watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2  (Read 95392 times)

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #560 on: March 13, 2011, 11:37:02 pm »
Pia, thanks ha! Okay na sila mama ngayon. Pero from time to time, may quakes/aftershocks pa rin. Natatakot lang ako for them dahil sa news parang within 3days ata, may quake nanaman na magnitude 7.0. Sana wag na, tama na. Kasi grabe na ang sufferings nila dun. Naku Pia, si mom naggrocery kanina, para may stock sya ng food. Naku, walang bigas! Panic buying ang tao since friday pa. Walang tubig nung friday, buti ngayon meron na sila mama. Nakabili lang sya ng canned goods, biscuits, etc. Walang tinapay! Buti nalang meron pa syang bigas. Nakakatakot din yung nuclear threat. Sana matapos na.

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #561 on: March 13, 2011, 11:50:20 pm »
eto nga pinapanood namin dito sa office ngayon.. yang nuclear power plant na yan.. sana maging stable naman.. napa search tuloy ako sa wikipedia ng Largest earthquakes by magnitude

sabi sa Church kanina, ang end of the world lang daw ang isa sa mga few things na pinagkakasunduan ng Church and Science.. wala nga lang makapagsabi ng exact date.. but definitely magkakaron.. hindi ko alam pano iaddress ang topic na ito. Basta sana lang talaga bigyan pa kami ng mahaba habang time na mabuhay :)

Tin, nakita ko nga sa news na pila talaga and hoarding ang mga tao sa pagbili.. yung isa kong friend nag post ng picture sa loob ng grocery at ang mga items na natira mga sabon/bathroom products/kitchenware.. mga ganon.. eh di naman daw nya makakain yun.. yosi na lang daw sya.. lol

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #562 on: March 14, 2011, 12:21:16 am »
Haha, funny ni friend mo Pia! Pero totoo yun. Halos wala ng laman ang 711 at ibang stores. Nakakatakot talaga yung nuclear plant, may nabasa pa ko na yung nuclear plant daw dun, may excessive radiation na. Pero syempre sabi nila 'under control na daw'. Waaah! Nabasa ko din na yung quake sa Japan, 700 times nung sa Haiti, pero lesser casualties sa Japan kasi sabi nga dun 'Quake 5th biggest, but Japan best prepared'. Hindi ata yan yung exact words, pero yan yung meaning. Eto yung time na sobrang worried ako for mom and paps. As in! Sa 1 araw ilang beses ako nagmmail at nagpaparing if okay pa lines nila. Chat din kame everyday.
« Last Edit: March 14, 2011, 12:25:03 am by simplykristine08 »

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #563 on: March 14, 2011, 12:22:28 am »
Lisa, we use yung ordinary cloth diapers lang.

Until now when I see the videos of the quake, it still seems surreal. Parang scenes sa movie. I spoke with my friends who have relatives there and thank goodness ok naman sila. I remember yung earthquake nung 90's, my dad was still alive then. I was sooo scared nung time na yon and to think na hinde comparable yung magntitude sa Japan.

We went pala to Greenbelt and Bonifacio High Street kanina in search for shoes and too bad Hobbes and Landes were out of sizes. May nakita kong gustong-gusto ko na designs pero they only had it in 0-6M and 12-18M. Yung 0-6M may konting allowance lang kay Zoe but madale na nya malalakihan yon cus her feet are wide and chubby :P.

So yon, we went to Hobbes and Landes in BHS and may nag-iisang Pediped Sierra don in 6-12M kaso reserved na daw. Syempre I unleashed all the convincing powers that I had pero hinde pa din binenta sa ken huhuhu. Sabe ni hubby saken bakit daw ba hinde ako mapakali sa shoes, I dunno din basta hinde ako makatulog hahaha

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #564 on: March 14, 2011, 02:17:31 am »
Van, do you use diaper covers din with the regular lampin? Kasi pag nag-wiwi eh di basang basa kung walang cover?

Buti di pa ako umaabot sa point na di mapakali over clothes/shoes for baby.  ;D once pa kang nung sale ang ralph lauren nag pre-order ako ng mary janes.

What's giving me sleepless nights is the balenciaga city with gsh in poupre. Tagal ko na kasing naghahanap ng color na yon and first choice ko pa yang style na yan. Hay.

