Ganun talaga.. ikaw talaga ang magso-shoulder ng security bond kasi hindi lang naman yung caterer ang possible na makasira eh...
I am not throwing stone to anyone, huh? But possible naman talaga na yung decor supplier mo or even guests.
May mga decor suppliers po kasi na kahit na sinabi nang bawal yung ganito, gagawin pa rin kasi ang point nila, magawa nila whatever they have promised to their client... whatever it takes... My point naman sila... kung tayo yung client, I am sure, ganun din ang expectation natin. Kesahodang mag-tumbling sila diyan basta makita mo kung ano yung nai-promise na nila at hindi siya mababago dahil lang sa pinagbawalan silang magkabit ng ganito or ganyan. You will definitely say na, "eh di sana nag-ocular muna kayo bago kayo nag-propose ng ganyang design para nalaman na ninyo kung ano lang ang puwedeng gawin." And problem comes in pag yung decor supplier mo eh set up lang ang gagawin and won't stay to pull out whatever they have installed within the venue. Two things na ngayon ang puwedeng mangyari diyan:
1. Staff ng catering service ang magta-tanggal - sometimes, the client ask them the favor of removing a few kasi ipamimigay sa mga guests or sila mismo ang mag-uuwi. The thing is, since hindi naman sila ang nagkabit, no idea sila kung paano ito tatanggalin nang maayos talaga. Plus, siyempre mas gusto nilang unahin yung work talaga nila which they are paid of and not anything else na hindi naman talaga included sa job description nila. Kaya at times, nagmamadali silang magawa agad ito at medyo careless na. Dun nagkakaroon ng problema or possibility na maka-damage. And against their will, sila ang mapagbibintangang na-damage.
2. Guest ang nagta-tanggal - may mga guests na hindi po makapaghintay na matapos ang party at pinipitas na yung mga decor sa ceiling and wall (may na-witness pa nga ako na yung sa entrance mismo). Pero minsan naman, nagta-tantrums na kasi yung mga baby nila and ang way nila para malibang yung bata is thru balloons na kailangan ngang pitasin pa from the set up. And just like mentioned above, they don't have any idea kung paano ikinabit iyun at ano ang possible na damage na puwedeng ma-create nito if they will continue doing it. Heto na ngayon, since catering service ang huling-huling nagpu-pull out, sila ang mapagbibintangan ng Admin na nakasira.
On the other hand, may mga decor suppliers talaga that leave a staff or stay talaga during the entire party to ensure na kung may mga guests na ganito, maawat agad nila at matutulungang makakuha ng balloons in a proper way. But just the same, kung hindi ganito ang set up ng nakuha mong supplier, you can't demand them or you can't blame them kung mag-charge sila ng extra for asking them to leave a staff or ask them na bumalik pa para mag-pull out.
Bottomline, ikaw ang responsible sa kung ano ang puwedeng maging act ng mga suppliers na ikaw rin ang kumuha at idagdag pa siyempre yung act na puwedeng gawin ng mga guests mo. But if you trust your suppliers and guests, i think, you don't have to worry that much dahil sure ka na mababalik sa iyo ng buo yung security bond. Medyo mabigat lang talaga sa bulsa... but then, wala tayong choice eh. Take it or leave it yan. Ang ending, ikaw pa rin ang magsa-suffer kung magmamatigas kang di magbayad.