watch now

Author Topic: Stepmothers club:Share your stepparenting experiences here. Stepchildren welcome  (Read 32877 times)

sugarpop

  • Guest
Sis, pareho tayo...although i don't have my own baby yet, I hate how my SD smells especially when I pick her up from school. Ang baho talaga plus she's going through puberty pa.

I'm married for 2 years . ever since alam ko na naman na may anak yung husband ko kaya naisip ko matutunan ko din syang mahalin in time. she's already 7 years old living with us she's aware of her bio-mom. me and my hubby has a 2 yrs old baby. there are times na love na love nya yung baby sis nya there are times naman na inaaway nya or inaagawan ng kahit na ano yung hawak ng anak para manginis lang at paiyakin yung anak ko na HATE NA HATE ko.
Honestly medyo matigas din ulo ng baby ko pag sya naman ang may gusto mangagaw ng kahit na anong hawak ng ate nya inaagaw nya talaga kesehodang magkasakitan sila.I like my SD but not the love of a mother like im loving my own child. I cant stand her smell kahit na tumabi saken sa pagtulog ayoko. Isipin nyo nang masungit ako pero iba talaga ang smell ng anak ko kesa sakanya pero hindi naman bad smell it's just that iba eh.
Alam ko magkakasama na kami habang buhay kaya I better learn how to live with her. Kaya lang kasi pag matigas ang ulo ayun ang ayaw na ayaw ko. Hay sana nga matanggal na lang yung ganitong feeling or better yet sana saken na lang sya lumabas. Alam ko naman na ako din magbebenefit pag natutunan ko sya mahalin. Malambing na bata wag lang aabutin ng kakulitan.


lonelymiss28

  • Guest
Ako I have 2 beautiful stepkids. A young woman (19) and a boy (14). We were together for 8 years.

Hubby was a widower but was already seperated for 5 years prior to her demise. In my case naman since wala na yung BM nila ayaw kong nakakarinig ng kahit na anong di magandang salita about her, kasi lagi na lang nauungkat yung mga ginawa ni BM noong buhay pa sya and yung stepdaugther ko nakikita kong sobrang affected.

Noong buhay pa kasi sya ay may problema sya sa alcohol kaya yung bunso kong anak ay may FAS (fetal alcohol syndrome). Sa akin kasi nangyari na ang nangyari hwag ng ungkatin. Everytime may family functions lagi na lang nauungkat yung nakaraan lalo na pag sa MIL ko. Sabi ko nga sa asawa ko pag napupunta doon ang topic ibahin na lang basta sa bahay di namin pinag-uusapan ang mga bagay na di maganda about sa BM nila.

Isa pa ayaw ko na lumaki silang may galit sa ina nila dahil na brainwash sila ng kamag-anak. Lagi ko sa kanilang sinasabi na love na love sila ni mommy nila at very proud ang mom nila sa kanila at nasa heaven na sya ngayon. At ngayong college na yung anak kong babae, to inspire her sabi ko, pag nag-aaral ka lagi mong iisipin na ginagawa mo iyon sa mama mo dahil sobrang matutuwa mama mo pag makikita ka nyang nag-aaral ng mabuti tapos pag nakuha mo na grades mo kausapin mo mama mo sabihin mo sa kanya na para sa kanya yung grades mo na iyon. Minsan kasi sinasabi nyang mahirap yung course nya (Chem Eng).

I am very proud of my step kids. Sabi ko nga sa anak kong babae kung papipiliin ako ni Lord ng anak kayo ang pipiliin ko at di ako magdadalawang isip. Para sa akin kahit di ako nabiyayaan ng tunay kong anak sobrang solve na ako sa 2 kong anak. Sobrang bait nila sa akin, pag umaalis anak kong babae tatanungin ako ano pasalubong na gusto ko, pag out of country or province asawa ko sya magluluto ng breakfast, pag birthday ko or christmas kahit ano gustuhin ko bibilhin nya sa akin kahit na mahal pa iyon. basta di na ako hihiling pa ng ibang anak kundi sila na lang 2. Sobrang masaya ako because of them. MInsan napapaisip nga ako ano ba nagawa kong maganda at nabiyayaan ako ng ganitong step kids. Kaya Thank you Lord talaga!!!

carmichael18

  • Guest
wow ngayon ko lang nakita meron pa lang ganito.. my story is too long to tell, but to cut is short -- my stepmother is evil.. like the ones in fairy tales.. as in pang maalaala mo kaya ang story ng family namin dahil sa kanya..

she's taken over my dad's properties, she sold them hindi ko alam pano niya ginawa pero tuso pa siya sa tuso.. my dad is an ex army official and she's 15 years younger than my dad.. now pati pension ng papa ko ni-loan niya at inubos niya sa business daw na siya lang naman ang kumikita.. kawawa yung papa ko, bente lang laman ng wallet.. :( kung tutuusin pera niya lahat ng pinapakinabangan ng babae niya, pero wala siyang mahawakan kahit na ako.. yung milyones na retirement ng papa ko, hindi rin kami nabigyan.. literally kahit pancit canton ng lucky me, hindi nakapaghanda ang dad ko, dahil pinambayad lahat ng utang nung babae...

