watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2  (Read 95450 times)

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #420 on: March 09, 2011, 07:57:44 pm »
kami ata ang kakaiba.. we do not have any joint account at all.. ang shared assets namin ay properties and that's it. I hold my own salary and I have my own bills to pay. Sya din ganon. We know each other's pay pero we do not control each other's money. Weird noh? Hehe. From the start ganon kami. Sometimes up until now we buy things na KKB. Example ang mga airfares namin KKB yan. Pag manonood kami ng movie, KKB unless special occassion at gusto nya ako ilibre :) Kaya ang mga gifts nya hindi ko alam kung magkano unless pumunta ako sa store at tanungin ko. But I must admit mas malaki ang share nya sa household expenses kasi he earns more than I do. Ang tuition fee ni Kyle take turns kami kasi every sem ang payment. Beneficiary naman namin ang isa't isa sa mga insurances so wala naman pinagkaiba sa iba. Paminsan minsan pag meron kaming time, pinapakita na lang namin sa isa't isa kung magkano na naiipon namin.. but that's it.. :)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #421 on: March 09, 2011, 08:10:15 pm »
Lisa - nung bago pa lang kase kame ni hubby may sariling account na ko talaga. kahit pati may joint account kame, we dont withdraw unless we consult each other. actually, ako ang mejo strict jan kase ayoko talagang bawasan yon unless super emergency. even for vacations, we dont get money from there. ipinagse-save na namin yan separately kase hinde naman emergency saken ang trips.

Pia - Samin ngayon, mas malaki ang share ni hubby sa expenses kase mas malaki earnings nya. Pero sya wala syang sariling account, kase nung pagbalik namin from SG, hinde na nya naisip mag-open. Recently ko lang pati pinakelaman ang earnings nya, since nabuntis ako. Kase before, basta bigay nya lang money saken for expenses and savings, wala na ko pakelam sa iba. But now that we have a daughter, baliktad na, allowance na lang nya natitira sa kanya hahaha

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #422 on: March 09, 2011, 10:59:16 pm »
Minsan nga i weigh the pros and cons of having separate accounts. Ayaw ko kasi ng may secret so i like that all of our money is open to both of us. Pero yon nga, minsan ang hirap pag may gusto akong bilhin na luho.  :-[

Yung iba naman sabi better that you have your own money din para pag iniwan ka ng asawa mo, kaya mo pa din. Eh naisip ko naman may trabaho naman ako so financially ok naman. At bakit naman ako iiwan ng asawa ko no.  :P

Buti na lang din di masyado naiinsecure ang asawa ko kahit doble ng sweldo niya ang sweldo ko. Never naman naging issue samin talaga ang money. Nalulungkot lang ako pag di ko nabibili yung gusto ko. Brat kasi ako. Hehe. Pero madalang lang naman yon.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #423 on: March 09, 2011, 11:07:59 pm »
I just need to vent this out. Para kong sasabog sa badtrip.

I usually leave Zoe with my mom when I leave for work tapos kukunin sya ni hubby pagdating. Lately, I've noticed na hinde napapalitan ng diapers sa gabi si Zoe kaya nagka-rashes sya at pulang-pula talaga. Ilan beses na nangyari yan but I never said anything, nire-remind ko lang mom ko na palitan sana ng diaper at wag mababad. Ilan beses na hinde nagagawa.

Earlier, I told my yaya to change Zoe's diaper before she (the yaya) goes to sleep at 10pm. Umakyat daw sya kanina and nagalit mama ko and pinabalik sa room namin si Zoe at nagalit at umiyak daw. Tinatawagan ko hinde sinasagot.

I'm so pissed! Akala tuloy ng yaya ko sa kanya nagalit, eh pano kung lumayas yon? I dont get why my mom is so upset, wala naman akong masamang ibig sabihin. I told her a couple of times  in the past na dun sa room nya patulugin yung yaya para yun ang magpalit ng diaper sa gabi kase nahihirapan sya. Tapos ngayon ganto ang malalaman ko, nagtext kase yung yaya saken. Ladies, was I wrong with asking my yaya to do the diaper change instead? Hinde ko kase makita ang point kung bakit napakalaking issue non? Ngayon iba-badmouth na naman nya kame.

