watch now

Author Topic: How did you reach your first million?What age and how?Inspirational stories 2  (Read 108415 times)

empire_maker16

  • Guest
How would i start... anyway, i'm newbie here (just kidding!) actually new lang ang username ko dahil sa kadahilanan na nalimutan ko ang password ko before.

I'm 23 years old. Currently working as full time employee. I almost work 8-10 hours a day; monday to saturday and sometimes sunday pag may mga need ako gawin.
I work to office monday to saturday and sunday kasi after church pag wala na ako magawa aside sa pahinga eh inaayos ko ang investment portfolio ko. (work pa din yun sa akin haha)

To be honest po mga sissy, at this age I already have almost 3M because since gradeschool ako nagiipon ako at siyempre nagnenegosyo ako... YES! im not kidding, pati mga stationaries pinapatos ko binebenta ko yan sa mga kakilala ko.. usong uso kasi ang stationaries dati at pag may uwi galing abroad lagi ko request stationaries para masell ko yan. Until highschool to college nagsell ako ng makeups, skincare, perfumes or minsan resell ng gadgets. andami ko sideline super dami haha! and noong after graduation humingi ako ng gifts siyempre ang hiningi ko sa parents ko is 150k yun lang at wala na iba.. kahit gusto ko magabroad nun nagstick ako sa cash na lang dahil balak ko ituloy ang reselling ko ng kung ano ano. after 2 weeks of vacation work na ako agad, minsan naiisip ko bakit ang aga ko nagpasabak sa magulong mundo ng opisina before kaka-stress at kakapagod lang samantalang mga kaklase ko 6 months bakasyon pa din. Pero okay na rin atleast nakasimula ako agad kumita. Medyo mahigpit ako sa pera dahil nanakawan na ako before ng almost 60k dahil pabaya ako at nascam na ako sa online shopping. Kaya ang pera sa akin nakakadena haha tho minsan napapa splurge ako at hindi ko maiwasan kaya naman ang ginagawa ko eh doble kayod nanaman.

How did i get my 3m?

Totoo yung sinasabi na mahirap kitain ang first million, kaya pag naiisip ko hirap ko din diyan eh talagang iwas ako sa gastos. Full-time employee ako ng isang manufacturing company, ang rate ko is 25,000 per month at sales agent ako doon. Sa simula, napakahirap ng work ko hindi ko maintindihan ang produkto namin dahil ang alam ko lang make-ups haha pero thanks to my parents na supportive at pinagaral ako sa magandang school kaya mabilis ako pumick-up haha. Anyway, back to topic na.. aside sa 25k a month wala ng tax yan ah at nahiwalay na SSS at philhealth diyan.. May free allowance naman ako a food kaya no need gumastos.. so yung 25,000 yung 10,000 pang overall gastos ko na yan sa isang buwan ginagawa ko lahat ng gusto ko diyan kaya may ipon ako 15k every month. Plus, madami ako sideline at mga reselling ng kung ano ano. Plus, sales department ako kaya my komisyon ako kaya malaki ang kinita ko.. Malalaki kasi ang nakuha ko na benta kaya malaking reward din nakuha ko.. and then di lang ako nagstick sa ganito.. sumali din ako ng lahat ng klase ng funds ng banks at siyempre stocks malaki na shares ko sa mga stocks kaya dumami din pera ko.. plus naginvest din ako sa isang business and malaking percentage ang mapupunta sa akin kaya this time i'm aiming na 5M na ako this year.. dapat mangyari pero kung hindi man by end of 2014 dapat maka 8M na ako..
pero mga sis to be honest, sobrang hirap din pinagdaanan ko kaya gigising ako madaling araw para magwork tapos uuwi ako galing biyahe minsan gabing gabi na pero carry pa din.. dumarating na minsan ang time na pagod na pagod na ako pero pag naiisip ko na andito na ako bakit pa ako magquit kaya ayun tuloy tuloy pa din kaya minsan binibigyan ko na lang ng reward ang sarili ko like salon, spa, derma etc mga ganun and most specially as a reward i'll make my self very healthy kaya fruits and veggies lang ako.. ang hirap din magsell minsan di ka pinapansin, binabara ka pa minsan pero carry pa din.

