watch now

Author Topic: Seafarer's Family Part 5  (Read 136130 times)

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #160 on: March 10, 2011, 03:32:41 pm »
^^ kawawa naman. sabihan ko si hub wag ng tatanggap ng mga ganung padala. speaking of padala, parang nakakatakot naman na talaga ang ganito. lalo di alam kung ano yung laman, magulat na lang pag nasita, prohibited items pala. pero nakakahiya naman tanggihan ang kasamahan kung may gustong ipadala sa pamilya.

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #161 on: March 10, 2011, 03:34:33 pm »
waaah ang haba nanaman ng binasa ko, naiwan nanaman ako. rumaraket kasi ako eh! hahaha!

sis KIn - hahaha! sis natawa naman ako. kunwari lang ako sexy, di mo ba pansin ang liliit ng pix kapag kasama ako? tee hee!

sis chie - ay, kawawa naman yun. masabihan nga si hubby na mag-ingat mabuti sa mga nagpapadala na yan. minsan pahamak talaga e no?

grabe, nakakaloka naman ang mga kwento dito sa mga misis misis at padala na yan. tee hee!!

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #162 on: March 10, 2011, 04:07:49 pm »

alam nyo i have been working for this company for years.. dito na ako nagka-edad... i promised myself di ako mag-aasawa ng seaman :P nakikita ko kasi yung hirap ng mga misis.. emotionally and financially... maski ng mga seaman mismo..
kalimitan kasi ng na-e-encounter ko.. di pa man time ng allotment naiutang na ang sweldo..i-aadvance na naman ang sweldo for next month..malalaki ang sweldo tapos dollars pa but they can barely get by.. mismanaged ang pera nila..
sabi ko kalimitan po..hinde ko nilalahat. .. kaya ayun.. di ako nag-asawa ng seaman..

that's why i discouraged friends na nangangarap mag-asawa ng seaman dahil sa akala nilang financial stability. akala nila pag seaman, maraming pera. 3rd yr college pa lang nung naging bf-gf kami ni hub, pero ayaw nya talaga sa seaman ng mom ko. ang sinasabi nya sakin yun daw ang nakikita nyang pinaka unstable job. kasi dami nga sa lugar namin napaka galante pag bagong baba, as in kaliwa't kanan ang inuman after a month or two, mangungutang na. but later on nakilala naman at nakita ng mom ko yung character ng hub ko. so disregarded na yung profession.  and as for me,hindi rin profession at financial stability ang naging category ko sa pagpili ng asawa. :-)

nabanggit ko nga rin ki hub yang observation na yan. bakit kaya kung sino pa ang malalaki ang sweldo pero parang hirap pa din kasi kung kani-kanino na nangungutang pag hindi pa rin nakakaalis. yun ang mga napakaraming utang. sagot naman nya, kasi daw malalakas ang loob mangutang kasi alam na kaya naman nilang bayaran. :-)

liyapot

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #163 on: March 10, 2011, 04:17:21 pm »
^kaya ako taas kamay ko sa mga misis ng seaman na magaling mag manage ng pera nila.. nakabili ng lupa at bahay.. nakapundar ng negosyo.. mga misis na kahit tumatanggap ng allotment ng 5 digits kada buwan eh nagta-trabaho pa din. hinde yung nakatunganga lang at nakasahod ang palad lagi..
parang si jinkee pacquiao lang yan eh LOL

PrincessKitty

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #164 on: March 10, 2011, 04:45:44 pm »

hehe naalala ko sabi ng dad ko sa mga teachers na mag b bf or mag aasawa ng seaman.. kailangan trust lang talaga... o kaya eh ihanda ang utak...

