Author Topic: How to win your ex back?  (Read 68388 times)

lesters_gal

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #100 on: August 31, 2014, 04:35:00 pm »
^sis he's 36 and im 31. We've been together for one year. Oo sis sobrang mahal na mahal ko sha. Alam mo yung nilunok ko nalang yung pride ko kasi  sabi ko naman na at the end of the day sa akin parin naman sha umuuwi, ako ang original, yung mga tipong ganun. Na magsasawa din sha sa pambabae niya. Typical italian guy. Babaero.I lost myself in loving him.i become the person that i am not. :( basta he makes me happy ok na ako. He has his moments din kasi to make me feel special.  Akala ko  immune na ako. Pero everytime na may nakikita ako nasasaktan parin ako.. hindi ko alam sis kung anong meron sa kanya at bakit takot na takot akong iwanan sha dati. Nung kami pa alam niya marami nanliligaw sa akin na way bettee than him sa looks, sa profession pero i still choose him. Ganun naman kasi tayo mga girls di ba kapag love natin nagbubulag bulagan tayo, hoping one day yung love natin for them is makakapagpa bago sa kanila. Pero hindi pala. :(

lesters_gal

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #101 on: August 31, 2014, 04:45:52 pm »
Sis estelle kaya ko yung NC. Ang hindi ko kaya is yung pag stalk sa whatsapp niya tinitignan ko yung last login niya lalo na sa gabi i checked him kung lumabas ba sha or hindi. Yun nga siguro yung status sa whatsapp kailangan palitan ko na rin,kasi ang nilagay ko kasi dun is "i missyou everyday my love". :( tama yung sinabi mo sis estelle na i just feed his ego by postinh that yun din kasi sabi ng mga friends ko. Dapat daw ang pinopost ko is mga happy thoughts. Sabi ko naman ayoko mag pretend kasi yun naman talaga ang totoo na sobrang namimiss ko sha. :(

guia01

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #102 on: September 25, 2014, 03:12:16 am »
Hi everyone!  First post ko lang dito and I hope you can give insights about my dilemma.

My boyfriend and I broke up last August.  Both of us are graduate students in the same department dito sa US and we've been together for 13 months.  He is Chinese (from mainland China) and late ko ng nalaman na strongly against yung parents nya and even his relatives sa relationship namin to the point na merong nirereto sa kanyang girl pero ayaw nya talaga.  Nagbreak kami kasi binigyan sya ng ultimatum ng parents nya na if he continues to have this relationship with me eh hindi na daw sasagutin yung calls nya.

So for 3 weeks after ng break-up namin, we still hung out every weekend to have lunch and watch movies pero first week ng September, he demanded na wag na daw muna kaming magkita kasi he can't control his emotions daw when he's with me.  He wants to come back to me din daw kaya lang nakapagdesisyon na daw sya.  I should also mention na may several times during those 3 weeks na talagang nagpaka-pathetic ako na balikan nya ako kasi hindi ko kinaya yung lungkot.  Pero wala pa ring epekto.  Sa ngayon nagla-lie low muna ako pero since we are in the same department, nagkikita kami once a week.  Last na nagkita kami ay Saturday and he still called me by our petname.  Nabuhay yung pag-asa ko dun hehe.

So my question is, do you think there is a chance na magkabalikan kami?  I want to try yung No Contact rule pero parang hindi ko kinakaya.  I'm already 27 pero first boyfriend ko sya so hindi talaga ako marunong kung paano ihahandle ang break-up.  I really want him back kasi we didn't break up naman because of lack of love but because of other issues, which I think we can resolve.  Natatakot din ako na baka kapag tumagal kaming maghiwalay eh baka may ibang girl na umeksena tapos mas lalong maging malabo na magkabalikan kami.  I hope you can give me some advice.  I really want to win him back.  Ayoko namang sabihin sa mga friends ko kasi sasabihin nila desperada ako (although totoo naman haha!) kaya dito na lang ako hihingi ng advice.  ;D

purplegravity

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #103 on: September 25, 2014, 12:05:36 pm »
^The truth is it will be both hard for you kung magkatuluyan kayo.

