watch now

Author Topic: Lending Money to Relatives  (Read 68853 times)

blooming

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #160 on: June 08, 2011, 07:19:50 am »
^ I agree sis.  Bayaran mo nalang, tapos taguin mo mga receipts at i-scan mo at i-frame sa bahay nyo hahahaha Parang tuwing bisita nila, bago pa man sila umutang ulit, maalala nila na may utang sila sa iyo.  ;D

whinx

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #161 on: June 11, 2011, 01:17:00 am »
 ;D natawa ako ng bonggang bongga mga sis sa mga sinabi nyo... how I wish kaya ko nalang hindi pabayaran yung utang nila pero mga sis mejo big amount e :(... nangako naman si hubby na singilin daw talaga nya pag hindi ako binayaran... fingers crossed

ishko

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #162 on: June 13, 2011, 12:02:00 pm »
tingin ko you should start moving on.. forget everything and learn that life's lesson from now on..  ;D

whinx

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #163 on: June 14, 2011, 12:22:12 am »
mahirap yata makamove on sa amount na pinahiram ko... I just pray na sana mabayaran nila ako kasi pag hindi talagang magagalit ako sa kanila mawawala na respeto ko kasi wala silang isang salita... :-[

lablab002

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #164 on: June 26, 2011, 08:52:57 pm »
hay nakakabwisit din pala kapag madalas ganito. ngayon ko lang narealize wala nako nasasave for myself. nakakabwisit lang kasi hindi ko naman matanggihan. Hay nakakarindi :/

sylvester_jmc

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #165 on: June 28, 2011, 03:31:37 pm »
Hay naku sis! isa talaga yan sa mga problema.... Meron din kami auntie at uncle na may ilang anak din tapos mga bata pa mga anak. Tapos lahat may financial problem...ayun inaasa na ata buhay at gastusin nila sa pamilya namin from my father, sa akin, sa cousin ko na kasama ko abroad. Ang lagi nila nirarason sa magulang namin eh may trabaho na daw anak. Tapos sa amin namin eh kesyo nasa ibang bansa na daw kami maganda na daw buhay namin! my GOSH! tama ba irason yun...so ang dating pwede na sila umutang at di magbayad. pag di pinahiram ang dami sasabihin na kesyo inaapi daw pamilya nila... Ano ba naman klaseng utak yun...crab mentality talaga! Kaya ang parents ko walang ipon dahil sa kanila... pati ako nadadamay kasi pag wala sila mapautang sa akin humihiram. Naiintindihan ko naman pero huwag sobra! meron talga mga kamag anak na umaabuso eh sarili lang nila nakikita nila lagi.

ishko

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #166 on: July 01, 2011, 12:11:59 pm »
^correct sis!

may brother ako na nagpaparamdam na naman ng pag-utang na walang bayaran dahil suspended siya sa trabaho.. diretso kong sinabi na hindi ko siya matutulungan ngayon dahil may pinaglalaanan ako.. 2 months to go ay manganganak na ako, at sabi ko na wala din naman akong maaasahan sa kanila kung sakali na mangailangan ako kaya kailangan ko mag-ipon

grabe ang mga tao, sarili lang ang naiisip.. sana marunong din silang umunawa na may pangangailangan din kami...

ang mga taong umaasa sa kamag-anak ay mga tamad! yung iba nga e nagtitinda ng banana que at kung ano ano para lang mabuhay, pero sila e tamad, at umaasa sa ibibigay ng kamag-anak.. nakakapagod na

mooncake and leaves

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #167 on: July 02, 2011, 12:38:06 am »
sabi nga namin nila Papa, kami tipid nang tipid, ipon nang ipon, tapos uutangin lang.

ang nakakainis kasi, kadalasan, yung mga umuutang, may pera naman talaga eh. winaldas lang sa kotse o lupa na alam naman nilang 'di nila kaya bayaran. ang yayabang kasi eh.

