watch now

Author Topic: GirlTalkers na RNs and Student Nurses (Part 2)  (Read 61730 times)

maika14

  • Guest
Re: GirlTalkers na RNs and Student Nurses (Part 2)
« Reply #200 on: September 19, 2013, 10:45:50 am »
Yung napost ko before about my friend na nagpunta ng singapore to look for work, hindi pinalad. Well, sa singapore ha? Kasi now, she was employed by a saudi prince to be a private nurse sa toddler nya. Now, she's based in spain. Dun based yung royalty eh. Recently, they went to US and bitbit ang staff. And security were tough. Habang naglilibot sa lobby ng hotel, someone greeted her daw by name and mukhang security detail ni royalty. Ni hindi nya kilala yung lalaki. Nagulat na lang sya at may sumusunod daw sa kanila. Ending, patakas silang naglibot sa Las Vegas strip. Well, ok, more like yaya ang work pero kung bongga ang salary, keber. Pero profession-wise, hindi sakto sa pinag aralan nya.  :-\ Aminado din naman sya. Magiipon lang daw sya dun.

My previous employer naman, nag sell out na. So technically, abandoned na kami. May sumalo sa petition process naman. MedPro, which is based sa US. Hindi pa kami kinokontak ng Phils based agency. Hay... It's been forever! Need to go back to working at bed side na ulit. Napa resign ako when I got preggers eh. High-risk kasi. Now, dakilang PDN din sa unica hija. :D Hope to get back to working soon.

entwife

  • Guest
Re: GirlTalkers na RNs and Student Nurses (Part 2)
« Reply #201 on: September 19, 2013, 02:06:40 pm »
I don't know if I would still want to work as a Nurse. It is so hard kasi na parang you have to take the licensure exam of every country na pupuntahan mo. Like if you want to work sa Saudi, you need to take the Prometric. Kung sa Abu Dhabi, HAAD naman. Then after a while if you want to migrate sa ibang country like Canada or Australia, magaaral ka muna dun then take another exam.

I don't know if it's still worth it.

AnJelatine

  • Guest
Re: GirlTalkers na RNs and Student Nurses (Part 2)
« Reply #202 on: September 19, 2013, 04:13:22 pm »
^ Parang walang katapusan na pagod, aral, at gastos noh? May bayad lahat ng training, exam, at kung ano-ano pa. Masakit nun, hindi lang isang beses. Madami kelangan attendan na training, madami kelangan take na exam. Nakakaloka! Tapos hindi agad mababawi yung dame ng gastos sa laki/liit ng sweldo.

Hay. Siguro nga tama na mag shift na ako.

entwife

  • Guest
Re: GirlTalkers na RNs and Student Nurses (Part 2)
« Reply #203 on: September 19, 2013, 04:31:06 pm »
sis, not that I am discouraging you. Let me just share what I have observed and experienced.

after I graduated, I underwent a trainee program sa isang hospital. Kailangan ko pang magbayad ng 3k for 3 months. so siyempre walang sahod yun. after trainnig i was absorbed as a volunteer. Ang work ng volunteer dun is like nurse 1 or junior staff. I was earning 170php/ day. Mas mataas pa nakukuha ng IW (lyung mga nagtutulak ng wheelchair, naglilinis ng cr, etc) kesa sa akin. After a year, ako na yung next inline to be staff. Di ako napromote kasi nagkamemo na bawal na ang magkamag-anak to be both regular employees. So I resigned.

Anyway, I paid a lot for BLS, ACLS, IV training which are requirements para makapasok ka sa hospital. If gusto mo may edge ka sa iba training ka pa ng telemetry, ecg reading, PALS. Anyway may mga institutions naman na walang bearing yun, kasi palakasan system naman. Mapulitika. Tapos meron pang membership ng PNA, renewal ng IV Training every 3 years. You can't go abroad if wala kang 2 years experience as a staff nurse. Trainee and volunteer experience not counted. Kaya marami nagreresort sa Recto.

You can't work abroad if hindi ka licensed sa country na yun. Strikto pa sila sa background check like if you take HAAD, may data flow pa yan to check your former employers. Kahit may 2 years working experience ka, gusto pa nila solid experience. That means 2 years ka sa ICU or sa ER, hindi pwedeng paiba iba ka ng area. At dapat magappear yun sa COE mo. Kung may gap naman work expeirence mo like nagresign ka na, di pwedeng bakante ka ng 3 months, some up to 6months. So pag 6months ka na wala sa hospital eh malabo na chances mo.

