watch now

Author Topic: How did you reach your first million?What age and how?Inspirational stories 2  (Read 108253 times)

mommyysa

  • Guest
Upon reading this thread, nakita ko most of you here are bata pa. nahiya naman ako sa edad ko na mag 29 na ako next year. pero i told myself na i'm going to buy a house/condo before i turn 30. it doesnt mean na fully paid yun, but enough to cover monthly payment for a year aside from the downpayment, maybe that would cost me a million. thinking of 1 year and 1/2 to go, parang ang hirap, ang imposible. pero sabi nga sa book na binabasa ko, walang imposible kung gusto mo. if there's a will, there's a way ika nga. I'm scared, before kaylangan ko i-fight yung takot na yun to fulfill my dreams. I'm telling you, I am married na and meron na akong daughter na 2 years old, we don't have any investment yet, we have a joint account sa bank hindi sya maliit, hindi rin malaki, pero hindi ko sya sinasali, parang walang joint account. And upon reading this nabuhayan ako ng dugo, i felt the desire to really get what i want for myself and family. I know I can have my million before i reach 30 or let's say pag 30 ko, i have our own home, our own place. :-)

I'll share it with you once step by step. :-)

For now, I'm getting money as a financial consultant from AXA Philippines-Metrobank.

Let's help each other boost confidence and motivate. maganda ata may page tayo eh. haha! :-)

eggybruns

  • Guest
Nakakatuwa naman basahin ang mga stories nyo and very inspiring.  :)

Share ko din ang sakin.. :)
I'm 28, working for almost 7 years. 3 years of those ay overseas.
Technically, I reached my 1st M when I was 27 pero napunta sa pagbili and renovate ng bahay.
We had to buy a house few years back, nagpanic kasi kami kala namin papa alisin na kami dun sa tinitirahan namin dati so nagtulong kami ng mama ko, she helped me with the downpayment. Blessing din na nakapag abroad ako so at 26, I already have my own house. Kaya lang pagka bayad nung loan we had it renovated naman, for safety at para prepared nadin sa baha kasi naexperience na namin so dun na napupunta halos lahat ng savings ko, tulong tulong din kaming pamilya sa gastos, hindi pala biro ang magpagawa ng bahay. Pero happy naman kami atsaka honestly parang dream come true nadin yun, dati pinaplano lang namin tapos ayan na sya. After magawa yung bahay dun palang ako nakapag simula magipon ulit, meron din ako small investments like mutual funds and stocks on the side. Nakasanayan nadin na magtabi para sa travel ng family, once a year umaalis kami. Yung pag travel eh want nalang yun at hindi need, pero sinisingit ko sya talaga kasi gusto ko ma experience yun ng mama ko, because I believe that she really deserved it. :)

I am now done building my emergency fund. Next is I am looking at getting an insurance. Unti unti pero dapat may goal.

Galingan natin lahat mga sis, good luck sa ating lahat.  :D

kaminari12

  • Guest
I was 27 then. Nabigyan ng break na ma-assign overseas. Lahat ng pagtitipid ginawa ko; I prepare and cook my baon instead na kumain sa labas. I treat myself every payday and would buy branded clothes pero hinihintay ko muna mag-sale. At the end of my 2 years assignment, I have enough cash to pay a 1.1M property in full.

harley18

  • Guest
Binasa ko mula umpisa ang thread na ito. Nabuhayan ako ng loob na magsave, maginvest, at magisip ng other means for extra income..  ;D

Share ko lang yun realizations ko kung bakit di ko pa narereach to:
Saktong pagkagraduate ko, nawalan ng work daddy ko. So ako na nagbayad ng tuition ng kapatid ko for college for two years. Tumulong din ako magpagawa ng bahay, kelangan kasi talaga dahil binabaha yun lugar namin.
After nun, sunod sunod naman ang gala ng barkada, every other month. Halos dun napupunta ang savings.
Tapos nagpakasal kami ng boyfriend ko .5M halos nagastos, bumili ng bahay pero through Pag-ibig loan. Hindi ko pa rin macoconsider na investment to diba? 29 years to pay to (super tagal pa). Bumili ng appliances, nagka-baby, and more... May stocks din ako pero konti lang.

Ngayon, nagiging smart nanay at wife na ko. More healthy meals sa bahay, instead of date at fine dining sa labas. Vegies for the win! mura na, healthy pa. :D Dati ang groceries namin 2k a week dahil puro junk food, ngayon kaya na ng 1.5k a week. May work na din ang kapatid kong pinagaral ko, so makakatulong na din sya sa pagbigay ng allowance sa parents namin. Nagiisip na din ako ng business, kahit small time lang muna kasi nagwowork ako e..

Instead of 29 years, sisikapin ko na mabayaran yun Pag-ibig loan namin (mejo mabigat yun monthly na 14k). Magsusumikap kami ni hubby. In 5 years, magpopost ako dito to share ng realizations kung pano ko naabot ang 1M. Aja!!

purpleice

  • Guest
Thank you sa mga nagshare ng inspirational stories nila. I know pretty popular na yung book, pero kung may hindi pa po nakakabasa ng "Rich Dad Poor Dad" please do read it.

