watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2  (Read 95254 times)

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #240 on: February 28, 2011, 02:28:17 pm »
Di ko napansin new thread na pala, ambilis! :o teka backread lang muna ako.

Btw mga SG based mommies, share ko lang. ingat with mothercare centrepoint branch. nadulas ako last night dun sa store. the culprit? WET FLOOR. ni signage wala >:( nakakapanggigil kasi di magsosorry yung staff kung d ko tinuro na bakit basa ang sahig and ni signage wala, goodness, customers nila kundi buntis mga may kasamang bata and malamang safety precaution and SOP na dapat ng store to make it a safe place for their customers to roam around atleast! >:( good thing wala namang spotting or whatsoever, sumasakit lang lately yung sa puwerta (hope i got the term right, yung parang sa pelvic opening banda) and tummy feels heavier than the usual and may sakit. At walang manager on duty kahapon. bwiset, this isn't the first time na i got a bad treatment from their staff pero yung kagabi d ko talaga palalampasin yun. >:(

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #241 on: February 28, 2011, 02:30:48 pm »
^ ey hope you're okay ha? naku idemanda na yan!!!! (may ganun din ba sa SG?)

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #242 on: February 28, 2011, 02:45:00 pm »
^house arrest c/o hubby tsaka nung tumawag ako sa hospital i was asked to observe within 24hours, pag may napansin akong kakaiba tsaka ako punta ng ER daw.  :-\ di sila basta basta nagaadmit kasi dito. regarding demandahan, i'm planning to make a formal complaint talaga, d naman kasi na tama >:( hubby's already asking around kung paano yung process ng pagfile ng charges dito just incase may mangyari talaga

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #243 on: February 28, 2011, 02:46:55 pm »
Medyo slight na nga lang tong dysmenorrhea ko compared noon na nahihimatay pako.. and malamig na pawis na hindi ko maintindihan..

Weng, sama ako sa No Signboard! hehe.. di pako nakakakain dun..(ata).. pero meron sa Vivo City di ba? Kain tayo sa Marche.. PM sent na :D

Grayce, yikes!!! shocks eh kabuwanan mo na ah! Nag file ka ng complain? tsk tsk..

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #244 on: February 28, 2011, 02:52:20 pm »
pia, sa geylang kami mag stay, tara no signboard tayo!!! nakuuu yun asawa ko kurips! ayaw nun mag marche huhu ako naman fanatic dun haha swiss roti lang naman kakainin ko dun :P ano ba yun!!!

grayce - nakuuU!!!! kabuwanan mo na pala!!! ako nanggagalaiti sa mothercare na yan! audience lang pero feel na feel ko talaga asar ko sa kanila.

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #245 on: February 28, 2011, 03:15:50 pm »
Weng, ako naman yung  crepe.. scrumptuous talaga!! nako parang nag crave ako! lol

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #246 on: February 28, 2011, 03:18:47 pm »
^^yes sis due ko march10. hay kahit ako nanggigigil parin hanggang ngayon. e di rin ako masyado nagpapatadtad lately since i prefer na march 2nd wk nalang manganak para andito parents ko :-[

sis pia, nagfile ako ng complaint pero d pa in black & white. gusto namin ni hubby in black & white. feeling ko yung mga kasu kasuan ko sa balakang ngayon naalog ata, ngayon ko palang nararamdaman yung sakit ng pagkadulas ko. grrrr talaga yang mothercare na yan! >:( yung kahera pa nila nung nilapitan ko (i think pinay ata kasi may mga nakita na akong pinay sa branch na yun) poker face lang nung naghahanap ako ng manager. talk about customer service talaga ni ha ni sorry d marunong >:(

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #247 on: February 28, 2011, 03:39:01 pm »
pia..
ganyan din ang drama ko noong kabataan ko..  with matching laklak ng alaxan ang byuti ko noon.. eh sus.. nung high school laman ako ng school clinic.. may monthly attendance na ako don hahaha

ay naku grayce.. mag file na ng kaso!! 

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #248 on: February 28, 2011, 04:19:18 pm »
Grayce, korek file ka ng case.. mga preggy pa man din mga customer nila.. at least you tried..

Lia, false alarm pala ang dysmenorrhea ko.. i think bukas pa ito.. sakit na ng ulo ko ngayon eh.. pero ako more into hot compress nung bata pa.. nung nag office nako lagi nakong meron ibuprofen.. dolfenal, advil, etc..

after ko manganak, nawala naman ng slight.. yung dating 200% pain, mga 60% na lang ngayon :D pinacheck up ko na ito dito and sa pinas.. wala naman nakitang cyst.. thick blood lang daw talaga kaya nag bubuo..

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #249 on: February 28, 2011, 05:52:38 pm »
Lisa, ok lang yung aveeno for prevention. Treat mo lang muna with Calmoseptine.

Hay, work week na naman. I hate leaving Zoe at home. Sana yung office namin eh mala-Google office na pwede magdala ng kids hehe.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #250 on: February 28, 2011, 06:12:46 pm »
To those na nakapag-Taal Vista na, masyado bang malamig sa pool area? Parang gusto ko kase mag-swim non kaso baka lamigin naman masyado si Zoe given na it's cool in Tagaytay talaga.

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #251 on: February 28, 2011, 06:14:36 pm »
^ Hindi kami nag-swim sa pool area ng Taal Vista.  Also, it is not advisable for kids under 1 year old to swim in a pool kasi prone sila sa ear infection.

rianne_mallows

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #252 on: February 28, 2011, 06:16:04 pm »
pajoin naman ako ;D

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #253 on: February 28, 2011, 06:18:39 pm »
^ Hindi kami nag-swim sa pool area ng Taal Vista.  Also, it is not advisable for kids under 1 year old to swim in a pool kasi prone sila sa ear infection.

