Background info lang:
me and bf, plans ahead talaga kapag may mga out of town trips kami, then last March sinagot ko ang 3 days 2 nights accommodation namin sa Cebu ng family ko, 2 rooms rin kami fare and food sa mom ko na, andoon ang tito ko, brother ni mom. Ayun feeling nila sobrang bongga na ang work ko, etc kasi maganda ang napag stayhan namin doon, parang hindi nila alam na may ganoon daw pala eh matagal na sila sa Cebu. Binida pa ako ng dad ko sa tito ko na sagot ko daw iyon lahat. tsk tsk
Then came July, biglang nakatanggap ng text na nanghihirap sa akin ng pang tuition ng anak niya. Eh kilala pa naman siyang nanghihiram sa mga kapatid, tapos minsan nadadala sa sugal etc and walang bayaran daw. Informed ko mom ko, gulat rin siya kasi may hirap pa si tito sa mom ko na wala pa ring bayad. Kasi pag inumisahan sila ng tulong sunod-sunod na iyan eh.
Saturday siya nag text, Monday night na ako nag reply, na madami akong salary deductions kasi iyong trip namin eh monthly naka deduct sa akin, plus ang nagamit ko pang tuition for my master's degree. Good thing until now hindi na ako nakaka receive ng mga ganitong text.
Sa family namin, hindi kasi kami sanay sa hiram eh, before walang work dad ko, hindi ko narinig na nanghiram sila ng pera, kasi walang magpapahiram at walang nag offer. Ngayon na medyo okay na daming nanghihiram na ganyan nga masama ang tingin sa iyo kapag hindi magpahiram, eh hindi naman nila pera.
Hindi ako sanay magpahiram kasi hindi ako nanghihiram eh. May ilang exception na puwede akong magpahiram pero nasa 500 pesos lang ang maximum, and naniningil talaga ako, next time around hindi na makakaulit ang hindi nagbayad.
Sabi ni bf, bato daw ako, kasi kaya kong tiisin, hindi kasi ako nagpapadala sa pressure eh. Inaalam ko muna ang charater ng taong papahiramin ko, kung hindi ko type sorry hanap k n lang ng ibang hihiraman mo.