I am currently 21 years old, and I started working (part time) when I was 18. I started as a freelance writer. Back then, iilan palang ang mga online writers sa Pinas so mataas pa ang deman at mataas pa ang sahod. I started with one company kaso super baba ng sahod. Kumikita ako noon 5k per month (part time naman at may pasok ako. Super flexible pa since kung kelan mo lang trip magsulat). Nung mga panahon na iyon siymepre masaya na ako kahit kakarampot yung sahod ko. First time kumita eh, buti na maliit kesa wala diba? Ang mindset ko noon pag kumita bumili ng bumili ng mga bagay na di ko kayang bilhin sa allowance na nakukuha ko from my parents. Masaya kasi I felt "empowered" since may "buying power" na ako hehe.

After 3 months, na-bore na ako dun sa dati kong company. Out of the blue, naisip ko magtry maghanap ng clients ko on my own. Nalaman ko na kaya ko palang kumita ng 50k per month (at that time ah, mga 2011-2012). Grabe. Sobrang saya ko nun, ikaw ba naman kumita ng 50k per month, part time pa at 3 months lang ang working experience. Hmmm.. bumili ako ng digicam saka tablet. Tapos yung ibang pera ko nilustay ko sa luho like mga mamahaling damit, pagkain, pang-coffeeshop, milk tea lols. Sabi nila pag pinaghirapan mo raw kitain ang pera, mahirap gastusin. At that time ang pag-iisip ko okay lang gumastos, madami pa akong parating na pera. Ayun ubos lahat. Siguro pinaka worth it na napag-gastusan ko ng pera ko eh yung pang-tuition ng kapatid kong Kinder that time. Hehe. Binayaran ko ng buo yung 17k na tuition niya noong taon na yun.

Anong nangyari? Ayun biglang dumami ang online writers. Dati, puede kong presyuhan ang gawa ko ng $50 ngayon swerte mo na kung alukin ka ng $5. Kadalasan pang offer $1. Wala man lang akong naipon sa lahat ng yun. Sayang talaga. Ang opportunity minsan lang talaga. Tsk!

Pero ang upside? 21 palang ako, I still have a lot of time para makabangon at thankful ako sa natutunan ko sa experience na to. Nagpapasalamat din ako kay Lord na maaga ko tong naranasan. At least hindi kapag 60 years old na ako at wala nang mahabang panahon para bumawi.

Nakatulong ng malaki sakin yang librong "Rich Dad Poor Dad". Sana mabasa niyo. Alam ko minsan mahirap sundin yung mga payong "magtipid ka" blah blah kasi mindset natin lagi "may trabaho naman ako, kikita pa ako ng pera" pero wala nang secure sa panahon ngayon. Puedeng bukas tamaan ng asteroid ang kumpanya niyo at biglang magsara hehe. Joke lang pero gets niyo naman na ang point.

San ngayon may part time work parin ako at kasalukuyang nagaantay ng lisensya ko para makapagtrabaho. Target ko is to earn my first million by the age of 23. God bless sa inyo at sana makamit natina ng financial freedom :)

empire_maker16

  • Guest
hi guys! kamusta mga sis po natin here? any status ng mga goal natin? this 2015 dapat make a change na and achieve na ninyo ang goals na magka millions na.

as of 2015 nasa 9 digits na po tayo.. as usual business, stocks, uitfs, funds, insurance and properties na ako. mas lumaki lang dahil kahit boring to na process e tuloy tuloy pa din. business to the highest level na ako..and stocks na todo todo kaya umakyat agad within 2 years from my previous post way back in 2013.

kaya natin to! pray lang kay God..

red_yesha

  • Guest
Nakakainspire naman! Sa ngayon, nahihirapan pa akong magkaroon ng ganyang kalaking ipon kasi sagot ko lahat ng gastusin sa bahay.
Pero kahit na ganun alam kong makakamit ko rin yan. Bata pa naman ako, gagawin ko tong advantage habang malakas pa ako at maraming panahon. Kaya ko to!

Kaya natin to  :D

Yula

  • Guest
I'm excited na talaga mareach ang first million ko as early in my 20s. Meron akong papasukin na sideline next month sana maging successful na ako dun para I can quit being an employee.
ayoko matulad sa mindset ng mga existing Baby Boomers na pagkatapos magaral maghanap ng job at maging best employee.Maging top sa company na pinasukan.  ???

bakit di nalang..sige maging employee tapos magipon ng maigi at wag patagalin oras na tatanda ka sa company na yun at magbubusiness kapag nasa retirement age na. Ako as early as I can gagawin ko to. Kaya sana ok yung plan ko for next month  ;D

phurple0515

  • Guest
nakakainspire naman kayo. 

so far, ang investment ko pa lang is the investment/insurance that I have which I bought here.  Considering the amount I am paying for to what I will eventually get, magandang investment na siya, insured pa ko.  Sabi ko nga, retirement fund ko na yon, if ever.  7 more years and pwede na ko mag-retire once I get the proceeds.  I am 35 by the way.  It's too late compared to those who have reached their millions at an early age pero better late than never.

medyo madami din kasi gastos kahit na I am working overseas (providing for my family, both seniors na parents ko, then paying off debts incurred when I was in Pinas).  Pero isip ko makakaraos din kami.  Napapagod na kasi ako in doing an 8 hr daily job.  Gusto ko na hawak ko sarili kong time and have a business which I love.