selyado

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #168 on: July 06, 2011, 11:01:21 am »
^i can totally relate with what you posted.  yung kapatid ko bukambibig lagi walang pera.  eh hiwalay na sa asawa, wala na sinusuportahan, vp na yata sa bank where he works.  tapos kapag nao ospital na nanay namin ako taga sagot ng bayad.  pero wag ka mas malupet pa mga gadgets nya sa akin.  naka mac, iphone, mas matindi model ng dslr nya sa akin, afford bumili ng mga lente, sa zara lang naman bumibili ng mga polo nyang pang araw araw na pamasok, lahat ng sinusuot eh branded, kung makakain sa labas eh bonggang bongga.  OPM na hati kami sa bayarin sa ospital pero nungca nagbigay ng share nya.  utang na parang nilista lang sa tubig ang nangyari.  kaya sabi ko sa asawa ko who happens to be an OFW  enjoyin na natin pera kesa ipon tayo nang ipon tapos ibang tao enjoy na enjoy sa buhay nila. 

prettyliciousme

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #169 on: July 06, 2011, 03:19:38 pm »
nakakarelate ako sa topic..

last year nakiusap skin mama ko na isanla yung atm ng tita ko sa friend ko. ako ang naging guarantor. kung ako lang ayoko talaga kase sympre mahirap ang pera at since skin dadaan if ever na hindi makabayad tita ko ako mgshoshoulder. pero since nakiusap si mama kaya pumayag na din ako no choice eh..nung unang mga buwan nakakabayad naman pero nung mga huli pinacut na yung atm at hindi na nila kayang bayaran..eh di galit na galit ako kase ako ang magbabayad nun..eh kapag hindi ka pa naman nakahulog or nadelay ka meron pang penalty..kase lending yun eh..hala nagkabaon baon ako ng utang dahil don..hindi ko nabayaran ang credit card ko, yung globe broadband ko pati sun at dame kong utang dahil kelangan kong bayaran yung utang ng tita ko..super galit na galit talaga ko sa kanya sa ginawa niya skin..until now ngbabayad pa din ako ng utang ko kase nung time na binabayaran ko yung utang niya hindi ko nabayaran yung cc ko, globe at sun at ngkautang pa ko sa iba..

at eto pa ang lakas pa ng loob na kada magkikita kame nanghihinggi pa skin ng pera..kainis yung ganun at nakakainis pa yung nanay ko bigay pa din ng bigay ng pera sknila..hayz
« Last Edit: July 06, 2011, 03:22:02 pm by prettyliciousme »

sugardrop

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #170 on: July 21, 2011, 06:46:35 pm »
Naging takbuhan din mom and dad ko ng relatives sa side ng dad ko before when it comes to money. Since bunso si daddy and malakas naman business nya that time, hindi sila tumatanggi ni mommy. Nasanay yung mga kapatid nya to the point na pati food, sa kanila na din hinihingi. Parang abuso na at its finest. Even when he got sick and super gastos sa meds, takbo pa din. Even yung isang sister nya na alam na he was sick, nagalit pa when my mom explained na hindi siya mapapahiram due to my dad's sickness. He died, my mom and I moved to my grandparents' house (her side), and it has been 10 years since we left, sinusundan pa din kami hanggang ngayon here. Hindi naman sa nagdadamot pero hindi madali buhay ngayon at wala naman kami money tree. Pero sana aside from paglapit to ask for money, mag-effort din sila ng konti on their part. I offered a few of them to start a business, ayaw, mahirap daw. Dapat daw yung itutulog ko eh yung easy money. Hanep.

Then yung isang cousin ko na super successful sa business, everytime may pupunta na relative namin, alam na alam agad na pera ang ipinunta. That's how dependent some of our relatives are sa side ng dad ko. Hindi ko alam kung maaawa pa ba ako or maiinis na kasi batang munti pa lang ako, ganun na agad ang nakita ko sa kanila. Ang tanda ko na, ganun pa din sila. Ang lalakas pa ng katawan, ayaw magtrabaho.
« Last Edit: July 21, 2011, 06:48:44 pm by sugardrop »

iluvescadasport

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #171 on: August 30, 2011, 08:57:29 pm »
yun anak ng kapatid ng dad ko (so pinsan ko), lagi sa dad ko humihiram ng pera. Ang nakakainis, she's not doing anything to help support her own family. Housewife kasi siya.

E point ng mom ko, matanda na lahat ng anak niya. As in college students na. She can find work. She doesn't have to stay at home to take care of her children. Kung kailangan talaga niya ng pera, she's willing to do any work, kahit na maid.

