nakakarelate ako sa mga stories ninyo sis. nung bata pa ako, sinasabi ng lahat introvert daw ako. mas masaya ako na magisa lang ako umaalis sa bahay, kumain sa foodchains, manood ng sine, magshopping, at kahit sa kwarto. ayoko ng may kasama ako sa bed. pagkatabi ko mom ko, nagagalit siya kasi di ako mahilig magyakap. dry daw ako na anak, di malambing.

lagi ko iniisip na cold-hearted akong tao, kasi nung highschool pa ako, naiinis ako pag may bumibisita sa akin na mga classmates. para sa akin, kasama ko na sila from mon-fri, 7am-4pm tas pati sat-sun mangugulo pa sila sa gimmik.

Ang mom ko nun siya lang ang nagpapaliwanag sa mga bisita kasi naiirita talaga ako pag may bisita. Sobrang choosy ako sa mga friends nun. Wala ako debut party when i was 18 kasi ang friends ko hindi aabot ng 18...

tulad sa mga sinasabi ninyo, effort din sa akin ang makikipagsosyalan sa iba.
Ayoko ng maarteng kaibigan, yong tipong wala ng ibang iniisip kundi yong mamahaling bagay lang at parties. Yong mahilig manlait ng iba at ayaw madumihan or maputikan. Ayoko ng maiingay na kaibigan na mahilig sa tsismis at backbiting na lang ang alam gawin. At lalong lalo na ayoko sa mga mangagamit na kaibigan, malalaman ko kasi agad kung sincere o hindi eh.
Pero okay lang din sa akin kung maganda manamit, yong tipong alam niya kung anong mas babagay sa kanya. hindi kailangan mahal ang gusto basta marunong sa buhay. Gusto ko yong sincere na tao na marunong umunawa sa ibang tao at masayahin.
Ngayon, natuto na akong magsocialize ng konti... pero hindi siya palagi. Mas mahalaga sa akin ang pamilya. So gusto ko maging masaya sa lahat. Pagdating sa work ko dati, hindi ako masyado nagjojoin ng mga parties, lalo na pag hindi ko gusto ang mga makakasama.
mga sis, do you think nasa nature din natin yon ang pagiging introvert? i mean sa zodiac sign? kasi mahilig din ako sa astrology at sabi dun... "You love people but you hate large crowds". Ganun kasi ako eh... masaya na ako pumupunta sa mall magisa at makita ang mga tao, not necessarily talk to them.