thick hair is I can curl (with straightening iron) without worries na masusunog sya

Tapos yung mga ka-age kong friends now find it hard to grow their hair long kasi nga hindi even at manipis. Ako naman ok pa - makes u look younger even at a more mature age

haha, napahaba ang post ko, it just shows my passion on taking care of my hair because of my maalala-mo-kaya experience during my growing years.