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #424 on: March 09, 2011, 11:14:13 pm »
I guess couples have their own system of managing their funds.  Pia, we have a similar system.  Hubby and I hold on to our money separately and share in the expenses.  We co-own assets too, such as the house, car, etc.  But we have a joint account.  I rarely ask money from my husband for my little luxuries, though he has been very generous at times.  When I stopped working when I was pregnant, money never became an issue and somehow, my husband stepped up in being the sole provider.  When I returned to work, the pressure was off.  The best thing though is we do not, and never have to, fight over money.  Also, no one feels deprived or guilty for choosing to spend money on little luxuries.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #425 on: March 09, 2011, 11:22:33 pm »
Sorry magr-rant nanamn ako. Naiirita kasi ako sa in laws ko. Nasa winnipeg sila - parents ng husband ko at yung ate niya. 2 lang silang magkapatid.

Umuwi si MIL nung october dahil gusto daw niya nandito siya oag nanganak ako. 2 weeks later, umuwi naman ang F-I-L ng brother ko na nasa winnipeg din. Nagpabili ako sa brother ko ng isang box ng kirkland wipes. 9 packs na 100cts each. Sabi niya di na daw kaya dalhin ng F-I-L  niya lahat, half lang. Sabi ko sa asawa ko tanong sa nanay niya kung pwede yun half sa kanya ipadala. Oo daw. So MIL ko naguwi ng 4 packs, F-I-L  ng brother ko naguwi ng 5.

Yung brother ko dumating nung january. Tinawagan daw siya ng MIL (bumalik sa winnipeg nung december) ko kasi may ipapadala daw kami para sa kanya.

Nung malapit na umalis brother ko, saka lang nila binigay mga bilin nila. Thursday night nagemail, saturday alis ng brother ko. Di namin nabili yung mga bilin sabay di na din naman kasya sa mga gamit ng brother ko.

Syempre si MIL tinanong kung napadala bilins niya. Syempre sinabi ng asawa ko hindi.

Nagalit! Bakit daw hindi makapag-savrifice yung brother ko na magdala ng bilin niya eh siya daw nagsacrifice nung nagpadala sa kanya ng wipes.

Eh hello! Yung wipes na yon para sa apo niya. May connect sila. Kapatid ko anong connect sa kanya. At bakit sacrifice ang tingin niya sa pagdala ng gamit para sa po niya. Apo na niya yon, sacrifice tingin niya. Eh di siya kaano-ano ng kapatid ko eh di mas malaking sacrifice yon! At mas madami pang binitbit na wipes yung F-I-L ng kapatid ko pero wala akong narinig na reklamo.

Tapos ngayon ang gusto niya ipadala ko sa F-I-L ng brother ko yung mga bilin niya. Eh matanda na yon. At lalong wala silang connect. Di sila magkaano-ano. Penitensya na yon para sa F-I-L ng kapatid ko. At ito pa. Ang bilin niya mangga! As in hinog na mangga. 6 pieces daw. Tapos kung ano ano pang prutas. Eh ang bigat kaya non. Sabi nga ng kapatid ko kung biyenan niya di niya pagdadala ng mangga, siya pa. At may mangga naman daw don na galing dito, mahal nga lang. Sabi ko nga sa kanya bili na lang siya non, reimburse ko na lang siya. Kasi ako ang nahihiya sa F-I-L niya.

Ay nako! Kakaiba.

Ito pa. Nagenrol kami sa cordlife. Bago ako manganak, yung asawa ko tinatanong ng ate niya kung may mga kailangan pa daw kami. Sabi sa kanya ng asawa ko wala na pero kung gusto nila magbigay, pang-cordlife na lang. Sige daw. Inexpect ng asawa ko nung um-oo sila, babayaran nila yung enrolment fee na 40k+. yon ang initindi ng asawa ko.

Aba, eh 10k lang ang binigay. Nung tinanong ng asawa ko ang nanay niya bakit 10k lang, sagot ba naman bakit daw sila ang magbabayad ng lahat. Di ba daw magsh-share ang pamilya ko? Sabi ko sa asawa ko sumbatan na ba? Eh tatay ko nagbayad ng downpayment sa condo namin! Di naman naniningil. Di naman sinabi bakit siya nagbayad at hindi makihati mga biyenan ko.

Ewan ko ba!!! Naiirita ako sa kanila. Kakaiba sila! Buti wala sila dito sa pilipinas.

Sabi ng asawa ko buti daw ang family ko close sa isa't isa. May excuse na daw siya na pag special occasions, sama kami sa side ko at di kami sasama sa side niya.

Tapos ang kapatid niya pa nagpadala ng gymoboree na dress para kay baby. Bakit daw di pa ako nagpapadala ng picture na suot niya yon eh "expensive" yon? Diyosme. Eh ang laki ng damit. Di ba niya alam maliit ang pamangkin niya? Dating pa sakin siya lang kaya bumili ng "expensive" na damit. Kaya ko din bilhan ang anak ko non!

