hello mga sis!
first of all i want to welcome sis
liyapot for joining this thread. and thank you din for your inputs! i've been waiting for the longest time na may mag-post dito na taga-office ng mga seaman. curious lang ako, syempre from a different perspective ang mga kwento mo, kaya nakakatuwa.
true yan sis when you said nakakatuwa ma-witness yung career growth ng isang seaman. my hub started in his company as a cadet. as in mag-bf/gf pa lang kami nun and totoy na totoy pa siya

utility, taga-timpla ng coffee, messenger etc...

and now na 12 years na siya sa company, we can feel na proud din yung mga staff sa kanya. even yung mga clerks and crewing assistant na matagal na din kase na-witness nila career ng husband ko. nakakataba tuloy ng puso

naku sis
liyapot kaya din ayoko ng tumatawag sa office kase ayoko maging "famous" LOL! yung tipong pag pumunta ka sa office magbubulungan yung mga staff as if sinasabing "yan yung makulit na misis!" hahaha! i have friends who are like that, makulit talaga. pero okay lang, kanya-kanyang diskarte talaga

nawindang naman ako sa "panty" na padala! fresh pa kaya? eeeewww!!
btw ask ko lang sis
liyapot, am sure marami ka nang nakitang seaman na maraming "allottee"

as in hindi lang yung wife hehe.. si hub kase ayaw magkwento pero sa nahuhuli ko minsan pag gumagawa siya ng MPO, may mga crew na ilan ang pinapadalhan without the wife's knowledge. syempre it's none of his business daw kaya no comment siya. nakakaawa lang lalo papag kilala namin yung wife

re padala, sa company nina hub they do check, pati yung mga blank CD they check kung ano laman. specially pag sa middle east magjo-join.
re allotment, i think it depends sa company. kina hub you will not receive an allotment for the first month talaga. say march nag-join, sa May pa yung first allotment na mare-receive ng misis.
haaay napahaba na post ko. miss ko na kase kayo
