watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2  (Read 95305 times)

mamelta

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #540 on: March 11, 2011, 03:44:23 pm »
joining po... mga sis kelan next sale sa s&r and how much magpamember thanks

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #541 on: March 11, 2011, 05:02:22 pm »
Talked to mom and stepdad na. Grabe daw! Super scary nga daw. Hindi umabot ang tsunami, malayo sakanila. Pero yung lindol, grabe daw. Eh 5th floor pa naman sila. Buti nalang, tv lang ang natumba sa house nila. Yung sa cousins ko, kakatakot kasi ang gulo ng house nila at super sira ang mga gamit. Sabi ni mama, till now lumilindol padin daw. Scary! Lalo na aftershocks. Sana maging okay lahat. Pls continue praying for them.

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #542 on: March 11, 2011, 05:06:11 pm »
Tin, I'll pray for your parents.

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #543 on: March 11, 2011, 05:18:22 pm »
Thanks sis Marose!
Tuloy tuloy pa rin daw. Nakakailang aftershocks na daw eh. Hindi pa rin macontact sila, down pa rin ang line ng cps. Sana matapos na. Good thing na hindi sila abot nung tsunami.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #544 on: March 11, 2011, 05:27:04 pm »
Tin, i hope your family remains safe.

Pa-member ka na sa s&r. Sa sale price pa lang ng cana oil nasusulit ko na ang annual membership fee. Dami ko din nabili nung last sale. Buy 1, take 1 ang aveeno baby body wash non and yung mga liquid hand soap.

San nga ulit may desitin creamy? Yung rashes ni baby hindi sa bum eh, sa may harap kaya medyo naaalarm na ako na hindi pa gumaging until now.

RE mar 19 eb. Where and what time? Pupunta ako kung makakaalis ako ng house. We do t usually go out on saturdays unless absolutely necessary, ang traffic kasi. But will see if i can go. Sale pa kaya sa mothercare non?

Pupunta ako ng maaga sa s&r sa 1st day ng sale. Still thinking kung fort or alabang. May pasok ako non 3pm eh.

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #545 on: March 11, 2011, 05:34:30 pm »
Lisa, try mo sa Mercury.  Meron pa bang multiply site si chubbycheeksbaby?  Doon ako kumukuha sa kanya dati ng Desitin.

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #546 on: March 11, 2011, 05:40:34 pm »
Thanks sis Lisa!
Sa mercury meron nga. And alam ko sa s&r meron din.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #547 on: March 11, 2011, 05:47:36 pm »
tin, marose,

sa s&r fort wala eh pero sa alabang dati may nakikita ako.

Will check sa mercury. If not, sa multiply na lang.

Thanks!

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #548 on: March 11, 2011, 05:48:22 pm »
Tin - Thank God your family in Japan is safe. Let's continue to pray for them.

Lisa - my baby is using Desitin since birth and every after nappy change. Hanggang ngayon, wala namang rashes (thank God) and ang soft pa din ng bum niya  :)

Re S&R sale - be going din, I need new pillows  :) Sa the Fort branch naman ako.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #549 on: March 11, 2011, 06:39:24 pm »
Tin, buti naman your family's safe. One of my trainees din now nasa Japan family nya and they're all ok naman.


simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #550 on: March 12, 2011, 03:58:23 pm »
thanks ulit Jen and Van :)

share ko lang: yesterday i think was the first time na super nagworry ako for my mom and stepdad. especially nung nabasa ko dito yung post ni Jen, tapos im trying to contact both of them, walang sumasagot. actually, hindi pala macontact kasi parang shut down ang lines ng docomo. what worried me more was the time na nacontact ng cousin ko yung mom and sister nya, pero mom and stepdad ko, hindi macontact. naiiyak na ko sa sobrang pagaalala. i received texts from friends, nagtatanong if mom was ok daw. pero i cant give them answers kasi even I, hindi ko sila macontact at wala akong idea kung anong ngyayari. hindi ko alam na ganun sya kagrabe until napanood ko sa cnn few minutes pa after ko mabasa yung post dito. kasi nasa hospital pa kame dahil naconfine tito ko. tsk tsk. after an hour, yung cousin ko nacontact na yung sis and mom nya. pero sila mama wala pa rin. nagtry ulit ako, at sa awa ng Diyos, nakausap ko din. grabe yung luwag sa dibdib ko hearing that they're both okay. at walang damages sa house nila. except nga sa nasira yung sa window, tumaob yung tv at natumba ang washing machine and yung ibang boxes nagkagulo. pero yung tv and washing machine, gumagana pa rin! last night, nakachat ko na si mom, may quakes pa rin daw from time to time. pero pasalamat nalang din talaga na malayo sila sa tinamaan ng tsunami. walang water supply sakanila, so pumunta sya ng grocery and convenient stores, pero wala ng water. as in ubos na. panic buying ang mga tao! sobrang haba ng pila sa restos na malapit sa place nila, so ang ending, tiyaga sya sa kung anong pagkain meron sila. yung stepdad ko nagdrive pa ng taxi, he took advantage of it, kasi shut down ang trains, subways. so maraming pasahero. kahit ayaw ni mama, go pa rin si papsi. si mama naman, pumasok na din sa work nya ngayon. hay, salamat sa Diyos talaga for keeping them safe.