mom ko kasi dati nabrainwash ng lola ko (her mom) kaya ayun.. nagkamental disorder pero she's okay now. marami ding issues like i found out na nagkaroon sya ng kabit... kasi i sneaked in his laptop.. tinignan ko lang kung totoo na may kabit sya... then the password clue is "i love you"... darn i entered my mom's name at wala pa.. until i entered "Melody".. gosh ha?! akalain nyo pumasok.. then i checked every folder.. hidden or not... bukod sa pix nung Melody eh may sex scandal vid pa dun. i knew kahit nakatakip yung face. it was my Dad because of his ring. 2nd and 3rd sib ko na gurls nagalit.. tinext yung Melody... pero inamin naman ng Dad namin na iniiwasan na raw nya. pero in fairness dami namin nalaman, grabe kapal din ng face nun.. palibhasa nadampot lang sa beerhouse sa Davao ata or Surigao.
isa sa mga text sa 3rd sib ko eto "Parehas pala tayong May 5, at magkasing edad lang taio" (they're both 19 that time 55 dad ko non),
eto pa "maghanda na kayo dahil ako ang susunod na stepmother nyo, niloloko lang kayo ng papa nyo pero may contact parin kami, pinapadalhan pa ako at heto nga't 2 cellphone ko" haha sa sobrang inis ko tinext ko "kapal ng mukha mo.. mas matanda pa ako.. so sige, i'll look forward na maging stepmom ka namin, tignan ko lang kung makatagal ka samin hahaha ingat dear"

yung sa 2nd foreigner naman

naging quiet lang ako kasi buhay naman nya yan. i understand why he did that.. yung 2nd sis ko comfront nya yung kabit na isa pa foreigner yun "diplomat" taiwanese. tinex nya talaga oveseas yung girl. kahit yung girl sinasabihang baliw kapatid ko dahil di daw totoo. then nilapitan sya ng Dad ko sabi "bakit ka naman nakikialam.. pinapakialaman ko ba ikaw?" syempre dun ko dinefend kapatid ko "kaya naman pala nag kakaganyan po si Mama dahil sayo. tama din pala sya"

pero as of now.. so far.. mukhang ayos naman na. dat happened 3 yrs ago.

liyapot

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #165 on: March 10, 2011, 04:57:55 pm »
^ may kaibigan ako na ang dad nya kapioan ng barko..ngayon retireable age na sya and yet ayaw nya pa mag retire..sumasakay pa sya. at may nagsasakay pa sa kanya kasi di naman sya itsurang matanda na
anyway yung mom ng friend ko would tell us (highschool pa lang kami nito).. .. alam ko nya na may babae yung hubby nya.. ok lang daw sa kanya yun basta ang usapan nila mag-asawa.. kung gagamit sya ng babae sa kung anong port man sya mapunta walang mabubuong anak, at sa port lang yon wala sa pilipinas, walang maiuuwing sakit.
ganun lang kasimple..kasi tita understood na ang mga lalaki (lalo pa seaman) hinde mapigil ang sexual urges niloa lalo pa na puro barako kasama nila for 9 months!! tapos ang dami pang tukso sa port.. naglipana...
pero hindi lahat ng lalaki ganyan.. merong iba na matino.. hinde gagalaaw ng ibang babae in respect sa asawa or gf nila..

pasensya na.. hinde ko kayo pina-praning ha..

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #166 on: March 10, 2011, 05:35:47 pm »
regarding sa padala , basta ingat lang , kung pwede sana yung kaibigan talaga ng asawa niyo sa barko. I think na kwento ko na to sa mga previous threads pero for the sake of our new sisters here.

   Muntik na madale si hubby diyan  before kasi nagtataka siya bakit iniinsist nung isang kasamahan niya may papadala yung sister niya sa kanya, eh sobrang layo pa pangagalingan ng sister so sa agency na lang sila nagkita. That time kasi si hubby lang ang aalis at matagal pa yung susunod sa kanya. So tinanggap naman niya yung padala, tapos pag uwi sa bahay, siyempre chineck niya . Duda siya kasi ineffort ng kasama niya na girl (hubby works in a cruise ship) na kontakin siya, nagtetext from abroad kung nakuha na niya etc. Pagcheck niya, puro lang boy bawang at yung mga delata na laing, noodles etc. Maynakita siya nang 2 pcs ng Cytotec ( drug na pampalaglag) sa loob ng Boy bawang  na nakita niya na nakasimpleng scotch tape. Di nga niya alam ano yun, tinanong lang niya sakin. So di niya sinama sa bagahe. Ni flush yung cytotec sa CR. Pagdating sa barko, nahihiya naman tanungin ng kasama niya kung bakit wala diba, deadma lang siya. Mahirap na kasi baka makita sa scanner yun, siya pa ang kawawa. Eh nakikipaki lang naman sila so wala sila right umangal. Ang kalabasan, after a few months, yung girl nag bleeding, bigla tuloy nagre route nang next available na port ,  Gumawa pala ng kalokohan yung girl, pumatol sa may asawa tapos nabuntis. Di na lang alam kung aksidente yung pagbleeding niya or sinadya. 

