hi! i'm from eastwood phase 2, been living here for almost 9 years. if you are thinking of availing a property here, try to list down the pros and cons. dati kasi retired na si late father kaya kumuha siya dito, and he paid in cash the house and lot, elaine type 102 sqm lot. i'm working back then at QC, so sabi ko ok lang naman 2 rides, wala pa noon service na mga urvan, mga fx pa lang tapos until montalban highway or doon sa munisipyo lang sila. wala pang robinson supermarket noon, kaya palengke lang talaga, wala pang luvers. kung gustong mag-grocery dumadako pa kami ng san mateo bagong tayo ang budget lane noon. obvious wala pang mall that time, kakaunti pa lang talaga ang tao. pero eventually ngayon nasa manila na ako nag-work, united nations, as in grabeh hirap ako sa biyahe at tatagain ako ng pamasahe P171 ako balikan. pag papasok philcoa jeep, baba ako sandigan then kalaw jeep diretso na. pag-pauwi naman lrt 1 - doroteo jose then switch ako ng lrt 2 - gateway. then lakad papapuntang farmers para sa pila ng montalban, mabuti nga ngayon 3 na mga sis ang sakayan, meron sa ibaba ng jollibee farmers, meron dun sa gilid naman malapit sa farmers market, tapos madalas kong sakayan ang sa may tropical hut. Kaya nga sa isang buwan i'm allotting P4k sa pamasahe lang iyon ha. So isip kayo if kaya ng budget, hindi lang naman kasi ang worth ng property ang titingnan niyo, check niyo rin tipong ang laki ng napili niyong property pero pamasahe sa work naman is P50 pesos, hindi pa kayo pagod sa trapik then go for it. Sa montalban kasi laid back siya tahimik talaga saka hindi ka pa naman malayo kasi 1 ride nasa cubao gateway ka na.
Oo tapunan nga ng squatters ang montalban, pero nasa ibang area naman sila, malawak ang montalban, naka ikot na rin ako dito. Madami na rin school dito. Tapos hindi siya bahain, alam niyo iyong habagat, nakapasok pa ako. Tapos sila sa bahay 1 time lang nagbrown out, mga 5mins tapos hindi nawalan ng tubig. Dito sa metro manila lubog na sa baha, samantalang mga kasama ko sa bahay sitting pretty nanonood lang ng news.
That's all for now...