Author Topic: The Simplest Wedding One Can Imagine  (Read 203854 times)

lovemeagain30

  • Guest
Re: The Simplest Wedding One Can Imagine
« Reply #340 on: February 26, 2014, 05:54:43 pm »
yung kasal ko feeling ko simple wedding lang yun. Church wedding.

prenup namin yung friend lang namin na may SLR ang kumuha samin.

Invitations namin kami lang ng hubby ko ang gumawa. pati narin yung save the date. kami ang nagresearch at namili ng materials mula sa papel hanggang sa envelope.

Yung wedding gown at accesories I bought it from online wedding store na based sa China. RTW na dress. pina alter ko nalang dito kasi malaki. may entourage ako pero sila na sumagot ng damit.

Yung wedding veil kasi mahal siya pag bumili ka ng magandang klase, so ang ginawa namin kami lang din ang bumili ng tela tapos tinahi ng kaibigan ko ng de kamay lang. nilagyan ng comb at yun na ang ganda na niya!

Yung sapatos ko,, hindi ako bumili. yung lumang stiletto lang ginamit ko,, ang haba kasi ng dress ko, hindi rin naman kita.

HMU ko ang gumawa ay dalawang sisters ko. sila ang nagmake up at nag ayos ng hair ko pati narin ng sarili nila.

wala kaming bridal car. sa katunayan kasama ko yung groom sa sasakyan papunta ng church at pabalik ng hotel. ang driver yung bestman, yung katabi ko naman ay mga kapatid kong babae na abay din. ang nag design din car ay yung bestman na driver din! :)

my boquet of flowers ako pero I made sure yun ang pinakamura sa store at that time.

my photo/video ako pero murang package lang ang kinuha namin. walang album na kasama.

my photobooth ako,, bumili kami ng ink and paper kasi free yung labor dahil mga kaibigan namin ang gumawa. yung backdrop na ginamit dun kami rin mag asawa ang nagdesign at nagpaprint nun sa labas.

wedding cake,, yung murang masarap na galing lang sa maliit na bakeshop.

yung hotel preps namin kumuha lang kami ng isang room,, share na kami ng husband ko duon. duon din siya nag ayos at kinuhaan ng video.

wedding reception,, same hotel kung saan yung hotel preps para hindi magulo. buffet din kami at 80 people lang ang guests namin.

DJ namin para sa party namin ay again yung bestman namin na hehe.

Event stylists namin,, mga kaibigan namin at mga kapatid ko din na pawing lahat sila ay abay.

walang din kaming wedding coordinator. ang coordinators ay mga kaibigan at mga kapatid ko. again lahat sila mga abay din.

ang nagastos namin ay halos nasa 100,000 lang lahat-lahat. nasa abroad pa kami nito at mahal din magpakasal sa ibang bansa. naisip lang namin na kung gusto talaga ng mag asawa ng super simple na kasal kailangan ma involve ang family at friends mo sa wedding. otherwise, ang nakakamahal sa wedding eh yung magbabayad ka pa ng extra para sa help ng ibang tao. mas memorable din kapag hands on kayong mag asawa.

saka ngayon kasal na kami,, eto ay sakin  lang opinion,, hindi importante kumuha ng mamahaling photo/video. bakit? kasi sa araw na yun kung super masaya kayong mag asawa, promise iba ang glow niyo sa pictures regardless kung professional man ang kumuha or hindi!  ;D iba talaga. kahit nga gamit ay mobile camera lang,, maganda parin kayong tignan. kesa magbayad ng mahal sa mga wedding photographers na karamihan ay rip off kung maningil ang mga yan. kung sakin hindi siya practical.