Lesson learned and advice:

Always keep going! kahit dumarating na yung point na you want to give up tuloy niyo pa din. stick to your goals.. Stay healthy.. DONT JUST SAVE! INVEST and MARKET/SALES and BUSINESS and PRAYInvest your hard earned money the right way. Know how to MARKET/SALES items/products to have extra income or another income aside sa salary mo. Learn how to BUSINESS and earn a lo (make an empire of business). Always PRAY to our LORD, He will guide us and help us to achieve our goals... and also HAVE FAITH in yourself na kaya mo yan.. kung nagawa nga ng iba magka million eh di kayang kaya mo din! :) and REWARD yourself pag na achieve mo... kung hindi mo na achieve or hindi mo nakuha ang goal mo pero nasimulan mo na, wag maging sad at ituloy mo lang.. kun hindi mo talaga nasisimulan pa, e mgsimula ka na.. wag ka n magpabukas or maya-na system dahil sayang ang oras... Have courage and take risks! :)

i state my stories not to impress or magyabang sa lahat, i just want to inspire people na kung ako nagawa ko sa edad na to lalo na kayo.. simple lang ako na student at wala ako honor nung college muntik pa ako bumagsak and hindi ako nageexcel sa kung ano.. pero madiskarte ako kaya achieve ko pa din haha.. kaya kayo mga sissies mas magaling kayo sa akin kaya magagawa niyo rin to..

beach

  • Guest
Empire_maker16, thank you for sharing your story. Very mahaba but also very inspiring. Love it. I wish I had the foresight to save when I was younger... like you did. Nung grade school siguro, and if we were classmates, baka one of your customers ako na binebentahan ng stationary. hehe. :)

Anyway, I really like reading this thread kahit ilang beses ko na nauulit. Kasi it reminds me to save and it motivates me to stick to my frugal lifestyle.

For the past month, I have been spending non-stop kasi ang dami ko inaanak (I give really nice gifts) and weakness ko talaga to shop. I've also developed the habit of eating at really nice restaurants kasi mas romantic. Medyo nag-aargue kasi kami ni h2b sa wedding stuff at times and it helps if we are in a nice place, hindi kami nakaka-argue, hehe.

Tsaka I haven't updated my Net Worth sheet. So I am really happy I read this blog again. Inspires me again to stick back to saving mode. :)

empire_maker16

  • Guest
@beach hi po! thank you for that.. hehe baka nga sis ikaw ang maging isang customer ko.. pag naaalala ko yun minsan natatawa na lang ako dahil naiisip ko ganun ba ako kagrabe at pati mga ganun gamit binenta ko pa.. pero atleast naisip ko naman belong yan mga stationaries na yan sa million na hawak ko ngayon haha.. ako din po napapagastos din talaga pero once na napapagastos ako ng malaki, i'll make sure na doble hanggang triple ang kayod na gagawin ka para hindi lang maibalik ang nagastos ko at para mahigitan pa ang balik :)

khassy888

  • Guest
uhmmm na-inspired ako at the same time may pagsisisi din akong naramdaman.

i had my first million at the age of 19, one year ko lang pinagipunan yun. my mom is based in japan, eventually she married a japanese (my biological father died when i was 4) and became a japanese citizen, so na-petition nya kami ng mga kuya ko. 3 days ko pa lang sa japan  when i first landed my job. i worked as a factory worker/encoder sa honda. 8 hours a day ang work ko. yung mga kasama ko sa work nagpa-part time sila sa SHARP as factory worker sa gabi kasi may mga anak silang sinusustentuhan dito sa pinas. nung nakasanayan ko na ang work ko sa honda at chicken na chicken na lang sakin ang trabaho ko (it took me a month) sumama na din ako sa mga ka-work ko na mag part time sa sharp. nsa 170k in peso/month din kinikita ko. pero syempre nagse-share din ako ng gastusin sa bahay. i-minus pa ang tax na kinakaltas sakin at higit sa lahat dahil bata pa ako noon nabulag ako sa masarap na buhay na pinatikim sakin ng japan. wala akong bank account nung time na yun. lahat ng sweldo ko diretso sa wallet ko at lahat ng pera sa wallet ko diretso sa pagsa-shopping ng clothes, shoes, bag, jewelries, and latest gadgets plus padala sa mga kamag anak na maya't maya ata eh may nangyayaring emergency "DAW" sa kanila walang ibang malapitan kundi ako at pamilya ko. at dahil likas sakin ang mapagbigay at UTO-UTO bigay lang ako ng bigay kasi feeling ko mayaman ako noon dahil wala naman akong magulang na pinapadalhan ng pera, kapatid na pinag-aaral o anak na sinusustentuhan. sige lang ako ng sige sa paglalabas ng pera. kahit papano naka-ipon naman ako ng more than 500k. umuwi ako dito sa pinas to marry my long time bf, nasa ibang bansa din sya. so we decided na sabay kami umuwi at magpakasal na. pag uwi namin dito sa pinas puro gastos pa rin ang inabot namin, syempre dahil galing ako sa masarap na buhay hindi ako agad nakapag adjust sa buhay namin dito sa pinas. gastos dito gastos dun. kaya ang ending nung nauubos na ang pera namin ni hubby, dali-dali syang bumalik sa abroad para masustentuhan ako at anak namin. from riches to rag ang inabot ko. as in from "masarap to hirap" kinailangan pang mawala sakin ang lahat bago ako matuto, pero yun naman ang kadalasan na nangyayari, hindi mo pahahalagahan ang biyayang meron ka hangga't hindi binabawi sayo. pero hindi naman ako nalungkot dahil dun. i charge it to experience na lang. marami akong natutunan sa lahat ng paghihirap na naranasan ko simula ng mawala ang magandang buhay sakin. sa ngayon from being waldas certified kuripot na ako ngayon. 26 na ako ngayon at medyo nakaka-ipon na din. yung perang naipon ko eh naka-invest sa stock market. im hoping na bago ako mag 30y/o eh may 1 million na ulit ako at hinding hindi ko na sasayangin. :)