Pia, anong cloth diapers gamit mo?

Hubby ko global head for reporting. Fancy title but not so fancy perks. Akala ko pwede na akong hindi mag-work, hindi pa din pala. IT din siya, using business objects naman.

Tin, grabe pati yung whirlpool! Grabe talaga. Buti na lang your family's ok.

Not getting desitin creamy anymore. Mukhang nag-work na yung petroleum jelly. Ang yung isang yaya ng twins ng sister ko sabi kanina iwash daw ng warm water every nappy change tapos tuyuin mabuti. Kung pwede nga daw ibilad ng konti sa araw. Mawawala daw agad. Ganon daw gawa niya sa past na mga inalagaan niya. Nagstart kami ng wash with warm water kanina. Bukas kung magising ng maaga, susubukan ko ipabilad sa araw ng walang diaper.  :-[

Nag-shopping ako sa mothercare trinoma kanina. Went to my parents' house to fetch my mom. Lamb chops for dinner eh walang mint jelly to nautusan kami to buy. Went to trinoma eh naalala ko nga sale pa sa mothercare so nagpunta ako. Sabi ng husband ko wag daw ako lumampas ng 3k.  :( syempre lampas. Pero ang dami kong nabili naman.

Also got some board books sa books for less ba yon. Happy to have found a couple of books about God - my first book about God and the meaning of easter.
« Last Edit: March 14, 2011, 02:20:06 am by clueless »

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #565 on: March 14, 2011, 02:23:09 am »
congrats ulit ate Lisa! sayang hindi ka pa maka stop ng work.. pero masaya mag work din di ba? growth din natin yun..

we're using bumGenius.. reusable cloth diapers sya..

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #566 on: March 14, 2011, 02:34:24 am »
Pia, thanks! Oo masaya naman mag-work pero minsan umiiral pagkatamad ko. Hehe. Tapos nga lumipat ako ng comany, balik consulting pa ako so "magt-trabaho" na ako ulit. Yung dati kong company very laid back eh, minsan nam-miss ko. Pero pag naalala ko kung gano ka-grabe ang pulitika don, buti na kang umalis na ako.

May bumgenius ka pala. Ako may fuzzibunz, mukhang gusto ko na nga ding gamitin eh. Bebenta ko sana. Nabenta ko na yung half, actually, kay grayce (thanks!)! Yung remaining half iniisip ko kung gagamitin ko na lang.

Bukas pupunta akong nbi. Kailang kasi ng clearance para sa client ko sa bago kong work. Good luck to me. Sana mabilis lang.

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #567 on: March 14, 2011, 03:19:51 am »
lisa np, lam mo ba speaking of fuzzibunz d ko pa sila nakikita upto now :( april ko pa sila masisilayan. papasabay ko nalang sa parents ng barkada ni hubby. holy week daw andito.

sorry mga mommies busy akech, still adjusting i must say. puyatan galore as expected. every 30mins to 1hr nagigising si baby para magfeed and i'm exclusively breastfeeding my son. dilemma ko lang ngayon is how to make him feed longer kasi nakakatulog cya, tipong 15mins lang ata cya nagfefeed!  :-\ kaya eto medyo engorged na breasts ko, nababawasan from time to time since minamassage ko before feeding. tips naman pls mga mommies kasi kahit kilitiin ko sa paa d nagigising, kaloka

mother pia, eto nabuhay ang patay, daan silip lang habang tulog si bebe. thanks for visiting pala nung friday! ;D super appreciate it. eto windang naman ako magadjust while still in pain, feeling ko para akong binugbog ni pacquiao buong kasukasuan ng katawan ko masakit kahit braso  :'(

grabe ganito pala ang feeling ng bagong panganak, parang binugbog :-\ sinasabayan ko nalang magsleep si baby para makabawi sa pahinga pero mygulay sana magcooperate ang asawa ko sa chores, ipagluluto nga ako pero ang mga kalat d marunong maghugas agad, waaaah :'( hirap na hirap pa naman ako kumilos and kahit tumayo at times ang sakit, lalo na kung magsneeze man lang. asar :-\

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #568 on: March 14, 2011, 08:27:09 am »
^Sis, congrats! Wanna see your baby's pics na :)

Lisa, we dont use any covers. Pag naka-cloth diaper sya, usually kase a couple of hours lang before her morning bath. Pag nabasa, palit kagad. Tapos pag nasa bed, we just put a rubber mat underneath.