para sakin din, lahat ng kasal pareho pareho lang yan pag natapos. it doesn't matter kung ginastusan yan or hindi,, ang maiiwan sainyo talaga ay memories. kung nagging masaya ba eto or hindi. mas nag eenjoy pa kami kapag pinag uusapan namin at binabalikan yung mga pinagdaanan namin during the prepaparation.  :)

nga pala, wala din nakahalata na bisita na DIY lang lahat. may impression silang ang bongga ng wedding lalo na yung compliments na nakuha ko dahil itsura ng gown ko ,, di nila alam,, made in China lang yun! tee hee!.. at yung veil ay hand made lang.
« Last Edit: February 26, 2014, 06:03:19 pm by lovemeagain30 »

j.adore

  • Guest
Re: The Simplest Wedding One Can Imagine
« Reply #341 on: February 26, 2014, 07:36:06 pm »
^I've seen made in China gowns and I can attest na maganda din ang gawa nila for a fraction of the price ng mga dito sa Pinas. Yung mga nakikita sa bridal fair, mga 8-15k lang yun dun. Pag tinignan kasi ng malapitan yung sa mga fair (kahit yung mga sikat ha), hindi pulido ang gawa tapos ang mahal ng presyo.

Congrats for having a bongga-looking wedding without bongga price tag ;) Kainggit ka naman 100k lang! Ilan guests mo?

lovemeagain30

  • Guest
Re: The Simplest Wedding One Can Imagine
« Reply #342 on: February 26, 2014, 09:50:33 pm »
^ hi sis mga 80 guests lang. totoo naman na food ang kakain ng budget sa kasal,, saka photo/video. pero samin kasi I made sure na yung sa photo/video di ko gagastusan ng mahal. kahit sabihin isang beses kalang ikakasal. ang reason namin kasi, ilang beses ba kailangan tignan ang litrato namin mag asawa? ;D kasi after naman mai print yan,, tinatago mo lang din naman yun eh. pati rin sa video, dati nga nung nag abay ako, binigyan pako ng cd nung kasal nung friend ko,, utang na luob kahit kelan hindi ko pinanuod, naitapon ko rin yata tee hee!.

yung damit ko online ko siya kinuha. mura lang. maayos naman yung inorder ko mula sa China. pina alter ko lang ng konti pagkareceive ko. risky din kaya nagresearch talaga ako ng maigi para makahanap ako ng legit. reason ko rin bat hindi ako nagpagawa ay dahil mahal ang trahe de boda. isang beses mo lang din gagamitin,, tapos wala na. yung akin nga, ayun nakatambak sa cabinet! ;) imagine kung gumastos ako ng mahal dun? sayang lang ang pera.

by experience, lahat ng panghihinayang sa gastos lalabas yan after the event. maiisip mo sana hindi ka nalang gumastos sa ganito or sa ganyan kasi pede naman walang ganun. lalo na sa wedding. kasalanan eto ng mga artistang ginagawang fairy tale ang wedding nila,, tuloy yung iba ordinaryong tao gusto maging ganun din sa wedding nila.  walang masama pero mahirap ng kitain ang pera sa panahon.  :D

j.adore

  • Guest
Re: The Simplest Wedding One Can Imagine
« Reply #343 on: February 26, 2014, 10:45:07 pm »
Inggit much.. Pwede makita pictures niyo? :)

Di pa nga malapit wedding namin nanghihinayang na ako pero ang dami kasing mga gusto ni Fiance.

Yung sa picture, nag-abang ako ng discounted kasi like ko talaga yun as in mahilig ako maglook back through pictures.
Video kaya ko ilet go pero gusto ng mga tao meron at least documentation daw. Meron naman mura na ganon.

Nung una meron ako gusto designer tapos sabi ni Fiance, ano daw gagawin ko after at wala ako nasagot kaya ayon.. Dun din ako kukuha :)

lovemeagain30

  • Guest
Re: The Simplest Wedding One Can Imagine
« Reply #344 on: February 27, 2014, 09:03:06 pm »
Sis j.adore pede naman siguro ako magpakita ng picture sayo kaso di ko lang lam pano dito ipost? ayaw ko naman ibroadcast sa lahat pagmumukha namin ng asawa ko,, hahaha!

yun naman talaga ang tanong ng karamihan pagdating sa damit,, ano ang gagawin mo dun pagkatapos? unless may kamag anak kang pagbibigyan ka ng damit mo pagkatapos or balak mong ipahiram sa gusting magreyna elena!  ;D mga ganun. para sakin hindi practical masyadong pagkagatusan ng bongga.

