watch now

Author Topic: INTROVERTS - You're in!  (Read 99912 times)

iCleverClogs

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #20 on: December 28, 2010, 09:04:58 am »
^^ nakakainggit nga pero introvert tayo di ba? Somehow mas masaya tayo pag tayo2 lang. Tayo lang ata ang mga introverts naka nagsama sama sa iisang thread. Oha, bongga na, kasi friendships na tayo. 


Hate ko ang mga fake friends por fabor. Ayoko ng ganun. Ayoko rin ng friend na sosyalera, gala dito, gala doon. Syempre di ako makarelate, pag ayaw mo naman, sasabihan ka ng killjoy at ano ano pa. Okay lang naman kung ganun, basta rerespitihun yung pagiging introvert mo, huwag lang sasawayin. Mas mabuti na yung friend na kagaya mo. 


Usually introverts are nerd, better read with books, writing tapos ang profession computer related kasi nakakafocus sila. Sa work ko ngayon na sa bahay lang, lalong lumalala yung pagkaintrovert ko. Ni ang pagsimba, wala na, 5 weeks na rin di ako nakapagsimba. Parang wala na kasi akong interesado sa outside world. 

lilstar

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #21 on: December 28, 2010, 09:11:18 am »
yes sis, ok nako magsolo sa pic tutal yoko naman sumama sa group picture na diko naman kilala or feel mga kasama.

OK naman ako, im a jolly person pero sa small group lang. Sila sila lang araw araw.. naiinis ako if may bago or kinakausap ako ng di ko ka-close.. hehe bully ba? parang ganun..

iCleverClogs

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #22 on: December 28, 2010, 09:15:27 am »
Normal lang naman yun. Ako nga pag may bisita sa bahay, kulong agad sa kwarto.. Or pag yung kasama ko pag lalabas kami, kahit mama ko, kapatid o friend tapos may makakasalubong kaming kakilala niya, who cares? Di ako iimik, sa tabi lang ako. Pipilitin pa akong makisawsaw sa usapan. Heck no! Di ako kumikibo sa taong di ko kakilala... Super tahimik ako.


Lam mo yun, ang pagkakakilala ng mga tao sa'yo tahimik ka sa personal pero pagdating dito sa online ang daldal naman. Mas prefer ko kasi dito, mas totoong tao pa ako dito kasi yung feelings ko nilalabas ko.

lilstar

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #23 on: December 28, 2010, 09:16:55 am »
True sis..

Ako din if may bisita, nagkukulong ako sa kwarto ang hirap eh anong pag uusapan namin? anong topic? hehe

FOURever

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #24 on: December 28, 2010, 09:18:38 am »
^yey, may kapareha ako..ü sa small group lang din ako masalita.. Ayoko rin naman na magpapicture lang para masabing maraming friends. Pero i know to myself, superficial lang lahat. I don't know why i can't get real happiness sa social gatherings.. Happy ako at the moment, pero after that, wala na.. Hehe mas fulfilling for me yung happiness ko kapag may nagagawa akong something for myself and family sa mga free time ko instead of going outside having 'fun'.. Sa house lang yata ako nagsosocialize madalas. Hehe pero wala naman "kulang" feeling.. =) contented with who i am. Hehe

michipoo

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #25 on: December 28, 2010, 09:25:04 am »
Oonga yung ibang friends ko sa FB dami nila group pictures tapos ako kadalasan solo pics :D Hindi din ako comfortable sa big crowd, at tahimik akong tao, para sakin kasi kung wala naman sense ang paguusapan, wag nalang tayo magusap. Yeah pansin ko nga mga introverts mahilig sa blogging/writing. siguro dun natin nailalabas talaga ang feelings natin :)

trizh

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #26 on: December 28, 2010, 09:36:08 am »
  -- shocks. ngayon ko lang nalaman na intovert pala ako. hehe.. katulad din sa inyo, wala akong maxadong group pics sa fb, puro solo lang. at kung meron man, yung tipong dahil sa napilit lang ako. ayoko rin nakikipagusap sa bisita hehe.. at kapag sad ako, nagsusulat lang ako sa journal ko.

iCleverClogs

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #27 on: December 28, 2010, 10:06:32 am »
Ang pagiging introvert kasi, yung masaya ka na ikaw lang mag-isa. Kontento ka at di mo kailangan ang ibang tao para pasayahin ka. Pag nasa crowd ka naman, yung feeling mo na nadidrain yung energy mo, irritated ka. Kahit party yung inattenan mo, gusto mo nga umuwi, kasi parang walang kwenta yung lugar na pinuntahan mo. Mas gusto mo tahimik, ikaw lang, walang threats, happy kang mag-isa. Di sa lukarit ka.. Ang introvert din, di masyado expressive sa feelings, if sad, sarili ang nagcocomfort. Takot manghingi ng advise sa kaibigan [personal figure] kasi baka anong masabi sa'yo, wala ka rin namang tiwala. Kung baga bihira lang ang masasabihan mo pero rare case din kasi mas gusto mo ikaw lang ang nakakaalam ng feelings mo. Sinusupress mo yung unwanted thoughts and feelings. Pero may time naman na gusto mo na talagang may taong makikiramay sa'yo. Example, sa love life.