yena^_^

  • Guest
^wow ganda ng story mo sis. I know makaka1M din kayo and more sooner.  :)

kwang sun

  • Guest
^ sis do you do trading or nag invest ka lang?

scents01

  • Guest
Ako naman, im already 27 years old, corporate work sa BPO after college until 4 years ang work history ko, then worked for Odesk for almost a year after giving birth to my first son. Syempre during my first 4 corporate years, walang ipon. I lived independently. Puro pasarap, shopping, gadgets, gimiks, travels and pagkaskas ng credit cards. Pag may hihingin ang family, bigay agad, pang birthdays, fiesta, graduation etc. When i worked for Odesk naging times 3 ang sahod ko pero wala pa ring ipon because kay baby pa rin napunta almost lahat then gastos sa house. I just reached my first million last year when I joined the International Sales. I get to travel outside the country, company's expense plus commission. Pero super hardwork din ang kailangan. Kung mahiyain ako dati, ngayon lakasan na rin ng loob. Sales is also not my comfort zone. I also did try and try until you succeed. Kahit maraming rejections ng tao, sige pa rin, until I catched a "big fish". Kahit I was in my first trimester on my second son, todo work pa rin. Doing client presentations, flying abroad, doing talks, attending seminars and business meetings the whole day. Mahirap super, yung tipong kakauwi mo lang ng pinas pero you need to fly out asap kasi business commitments. In the middle ng Bagyong Maring you have to get out of the house and sagupain ang baha to meet big clients. Yung tipong gustong gusto mo ng magpahinga at ipamper sarili mo kasi buntis ka kaya lang no choice kasi minsan lang dumating ang ganitong opportunity. Wala namang pagsisisi though kasi im reaping all the benefits now plus the baby is healthy.

I just realized that you really have to make sacrifices. And sipag and tyaga talaga. And positive thinking. Bukambibig ko kasi noon na Im making 100million sales a month. Yun ang lagi kong sinasabi. Sa awa ni Lord, naging totoo naman and so much more. Tama nga siguro sila, you have to claim it. I achieved a top sales award last year and this has been my greatest achievement so far. Now im on my 7th month ng pagbubuntis, work pa rin sa office. If kaya ko pa daw magtravel, payagan pa rin ako ng mga bosses ko. :)

With proper attitude and mindset, and prayers kay Lord, kaya pala :)
« Last Edit: January 19, 2014, 06:17:45 am by scents01 »

scents01

  • Guest
^sinwerte lang sis.. I was with gdev before as financial analyst..

khassy888

  • Guest
thanks sis yena  :) ngayon ko lang napansin na inspirational stories pala ito, yung story ko parang hindi naman masyadong inspirational since pabagsak sya. but i will surely post gain once i hit my 1st million again.  :)


^ sis do you do trading or nag invest ka lang?

