watch now

Author Topic: **sINGAPORe PART 7**  (Read 104643 times)

kayesl

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #540 on: April 10, 2012, 03:53:50 pm »
re: hair salon
wala akong suki. usually bumibili lang ako ng vouchers sa mga deals/groupon. tapos kung saan saan na ako nakakapagpagupit/treatment/color. hehe. so far ok naman mga napuntahan ko. syempre hindi mataas expectation ko kasi discounted ang service. may mga nakikita akong less than $40 na cut+wash+blow+color na. minsan may kasama pang treatment pag naka-tyempo ng maganda.

paulavalerie

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #541 on: April 10, 2012, 11:02:10 pm »
i tried toni and guy holland branch last year,ngpa cut and full color ako sa kanila. inabot ang bill ko ng 250 sgd. worth it naman kahit papaano, pero kayang kayang gawin naman sa ibang salon yung ginawa sa amin ng friend ko hehe. sa kanya mas mahal kasi highlights sa kanya, inabot siya ng more or less 300 sgd. pero di na ako babalik, kasi madami din good salon na di aabot sa ganung price.

blooming

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #542 on: April 10, 2012, 11:40:57 pm »
thanks mga sis for your replies. ^sis blooming as in past bra line na yung hair ko. buhaghag to the max pa.

i tried to google yung mga recommended salons dito and i came upon this expat forum. they recommended toni and guy. may branch sila sa hereen. pero ang mahal $86 starting price ng haircut (includes shampoo, massage and blowdry daw) maghahanap na lang muna ako sa LP.


nung nagparebond ako, before braline lang hair ko. ngayon hanggang baywang na.  :)  Kinu-curl ko nalang from time to time pero straight parin naman.

nanghihinayang kasi ako sa mga haircut na mahal, kahit satin. Kasi in 2 months time, kelangan mo ulit bumalik.  unlike for treatments, hair color/highlights, oks lang sakin basta maganda kinalabasan.

^ sis paulavaleria, which good salons ang marecommend mong alternative? kasi I find tony and guy expensive nga. satin nagparelax ako once, inabot ata ako ng mga 10k. That was sometime 2009 pa ata.

^ sis kaye, ok din kapag di maselan. ok naman kasi hair mo in general.  kaya kahit hindi na sobrang pamper or on the safe side oks lang. kasi sakin, tipong 'maaalala mo kaya' ang kwento ng buhok ko, at since natuto nako, kaya ingat ako sobra pagdating sa pagpili ng parlor.  ;D  Alam mo yung sa shampoo commercials na "before" at tipong lioness hair - ganun ang natural hair ko! hahaha  Kaya ang hirap talaga.


kayesl

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #543 on: April 11, 2012, 12:28:12 pm »
@blooming: natawa naman ako dun sa maalaala mo kaya hair. LOL. kaya din ako mahilig mag-deals kasi naghahanap din ako ng mga salon at iba pang services na hiyang sa akin at ok ang service. so far sa buhok puro sila so-so lang. buti na lang at pedeng wash and wear lang ang buhok ko. at kinakaya pa naman ng home treatment ng coconut oil. hahaha. at saka hindi naman ako madala lumabas so carry na din. pag naman nasa labas ako, usually itatali ko na din buhok ko kasi saksakan na ng init!
so far yung ok pa lang is yung waxing. sana nga makabalik ako doon next time. kahit na medyo mahal na now, at least alam ko na ok ang service...

kayesl

  • Guest

iLuvJaela

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #545 on: April 12, 2012, 11:29:13 am »
Jean Yip is ok din, sila ng ayos ng hair kong nasira ng pagpapakulot sa LP.  as in mala janet jackson na style ng kulot tpos sobrng tigas, pero nung ni rebond ng jean yip, ang gnda...twice muna nila ni hair treatment before nila ni rebond..

tanya1109

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #546 on: April 14, 2012, 10:09:19 am »
Hi mga sis! Anyone from Pasir ris here? Sa May5 na ang flight namin ni baby. Wait lang namin approval ng DP. Husband works there as project engr. We are still searching for masters bedroom. Incase meron kayo mareccomend pm nyo ko ha.hehe..:)

paulavalerie

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #547 on: April 14, 2012, 03:08:27 pm »
@sis blooming, wala ako marerecommend kasi yan palang na try ko dito lol. takot kasi ako at kuripot. yung mga officemates ko kasi gaganda ng hair pero wala pang 150 sgd yung price nung kanila, rebond at color na yun ha. i'll try to ask them on monday kung san yung mga salon nila.

blooming

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #548 on: April 15, 2012, 11:32:24 am »
^ the problem with salons hiyangan din talaga. but sige sis, paki post where sila nagpupunta. feeling ko kasi mga locals, hindi maselan ang hair.

