watch now

Author Topic: Seafarer's Family Part 5  (Read 136337 times)

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #260 on: March 22, 2011, 11:17:46 pm »
hay, another night, another iyakan blues si baby. pero medyo mas ok naman kesa kagabi kasi hindi na sya ng hahampas, pero kakaawa parin kasi parang helpless yung iyak nya, parang alam nya na kahit gaano sya umiyak hindi darating si papa nya.

pero kinausap ko sya sabi ko makikita nya ulit si papa nya sa may tapos nun every month ma huhug nya si papa. panay kiss nya rin sa pictures ng papa nya, saka tumatawa sya sa pics nila na mag kasama.

etong baby girl ko kasi kahit ang liit liit pa medyo sensitive talaga, marunong na mag ramdam.

last year nung umalis si hubby mag 3 months pa lang sya, nag iiyak din sya nung una pero ginagawa ko sinusuot ko yung pinaghubaran ni hubby habang hele ko sya, tapos yun na rin ikukumot ko sya kanya nun, it works naman, limang pinaghubaran nga ang itinabi ko nun.

Now meron rin akong itinabi kaso it doesn't work na kasi kahit isuot ko yun alam nya na hindi ako yung papa nya, but ngayon pag nakatulog na sya itinatabi ko yung tshirt ng papa nga para humimbing yung tulog.

regarding sa vault, sa mga barkong nasakyan ni hubby isa lang ang may vault dun sa carship, sa mga container, bulk at woodship walang vault eh. malaking pera ng yung nawala sis, kasi 10 months contract na onboard pay yun, kaya nga sabi nung briefing nila, na isafety daw ang mga pera nila saka wag ng nagtatambayan sa cabina. buti si hubby medyo suplada sa cabina, maarte yun ayaw nya nag papatambay sa cabina nya, sya na lang tatambay sa ibang cabina daw, ayaw kasing nagugulo ang kwarto.

pano kaya yun mga sis may radiaton na raw sa dagat ng japan ngayon, magiging manila - japan pa naman byahe ni hubby after dry dock, parang good news na bad news tuloy kasi may byahe sya sa japan.

regarding din daw dun sa mga crew na nag rerefuse bumyahe sa japan, sabi ni hubby, pag ang crew daw gustong bumababa ng ganun, sila mag shoshoulder ng airfare saka agent fee, saka panget pa raw records nila. Yun ang say nya dun, pero sa engine naman si hubby kya hindi rin nya kabisado yan.

sis jhenrheign, ang sweet naman ni daugther, ganun siguro talaga pag babae ano? diba sa offshore si hubby mo? anong agency nya? si hub din dati plano mag offshore kasi mas malaki daw sahod at mas makakaipon sya ng mabilis, pag engineer ba gano katagal contract? kasi dati balita namin 2 months on, 2 months off daw pag offshore?

keisha

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #261 on: March 23, 2011, 12:26:07 am »
just got home from the airport.. haist, ang bigat ng feeling.. emo.emo mode muna.. makapasok na nga agad bukas para iwas lungkot.  :'(


jhenrheign

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #262 on: March 23, 2011, 10:55:45 am »
oo nga sis eh... pati ako mas emotional ngaun kasi preggy ako... kaya di ko minsan mapigilan umiyak... minsan nga nagiyak iyakan ako, niloloko ko lang daughter ko, tignan ko kung ano gagawen nya, niyakap ako at maya maya ng konti kita ko iyak na din sya... naku soon, 2 na sila patitigilin ko sa pag-iyak pag miss na nila daddy nila...


ganun nga ata pag babae, close sa daddy nila... napaka daddy's girl kasi nito... yes sis, offshore sya... sa Bibby sya... sabi ni hubby kasi tinanong ko recently kasi nag ask din si sis iggypop, sabi nya hanggang 2nd engineer lang meron sa kanila, 4 months on yun eh, usually 2 months off... depende kasi yun sa offshore, iba iba din kasi yung offshore eh, meron DSV meron din nung parang Accomodation lang (nakalimutan ko tawag dun eh) dun daw sa accomodation 3months on naman... sa DSV sya eh, sakay nila mga divers sa nagaayos ng pipeline sa ilalim ng dagat...


sad talaga pag oras ng alisan... keep yourself busy na lang muna sis...


