hay, another night, another iyakan blues si baby. pero medyo mas ok naman kesa kagabi kasi hindi na sya ng hahampas, pero kakaawa parin kasi parang helpless yung iyak nya, parang alam nya na kahit gaano sya umiyak hindi darating si papa nya.
pero kinausap ko sya sabi ko makikita nya ulit si papa nya sa may tapos nun every month ma huhug nya si papa. panay kiss nya rin sa pictures ng papa nya, saka tumatawa sya sa pics nila na mag kasama.
etong baby girl ko kasi kahit ang liit liit pa medyo sensitive talaga, marunong na mag ramdam.
last year nung umalis si hubby mag 3 months pa lang sya, nag iiyak din sya nung una pero ginagawa ko sinusuot ko yung pinaghubaran ni hubby habang hele ko sya, tapos yun na rin ikukumot ko sya kanya nun, it works naman, limang pinaghubaran nga ang itinabi ko nun.
Now meron rin akong itinabi kaso it doesn't work na kasi kahit isuot ko yun alam nya na hindi ako yung papa nya, but ngayon pag nakatulog na sya itinatabi ko yung tshirt ng papa nga para humimbing yung tulog.
regarding sa vault, sa mga barkong nasakyan ni hubby isa lang ang may vault dun sa carship, sa mga container, bulk at woodship walang vault eh. malaking pera ng yung nawala sis, kasi 10 months contract na onboard pay yun, kaya nga sabi nung briefing nila, na isafety daw ang mga pera nila saka wag ng nagtatambayan sa cabina. buti si hubby medyo suplada sa cabina, maarte yun ayaw nya nag papatambay sa cabina nya, sya na lang tatambay sa ibang cabina daw, ayaw kasing nagugulo ang kwarto.
pano kaya yun mga sis may radiaton na raw sa dagat ng japan ngayon, magiging manila - japan pa naman byahe ni hubby after dry dock, parang good news na bad news tuloy kasi may byahe sya sa japan.
regarding din daw dun sa mga crew na nag rerefuse bumyahe sa japan, sabi ni hubby, pag ang crew daw gustong bumababa ng ganun, sila mag shoshoulder ng airfare saka agent fee, saka panget pa raw records nila. Yun ang say nya dun, pero sa engine naman si hubby kya hindi rin nya kabisado yan.
sis jhenrheign, ang sweet naman ni daugther, ganun siguro talaga pag babae ano? diba sa offshore si hubby mo? anong agency nya? si hub din dati plano mag offshore kasi mas malaki daw sahod at mas makakaipon sya ng mabilis, pag engineer ba gano katagal contract? kasi dati balita namin 2 months on, 2 months off daw pag offshore?