 >:(   >:(   >:(

Sorry for ranting.  :( sabi nga ng tatay ko, pinili ko tong mga biyenan nato nung pinili ko ang asawa ko so tanggapin ko na lang. Buti di ganon ang asawa ko!
« Last Edit: March 09, 2011, 11:25:50 pm by clueless »

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #426 on: March 09, 2011, 11:39:01 pm »
Naiimagine ko na. If we followed a system similar to what pia and marose do, walang matitira sa sweldo ko. Pupunta lahat sa shopping. I'm financially irresponsible kasi that's why we pool na lang our money. That way, di ko ginagamit sa kung ano ano. That's why sometimes i have to "ask" if i want to buy sometung. A lot of the time din when my husband explains his reasons, may point naman talaga. Lumalabas lang pagka-brat ko sa umpisa pero naiintindihan ko din naman.

Like now, para akong batang hndi napagbigyan. Pero kung iisipin ko din naman, 75k for a bag is too much especially in these times. So what if it's a 2009 color that's now hard to find. Isave na lang yung money.

reb_woods072683

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #427 on: March 10, 2011, 12:51:51 am »
Van - nalito ako, sino ang umiyak? yung mom mo? I don't see anything wrong with that na si yaya na ang magpalit ng nappy ni Zoe. It's her job diba?

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #428 on: March 10, 2011, 12:58:55 am »
Yung mama ko. Kase big deal sa kanya and ginagawa nyang issue na sa yaya ko binilin yung pagpalit ng diaper ng 10pm kase ilang beses na nyang hinde nagawa.

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #429 on: March 10, 2011, 03:17:57 am »
^menopause moments ata yan e, ang labo naman kasi bakit cya magagalit unless guilty talaga cya, try to explain nalang siguro.

hirap magpalaki ng magulang, yan lang masasabi ko... *sigh*

sis kim, try to consider getting a MF. ang baba kasi talaga ng interest sa banks satin nowadays.

sis lisa, buti ka pa inlaws lang problema mo. ako pati parents ko lately nangungunsumi ako in a way. i think effect na rin siguro to na eldest ako kaya konting issue between my parents, super affected na agad ako. altho since nabuntis ako super bihira sila magaway. as for my inlaws, we were never in good terms as in kulang nalang sumpain na ako ng mga yan. deadma nalang but still hoping & praying na kahit papano magkaayos rin naman soon..

sis pia, naka harbat pa ako kanina! LOL :P grabe ibang level talaga magshopping ang mga tao dito nagulat kami ni hubby kasi 1st day ng baby fair palang sa taka BUT andaming tao :o yung graco na crib nakabili kami $199 lang from $359 ata yun pero OOS na cya babalikan pa daw namin tomorrow, e kamusta naman ang lola mo paano ko kaya mababalikan yun e parang nagkakacontractions na ako ngayon ??? laking tuwa ko na kung aabot pa ako bukas at idadate daw ako ni hubby a.k.a. gusto nya sumilip sa IT show. hay mga lalaki nga naman oh. pero sige, sa IT show cya, sa bodyshop warehouse sale ako. kala nya ha ;D

paging mother weng, andito ka na SG? ;D

re: savings, since wala akong work, wala ako nyan hehe. luho lang namin ni hubby is food :P eversince kahit nung d pa kami kasal major bulk ng gastos food talaga, next is out of town or mga activities namin like diving. now naman bulk of our gastos goes to my monthly checkups. buti nalang kahit na palabas halos lahat ng money namin, meron na kami investment sa pinas na hinuhulugan. better to start early na rin ika nga kaysa sa mapunta sa luho lang namin magasawa kung may natatabi kami hehe :P

i'm trying to time my contractions now, that is kung contractions nga to kasi on-off ang dysmenorrhea like feeling e tapos biglang meron nagspispike up na pain sa puson. kaya ko pa naman kaya deadma pa. eto namang mommy ko panalo pa sa hirit kanina, nagadvise na ako thru YM na baka manganganak na ako ng atleast friday kako or sat-sun, sabay i asked her about bloody show kung parang mens ba na tuloy tuloy, ang sinagot sakin "wala ka bang elder na matatanungan dyan?" ::) naman, ang ineexpect ko nga is darating sila and d naman kami nakikitira ni hubby sa mga tiyahin ko or sa ibang tao para magkaroon ako ng kasama sa bahay ::) nahiritan ko tuloy ng "ma, diba nga ineexpect ko nga na kayo nina lola supposedly and daddy darating dito. but anyway sige na ano pa magagawa ko" sabay offline nalang. nakakainis :-\ hello,my parents' emotional support, where art thou? parang ang hirap mo bilhin dahil sobrang "busy" sa negosyo ang drama ng tatay ko ngayon :-\ :-[