yung fiancée mo ba eh kasama mo din lage sa mga plano niyo? as in hands on kayo pareho? kasi sa amin mag asawa ang wedding day for us is just an icing on the cake. ang pinaka memorable samin ay yung preparation towards the wedding day. yung talaga ang best memory na naiwan samin apart from the wedding vows during the church ceremony. feeling ko isa yun sa nagpalakas ng bonding namin. karamihan ng ginawa namin sa kasal ay DIY dahil sa sobrang pagnanais namin na maging simple eto at hindi magastos. so madami kaming memories talaga ng brainstorming with our family and friends, mga lakad dito, lakad duon, gupit ng mga invitations at minsan nag aaway pa kami niyan dahil lang sa mali ang kulay ng ribbon na nabili sa stationery shop.

share ko lang na one time malapit na ang kasal namin, mga 1 week nalang, nag request si hubby na magkaron kami ng "photobooth" sa reception. inisip ko ng 5 minutes then I answered him "NO". baka kasi kaso kulangin kami ng pambayad ng reception food namin if in case mag excess kami ng expected guests.kaso gusto talaga ni hubby. so nag isip kami ng "alternative". kumausap kami ng kaibigan kung may kakilala silang murang photobooth,, buti nalang yung isang abay ko balak nila mag business niyan, the thing is wala silang budget at kulang pa sila ng gamit like wala silang ilaw. ang meron lang sila ay SLR camera at printer. Sino ba naman client ang gusting sumugal kunin sila kung kulang pa sila sa gamit? So nakipag deal kami,, sasagutin namin ang ink at paper, kami na ang unang client nila na pedeng gamitin sa FB page, pero sila na bahala sa props at sa design sa photo paper. ayun pumayag!  kami na ng hubby ko ang nag design backdrop at naghanap ng mumurahing printing press. tapos on the day itself,, napansin ng video/photo namin walang ilaw ang photobooth section and whoala! ipinahiram nila ng libre ang ilaw nila,, ang ganda ng photobooth namin tuwang tuwa ang mga bisita naming ibang lahi.  hindi nila napansin hindi pa gawa ng professional yun.. kami kami lang trumabaho. ;D

so ayun,, pag nakakahinayang gastusan ang ilang bagay sa kasal na halos yung nice to have lang, look for an alternative. not necessarily lahat ng best ay kailangan bayaran ng mahal. sabi ko nga its how you plan and prepare the wedding that will make it memorable.

OT na to pero kwento ko lang. yung sis in law ko sa manila will have a wedding in one of the church in intramuros. di ko na babanggitin kung saan yun at sana wala akong ma offend. the cost of the church itself i think is more than P21,000 ++ plus.. that means kung may dramatic closed door effect ang bride sa pag entrance ay additional P1K and kung kukunan yung photo inside the church on the top view angle is additional P1K din ata.. isa lang reaction namin ni hubby nung nalaman natin to,, that's Rip OFF!  >:( Business na ang pagpapakasal niyan kung ganyan blessing palang sa simbahan ay kailangan mo ng ubusin ang pinaghirapan mong pera. kaya madami katoliko ayaw magpakasal sa pari dahil sa ganyang pag aakalang mahal ang kasal na kung tutuusin pede naman hindi.

kaso gusto daw ni SIL dun sa church nayun,, problemado nga lang siya kasi yung fiancé niya hindi siya tinutulungan sa planning. parang inasa sakanya lahat. nasa barko din kasi naman yung lalake, kaso nung umuwi dumirecho agad sa probinsya (naisipan muna magpahinga) at babalik nalang ng manila almost 3 months before the actual wedding. till now wala pa din silang wedding theme at motif. pagbalik nalang daw nila pag usapan. sabi ko nga,, ayos ah feeling guests lang sa kasal nila! ;D

ayun sensya na kung soooobrang napahaba ang post ko. napasarap akong magkwento.  :)
« Last Edit: February 27, 2014, 09:12:22 pm by lovemeagain30 »

j.adore

  • Guest
Re: The Simplest Wedding One Can Imagine
« Reply #345 on: February 27, 2014, 10:03:03 pm »
lovemeagain30, PM ko na lang email ko at kahit yung sa mga details lang or i-crop/cover yung faces niyo para sa privacy haha

Actually..may mga nababasa ako na di alam gagawin sa gown haha! Kung ibebenta or itatago or what. Sayang yung funds..