As you said may nirereto sa kanya.  100% sure ako na Chinese din yung girl.  And Im in doubt if he is willing to fight for you. Madalas kasi pag Chinese at di Chinese yung napili nya pakasalan, tinatanggalan ng mana.  Can he handle that? 

I had a Chinese suitor before and we get along well but when he mentioned that her mom prefers Chinese, ako na yung umiwas sa kanya.  I dont want a complicated relationship. Even if you love each other, there will be a lot of instances that you will feel degraded.  Once you attend a family gatherings or events, they will talk purely in mandarin.  And worst, they will hardly even talk at you.  You will feel out of place palagi. And based on your story, he already made a decision.

If he is still calling you by your petname, normal lang yun kasi kakahiwalay nyo pa lang.  You are still young, and im sure you will find someone who will so proud to fight for you.

guia01

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #104 on: September 25, 2014, 08:51:21 pm »
^ Thanks sa advice, purplegravity.  Hindi ko kasi maiwasan na hindi umasa considering na we still have 3 more years dito na magkasama.  I'm still unaccepting of the situation kahit lahat ng nakakausap ko eh pinupush na ako to move on.  Haaay.. 

Girltalker2

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #105 on: September 26, 2014, 08:01:49 am »

nagulat yung friend ko kasi after 8 months ata nagparamdam. tumawag bigla. nag tetext. then tumawag na naman.

boys want what they cannot have diba...

Iyan nga ang problem. Bumabalik ang ex hindi dahil mahal ka nya. Dahil wala na syang mapuntahan at kelangan nya ng partner. Guys like this are selfish. That's why just be wary.
Tapos ano yun, kapag may chance na may better girl sa paningin nya that comes along, iiwan ka na naman sa ere?  or lolokohin ka?

^Sis estelle21 ang tagal ng 8months. Lol ako nga ngayon 1month palang pero nawawalan na ako ng pag asa na maging ok kami uli. I left him because of his being womanizer. Sa isang taon namin of being together iisa lang ang pinag aawayan namin, i caught him many times. Ang masaklap nito everytime na nakikipag break ako he never ask me to stay. Oucch. Ako parin ang bumabalik sa kanya kahit sha ang my kasalanan. :( pero yung last na nahuli ko nanaman sha, i told myself tama na talaga. Mukhang walang chance mag bago eh. :( after that wala na hindi na kami nag usap. Sa status nalang sa watsapp kami nagpopost about our feelings. Parang mga t**** lang di ba. :(  hindi ko alam kung talagang sincere sha sa pag ppost ng nararamdaman niya about our separation or BS lang yun para kunwari affected sha sa nangyari sa amin. ngayon iniisip ko na for sure ngayon kung sino2x na nilalandi nun. Kasi kung kami nga noon ang dami niya nilalandi what more pa ngayon na wala kami.pero everytime na iniisip ko na meron na sha iba sobrang nasasaktan ako. :( ikaw sis nabasa ko mga post mo, wag mo na kulitin si ex mo. Let him realize your value. Kasi di ba ang mga lalake super hate nila ang pangungulit natin mga girls... one day kapag mag isa nalang sha im sure marerealize niya yung mga magagandang nagawa mo for him when you guys are still together. . .

Sis, how do you know that his status in watsapp is meant for you and not meant for another girl? Nakalagay ba talaga ang name mo?  ;D

Naku sis, sakit lang ng ulo ang isang womanizer. If you want to end up having a happy marriage, that ex of yours should remain as your ex.