 

gelei

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #167 on: March 10, 2011, 08:58:41 pm »
thanks mga sis liyapot, sis ren, si tet etcetera...thanks for sharing..marami kaming aral at info na natutunan from what you have shared! ang sarap magbasa..may nakakatawa, may nakaka-praning hehe bottomline is..napaka-informative for all of us!  :D

sis Ren: maganda na makalipat na uli si hub mo.. kakainis naman ang ganun.

Re: padala ...di ko alam na bawal na food kasi minsan yan ang padala ko yan kasi request ni hub.. pero I really make sure na konti lang padala,maliit lang -hubby reminds me always na dapat maliit lang plus letters lang or pics. pero sis liyapot question lang sa company kasi nina hub usually ang dispatch nila is the day na rin na aalis na sila or mismong flight na ..nacheck na kaya ng office ang laman ng mga padala nun bago iabot sa kanila..nakakatakot pala if ever di na-check!


another question sis, sa mga may internet naman na barko.. na-mo-monitor ba ng office ang gamit ng internet let's say sa mga bawal i-access na sites nalalaman ba kung sino ang mga lumalabag sa rules! kasi may time na natanggalan access sina hub on one of his contracts meron daw kasi mga pasaway.. pwede ba ma-pinpoint yun para at least di na maulit.


mga sis ang baba na ng dollar naku  :(

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #168 on: March 10, 2011, 10:18:23 pm »
hello mga sis!

first of all i want to welcome sis liyapot for joining this thread. and thank you din for your inputs! i've been waiting for the longest time na may mag-post dito na taga-office ng mga seaman. curious lang ako, syempre from a different perspective ang mga kwento mo, kaya nakakatuwa.

true yan sis when you said nakakatuwa ma-witness yung career growth ng isang seaman. my hub started in his company as a cadet. as in mag-bf/gf pa lang kami nun and totoy na totoy pa siya :D utility, taga-timpla ng coffee, messenger etc...  ;D and now na 12 years na siya sa company, we can feel na proud din yung mga staff sa kanya. even yung mga clerks and crewing assistant na matagal na din kase na-witness nila career ng husband ko. nakakataba tuloy ng puso  :)

naku sis liyapot kaya din ayoko ng tumatawag sa office kase ayoko maging "famous" LOL! yung tipong pag pumunta ka sa office magbubulungan yung mga staff as if sinasabing "yan yung makulit na misis!" hahaha! i have friends who are like that, makulit talaga. pero okay lang, kanya-kanyang diskarte talaga :D

nawindang naman ako sa "panty" na padala! fresh pa kaya? eeeewww!!

btw ask ko lang sis liyapot, am sure marami ka nang nakitang seaman na maraming "allottee" :D ;) as in hindi lang yung wife hehe.. si hub kase ayaw magkwento pero sa nahuhuli ko minsan pag gumagawa siya ng MPO, may mga crew na ilan ang pinapadalhan without the wife's knowledge. syempre it's none of his business daw kaya no comment siya. nakakaawa lang lalo papag kilala namin yung wife :(

re padala, sa company nina hub they do check, pati yung mga blank CD they check kung ano laman. specially pag sa middle east magjo-join.

re allotment, i think it depends sa company. kina hub you will not receive an allotment for the first month talaga. say march nag-join, sa May pa yung first allotment na mare-receive ng misis.

