Nun bata pa ako around 7 yrs.old.introvert ako, hinde ako sociable na bata.gusto ko lang sa bahay, eskwelahan at sa mga batang nakalakihan ko na kalaro, ayoko sumama sa mama ko pag bibisita kami sa lola ko, ayokong makipaglaro sa mga pinsan ko sa motherside ko na feeling ko kase noon mayaman sila at ayaw nila sakin makipaglaro, pag may gatherings pasko, newyear, all saints day, fiesta ayokong pumunta pinipilit akong isama, feeling ko inip na inip ako sa oras, feeling ko walang gustong makipaglaro sakin , takot ako sa mga titas ko at lola ko pagkakausapin ako.at pag may bisita sa bahay nagtatago ako matagal sa kwarto , ayokong papakilala ako ni mama sa mga bisita nya at pupuruhin nahihiya ako na naiinis na ewan.lagi kami nagaaway mama ko umiiyak ako noon pa pag pilit nya ako isasama tapos tagal tagal umuwi ,tapos iiwanan nya ako nagmumuka akong ewan.
Pero habang lumalaki,natututo akong humarap sa tao, simula nung nag HS ako,
Pero parang meron parin akong pagkaintrovert.konti lang friends ko, hinde ako palabati sa tao kahit kakilala ko, di kita talaga babatiin ,parang dapat mauna ka munang bumati sakin

Enjoy ako magisa sa bahay naman, mas gusto ko sa kwarto or kasama mga dogs ko, umaalis ako magisa at enjoy ako, ,pag nag commute naman ako ayokong may makakasabay na kakilala ko, kamaganak or malayong kamaganak,batchmate or schoolmate ko, kapitbahay o basta kakilala ko., dahil di ko alam pano makipagusap, ano paguusapan..diko alam pano iapproch mga taong kakilala ko na hinde naman akong interesadong kausapin., kaya pag naglalakad ako at may nakita ako kakilala ko iniiba ko na lang way ko, or kunwari diko sila nakita busy ako., wala akong kaibigan na kapitbahay..at kapag me kapitbahay na nakikipagusap sakin gusto ko na umalis dahil hinde ako interesado.
Choosy ako sa mga kaibigan at sa mga gusto kong kausapin, yung feeling ko lang na gusto akong kaibigan nila dun lang ako nakikipagusap., ayokong papasyal sa mga kamaganak ni hubby hinde naman dahil sa ayoko sa kanila, basta ayoko ng mahabang usapin, wala akong close na kamanak bothsides ng parents ko, hinde ako mahilg makipgusap kahit sa parents ko at inlaws ko, ....sakin tanungin ako sasagutin ko....minsan naman may taong nakikipagusap sakin na hinde ako interesado grrrhaba haba ng kwento sa totoo lang wala akong naintindihan sa mga kwento nya.
Hubby ko extrovert naman, kaya nadedevelop na rin ako humarap sa tao kase lagi nya ako kasama..kahit ayoko sumama minsan pinipilit nya ako
Sorry sis long post.