Ang nakakainis pa, my pinsan's child is studying nursing. Sabi ng mom ko, since hindi kaya ng pinsan ko iafford yun tuition, pwede naman ibang course ipakuha.

hay nako. 1 year na, hindi pa rin binabayaran yun lumang utang. tapos this year nangungutang ulit. hindi na pinahiram ng dad ko. kasi sakto namatay yun lola ko, dad ko muna nagabuno ng mga expenses, malaking gastos din kapag funeral

health.gal

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #172 on: August 31, 2011, 12:06:55 pm »
hello orangerain - buti naman at okay na kayo.

ako naman, basta relatives, once na nagpahiram ako, considered as naka-list na sa tubig. para walang sama ng loob on my part. hirap kasi eh. so pag wala akong extra na handang "ipamigay", then, hindi na lang ako magpapahiram.

pinkberries

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #173 on: August 31, 2011, 05:29:58 pm »
ganito din ang situation of both sides ng parents ko, sila ang takbuhan pagdating sa money issues.  Lumaki akong kung sino sino na lang ang dumating sa bahay namin, mga relatives na noon ko lang nakita kasi nasa ibang lugar sila at dumayo lang para mangutang. 

ang sa side ng mom ko naman, iilan lang sa kanila ang may kusa, lahat umaasa sa mana.  pati mga anak, nakagraduate dahil lang sa mana.  that would be fine, kung alam lang din nila paano gamitin yon para palaguin.  pero hindi, hanggang sa maubos lahat.  nung nagwork dad ko sa ibang bansa, lahat tingin nila, madali lang ang pera sa amin, kasing dali lang ang pag-utang nila na walang bayad bayad.  kapag hindi mo pinahiram, masama ang tingin nila sayo.   when my mom got sick, wala kahit isa man sa kanila ang nakatulong, kahit man lang moral support.  wala.  kaya during my mom's wake, sa sama ng loob, nasabi ko sa kanila lahat, that i will make sure our family will not carry nor help solve someone else's problem anymore.  kanya kanyang bitbit ng cruz na lang ito.   Wag pasanin ang hindi namin problema. 

smm_0411

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #174 on: August 31, 2011, 08:29:40 pm »
sobrang nakaka relate ako sa topic na to. Yung SIL ko nanghiram sa amin siguro mga 2years ago na yon kasi need sa hospitalization ng anak nya at ang sabi kay hubby babayaran agad once nakakuha na ng pera ang asawa nya ng loan sa work nya.  So until now, walang bayad, nakalista na lang sa tubig.  Ang iniisip nila kasi eh nakakaginhawa kami sa buhay dahil nagwowork ako overseas at nakikita nila pag-babago sa buhay namin.  Yung ibang inutangan nya bayad na lahat including our other relatives except us.  Hay naku, di ko na inaasahan yun kahit na malaking halaga baka pag simulan pa ng gulo sa family ni hubby at saka mas malaki ang balik pag di ganon kahigpit sa pera which is true naman kasi naexperience ko naman to.

whitelady17

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #175 on: September 02, 2011, 10:24:52 am »
Background info lang:

me and bf, plans ahead talaga kapag may mga out of town trips kami, then last March sinagot ko ang 3 days 2 nights accommodation namin sa Cebu ng family ko, 2 rooms rin kami fare and food sa mom ko na, andoon ang tito ko, brother ni mom. Ayun feeling nila sobrang bongga na ang work ko, etc kasi maganda ang napag stayhan namin doon, parang hindi nila alam na may ganoon daw pala eh matagal na sila sa Cebu. Binida pa ako ng dad ko sa tito ko na sagot ko daw iyon lahat. tsk tsk

Then came July, biglang nakatanggap ng text na nanghihirap sa akin ng pang tuition ng anak niya. Eh kilala pa naman siyang nanghihiram sa mga kapatid, tapos minsan nadadala sa sugal etc and walang bayaran daw. Informed ko mom ko, gulat rin siya kasi may hirap pa si tito sa mom ko na wala pa ring bayad. Kasi pag inumisahan sila ng tulong sunod-sunod na iyan eh.

Saturday siya nag text, Monday night na ako nag reply, na madami akong salary deductions kasi iyong trip namin eh monthly naka deduct sa akin, plus ang nagamit ko pang tuition for my master's degree. Good thing until now hindi na ako nakaka receive ng mga ganitong text.