Pag pinalad ka naman makaabroad, magkano rin lang sasahurin mo. Hindi naman yung kalakihan unless ang mapuntahan mo is Au, Canada, NZ, US. Kaso those countries require na magstudy ka muna sa country nila at least 2 years. Except for Au na pwede ka magundergo na ADP ata.

Anyway, struggle talaga. Some efforts pay off. Some hindi masyado. I miss the bedside actually. Taking care of the patients and seeing them recover from a very bad condition. Those na hindi makalakad or makapagsalita nung inadmit mo, then up and about upon discharge. But you gotta be realistic sometimes.

AnJelatine

  • Guest
Re: GirlTalkers na RNs and Student Nurses (Part 2)
« Reply #204 on: September 19, 2013, 04:42:48 pm »
^ Thank You po sa pag share ng experience :D

yanmae

  • Guest
Re: GirlTalkers na RNs and Student Nurses (Part 2)
« Reply #205 on: September 20, 2013, 10:08:02 am »
Grabe ang profession naten mga sis.. Hindi worth it lahat ng gastos naten. Pero kame ngayon ni hubby, bigyan namin ng try ngayon tignan namin if may liwanag pa ba sa kurso namin. Goodluck sa ating lahat ;)

entwife

  • Guest
Re: GirlTalkers na RNs and Student Nurses (Part 2)
« Reply #206 on: September 20, 2013, 10:37:47 am »
may mga firends ako na nasa Saudi, Jordan,. may mga ibang pinalad na nasa Au at NZ, kaso milyon naman nilabas nila dun.

dagdagan ko pa pala kwento ko.

Pag nurse ka, wala kang holiday, i spent 2 xmas and 2 new years sa hospital. wala kasing magrerelieve. and pag hindi mo natapos work mo within your shift, di ka pwedeng umuwi. pag hindi pumasok kasunod mo, hindi ka pwedeng umalis ng hospital.
Meron yung bagyo na 24hours na nakaduty mga co-nurses ko kasi hindi makapasok yung iba. buti na lang dumating yung kapalit ko, 16 hours lang ako nun.

sa baba ng sahod namin, nung nasa ward ako, nagambag pa kami ng pera para mabilhan ng diaper yung isang patient na walang walang pera. Kahit sabihin natin na bawal yun, eh we'd rather change the diapers kesa mamroblema pa kami pag nagkainfection yung patient or nagkaskin breakdown.

 Ang tagal ko rin sa ICU nun at lahat ng drama makikita mo dun. away pamilya, 2nd, 3rd, 4th family. and as a nurse, you have to be strong for the patient, for the family members, for the caregiver. nurse naman ang kasama nila 24hours a day eh.

Fulfilling yung mga patients na after ko mahandle sa ICU, makikita ko for follow up check up na okay na sila. pinupuntahan pa nila kami sa area namin nun para magthank you and all.

Share ko lang to

Somebody asked: "You're a nurse?" That's cool, I wanted to do that when I was a kid. How much do you make?"

The nurse replied: "How much do i make?" ...

I can make holding your hand seem like the most important thing in the world when you're scared...

I can make your child breathe when they stop...

I can help your father survive a heart attack...

I can make myself get up at 5am to make sure your mother has the medicine she needs to live...

I work all day to save the lives of strangers...

I make my family wait for dinner until i know your family member is taken care of...

I make myself skip lunch so that i can make sure that everything i did for your wife today is charted...

I make myself work weekends and holidays because people don't just get sick Monday - Friday. Today, I might save your life.

How much do I make?

All I know is, I make a difference.