And yun yung sis, natumbok mo. One day kapag mag isa nalang sya, tsaka sya lalapit sayo. Gusto mo ba yun, last option ka lang nya?  Hindi di ba, so stop thinking about him na.  Believe me, once you meet the right guy, pasasalamatan mo na nakipagbreak ka sa ex mong iyan.



sigurado ka ba na gusto mo magkabalikan kayo? di ko naman pwede sabihin na there are better guys than him kasi outside naman ako sa relasyon nyo. im very sure na kaya mo sya hindi maiwan dahil meron syang mga qualities na hindi negative, mga reason kaya mo sya mahal.


Ako I can say so sis lesters_gal, to first change her ID name here, lester ata name ng BF nya hehe  So it just creates her identity.  Secondly, sure ko there is a better guy than lester.  Kasi nga sa lahat ng klaseng guys, a womanizer is one of the worst na nasa bottom kind. So ang daming mas better sa kanya.  And kahit pa anong positive qualities na puede nyang icompensate sa pagiging babaero nya, it just cannot make the cut of being a BF/husband material.




others may say na wag mo na pabalikin, pero naiintindihan kita. kung mahal na mahal talaga natin, maski ano na ginawa, we would like to win them back.


I have been in that situation. And believe me, napaka liberating to just give up someone who is not worthy.  Ang sarap ng feeling.

Sometimes we just "like" the idea na may partner tayo na familiar satin na kilala na natin.  But little did we know - looking back on the years we have been with that *sshole, naging masaya ba talaga tayo?  If not, pano natin sya mahal?  It is more of mahal natin yung idea being with someone who loves us. Pero sa mga ganyan na guys, they dont love us, so how can there be a TRUE relationship?


ma pride mga lalake! they want what they cannot have and it will hurt their ego if we stop feeding their ego na patay na patay tayo sa kanila.

satin naman mga girls na naloko na, mapride din naman kasi tayo. gusto natin iprove na kelangan tayo balikan ng guy na nangaliwa para mas mafeel natin na walang pagkukulang satin.

why don't you first fix yourself, your own confidence.  Kasi sometimes it is what is lacking in us that makes us like these *ssholes.



NC...kasi chaisng will only push him away. ang NC hindi yan pagbibilang ng araw kung kelan sya babalik. it's really a moving on, acceptance. it's moving forward. kung bumalik, thank you.. kung hindi, at least we have salvaged our dignities through NC.


Tama ka sis estelle21, it is really about moving on. Fixing yourself. Regaining your confidence.  Knowing yourself better, and improving yourself.

Kapag bumalik, at tingin mo mas sasaya ka with him kesa sa single ka, go ahead.  In my case, when I tried moving on, urong sulong din.  10+ years iyan, I was trapped. Nasayang oras ko. Kaya I am hoping other ladies won't do that. Tapos it was really my decision/will na no turning back, kahit pa sinabi nya - eh wala na raw sila ng kalaguyo nya - ang sabi ko nalang - so?  I am happy now (at that time) - sabi ko sa kanya, mas masaya ako nag-iisa (wala pakong BF that time) kesa makisama sayo.
And that is the whole truth. I enjoyed the freedom of not worrying, no more sleepless nights, no crying, no more private investigators, etc.



Hi everyone!  First post ko lang dito and I hope you can give insights about my dilemma.

My boyfriend and I broke up last August.  Both of us are graduate students in the same department dito sa US and we've been together for 13 months.  He is Chinese (from mainland China) and late ko ng nalaman na strongly against yung parents nya and even his relatives sa relationship namin to the point na merong nirereto sa kanyang girl pero ayaw nya talaga.  Nagbreak kami kasi binigyan sya ng ultimatum ng parents nya na if he continues to have this relationship with me eh hindi na daw sasagutin yung calls nya.