regarding damit na sinuot, naku, di na effective sa anak ko yan ngaun... nung baby pa sya nagagawa namin pero nung lumaki na, wala na effect...
« Last Edit: May 01, 2011, 07:06:56 am by jhenrheign »

dontdothat

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #263 on: March 28, 2011, 03:16:56 am »
Ang hirap talaga ng Seaman ang asawa. We've been married for almost 2 years and a half pero physically together 6 months pa lang. Hindi tuloy matapos tapos yung adjustment period. Every time I pick him up from the airport it's like meeting somebody for the first time. Para akong nagka boyfriend na taga ibang bansa and magkikita na kami  ;D  ;D  ;D May time pa na hindi ko nakikilala agad. Nag iiba ang itsura. Tumataba, pumapayat, blooming, nalosyang sa trabaho, humahaba and umiikli ang hair, puro bago ang suot, naiba ang fashion style ;D And may naiiba din sa ugali  ??? And just when nagiging comfy na kailangan na naman maghiwalay.  :'( Mega cry na naman. Drama for a few months. And kapag naka recover na ako and wala nang separation anxieties pabalik na sya ulit. And ulit na naman lahat. Traumatic LOL.

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #264 on: March 28, 2011, 09:55:30 am »
^ hindi ba kayo dumaan sa getting to know stage? like bf-gf muna? right after meeting each other, wedding agad?

KIn0928

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #265 on: March 29, 2011, 03:07:45 pm »
Ang hirap talaga ng Seaman ang asawa. We've been married for almost 2 years and a half pero physically together 6 months pa lang. Hindi tuloy matapos tapos yung adjustment period. Every time I pick him up from the airport it's like meeting somebody for the first time. Para akong nagka boyfriend na taga ibang bansa and magkikita na kami  ;D  ;D  ;D May time pa na hindi ko nakikilala agad. Nag iiba ang itsura. Tumataba, pumapayat, blooming, nalosyang sa trabaho, humahaba and umiikli ang hair, puro bago ang suot, naiba ang fashion style ;D And may naiiba din sa ugali  ??? And just when nagiging comfy na kailangan na naman maghiwalay.  :'( Mega cry na naman. Drama for a few months. And kapag naka recover na ako and wala nang separation anxieties pabalik na sya ulit. And ulit na naman lahat. Traumatic LOL.

LOL ahahaha. nakikita ko na sarili ko in the future!  ;D

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #266 on: March 29, 2011, 11:09:49 pm »
Ang hirap talaga ng Seaman ang asawa. We've been married for almost 2 years and a half pero physically together 6 months pa lang. Hindi tuloy matapos tapos yung adjustment period. Every time I pick him up from the airport it's like meeting somebody for the first time. Para akong nagka boyfriend na taga ibang bansa and magkikita na kami  ;D  ;D  ;D May time pa na hindi ko nakikilala agad. Nag iiba ang itsura. Tumataba, pumapayat, blooming, nalosyang sa trabaho, humahaba and umiikli ang hair, puro bago ang suot, naiba ang fashion style ;D And may naiiba din sa ugali  ??? And just when nagiging comfy na kailangan na naman maghiwalay.  :'( Mega cry na naman. Drama for a few months. And kapag naka recover na ako and wala nang separation anxieties pabalik na sya ulit. And ulit na naman lahat. Traumatic LOL.

interesting.. maraming challenges talaga ang pagiging asawa ng ofw, iba iba rin ang experience.

kami rin naman mabilis lang, 1 month mag bf gf na magkasama, 6 months on board then pag uwi nya live in na kami, sa apartment ko na sya diretso umuwi nun. pero never naman na parang stranger ang tingin ko sa kanya, fortunately naman hindi sya nagbabago ng ugali at nakikila ko sya kahit nagpapalit anyo ng konti. hehe.

yun lang ang kina iba natin sa regular na set up mag asawa, may time tayo para ma miss yung mga asawa natin. tapos yun pag darating sila yan na yung kilig factor, sweet-sweetan. pag tumatagal mag kasama medyo nawawala na yang sweetness factor ng konti pero yan nga pag umaalis sila na rerenew. saka sabi nga n hubby buti nga raw ang seaman buwan lang ang kontrata, di tulad ng ibang ofw taon ang binibilang bago maka uwi. diba minsan pag masyadong matagal na pagkakahiwalay, nawawala na rin yung feelings, buti pag seaman bago pa tayo duamting sa uber sanay na tayong wala sila eh eto na at pabalik na ang mga marino natin, moment na..

isang malaking bagay din ang trust, may issue nga ako last week mga sis, 5 days pa lang wala si hubby pag bukas ko ng fb account nya, may message from his high school friend sabi:

How are you?...***, ikaw ba yong tumwag sakin kanina?....sensya na kasi di ko napansin agad, naka 4 missed call ka pa naman... narinig ko boses mo...kaya lang mahina signal ng smart dito sa shop... if you have time try to call around 8 to 10 am phil time, kasi andun ako nyan sa apt...tnx!...