Ah really? Thanks for telling me that Marose. Buti na lang hinde pa ko nakakabili ng swimsuit ni Zoe heehee.

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #254 on: February 28, 2011, 06:20:27 pm »
^ Nabasa ko rin yun in a book tapos tinanong ko sa pedia.  Okay lang siguro kung private pool.  Pero mas mabuting huwag na lang.  Marami namang opportunities for swimming kapag malaki-laki na si Zoe. :)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #255 on: February 28, 2011, 06:24:13 pm »
^Onga eh. Si hubby din actually ayaw nya ipag-swim muna si Zoe kase yun nga Tagaytay yon so baka malamig daw masyado. He was also questioning kung ok na yung age nya by then (7 months na sya on April) kase yung niece nya nag-swim sa public pool at 8 months yata pero ayaw nya pa din gayahin. Buti na din siguro on the safe side. Next year na lang siguro pwede na kame mag-bora heehee

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #256 on: February 28, 2011, 07:07:37 pm »
ayan finally nakapag back read na rin. multitasking habang kumakain & nagatype ng email to my dad.

sis pia, so sorry to hear about your wallet. pareho kayo ni hubby nawalan almost ng gamit, yung kanya cellphone naman nya. may pagkaulyanin kasi talaga ang lolo mo. sinoli naman ng cab driver in fairness. don't worry karma karma lang yan, kung ninakawan ka nga ni uncle e matakot nalang cya kay tita carmi lalo na kung buddhist cya, ibang level kasi ang beliefs ng mga buddhist sa karma, ultimo ipis d nila pwede patayin as much as possible.

sis lia, eto at inaalam na kung paano process ng mga complain ek ek dito, sana meron ako mapala sa pagemail ko sa consumer association of singapore. medyo ramdam ko na rin ang side effects ng pagdulas ko, sumasakit ang hita ko medyo hirap ako bumangon lalo and ang sakit tumayo!  >:(

sis lisa, SAP pala work mo? yan ang gusto ni hubby na work. IT rin cya, SAS ang specialization nya. kaya todo chika sila ng hubby ni mommy pia when we went to her house nung december.

inggit naman ako sa mga mommies na nasa tabi nila mga mom nila during their pregnancy. since based kami ni hubby abroad, kami lang talaga ang magkatuwang dito. i have 2 aunties here but since nasa abroad, puros work siempre umiikot ang life dito. kahit weekends may work, sad to say. minsan nakakatampo lalo na pag magisa lang ako umaalis madalas to swim or kahit lakad lang pero iniiip ko nalang eto yung pinili namin ni hubby. and since lapit na rin ako manganak, was expecting sana na darating dito mom ko pero i just found out hindi nya inasikaso passport nya. hay, what's new nga naman. kaya ok na rin ako sa setup namin na nasa abroad kami ni hubby. less headache na rin sa pangingialam ng mga kamag anak lalo na at chinese pa naman kami & mahirap nang makaclash ang mga in-laws :-[

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #257 on: February 28, 2011, 08:35:55 pm »
Van, thanks. Gamitin ko din aveeno nyan. Pag wala nang rashes at di naubos sachet ng calmoseptine, pwede pa ba itago yon o tapon na? Magstock na din ako siguro.

Si baby gusto na ipa-swim ni hubby sa pool sa condo namin. Eh 3 months pa lang! Sabi ko nga prone sa ear infection. Buti naman nakinig sakin. Antay na lang daw pag 6 months na.

Last saturday pala sa pedia visit, tinanong ko si dr chen kung kelan pwede pa-pierce ng ears si babt. Sabi niya anytime daw pwede na. Advance notice lang kasi may something na required gawin prior. Si hubby naman ang may ayaw. Maaga pa daw. Hmp.

Grayce, yes SAP. :) may friend ako sa SAS, dyan din sa SG. Actually, di ko alam kung nandyan pa siya. Her name is Sara.

Itong asawa ko di ko maintindihan minsan. Ayaw ng sit me up cosy, ayaw ng play gym na gusto ko. Peto yung twins ng sister ko merong parang play gym na may bear. May bola na nakasabit. Pag sinipa, gagalaw yu g bear, iilaw ng red yung ilong at may music. Fisher price yata ito. Tnry namin kay baby nung weekend. Tuwang-tuwa naman siya. Eh sabi ng sister ko sale daw sa toysrus kanina, 2500 na lang from 4k. Nagpabili siya! Hmp.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #258 on: February 28, 2011, 08:38:48 pm »
^Ok naman siguro itago Lisa. I-seal mo lang ulit.

Si Zoe maaga namin pina-pierce yung ears nya, super excited ako eh hehe. May mga times pa din napapagkamalan syang boy kase kalbo sya hehe. Kaasar minsan pero deadma na.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Childcare threads - Part 2
« Reply #259 on: February 28, 2011, 08:46:21 pm »
^ thanks. Konti lang kasi yung rashes kaya konti lang din per use.

Ako din excited magpa-pierce eh. Kasi nga yung earrinfs ko nung bata ako tinago ko talaga at ipapamana ko. Pero papapalit ko pa sa alahera ko yung pakaw para di matusok si baby.

Lagi ngang girly clothes pinapasuot ko kay baby pag lumalabas para di mapagkamalang boy. Hee.

Ang dami palang kagat ng lamok ni baby sa arms. Kasi kagabi sa house ng parents ko may lamok pala sa bedroom ng sister ko eh don ko siya nilapag nung natulog siya. Nilagyan ko ng jar of hope from indigo baby. Sana hindi magka-peklat.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close