sis kaye - swerte mo, wash and wear ang hair!  Ako kasi forever buhaghag, makapal, alsado parang sponge, curls na kanya-kanya, bawat strand mataba. ok sana yung curls kasi uso ngayon, pero sakin wavy na iba iba direction.  makapal na tipong yung ulo ko, puno ng hair follicles (konti lang anit makita mo) and mababa ang hairline ko sa batok. so makapal talaga.  Niloloko ngako ng friends ko dati na tipong pagnagpagupit ako, gagaan daw ako ng 1kg  :P

pag normal straight lang sa parlor, after isang ligo, back to square one. natry ko na kasi yan before. during the 90s, ang umubra lang eh yung matapang na gamot ng freshaire (nung barbero pa sila at 1 lang ang branch).  Tried bob cut din dati. Naku nagmukhang bunot ang hair ko. pagbasa ok, pero pagtuyo, umaakyat sya ng 1inch sa length!  Kaya kung di marunong yung nagugupit, gugupitin nya bangs ko with wrong length, kasi pagtuyo, magic! sobra ikli! haha

Kaya I keep my hair long, para mabigat sya at bumagsak kahit papano. Buti nga ngayon may internet na para madali makasagap what to do. Unlike nung 90s, di ko talga alam kung papakalbo ako or what.  :P

I maintain my hair with hair spa at home - madami narin ok ngayon ano. sabi nila maganda daw Dove, pero di ko pa ntry kasi inuubos ko pa pantene ko. I also have Redken, inuubos ko din, ok din sya.  Pero so far, the best for hair spa na natry ko (mabango at bagsak) is Nutrive Seward Mediter Olea Mask (made in Italy).  Yung Loreal ok din  ;)

Ngayon kasi beach time, kaya todo alaga din ako sa hair ko.  Pag nagswim sa beach, binabantayan ko talaga hair ko, lagay agad ng conditioner otherwise, sasabog sya! haha Kahit rebonded, lumalaki sya pag hindi sinuklay but not as bad pag hindi rebonded.  Nung hindi rebonded, it grows like a lion's head (no exag haha). 

Isang advantage naman na na appreciate ko with thick hair is I can curl (with straightening iron) without worries na masusunog sya  :P  Tapos yung mga ka-age kong friends now find it hard to grow their hair long kasi nga hindi even at manipis.  Ako naman ok pa - makes u look younger even at a more mature age  ;D

haha, napahaba ang post ko, it just shows my passion on taking care of my hair because of my maalala-mo-kaya experience during my growing years. :P
« Last Edit: April 15, 2012, 11:37:55 am by blooming »

bratty

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #549 on: April 15, 2012, 12:28:22 pm »
Ang kwela ng pagkaka-describe mo sa hair mo sis. Talagang naisip mo ng magpakalbo ha! :)

Hindi din maganda hair ko, kaya lagi ako naka-pony tail. Good luck sa salon-searching mo :)

~ anna ~

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #550 on: April 17, 2012, 07:22:45 pm »
Hi mga sis :)  How much ang kailangan na budget for someone looking to live in Singapore?  Hindi ko kasi sigurado kung magkano ba talaga ang kailangang pera na nakahanda for living expenses diyan.  A cousin of mine said na you can live comfortably in Singapore on a monthly salary of $2K (Singapore dollars).  Sabi naman ng friend ko na super liit daw nun, walang matitira daw for savings and emergency expenses, lalo na na mahal ang gastusin diyan.

Kung gusto ko tumira diyan na solo ko yung room (siguro minimum 8 feet by 10 feet na room.  Kahit may kahati sa flat basta solo ko yung kwarto, and not necessarily nasa gitna ng downtown or near the business district yung titirhan, basta malinis siya, tahimik, safe), how much sa tingin niyo ang advisable na naka-budget per month for rent and utilities?

E for food and transpo, magkano ba ang dapat na monthly budget?  Mas marami kasi yung Singapore dollars pag ni-convert mo sa pesos, mukhang marami, but it doesn't necessarily mean na it will go far sa Singapore, dahil sa iba nga ang cost of living diyan.  Ayoko naman kasi pumunta diyan na hindi handa.

blooming

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #551 on: April 17, 2012, 07:44:34 pm »

^ sis, imho, ok na ang $2k, kaso you have to take note:

1) kelangan yung work mo may medical insurance. kasi mahal medicines, so baka ma overbudget ka in case na hindi covered ang medical

2) wala pang shopping. So if you want to allot mga sgd 200-300 shop per month, idagdag mo nalang dyan.

3) wala rin mga bakasyon, so need mo magsave kada month para maplan mo mga vacation mo.

4) wala ka rin dapat kelangan ipadala sa manila na money.

5) savings - baka nga konti lang ma save mo with $2k, pero kung gusto mo magtipid, meron kang ma-s-save naman. nasa lifestyle naman kasi yan.

~ anna ~

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #552 on: April 17, 2012, 08:37:27 pm »
Thanks sis blooming :)

Concerned talaga ako na baka hindi magkasya yung $2K SGD na monthly salary, or kung magkasya man e super eksaktong-eksakto.  Gusto ko kasi makapag-save ng maayos and at the same time have funds na naka-allot for emergencies like medicine and vaccines and check-ups sa doctor and dentist, and also enjoy din kahit konti, yung hindi ko naman ma-feel na deprived ako or Spartan yung existence.