Taking care,

cha....

God Bless always
Have a safe trip!...miss u!


talagang copy paste pa. hehe. at that time nasa taiwan si hubby at naka pag shoreleave pero nung nabasa ko yung message sa fb naka alis na yung barko so hindi ko na natext si hubby, kinabukasan tumawag si hubby nasa china na sya sinabi ko na may message nga sa kanya. pabiro ko pang sinabi na miss na sya nung girl. Medyo nagalit si hubby, hindi sa akin, dun sagirl, sabi nya bakit daw sya tatawag dun eh ang mahal ng call card edi sakin na lang daw nya itatawag. tapos baka daw nag iisip ako ng kugn ano ano, wag daw dahil (cheesy cheesy messages). so sabi ko wag sya mag alala may tiwala ako sa kanya. tapos ang usapan.

sa totoo lan ghindi rin naman ako masyadong affected dun s amessage nung nabasa ko kasi unang una, kung mis call pano nya nalamang si hubby yun, plus kung si hubby yun edi international number. pero sabi ni hubby naka chat nga raw nya sa facebook nung nag online sya nyng araw na yun, kaya siguro nag feeling. lagi rin kasi nag chachat yun kay hubby pag na tyempuhan nya sa facebook, nakikita ko naman at hindi naman tinatago ni hubby nung nandito pa sya, minsan nakukulitan na lang si hubby dun kasi ang daldal nga sa chat eh nag popoker si hubby.

anyways, hindi ko sure kung nagkamali lang yung girl na akala nya si hubby yung tumawag, kung nan sasadya ba yung girl at gusto nya gumawa ng gulo samin ni hubby or if ever nga na totoo which I doubt (sabi kasi nung isang friend ko baka naman tumawag talaga) atleast naagapan ko at nasita ko agad si hubby.


iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #267 on: March 31, 2011, 07:25:50 pm »
^ sis question... hindi ba naka-roaming hub mo? am just being the devil's advocate here peace!

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #268 on: March 31, 2011, 09:56:55 pm »
hahaha, naka roaming sis, pero hindi nakaka call yung roaming nya, saka bilang ko yung text unless nag load sya sa iba. pero bago yung OFW sim card nya sis, ngayong akyat lang nya ginamit.

gelei

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #269 on: March 31, 2011, 11:06:51 pm »
^ yan ang mahirap sis minsan may tiwala ka pero kakasira ng araw at nakaka-paranoid pag may mga pangyayaring ganyan.. haayyy..pray pray pray na mailayo sila sa mga maling bagay. Challenging talaga ang married life.. minsan may mga pasaway ..

maiba ako mga sis.. I'm quite sad knowing na uso sa barko nina hubby at sa iba pang barko sa company nila ang sugal in the form of DVD sabong and karera ng kabayo (miniature battery-operated horse).. kahit paunti-unti lang ang taya eh pag madalas naman malaking effect din diba mga sis. Mahirap nga lang talaga iwasan pag niyayaya lahat especially by superiors.. Pinaalalahanan ko na si hub. pero feeling ko nagsisinungaling sya this time nung sinabi nya na di sya sumasali. Kaya it's not just about the sugal kaya sad ako yung white lies nya. Anyway, sa barko ba ng mga hubby nyo may ganitong sugal din.. (tanker nga pala barko nila hub).. so konti lang crew.


sweetylicious143

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #270 on: March 31, 2011, 11:19:03 pm »
hmmm! parang may ganyang nabanggit yung bf. ko sa kin na minsan tinanong ko kung ano pinagkakaabalahan nya pag tapos na ng work nila nasabi nya na nanunuod daw sila ng sabong ng mga kasama nya sabi ko nga ano yan sugal sabi pa nya dvd lang naman daw yun so ako naman hindi nako nagtanong ang nasa isip ko movie lang sya naku...tanker din sya sis! pwede din ba yan kahit na walang net ang barko nila? at anong tawag sa ganyan? now ko lang narinig yan..

