watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2  (Read 95518 times)

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #360 on: March 07, 2011, 01:08:38 pm »
Jen, yung baby einstein take along tunes may lights. Savior sa car pag gabi.

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #361 on: March 07, 2011, 01:15:43 pm »
^^ alam ko pwede mag special appearance ang mascots dun provided sa kanila ka buy ng food :)

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #362 on: March 07, 2011, 01:19:19 pm »
Lisa, you have time pa naman to plan your baby's party.  Basta, i-document mo lang mabuti whatever you decide kasi ang sarap ipakita sa kids ang first birthday nila when they're toddlers na.

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #363 on: March 07, 2011, 01:47:45 pm »
lisa,
minsan ganyan hubby ko (tamad mag-alaga ng bata) lalo na nung maliit pa si gianna.. kasi sa tingin ko di nya kasi alam kung pano gagawin nya.. they are scared to handle small babies.. as in baby.. noon pag papalitan ng diaper ng madaling araw ang bata kasi nag poop.. at narinig nya na umiyak pinapagalitan ako.. baka daw kung ano ginawa ko...mali daw ginagawa ko bakit daw umiyak etc.. etc... kamuntik ko na batuhin ng diaper na may poop eh sa kabwisitan ko...eh minsan taklesa asawa ko..tyempong may post partum pa ako.. hagulgol ang inabot nya sa akin e..
anyway..ngayon na malaki na si gianna.. silang dalawa lagi magkasama dahil nauuna sya umuwi ng bahay sa akin.... nood sila ng cartoons.. mag laro ng kilitian, peek-a-boo..taguan.. basta harutan silang dalawa... antay ka lang ng konting panahon mag-aagawan na kayo ng hubby.. pero di ko pa din maasahan sa pagpalit ng diaper ng may poop at maghugas ng bote.. :P

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #364 on: March 07, 2011, 01:50:38 pm »
@evilmama
wag naman po sana!! *crossing fingers*
dinaya ko na nga yung height ng ng few centimeters eh hahaha

thanks! try ko tignan pag nagawi ako sa festical mall..


redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #365 on: March 07, 2011, 02:00:52 pm »
Lisa - check ko nga yang baby einstein take along tunes na yan. Mas okay nga nung mga 1st two months ni Y eh, kase naka-byahe kame ng Pangasinan, tulog lang sa buong trip. Nasa car seat lang and di nagpupumiglas. Ngayon, hays! ang daming gusto makita. Nakatanaw lagi sa car window.

Marose - yan din ang gusto ko talaga, yung makita ni baby later on how little she is pag dumating yung 1st birthday and matutuwa siya or tawanan niya sarili niya (soon), that she's grown so big na  :D Kaya nga dati di na sana ako kuha ng Videographer, now gusto ko na. Siksik ulit sa budget  ::)

Re hubby tinatamad na sa baby, buti naman hubby is okay taking care of baby. Siya malimit na gumising sa gabi to change Y's diaper. And during weekends, siya lahat talaga kay Y. From Paligo, comb her hair, feeding. As in siya! Kaya gustong gusto ko pag weekends, day off ang drama ko. Or even Holidays  ;D

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #366 on: March 07, 2011, 03:48:46 pm »
Lisa thanks for sharing that. Nawala din sa isip ko na i-check yung site ni Fab Naima. Super thanks ulit.

This April we'll start scouting na for restos for Zoe's birthday. Sana makahanap kame kagad.

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #367 on: March 07, 2011, 04:27:21 pm »
so ayun, nag laiya kami nung weekend. company outing, first time ni chloe sumakay ng bus. yaya ko wala, kasi namatayan, so umuwi ng province. so that means, ako nag alaga waaaah di ako nakaparticipate sa kahit anong activity :D isa lang akong audience, taga kain, taga suway ;D
mabato ang beach, nakakainis pero keri lang kay chloe. ay natulog pala sya sa byahe, pero mga 2 hours lang. pagdating dun makulit na, hahanap ng upuan at itutulak. tinatawanan sya ng mga officemates ko ;D tapos may isa pang bata dun, 4 years old na babae, isang dangkal na lang magkasing taas na sila ;D palit sila ng toys nung batang yun. kaloka. pati floaters nagpalit sila.
hindi naman sya namahay, pero panigurado nagdala ako ng kumot saka unan nya hehe.

