kababalik lang namin ng trip.
day 2: off to iloilo, nag-extend pa ko sa bacolod ng konti at napasarap ang kain ko dun. nagtext na nga one lourdes kasi hindi pa ko nagcheck-in. ok ang location ng one lourdes, kasi doon lang kami nag-aabang ng jeep kahit san kami punta and malapit lang siya sa robinsons. ok naman stay namin, sulit na siya sa price niya.
4pm na kami nagstart ng tour, museo iloilo and jaro church ang pinuntahan namin and dinner sa breakthrough. ang layo pala nito, feeling namin naliligaw na kami kasi parang resindetial yung dinadaanan namin, yun pala tabi siya ng sea. bawal pala picture sa museo iloilo, mahal pa bayad P25, nothing special sa loob, puro pictures ng edsa, expected ko more on sa iloilo ang nakaexhibit dun. pumasok na kasi si hubby at anak ko, e dapat papapicture lang kami sa labas at nabasa ko nga bawal camera.
day 3; day tour sa guimaras, si kuya mai, kinuha namin na service. island hopping kami ng morning, 2hrs lang kami, sad nga ko kasi hindi namin napuntahan yung SEAFDEC and ave maria kasi low tide, dapat pala high tide para makapunta dito. e yun pa naman gusto ko mapuntahan para makita yung malaking fish.

so sa turle island, cave at natago beach lang kami nakapunta.
tapos after lunch, lighthouse and trappist ang pinuntahan namin, hindi ko na napuntahan yung roca encatada kasi gagabihin na kami. naflat ang gulong ng trike ni kuya mai, so ang tagal namin naghintay para lang maayos, 1hr and 30min yata nasayang na oras. kung hindi siguro naflat, nakapunta pa kami roca encantada. kumain din kami ng mango pizza. ang mahal ng mango P75 per kilo, tapos may bayad yung box P50.
day 4: iloilo churches na kami, biyaheng langit ang nasakyan namin, promise takot na takot ako sa biyahe, sobrang kapit namin sa jeep. pero nung pauwi na kami, ok naman yung mga nasakyan namin na jeep. 1hr and 30min biyahe namin to san joaquin
1. san joaquin church
2. san joaquin camposanto
3. miagao church
4. guimbal church
5. tigbauan church
6. molo church
hindi ko makita yung afrique's, may listahan ko ng branch tapos meron daw sa molo, tapos nagtanung din ako, sabi sakay kami ng jeep at sabihin sa driver, so sakay kami ng villa at sabi ko ibaba kami sa afrique's tapos nung nakita ko na yung street, tanung ko ulit sa driver, san po yung afrique's aba ang sagot sa kin, hindi ko alam yun. patawa talaga, e yun ang sinabi namin bago kami sumakay at magbayad. bwisit talaga ko dun, sana hindi niya kami pinasakay kung hindi pala niya alam. so bumalik na lang kami ng robinson at nagsbarro na lang kami. ayaw ko kasi ng batchoy e, hindi kami mahilig dun.
so hindi kami nakapagfood trip dito sa iloilo.