haaay napahaba na post ko. miss ko na kase kayo :)

KIn0928

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #169 on: March 11, 2011, 06:25:06 am »
Welcome po sis dontdothat  :)

Hello sis Iggypop tagal ko hindi nakita nick mu here... welcome back!  :)

Ang hava nang backread ko, Thanks sis liyapot for all the inputs. meron na ata dati nabasa ko rin here na mismo yung wife pa nga ata yung nagdala nung package sa office then nung chineck mismo inront of her na may picture na nakahubad or may panty rin hehe...

grabeh sis silver barrow buti na lang nakita nang hubby mu.

Princess Kitty grabeh grabeh grabeh... hindi ko alam what will I do if that happends to me.

halo halong feelings naramdaman ko in short span of time while back reading...

now hindi ko na alam iisipin at mararamdaman aside sa malungkot...

since nung last week. wala pa pala natatangap si hubby ko na email from me to think na 2 to 3 emails na mahahaba pinapadala ko everyday. and since he left kagabi ko lang narecieve yung pangatlong email nya. 3 liners pa. wala pa daw cyang narerecive na email from me. nahihilo at nasusuka daw cya sa byahe kasi super alon daw and tatawag daw cya when he reached new york. 
yun tapos na...

hays grabeh... ang hirap.  :'(

iggypop

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #170 on: March 11, 2011, 10:13:12 am »
sis kin0928 thanks. i've been following this thread kaso lurker lang kase sobrang busy... hirap no sis pag nage-email tapos hindi pala nila nare-receive then makakatanggap ka din ng email na nagtatampo na kase wala kang email. nakaka-guilty din  :( kawawa kase sila lalo na pag ganyan na maalon, hindi din makapag-email dahil parang anchor's away na ride sa enchanted kingdom ang barko... haaayyy...

hub just left this morning. pero one week lang... i feel for you mga sis na matagal ang contract. nakaka-sad talaga and i know it sounds morbid pero everytime umaalis, feeling ko para akong namatayan (knock on wood!)  :( God bless our husbands!

sis princesskitty that is just the worst feeling lalo na para sa wife.. knowing na matapang pa ang mistress! ang hirap malagay sa ganyang situation lalo na if may kids. be strong for your mom sis! pero may i ask, kamusta naman ang relationship ninyo ng dad mo?

sis silverbarrow mabuti na lang na-check ng hub mo yung padala. grabe ang kapal naman ng muka ng nagpadala! hindi na nahiya at ilalagay pa sa alanganin yung husband mo.
« Last Edit: March 11, 2011, 10:14:57 am by iggypop »

liyapot

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #171 on: March 11, 2011, 10:36:44 am »
thanks girls for welcoming me..
paminsan minsan nadadaan ako dito sa thread na ito.. lurk lurk lang..

iggypop..
oo! ang dami na sa amin na ganyan! yung iba naging super close na dito sa amin to the point na ginagawang ninong/ninang sa kasal, or binyag ng anak....at nakakatuwa talaga ang ganon na may ambisyon ang mga seaman sana lahat ng seaman ganon para di bumagsak ang industry.. minsan kasi madaming mga lukotoy na seaman..sasakay lang para ma-aksidente.. so p&i na sila.. sabay hahabulin ng mga "ambulance" lawyers.. pasok na si NLRC case.. eh sa NLRC pa naman laging talo ang agency.. sabihin disability na ang crew.. kaso makakuha nga kayo ng malaking pera.. pero hanggang kelan lang yon?? kung pinagbubuti nila trabaho nila sa barko..mapo-promote.. forever na sila may kinikita di ba??