:)

yanmae

  • Guest
Re: GirlTalkers na RNs and Student Nurses (Part 2)
« Reply #207 on: September 20, 2013, 10:49:51 am »

Kakatuwa naman sis, grabe sacrifice ng mga nurses ngayon noh? tapos kakarampot lang ang sahod..
pwede ko bang i-repost yung last part hehe

entwife

  • Guest
Re: GirlTalkers na RNs and Student Nurses (Part 2)
« Reply #208 on: September 20, 2013, 10:52:19 am »
^go lang sis. hehe well yung mga iniwan kong kasama ko sa hospital dati, yung iba dun staff na. pero naging staff lang after 2-3 years working as a volunteer. pero hopefully, magpay off lahat ng sacrifices.

maika14

  • Guest
Re: GirlTalkers na RNs and Student Nurses (Part 2)
« Reply #209 on: September 20, 2013, 04:15:52 pm »
Ako, I believe happiness is a choice. If you think, puro sacrifices nalang ang napapala natin sa chosen profession natin, habang may oras pa, hanap na ulit ng bagong happiness. Happiness, fulfillment, career growth. Whatever you wanna call it. Nursing is a very fulfilling job. But if you stick with our system, talagang mamumulubi ka. Anong sabi ng mga public school teachers? Somewhere along the same lines too, right? Licensed professionals din sila.

I read somewhere; minsan, ang kaligayahan ng tao ay nasa pagbibigay ng sarili sa Diyos, sa pagkakawanggawa, sa isang propesyon, sa isang tao o kahit ano pa. Pero huwag mong ibibigay ang sarili mo sa sarili mo rin. Sa kapakanan ng sarili mong hangarin.

Alam kong mahina loob ko sa mga totoong drama ng buhay. Na assign ako sa ER at noong may ipinasok na mamang construction worker na nalaglag mula sa 3rd floor ng isang ginagawang building. Medyo conscious pa sya. Kita mo sa mata nya yung sinasabi sa libro nating "sense of impending doom". Ako yung nurse na nag asikaso sa mama. Trainee palang ako nun so shocked din ako. Hindi sya madugo. Putol lang yung femur nya. Bigla nya akong hinablot sa scrub uniform ko at tinanong, "nars, mamamatay na ba ako?" "Tay, hindi po, relax lang kayo." sagot ko.

May 2 hours siguro sya sa ER kakacheck ng doctor. Xray, ct scan, lab works. Tapos biglang nag arrest. Gone na si tatay. Sabi ng doctor, embolism daw. Hindi ko napigilan. Naiyak ako. Noon ko narealize how fast embolism can end one's life. Right before my very eyes, nagtanong pa sya sakin kung mamamatay sya. Sa harap ko din nakita kung pano sya kumuha ng last breath nya. Sa mga ER nurses dito, I salute you. Hindi birong tagtag ng loob ang meron kayo. Yung iba sabi, sanay na sila. Kilala ko sarili ko, alam kong kahit kelan, hindi ako masasanay sa ER.

Mahal ko ang nursing. Pero pwede kong iwasan yung mga ganun areas diba? So pinili ko delivery room. Tuwing naglalabas kami ng madulas, vernix covered baby, ang saya ko. Siguro kasi matagal akong nag try magka baby so seeing deliveries upon deliveries, natutuwa ako. Hehe hindi namin maiwasan na magdeliver ng still birth, aborted babies o magbalot ng nanay na hindi na nakitang iniluwal nya ang anak. Talagang ganun. Death comes when you least expect it. Pero sa hundreds na pinapaanak buwan buwan, bilang lang yung sad moments. Puro masaya kasi most babies naman are delivered healthy and moms go home healthY din. Kaya masaya ako dun. Pinili ko ang DR kasi alam ko, masaya akong uuwi. Hindi tulad pag nasa ICU ako, pati sa pag uwi ko, bitbit ko sa isip ko mga pasyente ko.

Mahirap maging emphatic kung tao kang nakakaramdam. Wala naman sigurong nurse na puro trabaho, wala ng puso.

Ang haba na. Basta, choose where you're happiest. Ako, so far, kahit out of bedside ako, gusto ko pa ding balikan dati kong trabaho. :)

entwife

  • Guest
Re: GirlTalkers na RNs and Student Nurses (Part 2)
« Reply #210 on: September 20, 2013, 04:27:07 pm »
sis maika buhayin natin ang thread na to. let's share each other's experiences.

maika14

  • Guest
Re: GirlTalkers na RNs and Student Nurses (Part 2)
« Reply #211 on: September 20, 2013, 05:12:45 pm »
Oo nga sis. Buhayin natin. Masaya ang nursing. Lalo kung hindi ka napilit ng nanay mo na mag nars nung kapanahunan na boom na boom ang nursing course. Hehe ;D

Actually, masyado lang naging mataas ang expectation ng mga bagong nurses (tulad ng karamihan satin) sa nursing profession. Tipong yayaman ka, makaka abroad, etc. Pero dun sa pinanggalingan ko, ang tatanda na ng nurses. Tipong nakapangalan siguro sa kanila yung isang poste ng building. Ganun na katanda. Hehe masaya naman sila dito sa pinas. Sa totoo lang, ako, nag aantay pa din akong makaalis ng bansa. Masakit isipin na mas rewarding financially sa ibang bansa kesa dito.