So for 3 weeks after ng break-up namin, we still hung out every weekend to have lunch and watch movies pero first week ng September, he demanded na wag na daw muna kaming magkita kasi he can't control his emotions daw when he's with me.  He wants to come back to me din daw kaya lang nakapagdesisyon na daw sya.  I should also mention na may several times during those 3 weeks na talagang nagpaka-pathetic ako na balikan nya ako kasi hindi ko kinaya yung lungkot.  Pero wala pa ring epekto.  Sa ngayon nagla-lie low muna ako pero since we are in the same department, nagkikita kami once a week.  Last na nagkita kami ay Saturday and he still called me by our petname.  Nabuhay yung pag-asa ko dun hehe.

So my question is, do you think there is a chance na magkabalikan kami?  I want to try yung No Contact rule pero parang hindi ko kinakaya.  I'm already 27 pero first boyfriend ko sya so hindi talaga ako marunong kung paano ihahandle ang break-up.  I really want him back kasi we didn't break up naman because of lack of love but because of other issues, which I think we can resolve.  Natatakot din ako na baka kapag tumagal kaming maghiwalay eh baka may ibang girl na umeksena tapos mas lalong maging malabo na magkabalikan kami.  I hope you can give me some advice.  I really want to win him back.  Ayoko namang sabihin sa mga friends ko kasi sasabihin nila desperada ako (although totoo naman haha!) kaya dito na lang ako hihingi ng advice.  ;D


sis guia1, sorry ha, pero I agree with purplegravity. huwag ka na umasa.  And sis, hindi sa being racist ako, pero di ba dugyot ang mga chinese, di sila naliligo araw araw?  they are most unromantic people I know. In general lang naman. ang objective nila sa buhay eh magparami ng lahi, kasehodang ilan pa ang maging wife nila.

ok, next issue.  hindi ka nya kaya ipaglaban. I guess he is also in his late 20s. Tapos hindi nya kaya ipaglaban ang love nya sayo, that means, he does not love you enough. BUt you are convenient enough to be his GF while andyan sya para may pampalipas oras sya.

When I took my masters, I had a BF (nagw-work sya while I study). My world just revolved around him. Nagsisi ako kasi sana nakahalubilo ko ang mga classmates ko more often kesa sa kanya. You are doing your graduates studies, still young. What I would recommend you to do (3 years ka pa naman dyan) is mingle. Hindi lang sya ang lalaki sa mundo. Consider widening your contacts, damihan mo ang friends mo, punuin mo ng activities ang sched mo. I am sure you will have a great time in your 3 years there. Before you know it, di mo na kilala si chinese BF mo.












lesters_gal

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #106 on: September 26, 2014, 09:26:18 am »
^hi sis girltalker2.  I know the status is really for me kasi he always put the icons ng pet name namin. :-) and yung id ko here is not the name of my recent ex. :-)  it's been two months already since we broke up, yes i still think about him everyday and i miss him so much. :( pero i already accepted the fact na hanggang dun nalang talaga kami. Kahit na mahal na mahal ko sha pero i realized na love is not enough to continue the relationship. Mahirap kapag wala ng trust. Nakakaparanoid. I have to checked on him every now and then, and become an FBI. Lol. Kahit minsan totoo na yung sinasabi niya hindi parin ako naniniwala kasi wala ng trust, ang hirap uli magtiwala. Now, im starting over again. I open myself again in dating, not necessarily to be in a relationship right away, just to get to know other people lang para ma-divert ang attention ko. :-)
« Last Edit: September 26, 2014, 11:16:21 am by lesters_gal »

Girltalker2

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #107 on: September 26, 2014, 10:53:20 am »

^ Kung ganun, you're on the right direction!  Keep it up and before you know it, wala ka nang mararamdaman sa kanya. Ganyan din naman ako before. Haha, pareho pala tayo na nag ala-investigator pa.

