so ayun, nag laiya kami nung weekend. company outing, first time ni chloe sumakay ng bus. yaya ko wala, kasi namatayan, so umuwi ng province. so that means, ako nag alaga waaaah di ako nakaparticipate sa kahit anong activity

isa lang akong audience, taga kain, taga suway

mabato ang beach, nakakainis pero keri lang kay chloe. ay natulog pala sya sa byahe, pero mga 2 hours lang. pagdating dun makulit na, hahanap ng upuan at itutulak. tinatawanan sya ng mga officemates ko

tapos may isa pang bata dun, 4 years old na babae, isang dangkal na lang magkasing taas na sila

palit sila ng toys nung batang yun. kaloka. pati floaters nagpalit sila.
hindi naman sya namahay, pero panigurado nagdala ako ng kumot saka unan nya hehe.
pansin ko dumadaldal anak ko pag may ibang bata. as in ang ingay!
ayun, two-tone na naman ang arms nya

kikita na naman J&J sa kaka milk bath and lotion ko nyan
lisa, oo ako nga yun! naka setup DATI yun kotse hahaha! nung college kasi di naman ako mahilig sa kotse, well siguro wala pa kasi akong pera non haha

naalala ko tuloy ako yun may pinakalumang kotse nun college, tanong mo si mike!!! LOL! good experience for you ang out of town trip nyo

mahal nga yung avent kesa playtex. kainis. pero i swear super sulit yan!!!!
lia, sorry naman! predictor lang yan hahaha

anak ko tore pala!

si hubs pinatry same size daw tapos boy naman, akalain mo 6-footer haha! pangarap kong magkaron ng lalakeng anak na basketball player tipong heartthrob pero mama's boy wahaha!
tin, saan ka gumimik? good yan for you, you need some "me" time din

pero nakakatawa no, kahit ilan beses mo sabihin sa sarili mo yan, di naaalis sa isip si baby

mommy na mommy na talaga tayo!
grayce, nanganak ka na? hehe naalala ko sa 10 ang due mo no? kabirthday ni SIL if ever ang baby mo! so never ko malilimutan hehe! naku, ihanda mo na lang sarili mo, kasi lalake talaga duwag pagdating sa babies. minsan kasi feeling nila baka ma-break nila or something. tapos syempre, andyan ang ego, ayaw nasasabihan na mali. tayo na lang umintindi. pero pag di umubra, sigawan mo ng bongga nang magising haha joke!
weeee excited na ako magdadate kami ni
pia sa saturday!