Tsaka pala, pwede namang mag abroad na hindi na gagastos ng milyon like sa Australia. Yung ginawa ko kasi, after ng NLE, nag nclex agad ako. Tapos hanap agad ng agency. Sinwerte na binalik nila yung pinang exam ko. Sila na din bahala sa migration process. Wala akong nilabas ni singkong duling. ;D Pero naglabas naman ako ng sandamakmak na panahon. 2008 pa nung nasimulan yung process. Hangang ngayon, andito pako. Balak ko pa namang mag retire ng mga 50yrs old. Mukhang hindi feasible. :D

Anyway, sabi nila, magbubukas daw ulit ang US pagbaba ni Obama. Malay nyo sisses, makasama kayo dun. Pero dapat working at bedside. Isa sa requirements nila yun eh.

entwife

  • Guest
Re: GirlTalkers na RNs and Student Nurses (Part 2)
« Reply #212 on: September 20, 2013, 10:24:30 pm »
Hay sis. Yung head ko sa pedia, pasado na ng NCLEX, IELTS at kung ano ano pang exam, nung 2008 pa rin ata or 09 pero gang ngayon andito pa rin. Yun yung nagrecession. Di ko naman pinangarap ang US, parang mas gusto ko pa rin AU or NZ.

Yung isang staff ko, di na nahintay US. Nagsaudi muna sya. 3 years na siya dun, until now, dun pa rin siya.
In demand nga naman talaga health care professionals, in a lot of countries like middle east, africa and western countries. But it's not as easy as what we were taught at school or sa napanood natin sa tv.

Frustratig that we have to undergo lahat from volunteerig to taking seminars and trainings and spend a lot of money.

AnJelatine

  • Guest
Re: GirlTalkers na RNs and Student Nurses (Part 2)
« Reply #213 on: September 21, 2013, 06:00:06 pm »
Ganda naman po ng sharing/stories niyo :)

Honestly kaya ako nag Nursing kase gusto ko maging Pediatrician. Kaya Nursing ang kinuha ko kase ang katwiran ko noon, kung sakaling tamarin ako mag tuloy ng pag-aaral, at least RN na ako :P Haha! Nag enjoy ako sa Nursing, Promise! ;D Minsan nag top pa ako sa klase (exams/quizzes/retdem).

Kaso madaming nangyari na wala pa sa plano. Tumigil ako sa pag-aaral, under old curriculum ako. Hanggang ngayon hindi pa ako nakakabalik, it's been 4 years? New curriculum na ngayon. Sabe nila kapag daw nag tuloy ng Nursing, parang uulitin lahat or balik ng first year :o Dahil nga daw new curriculum na. Kaya ako naguguluhan :(

Gusto ko mag shift, money wise. Gusto ko din mag stay, at maging Pedia Nurse para malapit sa gusto ko dati. Pero hindi ko alam kung worth it ba. Lalo na ngayon may Baby na ako. Hindi pwede mag sayang ng pera. Dapat kung ano course ang kukunin ko pag balik ko ng school, yun na din talaga ang tapusin ko at maging trabaho ko.

Kung pwede nga lang hindi na mag graduate, swerte naman ako sa negosyo. I-push ko na lang mag business. Kaso, gusto ko din talaga makatapos syempre para sa sarili ko at sa pamilya ko, lalo na sa Baby ko.

Naguguluhan ako talaga :-[ Hindi ko mahugot sa puso ko kung ano talaga gusto ko sa buhay. Haha! Nakaka-frustrate, sobra!

yanmae

  • Guest
Re: GirlTalkers na RNs and Student Nurses (Part 2)
« Reply #214 on: September 22, 2013, 11:11:45 am »
@anjelatine - parehas tayo kaso ako kasi RN na ako pero di na ako nagpractice nagbusiness nalang ako. Ika nga ni sis maika, kelangan mong piliin kung saan may happines and dun ko nakita yun. Ang saya ko kapag kumikita ang business ko. Although ngayon, finally nag start na kame ng training ni hubby like bls/acls/ecg  eh itatry ulit namin atleast kung dumating man ang panahon na magboom ulit ang nurses (na sa tingin ko after 20 years pa ulit mangyayari) kahit papano ready kame. Pag after lahat ng pagvolunteer namin, trainings, and seminar wala parin that's the time na susukuan na namin ang profession.