Sa family namin, hindi kasi kami sanay sa hiram eh, before walang work dad ko, hindi ko narinig na nanghiram sila ng pera, kasi walang magpapahiram at walang nag offer. Ngayon na medyo okay na daming nanghihiram na ganyan nga masama ang tingin sa iyo kapag hindi magpahiram, eh hindi naman nila pera.

Hindi ako sanay magpahiram kasi hindi ako nanghihiram eh. May ilang exception na puwede akong magpahiram pero nasa 500 pesos lang ang maximum, and naniningil talaga ako, next time around hindi na makakaulit ang hindi nagbayad.

Sabi ni bf, bato daw ako, kasi kaya kong tiisin, hindi kasi ako nagpapadala sa pressure eh. Inaalam ko muna ang charater ng taong papahiramin ko, kung hindi ko type sorry hanap k n lang ng ibang hihiraman mo.


tiggerlily

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #176 on: September 02, 2011, 10:59:51 pm »
^e ano naman kung bato? maging malambot ka, ikaw ang talo. magpahiram ka man o hindi, pagdating sa dulo, ikaw pa rin ang masama. e di wag na lang di ba? kapag ba ako ang nangailangan, sa palagay ko ba tutulungan nila ako? yung sagot dyan ang sagot ko kapag nagpapahiram ako.

blooming

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #177 on: September 03, 2011, 06:19:06 am »

Hindi ako sanay magpahiram kasi hindi ako nanghihiram eh. May ilang exception na puwede akong magpahiram pero nasa 500 pesos lang ang maximum, and naniningil talaga ako, next time around hindi na makakaulit ang hindi nagbayad.


I cannot recall lending money to anyone.  And honestly, nakaka turn off if someone approaches me to borrow money kasi maiinis ako - kasi una una, binigyan pa nyako ng problema; pangalawa, ang kapal ng mukha nya/nila esp kung makita ko they are maintaining a certain lifestyle o may work naman sila.

Instead na magpahiram, minsan nauuwi sa sermon or interrogation. Then the person will not respond or feel uncomfortable then end up na hindi ako kukulitin.

Kasi ganito yun, if they need money for tuition for example. Ang sagot ko - anong ginagawa nito or si ganyan, wala bang trabaho? naka celfone si ganito at ganyan - d b puede yun ibenta?  parang ako ang nagbibigay ng suggestions sa kanila para makagawa sila ng paraan. Suggestions that LAZY people do not want to take.  So kako if I do not see the effort na gumagawa sila ng paraan (maliban nalang ang pagkakapal ng mukha nila mang approach ng uutangan), what makes me think they would exert efforts to pay me back?




whitelady17

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #178 on: September 03, 2011, 08:50:36 am »
hmn, thanks sis sa tip hehe, dalawang tao lang naman pinahihiram ko before, iyong isa kasi single mother pero nakabayad naman siya pag sinabi niya kung kelan.

FayeP

  • Guest
Re: Lending Money to Relatives
« Reply #179 on: September 15, 2011, 01:01:56 pm »
mga sis, makihalo ako sa thread na to...

nangyari to sakin last year before christmas...kasi after ko makuha un 13th month pay ko, husband and I went to baguio for our anniv...tapos when my aunt found out, she texted me (nasa baguio pa kami nun), asking me to lend her 15K...kako, may paggagamitan kasi ako ng pera (kasi installment un tuition ni bro so babayaran ko pa un, tapos bibili kami ng bagong TV)...

pero mapilit at parang sinangkalan nya un pinsan kong anak nya na kesyo kawawa naman un anak nya etc etc..ang reason nya kasi is pang tuition din sa college nun anak nya, di daw makakaenroll..

so pinahiram ko ng 10K...ang usapan namin, 10 January 2011 babayaran nya in full...dumaan un January, pati Feb at March aba ala pa din na bayad...so nun bago matapos march I asked her if she could pay me back na (di ko talaga ugali mga sis ang maningil kasi nahihiya din ako pero kasi pregnant ako kaya feeling ko need ko ng money)...tapos ayun napilitan magbayad ng half un tita ko..kako di na siya makakaulit sakin...un second half ng utang nya na 5K, di pa din binabayaran hanggang ngaun...

ayun...nakakadala lang...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close