eto pa, my dad has cancer but not terminal pa naman.. I mean nagamot na siya but every 6 months he has to go to the hospital para magpacheck up kung meron pa ba ulit.. ang magaling niyang asawa ihahatid lang papa ko sa ospital at aalis na, babalikan pag lalabas na.. kapal ng mukha!!! kami ng mga kapatid ko nagbabantay sa papa ko... kahit pag nagche-chemo siya, papa ko lang nagddrive sa sarili niya sa hospital at mag-isang uuwi... grabe talaga siya... tapos one time nakita ng kuya ko yung FB ni bruha, yes, may FB siya.. may nakapost sa wall niya na "I LOVE YOU" from a John Singh.. at sumagot siya ng "ur so sweet".. ni screen shot ng kuya ko at sinave sa pc.. tinext niya kaming lahat at nanginginig laman namin magkakapatid... kasi kasalukuyang inooperahan nun yung papa ko..

siya lang ang nag-iisang taong kinasuklaman ko ng sobra... yung ginawa niya sa amin magkakapatid nuon at ginagawa niya sa papa ko ngayon, pagbabayaran niya lahat yun sa impyerno.. hindi na siya makalaban sa amin ngayon kasi lahat kami may work na, dati kinakayan-kayanan niya kami kasi wala pa raw kami ipagmamalaki sa kanya...

at dahil sa perang nakuha niya sa papa ko, may 2 farm na siya sa province at isang malaking bahay.. madam ang tawag sa kanya ng mga taga barangay niya... samantalang napulot lang siya sa harrison plaza ng papa ko... saleslady sa dept.store..

hehe sabi ko hindi ako magkkwento..  ;D I have nothing against stepmoms in this thread, just sharing my story on how evil my stepmom is...


beatrize zuri

  • Guest
^sis grabe naman yung stepmom mo, alam ba ng papa mo yung pinaggagagawa niya? like yung fb at farm? anong sabi ng papa mo? how about your mom sis? sorry daming question
 
 

guilleanne

  • Guest
^^ grabe ang stepmom mo sis. pero somehow kasalan din yan ng daddy mo eh. dibale sabi mo nga hindi man dito sa lupa sa ibang lugar nya pagbabayaran ang kasalanan nya.

carmichael18

  • Guest
^ & ^^ hindi namin sinabi sa kanya yung sa FB, baka mapatay niya pa yung bruha... [textspeak!] sa mga farm, sabi ng papa ko eh may kaya naman daw talaga sila duon, pinamanahan sila ng magulang nila ng hecta-hectaryang lupa.. so haciendera pala siya? eh bakit siya nag-sales lady? at namasukang katulong dun sa dating jowa ng papa ko? siyempre pinalabas nalang niya yun kay papa pero ang totoo na-acquire niya yung lupang yun...

nabenta at nasangla lahat ng lupa namin... eto na lang natira sa amin, dati kaming 4 na magkakapatid may nakalaan ng lupa, nabenta lahat yun, tapos nag acquire siya ng bago na sa kanya na nakapangalan...

rags to riches nga ang drama niya.. kami naman riches to rags.. haha!!! para siyang langaw na nakatungtong sa kalabaw, mas mataas pa siya sa kalabaw, kahit nakikitungtong lang naman siya...

ngayon lang narerealize lahat ng papa ko yun... kasi nga ultimo pension niya hindi niya mapakinabangan... these days, inaasikaso niya lahat ng titulo ng lupa na mailipat sa ate ko... medyo hindi siya magandang isipin kasi parang nagbibilin na, pero hindi naman siguro.. my dad is healthy kahit may sakit.. malakas ang katawan...

beatrize zuri

  • Guest
^ang hirap naman ng ganyang sitwasyon, buti hindi niyo inaaway yung stepmom niyo kasi before ngyari din samin niya 2 lang kaming magkapatid ganyan din ang ginawa niya sa papa ko penerahan ng penerahan pero inaaway namin yung girl so ang ending naghiwalay sila  ;D
 
btw sis, asan ang mommy mo? dont worry maayos din yan, matatapos din yan. palakas na lang daddy mo para na rin sa inyo and for sure sis deep inside nagsisisis rin daddy niyo sa nagawa niya baka nahihiya lang sa inyo.

lonelymiss28

  • Guest
carmichael: step mom from hell yata yang sa iyo. Kung ako naman nasa sitwasyon nyo sasabihin ko yung about sa escapades ni step mom sa taong close sa papa nyo at ng sya ang magsabi or ipakita nyo para sya ang makapag patunay kasi kung sa inyo manggagaling parang lalabas na sinisiraan nyo lang step mom nyo pero kung sa taong malapit sa dad mo ay mas maniniwala sya.