pansin ko dumadaldal anak ko pag may ibang bata. as in ang ingay!

ayun, two-tone na naman ang arms nya ;D kikita na naman J&J sa kaka milk bath and lotion ko nyan ;D

lisa, oo ako nga yun! naka setup DATI yun kotse  hahaha! nung college kasi di naman ako mahilig sa kotse, well siguro wala pa kasi akong pera non haha ;D naalala ko tuloy ako yun may pinakalumang kotse nun college, tanong mo si mike!!! LOL! good experience for you ang out of town trip nyo :) mahal nga yung avent kesa playtex. kainis. pero i swear super sulit yan!!!!

lia, sorry naman! predictor lang yan hahaha ;D anak ko tore pala! :P si hubs pinatry same size daw tapos boy naman, akalain mo 6-footer haha! pangarap kong magkaron ng lalakeng anak na basketball player tipong heartthrob pero mama's boy wahaha!

tin, saan ka gumimik? good yan for you, you need some "me" time din :D pero nakakatawa no, kahit ilan beses mo sabihin sa sarili mo yan, di naaalis sa isip si baby ;D mommy na mommy na talaga tayo! ;)

grayce, nanganak ka na? hehe naalala ko sa 10 ang due mo no? kabirthday ni SIL if ever ang baby mo! so never ko malilimutan hehe! naku, ihanda mo na lang sarili mo, kasi lalake talaga duwag pagdating sa babies. minsan kasi feeling nila baka ma-break nila or something. tapos syempre, andyan ang ego, ayaw nasasabihan na mali. tayo na lang umintindi. pero pag di umubra, sigawan mo ng bongga nang magising haha joke!

weeee excited na ako magdadate kami ni pia sa saturday!


MauiGS

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #368 on: March 07, 2011, 05:38:43 pm »
Hi mommies!
Regarding sa paga-alaga ng baby- Hubby ko naman, ok na sana na naga-alaga kaso mo sa overnight... hindi talaga nagigising kahit yumiyaw na si baby! so no choice ako  :-[ pero talagang ino-obliga ko sya na sya mag-wash & sterilize ng bottles  ;D

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #369 on: March 07, 2011, 06:34:14 pm »
Weng, sa Toyz Bar sa the fort. Birthday kasi ng pinsan ko. Sunod sunod ang drinking session ko. Lol! 3 consecutive days. Kaloka. Feeling dalaga, kaya medyo late ko na si K naalagaan these past few days. Bumabawi na ko ulit.
Medyo wala sa mood si K mga 2days na eh. May ngipin na din pala sya sa taas, hehe. Ang kulit kapag nagsmile. Ang hina nya magmilk ngayon, as in. Parang 20oz lang per day eh, baka dahil masama pakiramdam dahil sa ubo't sipon. Sana gumaling na.

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #370 on: March 07, 2011, 08:48:42 pm »
hello mommies :) long time no post! 3 days akong off kaya off din ako sa computer.. pag nasa house kasi or when we're out, FB lang inaaccess ko thru phone.. seldom akong nag check ng GT or email..

I had the same sentiments about hubby spending more time sleeping. Sakit na ata nya yun.. hehe.. kaya hindi ko kaya na walang maid/yaya.. Iniisip ko na lang na he needs it more than I do kasi he's 9yrs older.. ssh :D

Lumabas na molars ni Kyle.. left and right sa baba.. hindi ko masilip yung taas.. sabay sabay ba kaya yun lahat? Kaya pala may ubo for 2 weeks and nagka fever ng 3 nights.. ganun sya everytime meron new tooth na lumalabas meron kakambal na ubo/lagnat..

Di ba kayo nahihirapan sa haircut ng babies nyo? Ang hirap gupitan ni kyle :( ako ang naggugupit sa kanya since time immemorial :D pero the other day kakaibang likot na.. hindi ko kayang mag isa gupitan na.. installment ang haircut nya.. hindi ko pa tapos yung sa likod kasi mahirap irazor pag ako lang.. i need hubby's help at baka magkamali ako at makalbo na lang ng wala sa oras..