Fulfilling ang trabaho ng mga nurses, iba ang feeling na makikita naten ang mga patients naten gumagaling or nag iimprove pero at the end of the day hinahanap padin naten ang professional growth at yung financial needs naten ma-punan naten. Sana lang isang araw bigyang pansin din ng gobyerno ang profession na ito, kung alam lang nila paano maging nurse.

ettevyvi

  • Guest
Re: GirlTalkers na RNs and Student Nurses (Part 2)
« Reply #215 on: September 27, 2013, 11:29:37 pm »
Sisses, I have a situation here. You see the hospital is so stingy, they do not allow overtimes EVEN when we had to do it. For example, I work in the Neonatal Intensive Care Unit. Our unit declared that we need 2 nurses per shift for manpower.

We have a premature patient right now there who is only 7 1/2 months old. Since one of the staff nurse from a shift is on sick leave, one has to go on overtime. BUT the chief nurse DID NOT allow it. So isa lang ang nagduty. Not only that, the nurse that will be left behind is a JUNIOR nurse with no experience on prematures or whatsoever. We tried to explain why the patient needs this critical care tapos yung mga delieveries pa na emergency cases but it seems to fall on deaf ears. Ayaw nila magpaOT because lugi daw ang departement namin at dahil 10% increase din daw yun sa sweldo namin. I work in a private hospital and in the province nga pala..

Is there a way on how we can solve this problem? Kasi mismong chief nurse namin ayaw pumayag eh. Feeling namin magisa lang kami. I may sound idealistic and all that shiz, but I just want to protect the patient. Nahihirapan na ako sa ganito honestly. They think neonates are nothing. Please help. Im really frustrated.

x-y

  • Guest
Re: GirlTalkers na RNs and Student Nurses (Part 2)
« Reply #216 on: September 27, 2013, 11:53:27 pm »
^same goes with our hospital. Nakakagalit kase diba dapat our leaders are there to protect and understand our situation pero sila pa itong mga tuta ng administrasyon.

maika14

  • Guest
Re: GirlTalkers na RNs and Student Nurses (Part 2)
« Reply #217 on: September 28, 2013, 02:33:29 am »
^^ What?! One nurse for the whole NICU? That is one serious issue about understaffing! Someone has to do straoght shift. Otherwise, the license of those involved are at risk. Naku, hindi ako papayag na maiwan mag isa. Buti sana kung hindi lapitin ng lawsuit ang medical profession. Oo, may care tayo sa patient pero that's against some sort of rules.ilang bed capacity nyo sis ivy, btw? Sumbong nyo kaya sa PNA yan. Or sa DOLE na.

x-y

  • Guest
Re: GirlTalkers na RNs and Student Nurses (Part 2)
« Reply #218 on: September 28, 2013, 03:27:48 pm »
Sis, diretso sa DOLE na lang. I have doubts with our PNA. Wala naman nangyayari sa understaffinf problems natin e. Dapat meron man lang batas dito sa Pilipinas regarding nurse-patient ratio. Wala e. Sad to say most hospitals in our country are income-generating institution

yanmae

  • Guest
Re: GirlTalkers na RNs and Student Nurses (Part 2)
« Reply #219 on: September 29, 2013, 12:09:37 pm »
Sis, diretso sa DOLE na lang. I have doubts with our PNA. Wala naman nangyayari sa understaffinf problems natin e. Dapat meron man lang batas dito sa Pilipinas regarding nurse-patient ratio. Wala e. Sad to say most hospitals in our country are income-generating institution

Sad to say parang deadma lang ang PNA, I'm sure aware sila sa ganyang mga scenario pero wala man lang silang ginagawang action eh dapat sila ang naglalaban ng rights ng mga nurses dito sa country naten at alam nila na mali yang ganyang mga eksena sa hospital

Latest Stories

Load More Stories
Close