Good luck!

lesters_gal

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #108 on: September 26, 2014, 11:15:01 am »
^ay oo sis daig pa talaga ang fbi kung makapag investigate ako. Nagugulat nalang sha kung pano ko nalaman ganito, ganyan. Lol Same din tayo sis nung kami pa when he goes out and he didn't answer my call at alam ko na my kasama sha na iba i can't sleep at night, i always cry and asked myself ano pa ba ang kulang sa akin. I was never insecure sa ibang babae kasi alam ko naman sa sarili ko na may dating din ako, but nung naging kami, naku nabawasan ako ng self confidence, i have to look good for him everyday,dahil marami nga ka kakompentensha kaloka parang laging my beauty contest. Lol  now i realized na kahit ano pala ang gawin ko kahit super magpa ganda ako sa kanya to the highest level kung talagang gusto niya mambabae eh mambabae sha.  Sana nga sis magtuloy tuloy na 'to pag move on kasi like you urong sulong din ako,  iba ang sinasabi ng puso ko at isip ko pero i know im on the right direction, kapag dumadating yung moment na naghihina ako nag pray nalang ako na maging strong ako this time.  Thank you sis. :-)

Girltalker2

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #109 on: September 26, 2014, 05:17:08 pm »

^ naghanap ako ng hobby, yung totoong hobby. as in araw araw ako nasa gym. puno na agad sched ko. so wala nang time mag emo.  pag uwi mo pagod ka na, do the necessary nalang, tapos tulog na agad.  :)


purplegravity

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #110 on: September 26, 2014, 05:29:24 pm »
Sa una lang naman talaga mahirap ang break up thats why you have to keep yourself busy.  Travel, find new hobbies, go out with your friends, do sports, magpaganda kayo, be successful in your career and show to your ex how happy you are now. In the end, magsisisi sya at iniwan ka nya.

Yan ang mga ginawa ko nung nagbreak kami ng bf ko ng 5 years. :)

guia01

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #111 on: September 26, 2014, 10:23:33 pm »
^ sis Girltalker2 hahaha! natawa naman ako dun sa hindi naliligo araw-araw. In fairness naman kay ex, malinis sya at naliligo araw-araw.  Although most Chinese talaga hindi sila naliligo araw-araw.  Pareho din sa mga Americans especially pag winter.

Sa kanya na talaga umikot yung mundo ko nung time na naging kami.  Pero kahit nung friends pa lang kami eh maliit lang din ang social circle ko.  Kung sino lang yung mga classmates ko sa department namin at saka mga kasama ko sa bahay.  Karamihan din ng friends ko ay Chinese because of him.  Ang hirap mag-move on kasi magkasama kami sa department pero kakayanin.  Ang dami ko nang kinontact na mga friends sa ibang states para lang may makasama ako sa mga special occasions.  Ang lungkot ng Thanksgiving, Christmas at New Year  :(

 


purplegravity

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #112 on: September 27, 2014, 07:07:04 am »
^Kakayanin mo yan sis guia01, pag lumalapit sya sa yo, isipin mo lang na di ka nya naipaglaban para di mo maalala yung sweet moments nyo.

estelle21

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #113 on: October 03, 2014, 03:19:43 pm »
^update lang mga sis, yung kinwento ko na nagparamdam after 8 months yung ex ng friend ko?

diba yung couple A na kinwento (5 yrs live in, nagcheat si girl) bumalik si guy after almost a yr.

eto naman couple B (3 yrs naging sila, nag break kasi naging praning at clingy sir girl), nagparamdam si guy after 8 months no contact.