reb_woods072683

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #430 on: March 10, 2011, 03:37:04 am »
baka nga menopausal stage nga van. or baka na guilty siya kasi malamang iniisip niya na sinisisi mo siya dahil sa mga rashes ni Zoe.

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #431 on: March 10, 2011, 04:00:52 am »
Van, agree ako sa sinabi ni Reb. Baka iniisip ni mama mo na kaya sa yaya mo pinagawa dahil alam mo na ilang beses na nakalimutan ni mader ang bilin mo. Kausapin mo nalang din siguro.

Lisa, Grayce, ako naman hindi din type ng inlaws ko lalo nung nagsisimula palang kame ni hubs. Kasi bata pa ako nun, I was only 16 :D pero after ilang years, medyo nagiging okay na din. Though close ako sa siblings and cousins ni hubs before pa. Ngayon na magasawa na kame, I think love na nila ako dahil may apo na sila samin. Kumbaga no choice. Lol! Though pansin ko na iba pa rin talaga. Yung fam nila yung type na parang sila sila lang. I will always feel na saling pusa or extended part lang ako ng family nila. Emo mode na ko. Waaah!

trendy

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #432 on: March 10, 2011, 09:44:31 am »
speaking of inlaws, wala na kong F-I-L, mil na lang and i must say na she's the perfect mil...she treats me and my daughter like her own. and best of all, never syang nangialam sa kahit anong decision namin ni hubby. i so love her!

about savings naman, since hubby is the only one working, syempre kanya lahat ng expenses pero awa ng Diyos, nakakapagsave pa din kami without depriving ourselves with our small luxuries.

sis clueless, kakainis nga yung inlaws mo pero tama yung dad mo, sila ang napili mong biyenan kaya tiisin mo na lang. pero at least hindi ganun si hubby di ba? AND buti nasa ibang bansa sila, wala masyadong problema sa pakikisamahan. that's a lot to be thankful for.  :)

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #433 on: March 10, 2011, 10:04:01 am »
pia.. thanks uli..di ko alam na may flavor pa yan.. kahit ano will do.. salamat uli! :)

van.. baka menopausal stage nga ang mom mo AT masyadong silang emotional sa ganyang mga panahon..
ganyan din mom ko pero i try to make it up to her.. like noong nagka tigdas hangin si gianna recently.. it's because she brought gianna dun sa bahay ng cousins ko na may tigdas don as per old wives tales na kapag nakaligo na ang bata wala na ang tigdas daw kaya dinala nya dun..eh ayon nahawa..  nung na-confirm namin sa pedia na tigdas yon.. i told my mom.. sabi ko ayan! nahawa ang bata eh di ba bilin ko wag dalhin sa kapitbahay? sinabihan ako na ok lang yan para at least nagkaron na sya ng tigdas habang bata. duh! hinayaan ko na lang tsaka i felt na she was offended sa sinabi ko..kaya ang ginawa ko.. i kept her informed sa condition ni gianna tsaka mga kung ano anong chika at kamustahan.. tapos after 3 days i called her sabi ko ok na si gianna.. and nakipagbiruan ako ng todo.. sabi nya.. na-gu-guilty daw sya kasi nagkasakit ang bata.. sabi ko ok lang yon..di ba sabi mo nga mas ok na maaga nagkaron ang bata ng tigdas (sinabi ko na lang para di na sya ma-guilty) kasi sa totoo lang very helpful ang mama dahil she took care of gianna for 1 week na andun yung bata,.,. tsaka love na love nya si gianna.. eh mabilis mapagod si mama.. pero kahit pagod na.. todo alaga at karga pa din kay gianna..

