watch now

Author Topic: Eastwood Residences Montalban, Rizal  (Read 133195 times)

patchuchai

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #120 on: June 14, 2013, 11:23:53 pm »
Ok ganito, try mo mag commute, galing sa office papuntang montalban. Alamin mo kung saan ang mga sakayan sa ortigas.

quitipierose

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #121 on: June 15, 2013, 09:35:23 am »
hi sis shraen, pwede ka mag fx to cubao then bus to ortigas.. kumuha din ako dun.. this month yung first down ko.. baka kapit bahay pa kita. hehe

shraen

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #122 on: June 17, 2013, 09:50:55 am »
Hello mga sis, tinry ko i commute eto
1. montalban - cubao via Marikina
2. montalban - philcoa via litex

yung una antagal nga ng byahe, sunday pa yun ah.
yung pangalawa naman, nakakatakot ang daan sa may litex. parang zigzag yung daan tapos dadaan mo pa yung basura.
dinala ko mommy ko dito, ayaw nya yung layo ng byahe. pero iniisip ko okay siya e, affordable.
kaya pinaguusapan pa namin.. sana maconvince siya..

eto pa pala.. kasi bianca yung kinuha ko.. nasa P685,000 yung Total Contract Price nya,..
pero nagtataka ako kasi 30 years to pay sa Pagibig - P4,000
pag ni compute mo lumalabas na halos P1.4M ang babayadan ko sa pagibig. ganun ba talaga kalaki ang interest nila ?  :o
or mali lang ako? sorry first time. :D

danda

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #123 on: June 17, 2013, 10:10:14 am »
^si sis, via Marikina, matagal talaga kasi malayo ang ikot. Mas okay ang via Litex, ayon nga lang dadaanan talaga sa mga basura. Hehe! Kaya dapat if via Litex, may aircon ang sasakyan. ;)

Regarding sa Bianca, ayan din kinuha namin. Ganun talaga sis kapag dinaan sa Pag-Ibig kasi loan siya eh. Ang laki talaga ng interest.

Anong phase nakuha ninyo sis?

shraen

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #124 on: June 17, 2013, 10:29:21 am »
^ East Bellevue Phase 1  Blk5 Lot 5 yung kukunin ko sana..
pero nag dadalawang isip pa kami. kumukontra kasi si mother. hehe

yung CenQ yung developer pala nya diba, legit naman kaya eto.. kasi akala ko verdantpoint e..

quitipierose

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #125 on: June 17, 2013, 11:05:04 am »
hi sis... ako naman ph 1 blk12 lot 9 row house yung kinuha ko.. ayaw nga din ng mother ko eh..
pero no choice naman siya hehe.. malyo lang talaga yun sa umpisa sis.. pero pag nasanay kana magiging ok din

danda

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #126 on: June 17, 2013, 11:43:32 am »
sis shraen- ang smen verdant point ang developer. Iba ata ang developer ng East Bellevue.

shraen

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #127 on: June 17, 2013, 12:11:39 pm »
@quitipierose sakin din.. sabi pa ng mommy ko, ang hirap pa daw kasi andami ipapaayos. pero kung icocompare sa iba.. parang mura pa din to.. and sana hindi bumabaha sa mga dadaanan..

@danda -- sana legit sya.. di ko kasi makita sa internet yung CenQ. parang di sya nag eexist sa web, haha. nakakatakot tuloy

quitipierose

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #128 on: June 17, 2013, 12:20:14 pm »
feeling ko sis parang sister company iya ng verdantpoint.. ganun talaga sis mas mapapmahal ka pag finished na yung bibilhin mo.. tsaka hinid ka manghihinayang pag pinaayos mo kase sayo na talaga.. kelan ka mag first dp? ako kanina ako nag payment

danda

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #129 on: June 17, 2013, 12:47:24 pm »
^tama. Iyong smen din eh, ipapaayos din namin kaya hindi fully furnished ang kinuha namin tsaka atleast iyong mga materyales na gagamitin at paggawa, alam namin.

shraen

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #130 on: June 17, 2013, 01:05:20 pm »
Di pa ako nakakapag first deposit e.. binigyan kami ng palugit hanggang katapusan para mag decide kung kukunin namin.. pero dapat sa July 26 ata ang first cash outlay ko..
madami kumokontra pa sakin..
kesyo landslide, tas dito daw nilagay sa montalban yung squatters sa manila, tapos malayo and baka daw delikado.

quitipierose

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #131 on: June 17, 2013, 01:15:28 pm »
hehe ganyan din samin eh.. wala din naman sila magawa kase hindi naman sila ang magbabayad..
mahal na rin kase yung mga lupa sa metro manila.. may mura nga sa cavite pero super layo talaga..

