hello mga sis! kakagaling lang namin sa iloilo-guimaras feb 12-15! super saya, super ganda! the best un natago beach! kung nalaman ko lang ng mas maaga dun sana kami nagstay ng 3 nights. nadiscover lang namin sya during island hopping. the best for honeymooners un lugar! by the way sa raymen kami nag stay. sarap sa paa un sand nila dun, super pino. di nga lang masyadong white sand unlike bora and anawangin. pero pwedeng pwede na, lalo na kung ayaw nyo ng crowded beach. dun dumating kami konti lang naman ang tao, mostly foreigners. pero pag gabi solo namin ang beach. nakita namin un villa igang pero di ko kasi masyado nagustuhan kasi mabato, sakit sa paa.
feb 12 - arrival at iloilo airport. diretso agad kami sa sm city, nag lunch sa green mangoes. sis eeatrice, sarap nga nung heaven torte! inagawan ako ni hubby haha! sarap din nung mangga pandan nila at totoong mura ang mga pagkain! sinundo kami ni kuya mai sa jordan port then diretso na sa raymen. nagpahinga then beach bumming agad!
feb 13 - inland tour 9AM-6PM
the best si kuya mai! super bait! at in fairness ha may itsura sya

nag target shooting din kami! kakatuwa, ang saya pala nun! nag punta kami dun sa ambakan falls pero di namin sya nagustuhan. mejo madumi kasi un area. punta din kami sa trappist, namili ng pasalubong. dinala din kami ni kuya may sa guisi light house at guisi beach. dun kami naligo. solong solo namin un beach, mejo malalaki nga lang bato dito. pwedeng pwede mag snorkling, dami corals! 6PM na kami nakabalik ng raymen.
feb 14 - island hopping 9AM-1PM
ang saya nito! una namin pinutahan un SEAFDEC. true ang 115 kls na lapu-lapu. kakatuwa me pangalan pa un mga isda. un isang lapu-lapu katokayo pa ni hubby. daming trivia! next, punta kami sa ave maria islet - swimming lang ng konti tapos diretso na ng turtle sanctuary. then baras cave - ganda ng cave, ingat nga lang medyo madulas kasi. after baras cave diretso kami sa soly luna, ito un area for snorkling. ang gaganda ng mga corals! tapos diretos kami sa natago beach, dito na kami nag tagal kasi super ganda talaga dito. parang ayaw mu ng umuwi

1 PM nasa raymen na ulit kami, dun na namin tinuloy ang swimming.
feb 15 - aga kami nagpasundo ka kuya mai para magpahatid sa port. dmaan muna kami sa pitstop! wow talaga ang mango pizza nila! super sarap! dumaan din pla kami sa crossing para bumili ng mangga. 50 pesos per kilo lang un mangga na nabili namin kaya 20 kilos ang binilo ko. pag dating namin ng iloilo, binaba lang namin mga gamit sa traveler's lounge then diretso na kami sa breakthrouh! wow din dito super sarap ng mga seafoods! baked scaloops, sizzling crabmeat, inihaw ng pusit, kilawing tanigue, inihaw na itlog ng isda, kalderetang catfish, steamed talaba! hmmmm, busog talaga! sarap! bumili din kami ng mga pastries sa JDs. di na kami nakapag tatoys at decos. super busog na eh. sa pag balik nalang ulit