hi sis, d ko alam kung sino samin ni sis yena ang tinatanong, since nabanggit ko dun sa post ko na im into stock market din. i have two existing account in col financial. yung isa pang day trade ko, yung isa naman pang long term.
« Last Edit: January 20, 2014, 12:06:03 am by khassy888 »

loveann

  • Guest
wow! ang gagaling ng mga sisses natin ;D
By the way, i'm turning 30 this year, back to zero ako kasi I gave birth lang last October.
I wish makapag save ang for my children's future. Think positive lang ako

smua2014

  • Guest
21. Mag uumpisa palang mag save and mag invest hehe. Hopefully, I'd have my first million before I turn 30.  :)

green-aholic

  • Guest
I'm 27 and i must say na di ko naipon yung sweldo ko  before. Now pa lang ako magsisimula mag ipon kung kelan madami pa din akong pagkakagastusan. Nakakainggit yung maagamg nakapag ipon. I don't think magakakamilyon ako beforeni turn 31. Nakakainspire yung mga kwento. Is it possible na 31 ako eh magkamilyon ako agad? Any suggestions na pwede ko gawin para maging posible ito?

yena^_^

  • Guest
^sis 27 din kami nagstart mag-ipon, you can do it sis! In our case we went abroad and subrang nagtipid talaga, di kami bumili ng mga gadgets at kahit ano-ano pa, tipid lang and invest.
If entrepreneurial ka naman sis I think kahit nasa Pinas kayang kaya mo, you just need to work hard and smart with proper financial mindset.  ;)
« Last Edit: March 13, 2014, 07:22:28 pm by yena^_^ »

green-aholic

  • Guest
^nakuuu thank you sis!! This words of encouragement means a lot. Atleast meron nakong direction. Di ko na magagawang excuse na 27 nako kaya di ko na maaabot ang pangarap kong maging millionaire while still young. Buti na lang napadpad ako sa thread na to. Mag iipon nako. Meron naman akong investment sa bank pero sobrang liit nun. I will spend wisely at magsisimula na magsave! 28 nako sa may, so i guess dapat talaga simulan ko na next month. Salamat talaga sis at binigyan mo ko ng pag asa! Ang saya talaga dito sa gt, suportahan at tulungan ang mga sis, very positive dito, very encouraging and motivating ang mga tao dito. Salamat ulit sis yena!! Magbackread pa ako para lalo ako mainspire. :)

smua2014

  • Guest
Nakakamotivate talaga tong thread na to.  ;D

yena^_^

  • Guest
^^ May iba nga dito sis na nagsimula talaga sa negative pero nagka-millions din, so malaki talaga pag-asa mo.
Learn to invest sa medyo aggressive instruments like stock market or equity funds para mas lumago investments mo, medyo mataas lang ang risk nya but since bata ka pa marami pang time na bumawi in case (wag naman sana). Pag sa bank lang kasi kakainin ng inflation pera mo, just leave enough money for emergency fund sa bank, the rest put it in a more aggressive instrument or gawing puhunan sa small business.

green-aholic

  • Guest
Lalo ko tuloy nagugustuhan na mag abroad.. hmmm.. meron ako short term fund pero mababang amount lang eh. Basta, gagawa ako ng paraan na bago mawala sa kalendaryo ang edad ko eh me milyon nako! Kaya ko din to katulad nyo. Magsisimula nako maghanap ng opportunities bukas. Proper mindset lang talaga.

twinxz

  • Guest
Continually praying for me to have my 1st million as the mind-set has been there since I was little. I have invested in stocks, which I haven't checked for 6 years now? hehe.

The problem now is, I have lots of things to prioritize (starting a family, taking up masters degree and putting up my business) rather than achieving this at the moment. :( Well, I may not have it before my 30's, but as long as I'm surviving then I'll hope and try to have it. Most likely, by working abroad.

cecilydee

  • Guest
im pretty sure i will achieve this before i reach 30 (by end of 2015). im only less than 2 yrs shy away from that goal. (sana good health ako and non major financial thing is needed within 2 years *cross fingers* i will achieve this thru conservative means: saving lang talaga (since 2011 (26yo ako non)- so three years ko pinag ipunan ito - sa abroad :)). as soon as this happened, im planning to start taking risks na. like investing in a business or stocks...let me study the options.
« Last Edit: March 18, 2014, 02:02:43 pm by cecilydee »

MissChievous

  • Guest
^ Go sis. Ako din. I'm affirming it. I'm going to reach my first million by 30. ~4 years to go pa. Carry yan. At least 1M yan. Ngayon lang kc ako nag start sa finances ko eh. I'm also tracking my assets now, not my net worth yet. Kelangan pa evaluate yung liabilities. hehe.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close