Author Topic: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)  (Read 66826 times)

nageinna

  • Guest
NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« on: December 26, 2010, 07:44:05 pm »
just after two weeks, we talked again. he texted me last night and greeted me merry xmas. he called me rin sa cp. ayon i answered. ::) what was great lang about our talk, super light lang. nagtatawanan pa kami reminiscing some memories together. he asked if we could meet and i asked why, mag papapogi lang daw siya sakin lol  ::) i said no kahit na gusto ko. kasi alam ko sila parin nung other woman niya and ayoko na mas maging complicated pa lalo sitch namin. i'm happy with how we are right now.

sis iclever, ano updates? what happened na?

btw sissies, here's the link sa first thread
http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,202282.0.html
« Last Edit: December 26, 2010, 07:46:28 pm by nageinna »

FOURever

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #1 on: December 26, 2010, 08:06:10 pm »
wow.. Pasali ako kahit di pa kami break. Hehe sana wag. =) i just wanna read how each sis here cope with breakup, kami pag nag aaway kasi, pag sya nagsabi wag na ako magtext o tumawag, i make it sure na sya din unang mag gigive up.. Sa breakup, sa first bf ko, nagawa ko kasi talagang middle of relationship namin, wala na talagang love. Wala na rin masyadong communication..

michipoo

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #2 on: December 26, 2010, 09:49:14 pm »
Tinatatagan ko loob ko para dito. sana this time kayanin ko na kahit ang hirap hirap :(

koalaa

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #3 on: December 26, 2010, 11:41:29 pm »
^good luck sis michipoo, in time mag sasawa ka rin, kaya mo yan :)

nageinna

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #4 on: December 27, 2010, 11:10:22 am »
Tinatatagan ko loob ko para dito. sana this time kayanin ko na kahit ang hirap hirap :(

goodluck sis! kaya yan. in time you'll see. if you need help GT is here   :-*

iCleverClogs

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #5 on: December 27, 2010, 04:04:35 pm »
just after two weeks, we talked again. he texted me last night and greeted me merry xmas. he called me rin sa cp. ayon i answered. ::) what was great lang about our talk, super light lang. nagtatawanan pa kami reminiscing some memories together. he asked if we could meet and i asked why, mag papapogi lang daw siya sakin lol  ::) i said no kahit na gusto ko. kasi alam ko sila parin nung other woman niya and ayoko na mas maging complicated pa lalo sitch namin. i'm happy with how we are right now.

sis iclever, ano updates? what happened na?

btw sissies, here's the link sa first thread
http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,202282.0.html


LOL... May thread 2 na pala! Buti nalang nagbasa-basa ako.


Hmmmm...if I know, kinikilig ka naman sa kwentuhan niyo? LOL  ;D O di ba tama ako?


Updates ko? Eto kakaiyak lang ng lola. Emote mode nanaman. Paano ba kasi, hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang loko.


Yung latest update ko sa kanya, tumawag siya sa phone after 3 days nung magchat kami, remember? December 20 pa yung last na tawag niya sakin. Buti nga sayo naggreet pa ng Merry Christmas, samantalang ako. Ay, naku, bumaha ang luha. Joke.


Anyways, yun nga tumawag siya, landline. Kinumusta ako, sabi ko ok lang naman ako. Tapos kinukumusta ako kung ano na ang takbo ng friendship namin 1st ex, yung mortal enemy niya. SAbi ko "ok lang". Sabi niya, "so, nagtetext pa rin kayo". Di ako umimik, kahit di totoo. Pinapaselos ko ang kumag. Tapos, nag mamakaawa na na huwag ko ng itext si ex, kasi daw nag-aalburuto nadaw siya doon. Sabi ko naman, single ako, available. Yun, sabi eh hintayin ko siya. Tapos hinahanap niya mama ko, kasi yun ang sabi niya kakausapin niya ito, pero natulog na kasi. Pilit ko siyang itinataboy sa phone kasi, ayoko na nga. Sasaktan lang ako. Ayaw niyang putulin ko yung usapan namin kasi, namimiss daw niya ako. LIAR! Salamat sa effort, kinilig ako. Pero di siya naggreet sakin. Hanggang ngayon di na tumatawag.


Dineactivate ko yung FB ko kasi di ba may access siya dun. Pati YM, block ko na siya. Lalo kasi akong di nakakamove on sis. If may contact kami, lalo akong umaasa pero takot pag umabot yung time na mamimihasa siya na di ko siya ipagpapalit, in return, di nanaman magpaparamdam. Ako rin naman ang masasaktan kasi, ako tong mataas ang expectation. Hirap no? Gaya ngayon. Di na nagpaparamdam. Okay na rin, kahit di talaga okay. Pero mas mabuti na. Hirap ng LDR. Ayoko na talaga sis.