about ur question re different allotee's
madaming ganyan talaga.. kaso ang mga wife walang habol dito sa office.. kasi ang point ng opisina.. personal problem nyo na yan di ba?? so hands off kami kapag meron mga misis na pupunta dito mag demand to see kung sino allotees ng asawa nya..
pero di naman kasi sila limited magpadala ng MPO to their wives only.. kasi minsan ginawa ng ibang seaman.. uutang sa kapwa seaman nila na kasama nila..tapos papadala MPO.. pang bayad ng utang dito sa lupa... maybe it's not coursed to the wife dahil pwedeng gastador ang wife so diretso bayad na agad sa pinagkakautangan. di ba?
pwede din naman na kapatid ng crew di ba?? isipin na lang natin na kamag-anak ang pinapadalhan or pinagkakautangan LOL

i did not smell the panty to check it's "freshness"" hahaha!!! eeewww!!

gelei,
re food
pinagbawal namin dito sa office namin... kasi marami din seaman ang nagrereklamo tungkol sa pagkain..tsaka minsan na de-delay or cancelled ang crew change so minsan nag e-expire ang pagkain..
sa amin kasi during dispatch they go through all the channels here sa office.. dadaan sila sa family center which handles yung padala.. iche-chieck nila pareho (ng crew at ng staff) yung padala.. now.. minsan may package na ok lang sa seaman na dalhin.. so ayun binibigay namin..we ask them kasi na "o eto, laman ng package.. maintenance meds ng crew, usb na laman pics lang..etc..etc.. ok lang po ba na dalhin nyo?" payag naman si crew..pipirma sya sa logbook na sya ang magdadala non.
so to answer.. oo we have the time to check all the packages.. pero wag din kayo mag atubili na icheck din ang mga laman para sa safety na din nila mister yon di ba?? pero kung let's say may nakita kayo na di kanais nais.. pakisabi naman po sa recipient ng package na may tinanggal kayo at iniwan.. kasi minsan ang bagsak ng galit dito sa amin sa opisina.

(uy mga misis..wag na po kayo papadala ng mga newspapers na abante at tiktik ha?? nung isang araw may pumunta na misis specific na yun pa ang hiningi ni mister.. syempre di tatanggapin dito kasi bawal nga may mag seksing naka pose no! LOL)

oo nga pala yung mga USB tsaka mga hard disks (ano nga ba tawag don? nakalimutan ko! haha  tawag ko kasi dun maxstor eh).. chine-check namin yon..tapos pag may nakita kaming bawal we delete that with consent ng misis.. tatawagan namin kayo.. sasabihin na "mam meron kaming nakita na file etc etc.. i-delete po namin kasi bawal ha?" ganon.

advise ko lang sa inyo..ayusin nyo mga philhealth ng mister ninyo.. pag nakababa sila.. mag voluntary contribution kayo.... para in emergency cases like ma-hospital may philhealth kayo na pwedeng magamit.. and update nyo lagi ang MDR nyo..
swerte nga ngayon kalimitan ng seaman ngayon may kasama ng healthcard!!! pati family ha!! sa mga sinasakyan ba ng mga mister nyo meron din?

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #172 on: March 11, 2011, 10:45:37 am »
rue yan sis when you said nakakatuwa ma-witness yung career growth ng isang seaman. my hub started in his company as a cadet. as in mag-bf/gf pa lang kami nun and totoy na totoy pa siya :D utility, taga-timpla ng coffee, messenger etc...  ;D and now na 12 years na siya sa company, we can feel na proud din yung mga staff sa kanya. even yung mga clerks and crewing assistant na matagal na din kase na-witness nila career ng husband ko. nakakataba tuloy ng puso  :)

nakakatuwa talaga sis makakita ng ganyan. yung mga nanggaling sa baba paakyat. hindi yung wala pa ngang maipagmamalaki e ang yabang na. may friend kasi ako dati na pmma rin nag-aaral. nung lumabas sya para sumakay, asar na asar sya kasi daw ayaw nyang mag-utility. at hindi daw sya mag-uutility. hindi daw sila required mag-utility kasi pmma nga. mas grabe na daw ang service at training nila sa loob kesa sa ibang school. taas ng tingin sa sarili. wala akong balita sa ngayon kung nasaan na sya pero nakagraduate din naman sya. na late nga lang ng isang taon.