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #271 on: March 31, 2011, 11:23:23 pm »
^^ wala naman nababanggit si hub sis. pero kung sakali man meron ewan ko lang kung sumasali sya kasi walang hilig sa sugal yun. hindi nga marunong magtong-its, ayaw naman magpaturo sakin hahaha. saka 500 na lang naiiwan sa kanya dun.

^^^ as much as i wanted to comment din but no comment na lang ako. pag mga ganyan kasing topic evil minded din talaga ako hehe. makakagulo lang ako haha. but tama si sis gelei, pray lang natin mga asawa natin. sabi ko sa hub ko lagi kung saan sya masaya yun gawin nya. kung masaya syang lokohin ako, e bahala sya. kung dun ba sya nag-eenjoy eh,wag lang papahuli.dapat magpaalam muna hahaha

gelei

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #272 on: April 01, 2011, 12:07:35 am »
usually pag weekend sat or sunday if halfday sila or holiday dun nagyayaya ang mga mahilig sa sugal. then I've read in one of his co-crew (motorman) status: sh** napidi ako sa dvd sabong $56.. kaya na-confirm ko.

sa iba naman they have this karera ng kabayo.. may pustahan din.

Sis Ren: si hub din di mahilig sa sugal at di marunong mag-tong-its at mahjong (meron din kasi nito sa barko) kaya dati kampante ako.  But now, nalaman ko na halos lahat daw sila kasali sa ganitong libangan based on my source kaya sad lang di nababanggit ni hub kung di pa ako nagtanong. inisip ko na lang ayaw nya lang ako mag-alala. Pakikisama lang daw minsan .. Konti lang din naiiwan sa kanyang money doon nagpapa-MPO kasi sya lagi. Pero sayang naman kapag mapunta lang doon diba plus ang GOA bonus nila malamang dun din maubos. haaay...

Sis sweetie: thanks sa info..So meron din pala nito sa ibang barko, DVD nga daw ito sis. This contract ni hub ko lang ito nalaman dati yata di pa uso sa kanila. May nagdala lang.. Paalalahanan lang natin sila sis.

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #273 on: April 01, 2011, 11:07:22 am »
kela hubby naman since may casino sa barko nila mas big time ang stakes, buti na rin di mahilig asawa ko diyan, pero nakakatawa kasi maswerte siya sa mga raffle. Nanalo siya ng netbook eto lang december kakasampa lang niya. Yung mga kasama niya grabe  nakakaawa talaga kasi minsan uuwi na lang wala na pera kasi natalo sa casino. Nagungutang nga sa kanya, pinagbibigyan nya pag umpisa lang pero kung nawiwili na hindi na niya pina pautang kasi nga alam niya napupunta lang sa casino. Hay pasalamat talaga ako at iba trip ni hubby.

  Sabi nga ni sis Gelie, tama pray pray nga lang tayo talaga. Sis Ren, may pagka sa demonyo din ako minsan mag isip kaya ayaw ko rin mag comment. Besides hindi ko rin kilala ang mga asawa niyo kaya mahirap mag judge diba? To each his own na lang  :)

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #274 on: April 01, 2011, 11:26:43 am »
like ko na alam na natin real identity ng iba at hindi lang nakatago sa kung [textspeak!]-anong username. disadvantage lang medyo mas namimili na tayo ng sasabihin. tamer hahaha pero subukan yan ipost sa ibang thread like extra marital affairs, naku! patay tayo dun at siguradong blockbuster ang mga ganyang issue kahit pa sabihing we believe hindi totoo yun or we trust our hubbies, but for sure, merong iba na may masasabi pa rin haha. but sometimes kelangan din natin ng point of views ng ibang tao kasi madalas may naooverlook tayo sa circumstances lalo kung tayo yung concern parties. at the end of the day, sarili pa rin naman natin ang nakakaalam ng totoo at tayo magdedecide ng mga gagawin natin. di nga lang maiwasan minsan merong mga pampagulo talaga haha

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #275 on: April 01, 2011, 11:34:36 am »
^ LOL sis kakainin ka ng buhay dun sa ibang thread kahit mega defensive pa tayo  sa mga asawa natin, kung humusga mga yun kamo kilala mga pagkatao natin  ;)