Hindi naman ako ma-shopping na tao, so ang major purchases ko most likely e yung sa umpisa, pag bibili ako ng gamit ko para sa titirhan ko sa Singapore.  Other than that, siguro bihira naman, just a couple of small purchases lang a year.  Sa bakasyon, I think uuwi lang ako ng Pilipinas once a year, unless na may okasyon talaga.  It would be nice to travel to nearby countries like Malaysia, pero hindi ko priority yun.

Ang gusto ko talaga e makapag-ipon para sa future ko.  Gusto ko naman magkaroon ng financial security, yung solid.  Kasi with the way things are going, hindi ako magkakaroon nun dito sa Pilipinas.  May nasasave ako dito, pero sa nasasave ko e kahit ipagpatuloy ko to ng 10 years e hindi pa rin ako makakabili ng bahay.  Kaya nag-aalangan man ako, pero naiisip ko na sumugal mag-abroad.

kayesl

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #553 on: April 17, 2012, 11:25:51 pm »
@blooming: napagod naman ako sa hair mo. hahaha. buti na lang marami kang budget pangpa-parlor ;)

@anna: kung 2k ang sweldo mo at gusto mo solo mo yung room, medyo sakto lang sya.  mas makakatipid ka kung may kahati ka sa room. kasi sa room pa lang, siguro aabutin ka na ng at least $650 kasi ang mahal sobra ng rent ngayon.  i suggest, try mo muna for a year or a few months na may ka-share sa room habang nagse-setup ka pa lang dito. then kung gamay mo na yung gastos, tsaka ka na lang mag-solo sa room.


hay... 3wks na lang uuwi na ng pinas ang kapatid ko. mag-2months na sya dito pero hindi talaga swetehin sa work... :( 

blooming

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #554 on: April 17, 2012, 11:41:01 pm »

^ sis, once/twice a yr lang kase ang magpa parlor. kaya labas kada visit, napapamahal ako. tipid narin in the end, tipid sa transpo, oras. labas din sa ending parang ~$30/month din parang pagupit kada bwan  8)

dito pala kapatid mo. swerte swertihan nga talaga ang pag apply ng job. may iba 3 days lang meron na agad work. may iba naman 6 months na, wala parin.

^ @anna - on medicines, may mura lang pala pa check up sa mga family clinic. mga $30-$50/visit with meds na. kaso para sa mga normal na sakit lang sya, like lagnat ubo. once you seek for a specialist, yun talaga medyo mahal na.
ang benchmark daw nila sa pagdetermine how much kelangan mo to maintain your lifestyle in manila is 3x sa nakukuha mong NET salary. dont forget to deduct taxes. when I moved to sg, siguro mga 20% increase lang ng pay ko from my manila pay kaya kelangan ko talaga mag adjust ng lifestyle when I moved here.


snowflakes

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #555 on: April 25, 2012, 06:14:12 am »
sorry di po ako nag back read, ask ko lang na try nyo na ba mag send ng money thru western union papunta sa US? how much ang fee? TIA

kneekee

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #556 on: April 26, 2012, 10:11:29 pm »
I'm contemplating to try my luck in SG. Kaso I'm thinking about my kids that I would leave behind in case I'll go to SG. I need to save money kasi for me to be able to finish my studies plus yung panggastos ng kids ko (though their paternal grandparents would be helping out too).. How's life treating you there in Singapore, sisses?

Grayce

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #557 on: April 27, 2012, 02:00:55 am »
^pataas ng pataas ang cost of living. if you're single ok lang naman dito but if you have a family & kids e it can be a challenge to manage your finances.

artmonstertek

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #558 on: April 27, 2012, 06:21:04 pm »
Hi mga Sis!

Joining... Ask ko lang, san kayo nagpapaderma or facial?

Tnx!

assie

  • Guest
Re: **sINGAPORe PART 7**
« Reply #559 on: April 28, 2012, 01:17:27 pm »
Hi mga sis! Anyone from Pasir ris here? Sa May5 na ang flight namin ni baby. Wait lang namin approval ng DP. Husband works there as project engr. We are still searching for masters bedroom. Incase meron kayo mareccomend pm nyo ko ha.hehe..:)

Sis sa easyroom.sg ako nakahanap ng masterbedroom, direct sa owner, no agent kaya tipid sa bayad ng agent. for me mas ok din kausap direct ang may ari para sa ibang concern kesa may middle man na agent. at may inupload na pix ang karamihan sa rooms kaya makikita mo na agad bago ka pa mag set ng appointment para bisitahin.. Madami akong nakitang pasir ris dun sa mga ads pero tampines napili namin since nagustuhan namin ang room sa picture at description pa lang ng owner. Kaya pag bisita, sarado agad ang transaction. Walang ka hassle hassle samin sa paghahanap ng place. Salamat sa easyroom :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close