Weng, it's a date! see you saturday, 11 am Ikea at kakain tayo ng meatballs.. favorite ko yun talaga :)

Bumabalik nanaman ang passion ko with linens and pillows.. Fan ako ng linens and pillows sa mga hotel.. talagang good night's sleep kami.. kaya nag hoard kami ng pillowcase/bolster/quilt/blanket last weekend kasi sale sa King Koil and Studio One.. mga 360TC and 440TC.. Ayoko yung linens na may himulmol after mo i-laundry.. and yung nakikita mo na ang butas on each square.. naghahanap kami ngayon ng silk.. gusto namin try.. Ok kaya to? Napabili din kami ng soft pillows and sulit na sulit naman..

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #371 on: March 08, 2011, 09:07:33 am »
Pia, si Marty at 1 1/2 to 2 years old nagwawala kapag haircut time.  Si Milo naman, cool lang.  Pero, unti-unting nawala kasi iisang barbero (Bruno's near our place) lang gumugupit ng hair nila. ;D  Marunong kasi mag-handle ng bata yung barbero tapos may Jollibee nearby so each time after haircut may treat sila sa Jollibee. ;D

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #372 on: March 08, 2011, 11:03:51 am »
buti pa kayo redrose at mauigs (sensya na at handles ang gamit ko)
nagagawa nyong paghugasin ng bote ang hubbies ninyo LOL..sa akin talaga pag sinabi ko na kung pwede sya naman tonight nagmamaktol na parang bata!

weng dinaya ko nng konti yung predictor..i added another centimeter sa height ni gianna (kasi syempre pang 2 years old naman yon eh.. so tatangkad pa sya) naging 5'9 din sya LOL :P   beelat naman!

re gimik
im too old for those drinking sessions na.. ambilis ko na ma-tipsy.. noong early 20's ko..every weekend gimik.. pagpatak ng late 20's nawala yung urge to go out..tapos sinabayan pa na si hubby ay non-smoker at di rin umiinom ng alcohol..tapos di rin nya type mag night out.. hinde nya scene yon..ako pa nga yon mahilig mag gigimik kesa sa kanya... ngayon ambon ambon na lang ang alcohol sa katawan ko.. pag nagkakayayaan lang kami ng kuya ko tapos sa bahay pa.. kape na lang ang gimik namin ngayon...(maski kape di umiinom si hubby, hot choco lang :P)

re : molars..
meron na din si gianna.. sa lower right nya.. tapos nakapa ko nung saturday nung naglilinis ako ng mouth nya.. upper left din parang palabas na..

pia..
ako din kahinaan ko ang beddings...  kaso di ko maatim to spend a fortune on them.. ayaw ko ma-experience bumili ng de-count count kasi baka malulong ako.. tsaka.. laki ako sa naka-almirol (starched) na bedsheets! LOL..the stiffer the betterer.. type ko yung medyo coarse na sheets .. kinakaskas ko pa paa ko LOL weird no? kaya ang blankets ko may texture talaga..yung mga woven ilocos..

re: gupit ng hair..
hanggang ngayon bangs pa lang ang may trim sa buhok ni gianna.. di pa sya nakaka-experience ng haircut na totoo..  nanghihinayang kami kasi ang cute ng ends ng hair nya..kumukulot kasi

question..
i'm having a hard time brushing gianna's teeth... i think letting her play with her toothbrush is not enough.. kasi ang baho ng mouth nya lage..
i used sansflou tooth wipes the other day and kamuntik na sya magsuka sa taste.. ano pa pwede kong gawin?
« Last Edit: March 08, 2011, 11:48:25 am by liyapot »

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #373 on: March 08, 2011, 11:35:00 am »
lia, magkatext ata mga anak natin e.... ganyan din si chloe ngayon!!! ayaw patoothbrush. i let her play with it, pero kagabi talagang ayaw. pati wipes ayaw!!! help! baka ayaw na nya ng lasa ng sansfluo? ano magandang itry na iba?

pia, sa lahat ba ng grocery dyan sa SG may graduate puffs? wala na ako time mag Healthy Options para sa baon na snack ni chloe dyan e :'(

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #374 on: March 08, 2011, 11:51:04 am »
weng,
may slight problem ako sa playdate natin every sat.. free kami sa 19th pero sa 26th hinde eh..akyat kami tagaytay kasi luluwas ng manila brother ni hubby...sooo.. absent kami sa gymbo sa 26th..

namamahalan ako sa spiffies po.. ayaw ko gumamit nun.. mom in law is petering me to rinse gianna's mouth/teeth with salt.. pero i think she's too young for that.. di pa sya marunong mag spit ng water eh.,.ano sa tingin nyo?