AYUN SILA NA ULIT. parang sina couple A. nagkabalikan rin sila. kasi raw na realize ni guy na di dapat nawala yung sa kanila. yung rebound gF nya sobrang layo ng ugali dun sa friend ko. todo bawi tong si guy sa friend ko at eto naman si friend pinipilit na nyang di mabalik yung mga ugali na inayawan ni guy sa kanya.

sa tinign ko nabalitaan kasi ni guy na masaya tong si friend ko. nakita na andami ginagawa. na interesnte na ulit (mejo naging boring si friend nung naging sila ni guy kasi sobra clingy e). naging attractive ulet si friend...ayun nung nagpaparamdam si guy todo puri nga na "uy..ganto ka na pala.." "big time ka na pala ngayon..." etc.

bottomline: na win back nya si ex kasi narealize ni ex na she's way way greater than the rebound girl. kasi di sya nagpakalugmok. di nya hinabol si ex. di sya naghanap ng pantapal na guy. inimprove nya buhay nya. :)

estelle21

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #114 on: October 03, 2014, 03:34:17 pm »
TIP lang sa mga tinatry ma win ang ex back at naniniwala naman na masasalvage pa relasyon: ASK HELP dun sa mga tao na na win back ex nila. as much as possible, lalo na kung fresh pa at mas napapangibabawan ka pa ng irrational ideas at natatabunan ang pagiging rasyonal, umiwas makipag usap sa mga taong negative at yung mga panget ang naging experiences sa relasyon...

heto yung naging mistake ko nung kakabreak namin ng ex ko. lumapit ako sa tao na ni hindi pa nagka BF. friend ko ito. puro failed yung attempts nya makipagrelasyon. ni hindi ko naisip na mas may alam pa ko sa kanya sa relasyon. nakasama yung payo nya sa akin. lalong nawala yung ex ko.

eto rin sinabi ko dun sa friend ko na girl (part ng couple B). nung bumabalik kasi yung guy sa kanya, supportive ako, family nya, relatives nya. winelcome back si guy. pero bigla sya nalito kasi may girl co worker sya na nega-negahan. sabi nya sakin "estelle, sabi ni ____ na ginagamit lang raw ako ni ex, na baka ginagawa lang akong ganto ganyan." sabi ko, eh winelcome na nga ng family mo e. baka panget relasyon ng co worker mo kaya ganyan advise sayo. and yes, tama ako, pangit nga ang love story ng co worker nya kaya ninenega sya ng todo.

alam naman natin kung kaya pa i salvage relasyon e. at alam naman natin na love is a decision. hindi yung me darating pa. me greater pa. alam nating kung kelan pwede pa mag work. dynamic ang tao. nagbabago. di ko naman siguro kelangan mag cite ng philosophical theories o psychological ideas para i prove yun. kaya merong "the one whi got away" idea - kasi meron talaga someone na "sana hinabol ko" o "sana inalis ko tong ugali kong ito baka sakaling naging kami ulit."

DO NOT TALK sa mga nega. kausapin ang nagmamahal, nagmamalasakit sayo. yung nakakakilala sayo at sa ex mo. hindi yung kung sinu sino na lang na basta basta huhusgahan ang ex mo, ikaw, at ang nangyari sayo.

superjuzh

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #115 on: October 08, 2014, 09:10:15 pm »
Totoo yung sabi nila na wag kang magparamdam. Wag na wag dahil magtataka yun kung ano kayang ginagawa mo habang break kayo. Ako naman ang ginagawa ko nagdedeactivate ako ng Facebook account, minsan naiisip niya nakablock na siya sakin pero ang totoo natatakot lang ako makabasa ng post niya like may kasama siyang babae etc. Nung sa una kong boyfriend maligalig talaga ako na tinatadtad ko ng text,tawag even Facebook messages. Nagawa ko to sasecond boyfriend ko kapag sa text lang kami nagbbreak, pero nung personal na nagtext lang ako ng ilang goodbye messages tapos wala na, hindi na kami ulit nag usap. Hanggan sa after 5 days nagtext siya, kunwari kukunin niya daw yung mga gamit niya sakin eh hindi ako sumagot agad kasi wala akong load. haha. Nagtext ulit siya sabi niya "alam kong ayaw mo na kong makita, gusto ko lang makuha yung gamit at mag sorry ng personal." pero nung nagkita kami nakangiti siya, at nakipagbalikan.