Kasama ko lagi si Fiance as in yun na yung dates namin :-* Saka hello ikakasal din naman siya at ayoko na may reklamo siya so kailangan din niya magdecide sa mga bagay bagay. Nakakatawa lang parang mas arte pa siya ngayon kesa sakin ::)

Alam ko na meron talagang mga church na konting galaw mo lang may bayad na. Nakakainis kasi ginagawang business! Buti na lang yung sa church namin di ganyan pero mahal pa din huhu. Wala eh.. Di ako pakakasal ng family kung hindi Catholic wedding and I would want their blessing :)

Kawawa naman SIL mo.. Iba kasi yung happiness and excitement pag kasama yung groom-to-be lalo na pag nangengelam siya haha! Eh kung ganyan ang scenario, sabihin mo sa SIL mo gawin niya lahat ng gusto niya :P

lovemeagain30

  • Guest
Re: The Simplest Wedding One Can Imagine
« Reply #346 on: March 02, 2014, 04:03:06 pm »
^ goodluck sa wedding preps mo sis j. adore! for sure it will be memorable. I think since active ka sa GT magkakaron ka niyan ng simple and memorable wedding kasi madami ka ng ideas na pede mong ishare kay fiancée mo.  ;D

yup enjoy the wedding preps! for me, it's  like a 'dry run" on how you're going to lead your lives in the future as married couple like sa mga major decision kung hands on kayo pareho or isang tao lang ang nagdedecide. my mantra during our wedding planning,  if the 'wants' are expensive think of alternatives. enjoy! ;D


clueless_bride

  • Guest
Re: The Simplest Wedding One Can Imagine
« Reply #347 on: March 03, 2014, 05:09:46 pm »
may venue na kayo sis?
^^ ako din sis,..pag sinasabi ng relatives ko na bongga nadaw wedding ko,.. Sinabi ko pdin na simple lang yan,.. Kung alam lang nila gano kabongga ang wedding ng mga gtalkers dito..hahaha...
Tipong suppliers palang,.. To the highest level na:)) when wedding mo sis?

^pero enjoy padin naman, diba :)

hun_nie08

  • Guest
Re: The Simplest Wedding One Can Imagine
« Reply #348 on: March 19, 2014, 01:55:58 am »
I want a simple wedding lang din... Ang importante naman kasi yung blessings.. nakakainspire naman kayo,,

angelspawn

  • Guest
Re: The Simplest Wedding One Can Imagine
« Reply #349 on: March 19, 2014, 06:04:44 am »
Here's what my friend did:

Church - small chapel ng Mt Carmel, rites only
Reception - eat all you can buffet for 20 pax
Entourage - MOH, BM, 5 pairs of ninong at ninang na sila na din ang PS
Attire - white cocktail dress for the bride, white long sleeves polo for the groom
P/V - free, asked some friends to do it.

They splurged sa wedding rings. Honeymoon nila sa Coron, Palawan 4d/3n stay na. Promo flight plus accommodations. The bride did her own make up. Walang program during the reception. They also asked their guests for monetary gift.

Ganyan kasimple ang gusto nya. Total expense: less than 100k. They got married last year.
« Last Edit: April 19, 2014, 06:05:49 pm by angelspawn »

hun_nie08

  • Guest
Re: The Simplest Wedding One Can Imagine
« Reply #350 on: March 19, 2014, 07:04:41 am »
Sige nagbago na ang isip ko haha.. I will have this kind of wedding....


sa province naman ako ikakasal so mura lang cater dun parang 18k for 170 pax na...
stick na lang ako sa 3 ento at yung ps siguro mga 3 pairs. yung mga tito at tita at parents ng friends namin. sa gown - may mag 3k daw na ok na in divi - naisip ko kasi anong gagawin ko sa gown after... sayang if you will spend thousands for it.

monamie02

  • Guest
Re: The Simplest Wedding One Can Imagine
« Reply #351 on: March 19, 2014, 10:49:04 am »
Sige nagbago na ang isip ko haha.. I will have this kind of wedding....


sa province naman ako ikakasal so mura lang cater dun parang 18k for 170 pax na...
stick na lang ako sa 3 ento at yung ps siguro mga 3 pairs. yung mga tito at tita at parents ng friends namin. sa gown - may mag 3k daw na ok na in divi - naisip ko kasi anong gagawin ko sa gown after... sayang if you will spend thousands for it.