Nag-iwan ako ng message sa YM telling him not to contact me anymore kasi gusto kong mamuhay ng matiwasay. Sinabi ko rin sa kanya na ayoko na sa kanya at wala na akong trust o love sa kanya. Kahit meron pang love.  :P


Nahihirapan na kasi ako sis. Para akong t**** na naghihintay sa wala. Parang nakabitin sa ire. Hanggang kailan ako maghihintay? Tapos, aasa ako kahit nasa abroad siya then wala akong trust. Mas mabuti pang huwag na.



Ngayon ang natititrang mode of communication namin ang landline. Pag nagriring ang phone para akong bali. Duh! Umaasa pa rin. Naghihintay ako sa reaction niya sa message ko.  Paano ba naman meron siyang number.  :-\
« Last Edit: December 27, 2010, 04:10:01 pm by iCleverClogs »

daria

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #6 on: December 27, 2010, 06:02:16 pm »
gusto ko tong gawin! kaso may MALAKING utang sakin ex ko na hindi ko pwedeng i-ignore.. good luck talaga sakin..

iCleverClogs

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #7 on: December 27, 2010, 06:15:44 pm »
^ i admit sis happy ako kasi nakapag usap ulit kami. may kilig din pero everytime kinikilig ako eh iniisip ko lang si other woman at ayon nawawala na ulit kilig ko LOL  ::) paanong di ako kikiligin eh ayon nagpapasweet ulit sakin. tanong pa niya sakin kamusta love life mo ngayon? heller sino ba satin ang nagka love life agad hindi naman ako. ::)

aww that's sad naman sis, kala ko recon na ulit kayo. baka naman na get busy lang talaga sa work? anyway sis whatever your decision is, go lang. i see you as a strong person naman i think you'll survive this.

eh teka ano gagawin mo pag tumawag sa phone at makapag usap ulit kayo? hmmm... :D


ewan ko sis... di ko alam kung ano ang susunod kong gagawin pag tumawag siya. ayoko na. siguro nabasa na niya message ko sa YM. 


Sana nga, di na siya magcontact. Yun ba talaga ang gusto ko? LOL




nageinna

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #8 on: December 27, 2010, 06:48:14 pm »
^aww feel ko nga din sis iba rin gusto mo  :-[ dibale sis siguro in time you'll figure out what's the right thing to do. ang hirap ng ganito no. nakakaloka mag isip. ang hirap din gumawa ng decision. :-\

iCleverClogs

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #9 on: December 27, 2010, 10:13:40 pm »
I'm in between talaga sis. Yung feeling na gusto mo talaga na maging kayo but because of circumstances na out of your control di ko mapipigilan na maguguluhan... hirap na hirap na ako sis. di ko alam kung ano na ang pinanggagawa ko sa buhay ko. 

nageinna

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #10 on: December 28, 2010, 09:33:32 am »
^ siguro sis since nasa abroad pa naman siya, and mahirap din naman talaga yung sitch niyo na LDR, better yet try to fix things out for yourself muna. think real hard kung ano ba talaga gusto mo. then maybe, pag balik niya ulit dito, you'll both be ready to start a new relationship or kung di man, at least alam mo na ano gusto mo talaga diba. ganyan din talaga nararamdaman ko minsan. feel mo inbetween talaga. yung sinasabi ng utak mo ayaw mo na pero sa loob loob mo you're still expecting him to make a move. :-[

iCleverClogs

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #11 on: December 28, 2010, 09:48:38 am »
^ yun nga sis eh. Hirap talaga, di mo alam saan ka pupunta. Nasa gitna lang. Di naman sa coward ako na hindi ipaglaban yung love ko sa kanya, pero ayoko rin namang maging clingy ako sa kanya. Ayokong hahabulin siya, malayo na nga siya, at siya pa ang nagdecide na lumayo so bakit ko hahabulin di ba? Nasampal na sakin ang totoo na hindi ako ang priority niya. I admit it, I'm selfish, attention-seeker sa kapartner kaya hirap ako ngayon, pero I tried to compose myself kasi kahit nung time na kami pa, di naman talaga ako as in totally binibigyan ng attention. I mean hindi sa neglected ako, selfish kasi, parang I want more than a normal attention..


So ngayon ang point ko is, I'm hurt already, napag-isipan ko yung takbo ng sitch namin. Shaky nga, kaya confused din ako. So to play safe, para di ako LALO masaktan dahil sa kakaasa, putulin ko na. Isa pa kung mahal talaga ako ng lalaki, magcocontact naman yun diba? Hihingan ka pa ng number, magtetext sa'yo. Pag gusto maraming paraan. So sa napansin ko, di naman ako ganun kaimportante talaga kasi 8 days na walang kontak. Di gaya ng dati na everyday text. So obvious na obvious na he's moving on na rin. Ako lang ang medyo natagalan. Ako kasi ang nabusted eh, ako yung fail hindi siya. Ako yung victim, siya yung nanakit. Kahit ako ang nagdecide na break na kami, siya naman yung unang nagsabi na ayaw na muna niya ng commitment and to think siya yung unang nagreject sakin, di nakipagcontact for few weeks. Kaya mas masakit sakin kasi di ako nang-iwan kundi siya. 