shraen

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #132 on: June 17, 2013, 01:24:00 pm »
nakapag tingin ka pa sa iba? ako kasi eto lang tinignan ko e.
ang alam ko din na below 1M, sa cavite, laguna or bulacan pa. meron nga din ata sa tanay rizal?
pero eto lang ang nakita ko na 5000 per month. swak sa budget,
pero di ko akalain na ang laki din ng interest sa pagibig ha..parang 50% din kalaki ang dagdag
kung may cash lang sana ako edi sana madali.

shyreen

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #133 on: June 18, 2013, 03:03:22 am »
phase 8 nakuha namin kakatapos lang namin magdp nung may at iniintay nalang namin maturn over yung unit. Tingin ko okay naman dito maganda yung lugar at tahimik. Hindi rin naman daw ito binabaha, unlike dun sa ibang mga subdivisions kahit sa QC madaling bahain. Atleast dito medyo pataas pa yung ibang area. Medyo malayo nga lang talaga pero masasanay kadin pag palagi ka nang bumibyahe. Gusto ko sana magpadesign ng bahay, may alam ba kayo mga sis kung saan or kanino?

shyreen

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #134 on: June 18, 2013, 03:09:29 am »
Medyo pangit lang talaga impression pag sinabing sa montalban kasi ang naiisip bahain at mababa yung lugar. Yun din naisip ko noon pero sinama ko mama ko para makita din niya yung lugar nagandahan naman siya kaya kumuha kami agad. Corner lot yung nakuha namin, Bianca 88sqm.

iampennylane

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #135 on: June 18, 2013, 03:59:47 am »
^^yan nga din iniisip ko kasi kami taga san mateo lang naman pero yung mga relatives ko pag pumupunta samen laging nagrereklamo na ang layo daw eh what more kung sa montalban pa. Pero pumasyal kami dito ni hubby mga 3 years ago kasi nagscout nga kami ng murang bahay. Sanayan nga lang siguro.

Pwede kita refer sis, may friend akong architect :D

shyreen

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #136 on: June 18, 2013, 06:13:41 am »
^ah talaga magkano kaya budget kelangan pag magpadesign sa friend mo sis? hehe

patchuchai

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #137 on: June 18, 2013, 06:56:49 am »
hi! i'm from eastwood phase 2, been living here for almost 9 years. if you are thinking of availing a property here, try to list down the pros and cons. dati kasi retired na si late father kaya kumuha siya dito, and he paid in cash the house and lot, elaine type 102 sqm lot. i'm working back then at QC, so sabi ko ok lang naman 2 rides, wala pa noon service na mga urvan, mga fx pa lang tapos until montalban highway or doon sa munisipyo lang sila. wala pang robinson supermarket noon, kaya palengke lang talaga, wala pang luvers. kung gustong mag-grocery dumadako pa kami ng san mateo bagong tayo ang budget lane noon. obvious wala pang mall that time, kakaunti pa lang talaga ang tao. pero eventually ngayon nasa manila na ako nag-work, united nations, as in grabeh hirap ako sa biyahe at tatagain ako ng pamasahe P171 ako balikan. pag papasok philcoa jeep, baba ako sandigan then kalaw jeep diretso na. pag-pauwi naman lrt 1 - doroteo jose then switch ako ng lrt 2 - gateway. then lakad papapuntang farmers para sa pila ng montalban, mabuti nga ngayon 3 na mga sis ang sakayan, meron sa ibaba ng jollibee farmers, meron dun sa gilid naman malapit sa farmers market, tapos madalas kong sakayan ang sa may tropical hut. Kaya nga sa isang buwan i'm allotting P4k sa pamasahe lang iyon ha. So isip kayo if kaya ng budget, hindi lang naman kasi ang worth ng property ang titingnan niyo, check niyo rin tipong ang laki ng napili niyong property pero pamasahe sa work naman is P50 pesos, hindi pa kayo pagod sa trapik then go for it. Sa montalban kasi laid back siya tahimik talaga saka hindi ka pa naman malayo kasi 1 ride nasa cubao gateway ka na.

Oo tapunan nga ng squatters ang montalban, pero nasa ibang area naman sila, malawak ang montalban, naka ikot na rin ako dito. Madami na rin school dito. Tapos hindi siya bahain, alam niyo iyong habagat, nakapasok pa ako. Tapos sila sa bahay 1 time lang nagbrown out, mga 5mins tapos hindi nawalan ng tubig. Dito sa metro manila lubog na sa baha, samantalang mga kasama ko sa bahay sitting pretty nanonood lang ng news.

That's all for now...

quitipierose

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #138 on: June 18, 2013, 10:53:34 am »
hi sis patchuchai lagi naman talaga impression nila pag sinabing montalban.. sa bandang bungad ka kng ba? kase kami dulo na kase yung nakuha namin

quitipierose

  • Guest
Re: Eastwood Residences Montalban, Rizal
« Reply #139 on: June 18, 2013, 10:56:41 am »
sis shraen meron din sa cavite pero gen trias na... yung mga bungad mahal na talaga at
super ang traffic, tsaka mababa na din ng cavite eh.. bahain din yung dadaan mo pag uwi..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close