just after two weeks, we talked again. he texted me last night and greeted me merry xmas. he called me rin sa cp. ayon i answered.
what was great lang about our talk, super light lang. nagtatawanan pa kami reminiscing some memories together. he asked if we could meet and i asked why, mag papapogi lang daw siya sakin lol
i said no kahit na gusto ko. kasi alam ko sila parin nung other woman niya and ayoko na mas maging complicated pa lalo sitch namin. i'm happy with how we are right now.
sis iclever, ano updates? what happened na?
btw sissies, here's the link sa first thread
http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,202282.0.html
LOL... May thread 2 na pala! Buti nalang nagbasa-basa ako.
Hmmmm...if I know, kinikilig ka naman sa kwentuhan niyo? LOL

O di ba tama ako?
Updates ko? Eto kakaiyak lang ng lola. Emote mode nanaman. Paano ba kasi, hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang loko.
Yung latest update ko sa kanya, tumawag siya sa phone after 3 days nung magchat kami, remember? December 20 pa yung last na tawag niya sakin. Buti nga sayo naggreet pa ng Merry Christmas, samantalang ako. Ay, naku, bumaha ang luha. Joke.
Anyways, yun nga tumawag siya, landline. Kinumusta ako, sabi ko ok lang naman ako. Tapos kinukumusta ako kung ano na ang takbo ng friendship namin 1st ex, yung mortal enemy niya. SAbi ko "ok lang". Sabi niya, "so, nagtetext pa rin kayo". Di ako umimik, kahit di totoo. Pinapaselos ko ang kumag. Tapos, nag mamakaawa na na huwag ko ng itext si ex, kasi daw nag-aalburuto nadaw siya doon. Sabi ko naman, single ako, available. Yun, sabi eh hintayin ko siya. Tapos hinahanap niya mama ko, kasi yun ang sabi niya kakausapin niya ito, pero natulog na kasi. Pilit ko siyang itinataboy sa phone kasi, ayoko na nga. Sasaktan lang ako. Ayaw niyang putulin ko yung usapan namin kasi, namimiss daw niya ako. LIAR! Salamat sa effort, kinilig ako. Pero di siya naggreet sakin. Hanggang ngayon di na tumatawag.
Dineactivate ko yung FB ko kasi di ba may access siya dun. Pati YM, block ko na siya. Lalo kasi akong di nakakamove on sis. If may contact kami, lalo akong umaasa pero takot pag umabot yung time na mamimihasa siya na di ko siya ipagpapalit, in return, di nanaman magpaparamdam. Ako rin naman ang masasaktan kasi, ako tong mataas ang expectation. Hirap no? Gaya ngayon. Di na nagpaparamdam. Okay na rin, kahit di talaga okay. Pero mas mabuti na. Hirap ng LDR. Ayoko na talaga sis.
Nag-iwan ako ng message sa YM telling him not to contact me anymore kasi gusto kong mamuhay ng matiwasay. Sinabi ko rin sa kanya na ayoko na sa kanya at wala na akong trust o love sa kanya. Kahit meron pang love.
Nahihirapan na kasi ako sis. Para akong t**** na naghihintay sa wala. Parang nakabitin sa ire. Hanggang kailan ako maghihintay? Tapos, aasa ako kahit nasa abroad siya then wala akong trust. Mas mabuti pang huwag na.
Ngayon ang natititrang mode of communication namin ang landline. Pag nagriring ang phone para akong bali. Duh! Umaasa pa rin. Naghihintay ako sa reaction niya sa message ko. Paano ba naman meron siyang number.