side kwento pa pala: nagmamadali si mama pauwi at naghagdanan to 5th floor kahit may quake kasi ichecheck si papsi dahil hindi din nya macontact. aba, wala sa house! chineck at sinundo ni mama sa pachinko, nandun! haha, kaloka. may lindol na nagpapachinko pa rin!

one friend told me na kung sa ibang country ngyari tong 8.9magnitude na earthquake, malamang, mas grabe ang damage na matatamo nila. kasi kahit papano, ready ang japan sa ganitong situations, kaya minimal ang damages compared to other countries. pero, wala pa rin tatalo kung sana hindi na to ngyari at wala ng taong nasaktan o namatay. it's just so sad :(
« Last Edit: March 12, 2011, 04:07:27 pm by simplykristine08 »

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #551 on: March 12, 2011, 04:05:08 pm »
question pala mommies, narining nyo na ba yung kasabihan na kapag nanaginip ng tubig, may mangyayaring masama? hmm, hindi ako mapamahiin, pero minsan sa case ko, madalas ako managinip ng tubig, parang coincidence sa mga ngyayari after my dreams. few days ago, nanaginip ako ng water, muddy and with stains of blood. after 2days, nahospital ang tito ko at kelangan iconfine dahil may heart enlargement, then yung ngyari sa japan. few years back, nanaginip ako, super flood sa bicol, dun mismo sa place na tinirhan ko for 10yrs, after a few wks ko managinip nun, my tito died. tito na tinirhan ko sa bicol. 2years ako, nanaginip ako ng water, super clear naman, parang beach ng palawan ang tubig, ayun, good news kasi nakuha ko yung visa ko papuntang dubai. i wasnt expecting na magkakavisa ako kasi 2x na ko nadeny dahil wala akong kamag anak dun at wala pa akong 24yo. and sa pag stay ko ng 2months dun, i got pregnant. kala ko kaya baog ako! waaah. kasi almost 4yrs in the making si baby. tapos dun sa 2months, nabuntis ako. ohwell, sakin lang to. kasi madalas ako managinip ng tubig at palageng may something na ngyayari NA related sa akin or sa family ko, either good or bad. basta kapag nanaginip na ako ng tubig na madumi, kakabahan na ako nyan.

sorry haba ng posts.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #552 on: March 12, 2011, 10:22:49 pm »
Tin, buti talaga ok family mo. grabe yung  mga napanood ko.  :( naiisip ko tuloy talaga yung 2012 na movie. and sorry at baka wrong timing ang tanong ko. saan mercury ka nakakabili ng desitin? desitin creamy ba gamit mo o yung original?

nilagyan kong vaseline baby petroleum jelly si baby kanina. sana um-ok na.

papunta kami sa st lukes kanina kasi nasa calendar ko may pedia sched kami, 2nd shot ng 5-in-1. nagtataka ako na hindi ako tinext ni didith na secretary ni dr chen. nagt-text kasi yon the day before the appointment. malapit na kami sa fort nung maisipain kong tumawag. mar 19 pa pala appointment namin! ay sus. di ko alam bakit mar 12 nakalagay sa calendar ko. eh sabi ko punta na din kami kasi malapit na eh may manganganak daw, si dr chen ang sasalo. so next week na lang.

nagpunta tuloy kaming glorietta. gusto ko sumaglit sa mothercare pero ang layo, tinamad ako. nagpunta kami SM. 3-day sale nila next weekend! so di na muna ako bumili ng stuff kanina, sa friday na lang para may additional 10% off ako. sale din kasi sa baby company don so marked down na ang items tapos plus 10% off pa. pero konti lang naman bibilhin ko - diapers, level 2 teats, pigeon bottle cleanser, cycles powder, maybe a couple of teethers.

ok kaya yung  munchkin na teether na ganito? any recommendations?

and finally nakahanap na ako ng recliner para sa room ni baby. glider sana gusto ko kaso wala akong mahanap dito so recliner na lang. parang lazy boy pero generic, ang mahal ng lazy boy eh 27k ang pinakamurang nakita ko. ito 19k tapos 3 months zero interest so happy ako. sa friday ko bibilhin para less 10% pa.