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #276 on: April 01, 2011, 11:37:16 am »
kela hubby naman since may casino sa barko nila mas big time ang stakes, buti na rin di mahilig asawa ko diyan, pero nakakatawa kasi maswerte siya sa mga raffle. Nanalo siya ng netbook eto lang december kakasampa lang niya...
share ko lang din po, cruise ship din si H2B, may casino din, buti hindi rin siya mahilig dun. PERO, mahilig siya magpataya. depende kasi yun sa supervisor and system ng barko. nung yung contract niya last 2009, side line niya yun for added income. bumibili siya ng netbook and laptops, tapos, ipapa raffle niya. medyo malaki rin kita. nasa 10-20 USD per ticket kasi benta niya, then 100 slots to fill. kaya halos double ang earnings niya. sorry po sa mga against this activity, pero, legal naman sa kanila, so ginagawa niya for added earnings. liit din kasi ng basic niya (baguhan pa lang eh, cruise pa). pero depende po yun sa barko ha, kasi yung nasampahan naman niya last year 2010, ang uso naman, mga naglalasingan. so namamakyaw siya ng mga liquor pag crew sale, then pinapahulugan niya sa mga katrabaho niya. siyempre may patong na siya kasi hulugan eh. sideline ulit. ewan ko lang kung ano naman maiisip niya na sideline this coming contract  :)
« Last Edit: April 01, 2011, 11:46:21 am by health.gal »

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #277 on: April 01, 2011, 11:47:43 am »
^ uy sis chie magandang racket yan ha, mahirap talaga pag sa cruise no?  masabi nga sa kanya yan, kasi nung napanalo niya yung netbook na yun , ang dami gusto bilhin yun. Eventually binenta din niya kasi mabilis maubos yung battery. Mas mura nga gadgets pa naman sa US.Thanks for the tip!

    Si hubby nga noong mga first few years pa lang magbarko, ang sideline is magoffer ng massage ( sa mga lalaki lang po ha  ;D ) kaso tinigilan din niya kasi nakakapagod din, ang lalaki kaya ng katawan ng mga european , ubo ubos lakas niya   :o

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #278 on: April 01, 2011, 01:16:14 pm »
hehe, thanks sa mga ayaw mag comment. hehe. totoo naman na super fishy ang dating diba, pero yun nga ang trust. Ganun kalaki tiwala ko sa marino ko I did not think twice nung sinabi nyang hindi sya tumawag, kasi feeling ko rin totoo sinasabi nya. Pero kung naparanoid ako sa message na yon baka wala na syang balikan pag baba nya. Isa yan sa mga challenges ng pagiging asawa ng OFW, hindi naman natin masusure kung tayo lang talaga tinatawagan ng hubbies natin, kung ano talaga ginagawa nila onboard or pag bumababa sa port, pray, trust na lang hangang sa may mahuli ka. hehe...


about sugal sa barko nakwento na ni hubby yan nung una pa, pati sa chess nga daw nag pupustahan sila, sa basketball, sa majong, cards, although hindi ko alam yung sa dvd. Sumasali rin si hubby dun, pero hindi naman ganun kalakihan ang tayaan nila, hinayaan ko lang sya kasi yun lang katuwaan nila sa barko dahil iilan lang sila dun. hindi ko na sya binibilangan sa pera nya onboard, hindi rin naman nya ako ino audit dito eh.

Next week dry dock sila sa china, lam ko daming clubs malapit dun sa drydock nila kasi last time nagkwekwentuhan sila hubby nung isang OS nung bagong baba sila, sabi ni hubby sa OS ano wala ka nang pera para dineposit mo lahat sa china eh, sabi nung OS lintik na mga intsik kasi yan ang puputi. Tinanong ko si hubby sabi nga nya mura lang ang serbisyo dun. Pero di ko alam kung t**** ako or talaga lang magaling mang uto ang hubby ko kasi laki ng tiwala ko sa kanya! hehe, kasi naman alam kong honest sakin eh.

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #279 on: April 01, 2011, 01:27:15 pm »
^ correct sis! accuse with evidence hehe. kung puro duda lang at puro salita , hay, stress lang pareho kayo. puro bintang , yung isa puro alibi. paikot-ikot lang. pero kung may evidence na e di walang piyok na. tapos ang kwento haha. ang lalaki pa naman kasama sa commandments ang wag aamin. ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close