yung kasal ko feeling ko simple wedding lang yun. Church wedding.
prenup namin yung friend lang namin na may SLR ang kumuha samin.
Invitations namin kami lang ng hubby ko ang gumawa. pati narin yung save the date. kami ang nagresearch at namili ng materials mula sa papel hanggang sa envelope.
Yung wedding gown at accesories I bought it from online wedding store na based sa China. RTW na dress. pina alter ko nalang dito kasi malaki. may entourage ako pero sila na sumagot ng damit.
Yung wedding veil kasi mahal siya pag bumili ka ng magandang klase, so ang ginawa namin kami lang din ang bumili ng tela tapos tinahi ng kaibigan ko ng de kamay lang. nilagyan ng comb at yun na ang ganda na niya!
Yung sapatos ko,, hindi ako bumili. yung lumang stiletto lang ginamit ko,, ang haba kasi ng dress ko, hindi rin naman kita.
HMU ko ang gumawa ay dalawang sisters ko. sila ang nagmake up at nag ayos ng hair ko pati narin ng sarili nila.
wala kaming bridal car. sa katunayan kasama ko yung groom sa sasakyan papunta ng church at pabalik ng hotel. ang driver yung bestman, yung katabi ko naman ay mga kapatid kong babae na abay din. ang nag design din car ay yung bestman na driver din!

my boquet of flowers ako pero I made sure yun ang pinakamura sa store at that time.
my photo/video ako pero murang package lang ang kinuha namin. walang album na kasama.
my photobooth ako,, bumili kami ng ink and paper kasi free yung labor dahil mga kaibigan namin ang gumawa. yung backdrop na ginamit dun kami rin mag asawa ang nagdesign at nagpaprint nun sa labas.
wedding cake,, yung murang masarap na galing lang sa maliit na bakeshop.
yung hotel preps namin kumuha lang kami ng isang room,, share na kami ng husband ko duon. duon din siya nag ayos at kinuhaan ng video.
wedding reception,, same hotel kung saan yung hotel preps para hindi magulo. buffet din kami at 80 people lang ang guests namin.
DJ namin para sa party namin ay again yung bestman namin na hehe.
Event stylists namin,, mga kaibigan namin at mga kapatid ko din na pawing lahat sila ay abay.
walang din kaming wedding coordinator. ang coordinators ay mga kaibigan at mga kapatid ko. again lahat sila mga abay din.
ang nagastos namin ay halos nasa 100,000 lang lahat-lahat. nasa abroad pa kami nito at mahal din magpakasal sa ibang bansa. naisip lang namin na kung gusto talaga ng mag asawa ng super simple na kasal kailangan ma involve ang family at friends mo sa wedding. otherwise, ang nakakamahal sa wedding eh yung magbabayad ka pa ng extra para sa help ng ibang tao. mas memorable din kapag hands on kayong mag asawa.
saka ngayon kasal na kami,, eto ay sakin lang opinion,, hindi importante kumuha ng mamahaling photo/video. bakit? kasi sa araw na yun kung super masaya kayong mag asawa, promise iba ang glow niyo sa pictures regardless kung professional man ang kumuha or hindi!

iba talaga. kahit nga gamit ay mobile camera lang,, maganda parin kayong tignan. kesa magbayad ng mahal sa mga wedding photographers na karamihan ay rip off kung maningil ang mga yan. kung sakin hindi siya practical.
para sakin din, lahat ng kasal pareho pareho lang yan pag natapos. it doesn't matter kung ginastusan yan or hindi,, ang maiiwan sainyo talaga ay memories. kung nagging masaya ba eto or hindi. mas nag eenjoy pa kami kapag pinag uusapan namin at binabalikan yung mga pinagdaanan namin during the prepaparation.

nga pala, wala din nakahalata na bisita na DIY lang lahat. may impression silang ang bongga ng wedding lalo na yung compliments na nakuha ko dahil itsura ng gown ko ,, di nila alam,, made in China lang yun! tee hee!.. at yung veil ay hand made lang.