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #375 on: March 08, 2011, 12:43:57 pm »
Marose, ang hirap para sakin kasi hindi pa alam ni Kyle ang concept ng reward. Hindi na din sya takot sa mga dating kinatatakutan nya like snakes and lizards. In fact mas naging interested sya sa mga yun. May naisip akong bagong style. I'll cut his hair during swimming time :P I hope this will be effective.

Lia, naloka ako sa 'kinakaskas ang paa'.. grabe natawa ako mag isa dito sa office.. hahahaha baliktad pala tayo.. kami naman parang sa bulak ng langit natutulog.. yun talaga nga naman maghihilik ako.. lol pwede mo gawin yung baby toothpaste dilute mo sa water tapos yung lampin icover mo sa toothbrush..  baka kasi hindi na kinaya ng powers ng sansfluo kasi nagsosolids na sya. Papasalubungan na din kita ng spiffies.. ;)

Weng, yes meron.. ano flavore gusto mo? ibibili na lang kita.. wala ako maisip na mabigay kay chloe kasi hindi ko alam size nya.. unless gusto mo board books? pero mas mura kasi yun sa pinas.. graduate puffs na lang! :D

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #376 on: March 08, 2011, 12:55:53 pm »
Lia, mag-sing kaya kayo habang nagba-brush ng teeth?  Brush mo rin ang tongue niya para mabango.  Or use a clean and damp gauze to clean the teeth and tongue - turo iyan ng dentist ng kids ko. ;) May Colgate for kids na may mouthwash na gamit ang kids ko, sa DFS at Puregold Subic ako nakabili.

Pia, tiyagaan na lang siguro sa haircut.  Let's hope na stage lang iyan ni Kyle.  Kasi dati, nahirapan din kami kay marty. :P  Ang mga anak ko, mahilig sa monsters. ;D
« Last Edit: March 08, 2011, 12:58:10 pm by marose17 »

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #377 on: March 08, 2011, 03:53:10 pm »
hi mommies! sorry now lang nakaback read, medyo bedrest kuno ako ngayon dito & bumabawi ng tulog since sunday. and mukhang kailangan ko bumawi lalo ng pahinga at may bloody show ako this morning. hala eto na! :o gudlak nalang sakin paano ako pipikit pag nakakita ng injections habang namimilipit sa sakin ::)

mommy weng, sana umabot pa ako ng thursday, nakupo kundi goodbye 1 chanel flap bag ang drama ko nito  :'( and baka hindi ako makademand sa asawa ko ng stroller agad with all the gastos. enjoy your sg trip pala ;D ikain nyo nalang ako ng meatballs ni mommy pia.

dapat mag ikea kami ngayon ng asawa ko to buy a rack sana for baby pero mukhang solo flight cya ngayon. ayokong matuluyan manganak muna tonight, 2 more days pa dapat :-\

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #378 on: March 08, 2011, 04:48:01 pm »
Grayce! i was about to call you. akala ko nanganak ka na.. sana sa Thursday pa kasi Friday pa off ko :D We'll be there ha :) you can do it!

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #379 on: March 08, 2011, 05:33:58 pm »
lapit na grayce!!! we'll think of you pag kumakain na kami ng meatballs LOL!!! kaya mo yan! parang kagat lang ng langgam ang needles! LOL! ;D

haircut ba? aba experto tayo dyan. layered nga lang! di kasi pantay pantay e hahaha!!!! ako lang nag gugupit ng buhok ni chloe, pero nung last time na okray e pano di pantay yung likod, ang likot nya kasi haha (sinisi ko daw yun bata) yung mga dati kasi pantay naman ;D ngayon lang sumablay hehe!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close