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #569 on: March 14, 2011, 08:41:53 am »
pia was not joking pala nung sinabi nyang super haba na ng thread! waaah! ang tagal ko nag back read at ang dami nyo nang napag usapan!!!!

hi pia!!!! nice meeting you :) pogi ni kuya kyle :D o di bah? pampakalma ng batang makulit yung ipad. last resort ko yun, pag gusto kong kumain, chumika ng walang humpay, saka ko lang ilalabas yun haha or pag masakit na ang likod bwahaha ang selosa ng anak ko no? hanggang dito sa pinas ganyan sya! ayaw humiwalay sa legs ko ;D uy thanks ulit sa "stash" huh! sana nag enjoy ka sa chippy haha!!

grayce!!! nanganak ka na!!! ;D congrats!!! tama yan sabayan mo ng sleep si baby :D sayang di kita nadalaw nung andyan ako last week.

nako, wala akong nagawa sa mga gusto kong gawin nung dumating ako dyan!!! bale wala plano, di nasunod dahil sa mga kasama namin. oh well. sabi ni hubby balik daw kami ulit dyan kasi super di talaga sya/kami nag enjoy. nag enjoy lang ako sa meatballs ng ikea with pia ;D LOL!

i have a couple of friends din na nag o-oDesk. true, pagandahan ng profile ito...

lisa, congrats kay M (di ako sanay na Mike haha)! sabihin mo mas mura yung bag mo kesa sa mga modifications nya sa car ;D

lia, yung spiffies dalhin ko na ba sa office or sa sat na lang?
« Last Edit: March 14, 2011, 10:17:31 am by wengerts »

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #570 on: March 14, 2011, 09:32:31 am »
Lisa, congratulations to your husband.   :)

Grayce, may tips sa kellymom.com on how to breastfeed a sleepy baby. ;)   As I recall, tickle the baby's feet or chin or remove layers of clothing are some of the techniques to wake up a sleepy baby. ;)  If your breasts are still engorged, try to hand express para lumabas ang milk mo and store what you have expressed.  I do not advise that you pump milk at this point.  Mas important na ma-establish ninyo ni baby ang breastfeeding routine.
« Last Edit: March 14, 2011, 09:35:14 am by marose17 »

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #571 on: March 14, 2011, 10:51:17 am »

tin... buti ok ang parents mo..

lisa..
gamitin mo na ang fuzzibunz mo at sayang sya!
ohh and.. petroleum jelly FTW!!! yan lang gamit namin kay gianna sa bum area nya..
congrats din kay mike!

grayce
congrats sa safe delivery mo!

nasa greenbelt 5 ako nung saturday after lunch...
di na sale sa mothercare.. was looking for leggings sana.. wala akong nagustuhan.. pero meron akong nabili!! nakakita ako ng skip hop na backpack pang kids.. P995 lang! bumili na ako..yung monkey ang binili ko..they only have 3 kinds na backpack! yung dog, yung monkey at penguin.. yung monkey kinuha ko para di masyado madumihin

na holdap ako sa toysr'us...
was looking for slinky lang eh... kaso wala..so i bought the hopping chick lang..  tapos ikot ikot lang ako..  i saw the pillow pets.. on sale.. matagal ko na gusto yon..so nabili ko sya.. P300 lang.. ang siste.. may narinig ako.. yung sing a majigs na toy! eh tuwang tuwa si gianna don! actually mas tuwang tuwa ako.. so binili ko :P hahaha nawala ako sa budget!
eh mag booster kami ng 6 in 1 nung day na yon.. P4k kay pedia! waaaahh

question:
kukuha ba kayo ng hepa A vax? meningococcemia vax? typhoid vax? sabi ni pedia speciallvax ito na pwedeng hinde kunin...