ang point ko..i appreciate mo din ang help ng mom mo van.. baka kaya nag-da-drama sya maybe di mo napapakita appreciation mo sa kanya? dahil sya ang nag-aalaga kay zoe pag wala kayo ni hubby.. as in sabihin mo sa kanya na thankful ka.. sa totoo lang nung kabataan ko (naks feeling old) kami ng kuya ko di kami showy.. we never said i love you sa parents namin nor to each other..kung kelan kami tumanda saka kami nagsasabi ng i love you sa kanila or to each other.. si hubby nga amazed sa amin kasi sila hinde sila touchy feely family.. kami kasi we say i love you sa dulo ng phone calls or kisses when we leave the house or see them.. kasi matanda na parents ko.. nasa mid 60's na sila.. masyado na sila ma-drama.. siguro in that way they feel comforted na andito lang kami ng kapatid ko even though wala silang anak na tumira sa kanilang poder..
explain mo na lang sa kanya kung bakit si yaya na lang ang pinapa-change mo ng diaper ni zoe..

kim
nag open ako ng joint account sa bdo.. in trust yon..and ang requirements lang na hiningi nila.. birth cert ni gianna, 2 ID's ko, and picture ko.. sa bf paranaque ako nag ope.. yung branch near pancake house and via mare..

re: accounts/sweldo
ako ang VP-Finance LOL... i handle all our sweldo.. i budget lahat.. i just give hubby his weekly allowance.. gas, food.
aminado sya hinde sya marunong humawak ng pera.. hinde sya marunong mag budget.
hawak ko payroll atm nya.. and payroll atm ko.. ang atm na hawak nya yung sa joint account namin.. pag may biglaan syang kailangan dun sya nagwi-withdraw with my permission of course.
kung may gusto syang bilhin like yung pinakahihintay na ipad2.. naka-set aside na yon.. nakakagawa sya ng paraan para makakuha ng extra for his luho..

lisa
mahirap talaga magkaron ng inlaws! LOL! noon pangarap ko magkaron ng asawa ng orphan na :P para i don't need to deal with inlaws.. pero syempre di naman nangyari yon..
« Last Edit: March 10, 2011, 10:06:45 am by liyapot »

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #434 on: March 10, 2011, 10:21:38 am »
Naisip ko na rin dati i-consolidate ang salaries namin ni hubby and ako ang mag-ba-budget.  Pero, I know myself too much so I do not trust myself to hold all the conjugal funds haha.  Kaya mas mabuting toka-toka.  Also, demanding ang work sked ko kaya ma-o-overwhelm ako kung ako lahat magmo-monitor at magbabayad ng payables namin.  Eh ako na nga nagma-manage ng household - hindi biro gawin ito while working long hours.   So, mabuti na ang ganyan for me and hubby na toka-toka.  Saka, gusto ko rin involved siya sa lahat para if anything happens to me (*knock on wood) ay hindi siya clueless kung kelan ang bayaran ng kung ano-ano, kung saan ang documents, etc. 

I am lucky because I do not have any issues so far with my in-laws.  They're good and generous to us.  In addition, they're based in the US so we could not be too close for comfort.  But I've learned from the experience of my cousins and friends na tricky talaga ang relations with in-laws. 

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #435 on: March 10, 2011, 10:31:35 am »
Van, I think kulang lang sa lambing ang mommy mo.. Isipin mo na lang na once in her life, she might have felt frustrated taking good care of you and your siblings din. Hindi din nya siguro alam ang gagawin noon kung pano kayo maaalagaan in the most perfect way she knows. I am sure this is just a stage. Explain mo na lang na gusto mo lang talaga mapalitan ang diaper ni Zoe at nakakaawa naman na may diaper rash kasi mahapdi yun.

Share ko lang din sa mga mag iinvest sa bank na alamin ang maximum amount na mababalik ng bank in case of bankrupcy nila. Dati it was 150k pesos. Hindi ako sure ngayon. Here in SG, it's 20k.

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #436 on: March 10, 2011, 10:49:52 am »
Ang main reason ko din kaya hindi ako in favor of combined savings/salary kasi ang nangyayari masyadong mahabang listahan ng payables. We did try this system for 3 months at ako humawak at nawindang ako. I have my own excelsheet of payables and that alone eats up my time. Imagine I work, I read, I go to the gym, I pay the bills here in SG and Pinas (ang hirap mag coordinate sa mga tao sa pinas lalo na banko at kung sino sino), I handle our monthly rent earnings sa pinas, I am active in GT and FB (hahaha), I monitor Kyle over the ipcam when I am out, I call the yaya from time to time, play with Kyle....... in short, ang dami daming ginagawa. And bills are very important kasi ayoko ng late charges. Ayoko ng napuputulan. Ayoko ng biglaang payment. So there. Kanya kanyang bills to pay. Gastos mo, bayad mo. And I feel deprived pag hindi ko nakukuha ang gusto kong mga material things kasi bihira ako ma-inlove sa mga bagay bagay unless I find it's worth. I do not find it fair kung hindi ko makuha ang gusto ko while in fact it was a hard earned money.