Next investment naman is buying my own house and lot na sana it will happen this year or next year.  Wish all of us luck! 

ieiky

  • Guest
Kakainspire mga stories niyo. Mag 30 na ako this year pero mukhang malayo layo pa ang aking lalakbayin. hahaha! Pero I know, kailangan ko lang ng discipline, ma e-earn ko din ang 1st million ko. :D

Ang happy lang ako kase, naka pag start na ako mag invest before I turned 30 (late na din) pero better late than later daw dba? LOL. :)

AJA sa atin lahat mga sis!

twenty5

  • Guest


Nakaka inspire talaga mga sis...

I just turned 35 pero masyado din malayo ang lalakgayin ko...

Nakakatuwa isipin na sana naisip ko to before.. Gastador kasi ako and I've learned din naman at pina realize din sakin ni Lord kung pano mawalan and medyo pinalo din ako. Now, it is not too late to start. Kahit may 2 kids na ko, yun lalo ang nag strive sakin to save.

Thanks sa thread na to. I know kahit malayo pa ang lalakbayin ko, I will reach din yan.

Power of Prayers.
Power of discipline.
and POWER of THIS THREAD!!!!

GOD BLESS to all!

simplybrilliant

  • Guest
almost there. baka di na abutin ng end ng 2015. liquid. cash. kahit minamaliit ng iba -- sa pagiging empleyado lang. ;) my milestones ako dito -- previous posts sa journey ko. ..

kikaygirl5810

  • Guest
I enjoyed reading this thread! Kaka-inspired!

Ako nag stop nayung pag save ko when i got married at magka kids na. Halos wala ng maitabi. But good thing naka buy kami ng property pero lot palang.

Start ulet mag ipon for the construction of our own house.
Working ako full time and napaka liit ng sahod kaya i enrolled sa isang online training... I know eto makaka-tulong sakin maka reach ng million ulet..

 

ikaela

  • Guest
^^Na-curious naman ako sa milestones mo, kaya hinanap ko. Ganda ng story mo, sis, simple pero rock. :) And hello fellow Iska!

beachpatrol

  • Guest
Ang dati kong plan na mareach ang 1M (liquid) by 30 ay mukhang hindi pa matutupad.  ;D Bumili kasi ako ng bahay kaya dun napupunta ang bulk ng sweldo ko. I still have money invested in MFs, UITFs, stocks and insurance funds pero nasa almost half a mil lang pag tinotal. Sabi ng tatay ko mag-abroad nalang daw ako para mas malaki ang sweldo pero naniniwala akong may pag-asa pa ako dito sa Pinas. Disiplina at sipag lang talaga  ;D

simplybrilliant

  • Guest
Update:  Hit the target yesterday, Feb. 18, 2015 with Php 5700.00 excess.  Checked investments, kumita na pala, ang nililist ko lang kasi eh kung magkano original na ininvest ko. Currently, 34y/o, married with 2 kids and full time employee.

Feeling: Happy, knowing na may buffer ka na.  But when your there, it's not that big pa pala.  Kaya, mas ma-addict ka pa magsave and increase your earnings basta may opportunity.

^^ Thanks Sis Ikaela and I'm happy to know na related tayo same Iska blood with the features na -- cool, wala ka arte arte, simple but wait till they get to know us -- impressed lang peg nila.hahaha!

Keep updating ladies!
« Last Edit: February 19, 2015, 12:17:40 pm by simplybrilliant »

beachpatrol

  • Guest
^congrats sis! ang target ko ay 35yo at most. I still have 7 years to go :)

simplybrilliant

  • Guest
^ay, kayang kaya mo sis. di ka na aabot ng 7 years. sa post mo na may 0.5 ka na and properly invested na. more or less 2 years nalang yan.  :)

beachpatrol

  • Guest
^thanks sis! mahilig din kasi ako magtravel kaya malaki din nagagastos ko dun. sayang nga eh late na ako nakapagstocks, sana mas napalago ko pa lalo ang datung. hehe. pero mas motivated na ako ngayon magsave dahil sa mga nababasa ko dito at sa circle of friends ko sa office. everyone in our team invests in stocks now so instead of chismis, puro PSEi or business trends na ang topic.  ;D

twenty5

  • Guest
Mga sis ano yung (liquid) na sinasabe nyo? sorry sis

 

Latest Stories

Load More Stories
Close