Kung iisipin naman talaga, di naman siya desperado sakin. Di ko alam kung ano ang takbo ng isip niya. Ayokong umasa sa wala. Seryoso ako sa relationship, ang akin lang kung di nga rin lang kayang panindigan yung relationship ng lalaki sakin, simula't sapul, huwag nalang manligaw, huwag ng magpaasa. Alam mo yun. Gusto kong sabihin sa kanya na tao yung makakarelationship mo hindi hayup, irespeto mo sana at alagaan mo, huwag mong saktan. 

skysenshi

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #12 on: December 28, 2010, 12:55:56 pm »
Quote

Sana nga, di na siya magcontact. Yun ba talaga ang gusto ko? LOL


tee hee!, funny question. What I did was remove his CP number. Tapos nung nag text siya, sabi ko, "Who you?" Tapos sabi niya kukunin daw niya mga libro niya. Tapos sabi ko..."Ah, kaw pala yan. Well, sorry. Akin na tong mga libro mo. Bumili ka na lang ng bago. Bye."

daria

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #13 on: January 01, 2011, 01:40:34 pm »
hi sis iclever. alam mo naman pala ang gusto mo. kung seryoso ka at siya hindi, don't waste your time with him.
if he is not capable of giving you what you need, then he's just not that into you.
let us stop making excuses for that someone whom we want to be with. because honestly, if you have to make an excuse, then he doesn't want to be with you.

iCleverClogs

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #14 on: January 01, 2011, 02:27:44 pm »
^ thanks for the advice. 
Sometimes kasi, di talaga mapigilan na maging confused. Hirap din if love mo ang tao, kahit gaano ka g***. 

nageinna

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #15 on: January 01, 2011, 07:08:54 pm »
^hirap talaga ng love noh sis kahit na minsan alam na natin ang g*g* natin, tuloy parin ng tuloy. umaasa kahit na alam nating wala namang aasahan. ::) anyway sis how was the palm reading? tapos na ba?

ShoesAndTravel

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #16 on: February 01, 2011, 05:43:15 pm »
Better if you guys don't talk after the break up. As in no communication. It's difficult I know but it will be easier and faster for you to move on. Cut off mo na sya. Go out with friends. It helps. Wag magmukmok sa bahay. =)

orangejuice29

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #17 on: February 02, 2011, 04:00:32 pm »
Hmmm.. Kinaya ko naman but it took me after two months since the official break up bago ko nagawa.. Ang hirap putulin ng communication lalo na pag ok na kayo pareho sa both sides of the family. I can say na it's better talaga to cut off everything muna for the meantime while you're still in the process of moving on.. Mahirap pero dapat kayanin kasi it's for your own good din naman. Pray pray pray! Yan lang ang katapat niyan.. :)

whitetulip

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #18 on: February 03, 2011, 11:43:05 am »
better not communicate first. both of you will benefit from it. it's really hard but if your determined enough you;ll get through it  ;)

ylisza

  • Guest
Re: NO CONTACT RULE AFTER BREAK UP (THREAD 2)
« Reply #19 on: February 05, 2011, 05:26:24 am »
gusto ko tong gawin! kaso may MALAKING utang sakin ex ko na hindi ko pwedeng i-ignore.. good luck talaga sakin..

sobrang natawa ako dito sis.. haha! oo nga naman no.. bwiset yon.. magbayad sya bago ang lahat.. LOL!

~~~

anyways, yung sa ex-fiance ko e talagang tiniis nya din naman ako.. walang usap talaga.. pero napaka hirap non sa kanya kase alam ko kung gaano niya ako kamahal.. wala na e.. tapos na.. ang hirap kayang tiisin yung taong mahal mo talaga.. pero e-libs ako sa kanya kase nagpakatatag siya.. hanggang sa nagkasyota sya ulit.. grabe, para akong stalker niya noon.. sukdulang i-hack ko lahat ng accounts nya na hindi nya nalalaman para lang malaman ko mga pinaggagagawa niya..

ayaw nya kaseng makipag usap saken e.. hehe! ayun.. wala lang.. natuto lang ako sa kanya.. kung paano maging matigas.. buti naman.. ngayon siya ang naghahabol saken.. t@ng@ lang niya.. behlat! e di ako naman ang hindi niya macontact.. sorry na lang sa kanya.. hehe!
« Last Edit: February 05, 2011, 05:34:14 am by ylisza »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close