Regarding in-laws, wala akong masasabi sa kanila kasi napaka buti nila sa akin from the very beginning.

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #437 on: March 10, 2011, 11:00:30 am »
the reason why it's working for us is...
OC ako not to mention a control freak..and my hubby couldnt care less sa mga ganyang bagay :P as long as may food on the table, gas sa tank he's all good.. hahaha..
i have my moments when i'm fed up with taking care of the bills and budgeting, taking care of our daughter, cleaning up their mess.. pag ganyan sumasambulat ako.. gyera patani na.. but after my outburst ok na ako uli..
tsaka pala.. since we live with my inlaws.. we only take care of our own bills.. grocery, credit card, etc..
meralco, water, and other utilites sa inlaws ko..
sabi ni hubby dun kami tumira para maka-ipon..kasi wala kaming intindihin na utilities eh.. :P
happy naman ako..
ok naman sa mga inlaws ko.. pero yung first year ko sa kanila,,medyo hirap ako.. iba kasi ugali nila.. may ibang sistema.. tapos they were trying to push their authority sa akin..they tried to use their "im older and wiser..blah blah" trump card on me!! lalo na pagdating sa bata..eh matigas ulo ko sorry na lang sila.. whatever I say goes  lalo pagdating sa anak ko.
they learned not to touch me and my decisions and i think (think lang ha hinde pa confeermed!) na they respect my decisions and opinions na.. kaya din siguro hinayaan nila ako.

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #438 on: March 10, 2011, 11:48:46 am »
Ang bottom line is to adopt which system works for you and your husband. :)  Basta ang advice ko lang to all wives, even those who are SAHM - be empowered in terms of finances.  We can never predict what could happen - infidelity, an illness, an accident, sudden loss of work, loss of income, etc.   Wives must have a back-up plan.  Always. 

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #439 on: March 10, 2011, 12:13:10 pm »
Re expenses, saving, etc etc - just like Lia, ganun din kame ni hubby. Our joint account atm/passbook is with me, his payroll atm is with me and my own earnings as WAHM is with me din  ;D In short, ako lahat ang umiintindi ng bayarin/budgeting. I have my own small notebook na dun ko nililista lahat ng bills, pero ang taga bayad is si hubby. I give the money of course since ako nga tagahawak ng money. I only give him his weekly allowance, and kung may gusto siya na bilhin, sabihin lang sakin, I'm okay with it. We're generous with each others little luxuries. No problem din with consulting each other, ayos naman. We've been like this kahit BF/GF times pa so I guess, matagal tagal na din. And we're used to it.

Re saving naman, we have our joint account. Our sistema when it comes to saving is kung ano ang natira sa payroll niya  ;D Yun ang nilalagay namin sa joint account. I know dapat daw ang savings is after the bills, kaso for us we don't want to be so unrealistic naman na may iniipon ka nga pero gasgas naman ang credit card niyo sa purchases (for us lang naman po ito). For us, after all liabilities and the perks of enjoying life :-) Sa awa naman ng Diyos, kahit nabibili namin gusto namin meron pa namang napupunta sa Joint account (which is for our house soon)  ;)

Sa in laws naman, they're generous to me. My MIL/[textspeak!] are in the US so wala ako masyado close interaction with them. Pero pag nandito naman sila, we're good. With SIL's ganun din, mabait sila sakin and ganun din ako sa kanila. We help each other naman :-) Kaso with BILAS, diyan ako may issue! LOL! It's a long story pero dati pa naman yun nung wala pa ako anak (naunahan kase kame ni hubby), pero now that I have Y, I guess okay na.

Tama si Sis Marose, kelangan may contingency talaga tayong mga mommies. Natutunan ko din yan from one Tita na may asawa working in Wyeth (mataas na positiong ng asawa), pero na-paralyzed hubby niya so what's left is, bahay na hinuhulugan, tuition fees ng mga bata. Si Tita - waldas!  >:( Ngayon, ayun, she needs to work na talaga for their kids. Hirap din.

Kaya as much as possible, if may opportunity na mag-work both husband and wife, mas maganda habang bata pa tayo. I'm lucky I''m WAHM (thanks to sis Weng, ito pala dapat ako at hindi SAHM...LOL). Kase, I get to monitor baby and the household while working and earning my own penny  :D
« Last Edit: March 10, 2011, 12:16:00 pm by redrose »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close