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #572 on: March 14, 2011, 11:34:16 am »
hi mga mommies! haba lagi ng backread.

sis tin, sori di ako naka reply agad busyness ngayong week...thank God ok yung parents mo.  Nakaka pangilabot yung ngyari sa Japan, sana wala na ulit ganung ka-grabeng mangyari. :( Buti nasagot din yung questions mo about S&R.  Yung nutella, yung pinaka malaking container 200+ bili nung sale.  Sulit talaga mamili dun sa S&R, kaso i suggest na pa-member ka ng mas maaga kase yung iba 8am pa lang pumipila na lalo sa D'Fort, mas maraming items kase na available dun kesa ibang branches.

lisa congrats sa hubby mo.  Yung nabili mo bang book is "story of Easter" by Patricia Pingry?  :)

nagpunta kami ng tagyatay last week, sobrang init na.  Pumunta kami ng mahogany market to buy beef saka mga fruits, only to find out na mas mura pa pala yung fruits na binebenta sa kalsada :(  ang daya na bumili dun, tumawad pa kami ng sobra nun ah, kaya pala binigay. Natuwa lang ako sa binili naming bread sa Sonya's garden, the best yung pan de coco dun saka spanish bread (hispanis bread ang tawag nila)  bagong luto lahat. Nakita ko dun si Gloria Diaz,  Mickey Ferriols and isang taga channel 7 (di ko alam name, maka channel 2 kase ko :) )  bumili lang din sila ng bread.  Dinadayo pala talaga yung breads nila.  Tapos sa entrance may nagbebenta ng 2nd hand signature bags like Balenciaga, LV, Gucci.  friend nya daw yung may ari ng Sonyas.  Kaso ang mahal pa din, not worth it bilihin.  Check ko din yung rooms sa The Boutique, ang ganda lalo na yung I Desire na room, pang honeymoon :)

I want to suggest din na pang rashes is "Calmoseptine".  Ito yung gamit ko kay baby maski sa mga insect bites nya.  Ewan ko lang kung may nabibili dito na naka tube, sachet lang ata ang available.


simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #573 on: March 14, 2011, 12:02:40 pm »
Thanks Lia and Satumom.

May earthquake and tsunami threats nanaman daw. Kaya mawawalan ata ng kuryente at communication lines para magready ang Japan :(

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #574 on: March 14, 2011, 12:27:21 pm »
Hello mommies, new week na naman!  :D

Lisa - congrats to your hubby!

Luz - been to tagaytay din last week, ay naku! mukha ngang nagmahal na ang mga gulay and fruits dun sa mahogany market. Yeah tama ka, mas mura sa kalsada. Oh na-miss ko naman yang hispanic bread and pan de coco ng Sonya's, di na kase kame naka-drop at short trip lang kame ng friend ko. Sana you tried their Salad dressing, naku! The best siya!  ;) Ang nabili lang namin ni BFF, yung cinnamon bread ng Bag of Beans. Naku, yummy din! Kaso 2 packs na lang nung dumaan kame kaya tig-isa na lang kame ni BFF. Bitin tuloy!  ;D

Re weekend gala, di kame masyado naka-ikot kase my maid is on off for 2 days. Ay sus! Dilemma nga! Di ko na masyado alam kakapain ko sa mga gamit sa bahay  ;D Pati sterilizer, kala ko sira! Yun pala di ko nilagyan ng water. It's my first time to clean the bottles kase and operate the sterilizer! LOL! Tapos pag nagluluto ako, I can't find some ingredients. Si maid, iniba lagayan! Jusmiyo! So ang drama ko, finders keepers lahat! LOL! As if naman eh ang laki ng bahay ko noh? Haler! liit lang kaya ito! Kaso pag di mo alam talaga san kinabit mga gamit, hirap.

Re Mustela nagamit ko na pala kay baby, bale 3X na...super bango siya! And naging smooth ang skin niya. Try ko for a week if okay, then stick na ako dito.

Re 1st birthday preps ni baby, ayun settled na ako kay YanPle as PP and booked Alex L. Tapos ang venue, sa wakas nakahanap na din ako. Bale, I'll book Alexandra Clubhouse tomorrow. Open pa daw ang date ng birthday ni baby kaya puntahan ko na. Ms Apple will text na the person who will sponsor me. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib! Kaka-stress din kase humanap ng venue! ;D
« Last Edit: March 14, 2011, 12:48:01 pm by redrose »

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #575 on: March 14, 2011, 12:42:30 pm »
yes!! ang sarap ng cinnamon bread sa bag of beans!!! pati yung raisin loaf/bread grabe!!!