Paano nga ba mainlove ang introvert? Paano ba sila mabigo?


Ang introvert mainlove, sakin lang ha, buhos buhos lahat eh. Although may negative thoughts baka masaktan ka kasi threat yun sa self-esteem di ba. Pero pag ang introvert mainlove, lahat gagawin para sa mahal. Siyempre naman, wala ka ngang maraming kaibigan, iilan lang kasi ang makakaintindi sa'yo. So si bf mo, feel mo talaga na siya yung umiintindi sa'yo at tanggap ka niya ng buo buo. Yun na yun, yung trust mo binigay mo na sa kanya, yung buo mong pagkatao. Yung mundo mo umiikot na sa kanya kasi kayo lang ang nagkakaintindihan. And, yung time mo, sa kanya mo na inilalaan di na sa sarili mo kasi may kasama kana. Di naman sa nawawala yung pagkaintrovert mo. Kumbaga nakita mo na yung match mo na mag-iintindi sayo at mamahalin ka kahit nerd ka pa.


At pag nabigo? Naku, depression ang aabutin. Lahat naman nadedepress, pero mas malala at delikado sa mga introverts. Kasi, low na nga ang self-esteem, mas lalong pang na worse kasi hiniwalayan. Balik ulit sa dating buhay. Yung mundo mo na ikaw lang, tapos sinamahan na, tapos babalik ka ulit sa dati. Anong feeling mo? Di ba kulang? Babalik ka sa dati mong gawi na bagsak ang balikat. Yung mundo mong makulay naging dull na at walang kabuhay buhay. Minsan gusto mo ng saktan ang sarili mo kasi, worthless ka na, yun ang iniisip mo.




Mahirap din maging introvert, pero ang pagiging introvert di puro kalungkutan. Marami kang magagawa sa sarili mo para maging maligaya ka lang. Siguro sa mga pains and failures mas lalong kang lugmok, pero kung nakaya mo ngang mamuhay ng mag-isa na halos walang kaibigan, I don't di ka makakasurvive ng mag-isa lang. 

FOURever

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #28 on: December 28, 2010, 10:13:58 am »
^tama. Mahirap magbigay ng tiwala. Pero sa experience ko, kung feel ko ang isang tao, tapos friends kami, madali ko ibigay tiwala ko..

Yung sa lovelife, tama yan sis. Feeling ko si bf ang lahat. Parang aside kay daddy, sya yung lahat. sya yung bestfriend, friend, bf, brother ko.. Sa kanya ko nasasabi lahat pero may time pa rin na ayoko magsabi sa kanya.. Mahirap nga pag heartbreak na. Para bang wala kang makausap. Ayaw naman ipakita sa iba.. For me naman, malalakas ang loob ng introvert kasi kapag may heartbreaks, they comfort themselves.. Except na lang pag nasa depression mode na at desperate.. May tendency mag suicide or saktan physically sarili nya.. Or minsan, may mga cases na revenge talaga sa nanakit sa kanya..

lilstar

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #29 on: December 28, 2010, 10:14:22 am »
^ tama lahat sis.. heheh Introvert nga ako.. ahhaha ;)

iCleverClogs

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #30 on: December 28, 2010, 10:33:24 am »
Ang dali dali ko rin magtiwala sa tao. Pag feel ko magaan ang loob ko sa kanya pero pag once na nagasgas yung trust ko, di na maibabalik sa dati yung trust ko. Siguro at some point itatrust ko pa siya pero may doubts na.


Talented ang introverts. Kahit di man tayo showy pero di ba tayo din ang nagcocomfort sa sarili? Para di rin tayo ma bored may nagagawa tayo para sa ikasisiya ng sarili natin.  :)

blush_blush

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #31 on: December 28, 2010, 10:36:54 am »
kasali ako dito, ewan... mas okay ako na walang masyadong maiisip and siguro dala na rin ng past experiences kaya mas gusto ko sa bahay, wala sa crowd.. lahat ng binanggit niyo sisses. hehe

I agree sis talented tayong mga introvert hehe

hushkirby

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #32 on: December 28, 2010, 10:41:49 am »
I'm also introverted. A lot of times I do wish na maging mas sociable ako. Minsan kasi naiisip ko life would be better if I would just open up more. Minsan it comes to a point that I feel like I'm not normal. It was really a struggle to accept na I'm really this way and kung pipilitin kong maging maingay etc ay magrerevert din naman ako eventually to my old self.