Sa amin sis sa province din. almost 100K din lahat nagastos namin. 160 pax. ang gown ko sa divi din pinatahi 5k. tapos 2pairs of abay lang. 2fg at 3 bearer. Yung babaeng abay infinity dress ang suot. the rest puro rent at kanya kanya.

hun_nie08

  • Guest
Re: The Simplest Wedding One Can Imagine
« Reply #352 on: March 19, 2014, 11:28:16 pm »
Thank you sis.. mga ganun nga din yung budget ko.. san ka nakabili ng infinity dress? mahal din yung nakita ko kasing ganun e

monamie02

  • Guest
Re: The Simplest Wedding One Can Imagine
« Reply #353 on: March 20, 2014, 10:25:29 am »
sa cheesecake ako nagpagawa sis. nakaabutan ko pa kasi yung promo nila na free shipping fee kaya nakatipid din.

hun_nie08

  • Guest
Re: The Simplest Wedding One Can Imagine
« Reply #354 on: March 20, 2014, 11:51:08 pm »
Okay sis - mejo mahal nga din kasi e... :)

BDJ

  • Guest
Re: The Simplest Wedding One Can Imagine
« Reply #355 on: April 13, 2014, 11:51:31 am »
Since we are civil wedding last Friday then ang attire ko is yung dati ko nang white polo and black pants then hubby ko white long sleeve lang and black pants rin. Wala kaming ginastos mashado for attire dahil yung ginagamit namin noon yun na rin ginamit namin. Tapos ang reception namin sa shakeys we availed the monster deal, sinabay pa namin sa birthday ng nephew ko so nag avail na lang kami ng cake sa red ribbon. Over all 7K lang ang ginastos namin because of wedding and reception.

jonahh08

  • Guest
Re: The Simplest Wedding One Can Imagine
« Reply #356 on: April 18, 2014, 01:11:04 am »
Nakaka inspire naman ang mga stories dito. Papabasa ko nga ito kay h2b para maliwanagan sya. Haha! Ang gusto nya kasi is kasalang bongga! Nakapag-pabook na kami sa church, reception venue at p/v na ang mamahal! My God! Kung ako lang masusunod mas okay sakin ang simple pero memorable. Kaya ngayon ipipilit ko na talaga kay h2b na magtipid na sa ibang bagay.

airish_2

  • Guest
Re: The Simplest Wedding One Can Imagine
« Reply #357 on: April 18, 2014, 10:27:21 am »
gusto ko ng simple wedding not just because of the budget, kasi it suited my personality.

deathwatchspider

  • Guest
Re: The Simplest Wedding One Can Imagine
« Reply #358 on: April 18, 2014, 07:25:32 pm »
while doing our venue and church hunting, h2b and i chanced upon this small chapel na parang nasa hill. inside stonecrest village. ilang hakbang lang from the clubhouse. sobrang nagustuhan ni h2b. kaso di kasya dun ang mga guests namin. so we are already planning na in our 10th or 25th anniv, mag renewal of vows kami dun sa chapel. with just a few of our closest family and friends. yun naman talaga ang gusto namin from the start..a small and intimate wedding. right now kasi, we cant do this yet because kami palang pareho ang ikakasal sa church on both sides. tapos pareho pang panganay.  :D

sa cheesecake ako nagpagawa sis. nakaabutan ko pa kasi yung promo nila na free shipping fee kaya nakatipid din.

ok ba ang cheesecake infinity dress sis?  makapal ba yung tela? kasi yung mga nakikita ko sa divi, ang ninipis eh.  ::). im thinking of getting from them na lang kasi super budgeted na din.

january2

  • Guest

 

Latest Stories

Load More Stories
Close