kanina lang nagbreak kami, ako nakipagbreak at sinbukan kong bawiin pero ayaw na niya sakto naman na nakita ko tong thread na to. pero hindi na ako aasa, ayoko ng lokohin ang sarili ko kasi hindi ko rin masasabi kung totoo na nga yun kasi ilang beses na kaming hiwalayan balikan. lagi ang bukang bibig ko break, nagsawa na siya. kung ako nga napapagod siya pa kaya, mali ko lang kasi binawi ko, sana pala pinanindigan ko na lang. pero kumabig ulit ako, sabi ko putulin na lahat ng communication. ewan ko na lang kung anong mangyayare.

abangan ang susunod na kabanata. hahaha.

gorgeousKayeD

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #116 on: October 30, 2014, 10:46:12 am »
pa join please...

9 months ko nang hinihintay EX but then wala pa din until I noticed na meron na syang new GF at I think 3 or 4 months na sila nung bago nya... muka namang happy sila together, they surf together, they're both ahente in a multinational company, si EX simple lang pero si girl mukang sosyalera, si EX feeling ko nakikibagay sya sa GF nya, sosyalero na din sya, and pag kaka alam ko never pa na-introduce ni EX yung new GF nya sa true friends. At ako naman still waiting pa din sa kanya! hahaha! im so crazy! pray nalang ako na sana happy na talaga sya at kung hindi ibigay na ulit sya sakin... :)

anne.nonymous

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #117 on: November 06, 2014, 09:15:25 am »
Hi mga sis.
I've been reading this thread since my boyfriend broke-up with me.
LDR situation namin. Nasa US sya, ako naman nandito. Medyo nagkalabuan na kami since last month. Sabi nya sa text last month, mag uusap raw kami pagdating nya rito. Dumating sya last week, pero di man lang nag message. I was upset kaya nag message ako sa kanya nung Friday, sabi ko, kung ayaw na nya sa akin sabihin nalang at 'wag nang patagalin. Kung gusto pa nya, pagusapan namin kung ano man yung mga misunderstandings namin. Binasa nya lang message ko.
2 days after, nagpost sya ng mga pictures nya, pero di ko ni like kasi nga baka ma irritate lang sya sa akin. Kinabukasan (Monday) tinanggal na nya ako sa fb nya. Nag msg ako sa kanya kung ano nanaman ba ang nagawa ko? Sabi nya, "I'm sorry.. I just have decide we have been having too many misunderstandings.. and know it likely won't work.. you are a wonderful person and I'm sorry. I hope you can forgive me. Better now than when we are too deep into it"
Parang nabasag ang mundo ko. Nasa trabaho ako at di pinipilit ko na 'wag umiyak. Ang dami kung text sa kanya, try kung tumawag pero ayaw sagutin. Last message nya sa akin, "This decision is not easy and hurts me as well..however there is a reason...good or bad I will later know.. we will talk soon just be patient. I have others around me constantly."
Hanggang ngayon, wala parin akong natatanggap na message from him. Gusto kung humingi nang isa pang chance. Pero di ko masabi sa text.
Buti nalang at nandito kayo mga sis, try ko talaga ang NC. sana makayanan ko.

purple.strawberry

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #118 on: November 06, 2014, 09:50:15 am »
When I had my first major heartbreak, I was desperate to win my ex back. As in I talked to friends for advice and poured over books about it. Hahaha. Meron pa nga yan mga bestsellers like Ignore the guy, Get the guy. After reading those I've decided na if I have to make all those effort to win him back, parang ayoko na. After all, if he still loves me he'll come back to me. But I won't wait for him. I'm going to move on, no matter how difficult it is at first, and enjoy my life.

So for me that's it. You don't have to win your ex back. Pag babalik, babalik. Kung hindi, well at least di ka nagsayang ng panahon kakaasa or hintay sa wala. :p

 

Latest Stories

Load More Stories
Close