liyapot

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #173 on: March 11, 2011, 11:06:38 am »
^training din kasi sa kanila yon.. yung pag utility sa opisina..
nagiging smart sila sa ways of the world.. hinde naman sa pang ma-maltrato ang ginagawa sa kanila sa opisina..or pang-baba ng ego nila yun.. pero tama ka babymom meron jan maangas na cadete..

nag me-messenger ka.. eh di marunong ka na mag ikot sa manila, sa makati or wherever ka papuntahin..mag POEA ka.. mag AMOSUP ka.. or sa mga training centers or clinics eh di alam mo na yung lugar at kung magaling ka makisama..di may kilala ka na din di ba?? its up to you take advantage of that opportunity di ba?

mag bank errand ka..aba.. laki ng tiwala ng opisina sa iyo nito.. dala ka checke, cash ..withdraw dito..deposit jan..mantakin mo minsan we trust them enough to give them our PIN numbers  para ma withdraw-han kami.. mga ganun.
matuto ka makipagusap sa mga tao.. lahat ng levels

mag timpla ka kape dito sa opisina..ganun din gagawin mo sa barko..ipapagtimpla mo ng kape ang mga opisyal mo..

meron nga kaming cadet dati.. nung nakasakay na sya would take in laundry ng mga officers just to make additional income for his family! grabe!!!

mag scan at mag encode to help the staff sa trabaho.. at least di ba nakahawak sila ng computer at natuto silang mag computer! meron kasi na mga galing province na hinde marunong gumamit ng computer.. word man or excel.. or even mag-emaill pero noon yon.. more and more cadets nowadays bihasa na sa net at pc.. sa sobrang bihasa..panay naman ang facebook at youtube dito sa office download pa ng kung ano ano..virus tuloy inabot ng server namin/../ ayun.. putol kaligayahan nila..

tsaka di namin sila kinakawawa.. pag christmas party kasama sila.. kelangan nga lang sumayaw sila... :P   
pag outing kasama sila..pag natuwa pa foreigner namin sa kanina.. bibigyan pa ng tip.. pag may nagbibigay ng food dito sa office hinataian namin sila..we give them bonuses kahit papaano..tsaka may allowance sila at basta legal ang overtime pwede sila mag overtime.. me sweldo din yon. well compensated naman sila..

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #174 on: March 11, 2011, 12:13:30 pm »
welcom sis dontdothat and sis liyapot!
sis liyapot, ask ko lang yung sa philhealth. pano ba yan? bago lang kasi kami mag-asawa although matagal na kami mag bf. so yun sa philhealt etc ng asawa ko, wala pa ko kinalaman dyan. Ngayon sabi ni hubby e ipapalagay na nya kami as dependent. kaso pano ba to? saan nya aayusin?

sis ano pala agency nyo? hehe kahit PM lang

liyapot

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #175 on: March 11, 2011, 12:56:09 pm »
nuna..
sa philhealth kayo mismo pupunta..don sya mag amend ng membership nya..
eto requirements
http://www.philhealth.gov.ph/members/overseas_workers/amendment.htm

make sure he gets a copy of his updated MDR para madali na rin para sa iyo whenever may ma ospital sa inyo.
at wag lilimutan na mag voluntary contribution pag nasa lupa si mister para di kayo magka-problema

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #176 on: March 11, 2011, 01:22:33 pm »
thanks sis liyapot!
naku sis, pano pag di nag voluntary contribution pag andito si mister? sorry ha, wala kasi talaga ko alam dito. ito namang asawa ko hindi pinagiiintindi yung mga ganyan nya.. kakainis din.

