Ang pagiging introvert kasi, yung masaya ka na ikaw lang mag-isa. Kontento ka at di mo kailangan ang ibang tao para pasayahin ka. Pag nasa crowd ka naman, yung feeling mo na nadidrain yung energy mo, irritated ka. Kahit party yung inattenan mo, gusto mo nga umuwi, kasi parang walang kwenta yung lugar na pinuntahan mo. Mas gusto mo tahimik, ikaw lang, walang threats, happy kang mag-isa. Di sa lukarit ka.. Ang introvert din, di masyado expressive sa feelings, if sad, sarili ang nagcocomfort. Takot manghingi ng advise sa kaibigan [personal figure] kasi baka anong masabi sa'yo, wala ka rin namang tiwala. Kung baga bihira lang ang masasabihan mo pero rare case din kasi mas gusto mo ikaw lang ang nakakaalam ng feelings mo. Sinusupress mo yung unwanted thoughts and feelings. Pero may time naman na gusto mo na talagang may taong makikiramay sa'yo. Example, sa love life.
Paano nga ba mainlove ang introvert? Paano ba sila mabigo?
Ang introvert mainlove, sakin lang ha, buhos buhos lahat eh. Although may negative thoughts baka masaktan ka kasi threat yun sa self-esteem di ba. Pero pag ang introvert mainlove, lahat gagawin para sa mahal. Siyempre naman, wala ka ngang maraming kaibigan, iilan lang kasi ang makakaintindi sa'yo. So si bf mo, feel mo talaga na siya yung umiintindi sa'yo at tanggap ka niya ng buo buo. Yun na yun, yung trust mo binigay mo na sa kanya, yung buo mong pagkatao. Yung mundo mo umiikot na sa kanya kasi kayo lang ang nagkakaintindihan. And, yung time mo, sa kanya mo na inilalaan di na sa sarili mo kasi may kasama kana. Di naman sa nawawala yung pagkaintrovert mo. Kumbaga nakita mo na yung match mo na mag-iintindi sayo at mamahalin ka kahit nerd ka pa.
At pag nabigo? Naku, depression ang aabutin. Lahat naman nadedepress, pero mas malala at delikado sa mga introverts. Kasi, low na nga ang self-esteem, mas lalong pang na worse kasi hiniwalayan. Balik ulit sa dating buhay. Yung mundo mo na ikaw lang, tapos sinamahan na, tapos babalik ka ulit sa dati. Anong feeling mo? Di ba kulang? Babalik ka sa dati mong gawi na bagsak ang balikat. Yung mundo mong makulay naging dull na at walang kabuhay buhay. Minsan gusto mo ng saktan ang sarili mo kasi, worthless ka na, yun ang iniisip mo.
Mahirap din maging introvert, pero ang pagiging introvert di puro kalungkutan. Marami kang magagawa sa sarili mo para maging maligaya ka lang. Siguro sa mga pains and failures mas lalong kang lugmok, pero kung nakaya mo ngang mamuhay ng mag-isa na halos walang kaibigan, I don't di ka makakasurvive ng mag-isa lang.