^menopause moments ata yan e, ang labo naman kasi bakit cya magagalit unless guilty talaga cya, try to explain nalang siguro.
hirap magpalaki ng magulang, yan lang masasabi ko... *sigh*
sis kim, try to consider getting a MF. ang baba kasi talaga ng interest sa banks satin nowadays.
sis lisa, buti ka pa inlaws lang problema mo. ako pati parents ko lately nangungunsumi ako in a way. i think effect na rin siguro to na eldest ako kaya konting issue between my parents, super affected na agad ako. altho since nabuntis ako super bihira sila magaway. as for my inlaws, we were never in good terms as in kulang nalang sumpain na ako ng mga yan. deadma nalang but still hoping & praying na kahit papano magkaayos rin naman soon..
sis pia, naka harbat pa ako kanina! LOL

grabe ibang level talaga magshopping ang mga tao dito nagulat kami ni hubby kasi 1st day ng baby fair palang sa taka BUT andaming tao

yung graco na crib nakabili kami $199 lang from $359 ata yun pero OOS na cya babalikan pa daw namin tomorrow, e kamusta naman ang lola mo paano ko kaya mababalikan yun e parang nagkakacontractions na ako ngayon

laking tuwa ko na kung aabot pa ako bukas at idadate daw ako ni hubby a.k.a. gusto nya sumilip sa IT show. hay mga lalaki nga naman oh. pero sige, sa IT show cya, sa bodyshop warehouse sale ako. kala nya ha

paging mother weng, andito ka na SG?

re: savings, since wala akong work, wala ako nyan hehe. luho lang namin ni hubby is food

eversince kahit nung d pa kami kasal major bulk ng gastos food talaga, next is out of town or mga activities namin like diving. now naman bulk of our gastos goes to my monthly checkups. buti nalang kahit na palabas halos lahat ng money namin, meron na kami investment sa pinas na hinuhulugan. better to start early na rin ika nga kaysa sa mapunta sa luho lang namin magasawa kung may natatabi kami hehe

i'm trying to time my contractions now, that is kung contractions nga to kasi on-off ang dysmenorrhea like feeling e tapos biglang meron nagspispike up na pain sa puson. kaya ko pa naman kaya deadma pa. eto namang mommy ko panalo pa sa hirit kanina, nagadvise na ako thru YM na baka manganganak na ako ng atleast friday kako or sat-sun, sabay i asked her about bloody show kung parang mens ba na tuloy tuloy, ang sinagot sakin "wala ka bang elder na matatanungan dyan?"

naman, ang ineexpect ko nga is darating sila and d naman kami nakikitira ni hubby sa mga tiyahin ko or sa ibang tao para magkaroon ako ng kasama sa bahay

nahiritan ko tuloy ng "ma, diba nga ineexpect ko nga na kayo nina lola supposedly and daddy darating dito. but anyway sige na ano pa magagawa ko" sabay offline nalang. nakakainis

hello,my parents' emotional support, where art thou? parang ang hirap mo bilhin dahil sobrang "busy" sa negosyo ang drama ng tatay ko ngayon