KIn0928

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #177 on: March 11, 2011, 01:26:18 pm »
Sis liyapot: si hubby alam ko pinasubmit nang agency yung Phil health nya kasama sa requirements tapos everymonth may bawas syang $50 para sa AMOSUP <-insurance yan diba? kasi sabi ko dapat kukuha ako maxicare sabi ni hubby wag na daw kasi may AMOSUP naman.  tapos another $50 uli retirement pay. yung retirement pay di ko sure kung every contract or everymonth din.

sa building namen where I work maraming seaman na utility paiba iba muka tapos tuwing umaga nakaline up sila sa labas, taga bukas sara nang pinto nang office nila. tapos one time pati pagbukas nang elevator dito sa building namen sila na pumipindot eh hehe. yung iba naman pati pinto nang building mismo sila rin nagbubukas hehe. yung iba nagtatago sa canteen. iba iba may bata matanda maliit, payat tapos may matangkad din tapos iba iba rin accent nila pag nagusap. tapos after a few months makikita ko sila uli medyo tumaba na, nakapants at tshirt na hindi na nkapang seaman tapos may dala nang backpack or body bag sabi nang guard kakababa lang nang barko yan. hehe.

tapos nakwento ko yun kay hubby sabi nya nung sya daw utility mostly daw ginagawa nya sa loob nang office kasi marami daw labas nang labas nag tatago kung saan saan. tapos pag inutusan gustong gusto daw nang iba pero sabi ni hubby hindi nila alam mas masarap daw buhay nya sa loob kasi hindi daw siya naarawan at napapawisan. and totoo yung nagiging kaclose na nang mga utility yung mga taga office kasi nung natangal si hubby sa office nila nalungkot siya nang bonga eh.

regarding naman sa sasakay lang para maaksidente may nakwento rin si hubby sakin na mismo yung mga "ambulance" lawyer yung nag pplano anung gagawin panu maaksidente hehe.

Sis nuna: alam ko you can pay for it for the whole year. much better yun para walang hassle and hindi mu makakalimutan. mura lang mga 1k plus or less than 2500 lang ata one year.

liyapot

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #178 on: March 11, 2011, 01:52:51 pm »
amosup is a union.. may cba..ang kinakaltas sa iyo ay union dues..
may sariling ospital ang amosup.. may mga misis kami na jan nanganganak..
more on provident fund sila.. pwede mo kunin yon when the crew retires..
meron din silang slop chest.. nakakakita ako ng billing ng slopchest.. mag grocery si misis sa amosup.. tapos yung grocery ay i-charge sa salary ni mister..ganun.

i don't look at amosup as insurance.. pero di ko kasi fully intindi ang concept ng amosup..so please correct me kung mali ako... di ko forte and amosup eh.

if i were you at ino-offer naman ng office mo ang maxicare..(kung discounted rate) kumuha ka na.. ok din yong meron kang health card.. para kung may mga emergency cases you can use that coupled with the philhealth eh di konti lang cash na ibabayad mo sa ospital.

oo ganyan nga ang mga ambulance lawyers na yan..tsk!!
tapos nilulubog sa utang ang mga crew na mag file ng case..pinapahiram ng pinapahiram ng pera.. hanggang sa sa totality yung ia-award sa kanila na damages ng nlrc court eh napunta na din sa law firm at lawyers.. ang galing di ba?

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 5
« Reply #179 on: March 11, 2011, 01:57:35 pm »

sa building namen where I work maraming seaman na utility paiba iba muka tapos tuwing umaga nakaline up sila sa labas, taga bukas sara nang pinto nang office nila. tapos one time pati pagbukas nang elevator dito sa building namen sila na pumipindot eh hehe. yung iba naman pati pinto nang building mismo sila rin nagbubukas hehe.

parang yung pinuntahan kong crewing manager kahapon. friend ni sis doris yung crewing manager. after ng sadya ko sa kanya hinatid nya pa ko hanggang elevator,pero habang patayo pa lang sya ng table sinabihan na nya yung isang utility na " yung elevator".. takbo naman si utility. kala ko kung ano yun, yun pala pindutin na para pagdating namin e hindi na masyado mag-aantay bumukas o umakyat elevator.  ;D

sa kwento naman ni hub nung utility pa lang sya, nakitira sya sa dorm ng magsaysay. oasis hotel yata yun. unahan daw sila sa pagsalubong sa mga bagong dating at pagkuha ng mga maleta kasi binibigyan daw sila ng tip.  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close