FOURever

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #33 on: December 28, 2010, 10:44:14 am »
^sis natry mo na magsocialize? Baka mas comfortable ka dun? Kung better for you maging introvert, need na lang siguro ng acceptance..ü

lilstar

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #34 on: December 28, 2010, 10:52:54 am »
Enjoy ako sa thread na ito.. share ko ulit..

I have a lot of stories re friends. Kasi ako as introvert choosy ako sa friends and madamot ako. I mean if friend kita ayaw kong nakikipag mingle ka sa mga di ko ka-close. Gusto ko private tayo parehas, i can't explain pero parang gusto ko tayo lang. I treat my friends as BF,.,. ganun ako magmahal sa kaibigan. And it really hurts seeing them with other groups. Gusto ko tayo tayo lang..

Ayoko din manghiram, ayoko kasi yung may nasasabi sakin ang ibang tao like nakakaistorbo ako sa kanila, syempre ako din e ayoko magpahiram at magpautang. If newly introduced 'friends' amoy an amoy kong mangungutang or palahiram ito. Since di nga ako friendly nafoforesee kong hindi ito magbbyad.. ahhaha.. pasensya sila, ayokong makaabala at ayokong naaabala.. Introvert nga kasi ako.. hahaha

FOURever

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #35 on: December 28, 2010, 10:55:38 am »
^haha ayoko rin magpautang kasi i don't know how to make singil. Ako nahihiya eh. Hehe saka as much as possible, ayoko rin mangutang o humiram. Baka nakakaistorbo nga, or nakakahiya.ü

iCleverClogs

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #36 on: December 28, 2010, 11:06:10 am »
Buti nga kayo may mga friends pa kayo.. ako iilan lang ba? Aw marami naman akong friends pero kung bondingan? ZERO  ;D Ngayon wala talaga. Wala pera, sayang din, pinaghirapan ko pa. Madamot ako eh lalo pa't gipit. Pero pag nasa mood naman para akong nanalo ng lotto. LOL



Wala talaga akong hilig maglakwatsa. Ewan lang baka epekto ng break up to. LOL. Seriously, kahit noon pa kung pupunta ako ng mall, gusto ko ako lang, ayokong isinasama ako, ayokong maghintay.. Kasi pag kasama kita, mawawala ako sa paningin mo di ako mapakali  ;D


Pag pupunta ako ng mall, ang dali dali kong mahanap pag nawala ako sa tabi mo, dapat kabisado ka sa hilig ko. Pag nasa mall ako, punta ka nalang sa school supplies at bookstore. LOL.... Mahilig ako magbasa pero sa umpisa lang. I'm a good starter pero bihira lang ang projects na natatapos.  :D

iCleverClogs

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #37 on: December 28, 2010, 11:09:21 am »
Ask ko lang mga introverts. Ano ba kayo sa bahay niyo, I mean family?


Umpisahan ko. Ako ang pinakatahimik pero pinakadelikado. Nasa loob ang kulo.  :P

lilstar

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #38 on: December 28, 2010, 11:19:21 am »
Ako naman madaldal, panay joke but i never had a heart to heart talk with my parents. If malungkot ako, masama loob ko I wont let them know. Nasa kwarto lang ako. Di ako yung tipong nag oopen up sa kanila. Ako lang ang magsosolve sa problem ko.. What they only know is that I'm a jolly person, pero di nila alam what's inside.

Actually when I got pregnant, hindi ko agad sinabi sa kanila, ako lang ang makakasagot sa problem ko, papagalitan lang ako at wala naman na sila magagwa about it. Sinabi ko na lang nung 5 months na as in super laki na.. hahah..  ;D

lilstar

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #39 on: December 28, 2010, 11:23:47 am »

same, tahimik rin...

pag may bisita sa bahay or kapitbahay na kinukulit ako at inuusisa ako, madali mag-init ang ulo hehe bad!!! kasi ako, hindi ako nakikiaalam sa buhay ng may buhay kaya ayoko na pinakikiaalaman nila ako...ishe-share ko lang ang gusto ko i-share about me...wag mo ko pilitin hehe

napansin ko rin, kadalasan yata ng introverts, mga middle child? totoo ba sa case nio?


Same tayo sis, ayokong tinatanong ako.. naiinis ako, magkkwento ako ng gusto kong ishare..

at ehemmmm middle child ako.. mukhang totoo nga.. hahah

 

Latest Stories

Load More Stories
Close