and finally din nakahanap na ako ng sofa bed na bed talaga. hindi yung sofa na gagawing flat to make it a bed. hindi kasi comfy yung ganon. papalitan ko na kasi yung furniture sa sala kasi hiniram ko lang yon sa house ng parents ko. eh luma na din, kailangan ko na ipa-reupholster at papalit yung foam sa loob. sabi ng sister ko mas mura bili ng bago. eh gusto ko sana yung sofa bed na para pag may bisita kami, pwede. nung natulog dito brother ko and daughter niya plus my parents, isa sa kanila natulog sa sofa sa sala kasi di kaami kasya. ang hirap ng maliit ang bahay.  :(

so excited ako. pupunta ako sa sm makati sa thursday before work to reserve all my items then friday morning ko kukunin lahat.

at natutuwa ako kasi nag-grocery din ako kanina. usually ang grocry namin umaabot ng 12k-14k pero kanina 10k lang. buti naman.

and last na. na-promote husband ko!  :D

sorry ang haba.

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #553 on: March 12, 2011, 10:42:37 pm »
Congrats to your hubby sis Lisa!

Yung desitin nabili ko dati sa sm dept store, baby section. Desitin with aloe yung nabili ko sis. Pero binigay ko na sya sa cousin ko, then pinadalhan ako ng asawa ng pinsan ko ng desitin na nasa jar, original cream sya sis.

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #554 on: March 12, 2011, 11:18:29 pm »
Tin, good to know your mom and stepdad are okay.  I sent a message to a friend based in Japan, no reply yet.  I hope he's okay.

Lisa, buy Desitin Creamy.  The original one stinks.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #555 on: March 12, 2011, 11:31:02 pm »
Marose, that's what i read nga sa reviews that's why i got aveeno the first time. Saw desitin creamy na at ebay.ph but better sana if i can buy na. I hope this one works.

Tin, wala akong nakita sa sm makati kanina.

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #556 on: March 13, 2011, 12:03:26 am »
Marose, thanks sis :) Sana nga okay lang si friend mo. Sobrang dameng affected, dame rin patay, mostly matanda. Baka kaya hindi mo macontact sis dahil baka down pa rin yung lines ng telco nila. Ang nakakaworry naman ngayon is the nuclear plat leaks, etc. Sana matapos na.

Lisa, try mo sa mercury? If wala, hmm, sa s&r? Kapag wala pa rin, go buy na on ebay.ph. Sana gumaling na rashes ni baby.
Regarding teethers, nasulit namin yung pigeon and richell teethers nya. yun ang type nyang kagatin :)
« Last Edit: March 13, 2011, 12:41:09 am by simplykristine08 »

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #557 on: March 13, 2011, 12:24:19 am »
Lisa, nagco-cloth diapers din ba baby mo? Si Zoe kase when she wakes up in the morning, we have her use cloth diapers until her morning bath para mejo mapresko. Dry na din mga rashes nya sa legs ngayon kase talagang pinatutukan ko sa yaya na kelangan madampian ng dry cloth pag may moisture na nattrap sa folds from pawis or something.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #558 on: March 13, 2011, 12:53:46 am »
Van, thinking of using cloth diapers na nga dahil sa rashes. Sayang naman bili ko sa fuzzibunz. Going over nga my notes againnkasi papalaba ko na siguro. What cloth diapers do you use?

Tin, check ko muna ulit sa mercury bukas. Thanks.

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #559 on: March 13, 2011, 10:43:35 pm »
Tin, thank God you're family's safe in Japan... sobrang laking disaster ang nangyari dun... sunod sunod ang mga tragedy.. it started with Egypt and then sunod sunod na.. you're family's super blessed. Kamusta naman sila ngayon? May supply na ba sila ng mga pagkain.

Lisa, congratulations kay Mike! (tama Mike di ba?) san ba sya nagwowork? He was promoted as what pala?

Cloth diapers din kami every morning before he takes a bath and once in the afternoon before he takes a bath ulit.

Ang dami dami namin trabaho dahil dyan sa Japan incident.. simula nung nangyari sa Egypt, dumami load ng work namin.. naging times 4 the usual workload.. But like what I always say, more work means job security :) pero nakakaawa pag kausap ko mga local contacts.. nagkukwento sila ng mga nangyayari.. kawawa.. :( (sa Japan ito)

I went to the baby fair to check what they have.. mas konti this year ang products nila compared to the previous years.. last year they had GAIA and California baby.. ngayon wala ako nakita California baby.. Ang pediped pala dito mahal sabi ni Van.. hers was $59.90.. pero meron ibang style that costs $63.90..

I also visited Grayce at seriously she didnt look like she gave birth.. napaka fresh ng itchura.. and this is without exaggeration.. nakaka amaze ang labor style nya.. Grayce, sana maka post ka pa dito.. hehe..

It was nice meeting you Weng! si chloe pala ipad addict.. hahaha.. talagang behave sya in front of it ha.. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close