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #576 on: March 14, 2011, 12:56:11 pm »
jen, sayang di kami nakapunta ng bag of beans...puno kase yung parking kaya di kami tumuloy, diniretso ko na lang ng Sonya's :)  di mo pala tinuloy si jacque ng party boosters :)  ako din bday prep na din pero jollibee naman for his 2nd bday.  Nag inquire na din ako yesterday sa Cash & Carry branch, medyo malaki din yung place (150pax yung kasya), tapos consideration ko lagi kase yung parking.  So far, mukhang dun ko na gusto.  Kaso yung gift nila sa baby is yung wooden chair lang na jollibee (kahit mag 30T plus pa yung bill) unlike sa ibang branch na bike ang binibigay.  Tapos yung mascots 1T na pala start netong Jan'11, last year 800 lang, sayang tuloy yung saving na 800 (pang cake din yun)  Gusto ko kase lahat ng mascots kukunin pero hindi sila sabay sabay na lalabas :)  pero sa dulo sasayaw pa din sila lahat :)  papadagdag na lang din ako ng balloons para medyo festive pa din.

gusto ko din try mustela, powder scent ba? :)

lia, mahilig ka raisin loaf? try mo yung sa Bizu, ok din naman :)

mommies, sino sa inyo gumagamit ng aveeno?  nung pina-try ko kase sa son ko napansin ko na amoy maasim yung ulo nya pag yun ang ginagamit.  Kaya ngayon, switch na naman kami ng cetaphil, pag eto kase gamit nya di naman maasim kapag nagpawis na sobra.  Tried Johnsons yung with honey and ganun din effect:(  Gusto ko kase amoy baby naman, wala kaseng amoy cetaphil e. 


liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #577 on: March 14, 2011, 01:04:57 pm »
thanks luz..
not really a fan of raisin bread eh..pero yung sa bag of beans nagustuhan ko..tsaka etong cheese and raisin loaf ng bread talk..nasarapan ako..

last year nag jollibee party kami.. 1000 na din ang fee ng mascot.. tapos ang nakuha namin na gift eh doll house.. nakakatawa nga kasi may presyo pa sya!! mga P700 yung toy..

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #578 on: March 14, 2011, 01:12:46 pm »
galing naman :) sang branch ng jollibee ka sis? maghanap pa kase ko ng iba, options ko are Harbour square sa Bluewave yung near MOA, D'Fort saka yung sa Acacia Lane mandaluyong.  Suggestions lang 'to ng mga officemates ko, di ko pa nakita yung place e.  Basta sana kasya ang 100 guest ko saka malaki ang parking.  Yung cash and carry okay na din pero gusto ko check sa iba baka mas ok. Magbasa na lang din muna ko sa Bday Party thread :) ano nga pala food na kinuha mo?  Iba ba for adult and kids?  how about give aways? sa kanila ka kumuha o bumili ka sa labas? dami ko na tanong :)

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #579 on: March 14, 2011, 01:19:06 pm »
Luz - wow 2nd birthday party prep na! ayos  ;D ako din sa 2nd birthday, fastfood party na lang or sa house na. LOL! Basta plano ko lang i-celebrate yung 1st, 3rd at 7th birthday ng may konti gastos  ;D Di na ako natuloy kay Ms Jacque kase nagkagulo sa booking ko kay Alex L eh, na-book na kase ni Ms Apple eh nung nag decide ako na kay ms Jacque na sana, sabi sa side ni Alex book na daw ang Oct 30. Eh ako din yun! :-) So inask ko si Ms Apple if sure na book na, oo daw! Pencil book lang kase nun eh dahil di ako maka-decide decide. Pero sinabi ko kay Ms Apple na sana medyo fast reply. LOL! Demanding ako na client eh.

Re mustela - mabango siya sis. Kung tama ang pang-amoy ko, medyo may hawig siya sa angel's breath cologne or nenuco ata yun?? basta medyo sweet na citrus ata. Mga ibang sis can help sa smell  ;)


 

Latest Stories

Load More Stories
Close