beatrize zuri

  • Guest
share ko lang... :(
 
yesterday, pag check ko ng fb napansin ko na si sil at si W (mom ni stepson) ay friends and halos lahat ng mga pic ng son ko (stepson) eh pinopost niya para makita ni W and nabasa ko ang message na miss na miss na niya yung anak niya and that magkikita din sila soon this message is before christmas, pero nitong pasko at birthday hindi siya nagparamdam. ewan ko ba pero nung nakita ko yung message niya na hurt ako, di ko alam kung nagseselos ba ko or what, na dapat hindi ko to maramdaman. in a way nagtatampo ko kay sil kasi sana di na lang niya pinost yung mga pic, pero at the back of my mind anak pa rin niya yon and that she has the right more than me, sa totoo lang di ko rin maintindihan sarili ko somehow, ayoko ng magkaroon pa sila ng communication or kahit makita pa niya,. nagseselos ako na para bang sana na lang sakin talaga siya nanggaling  :'( , nagwoworry ako dumating yung time na bigla siyang pupunta and kukunin na niya samin (which is impossible kasi hindi papayag si hubby) pero pano kung magfile siya ng case. hindi ko pa to sinabi kay hubby. btw, yung sil ko pala na yon eh mas close don kesa sakin, actually ayaw niya sakin dati pero ngayon ok na kami pero minsan iniisip ko na ang loyalty niya eh na kay W kasi mas close siya don.  :( .
 

carmichael18

  • Guest
naku sisses, bruha talaga ang tawag namin sa stepmom ko.. hehe we tried before na i-convince si papa at sabihin sa kanya ang ginagawa ng mahadera niyang asawa, pero parang bulag at bingi siya.. umabot pa sa point na pinalayas niya kami ng ate ko, kasi kami raw gumagawa ng kwento.. my sister supported my college... kasi nga tinakwil na kami ng dad ko nun dahil inaway namin si step mom...

my mom died when I was only 8. nung first year high school ako saka niya dinala dito yung bruha..

murasaki

  • Guest
i hate it pag ngkkta bio mom and stepdaughter ko kasi nagbabago ugali ni SD. matagal sila hindi nagkita ng biomom nya kasi tumira sa province at wala trabaho biomom pamasahe pamaynila. Now dito na sa manila nagwowork biomom nya kaya malamang madalas na sila magkikita. Recently lang nagpunta sa MIL ko [textspeak!] biomom para makita si SD,dun na din natulog kasama yung anak nya sa asawa nya ngayon. Si SD sinabihan ba naman yung anak ko "hindi na kita kapatid" kasi nandun yung kapatid nya sa biomom nya. Ay sinita ko talaga si SD. shes only 7. [textspeak!] ko ikaw ha nagbabago ugali mo pag nandito bio mo. Sabi nya joke lang daw yun. Wala naman ako reklamo kay SD alam kong mahal nya anak ko kasi sila din ang lagi magkasama. Yoko lang pag nandyan BM nya. Nagseselos na din ako. Sana nga saken na lang sya lumabas para wala na nakikisawsaw. Kaya lang eto ang tadhana at i have to live with it.

nessy

  • Guest
club [textspeak!]?! count me in! hahaha

well, ang story ko naman, my partner was married with this girl.then [textspeak!] girl sumama sa boy nila.my business kasi sila noon.then dinala pa [textspeak!] anak nila pati [textspeak!] mga gamit nila pagkatapos ibenta [textspeak!] mga sasakyan.anyway, hindi ko pa nakakasama ang anak nila kasi hindi naman na nagpapakita [textspeak!] girl pero kung saka-sakali, parang ayaw ko kasi warfreak [textspeak!] babae e.anyway c partner meron pa cyang 2 pa na kids bago dun sa pinakasalan nya.nung una,ok lang sila sa akin pero nitong huli naasar na ako kasi parang nag titigas na ng ulo nila.ages 13 and 15 ito ha.the 15 years old even bad-mouthed me which i cant understand kasi mabait naman ako sa kanila.minsan pag sweldo ko pa binibili ko pa cla ng mga gusto nila and i was even the one who bought their school supplies lalo na last june.anyway,kinausap ko na si partner about this and nag-compromise naman na kame.

babbyviltas

  • Guest
I hate my stepmom, I super hate her! Grade 6 pa lang ako, hindi ko siya gusto.
1. Hindi marunong mag luto!!! Kung gusto niya ng spaghetti, nagpapabili pa sa mcdo. Talo ko pa siya.
2. Hindi marunong sa bahay. Hindi marunong mag paganda ng sala.
3. Tama bang ipost sa fb niya yung mga alahas na binigay DAW ni daddy nung Christmas? E hindi naman totoo.
4. Napaka gold digger. She was able to convinced my dad to give him half a million para bumili ng lupa.
5. Yung business namin nakapangalan na sakanya.
6. Napaka immature! Tama bang pagtalunan ang broccoli?? She even pointed out na meron daw siyang 10k just for the broccoli? Anong connect ng 10k mo sa broccoli? 

..Andami pang mga bagay, kala mo kung sino na ng makatungtong sa bahay namin. She even call our maids as "ALIPORES KO" , parang walang modo. Siya rin ang rason kung bakit nagkagulo yung family namin and our relatives. Never siyang nag prepare ng breakfast, take note, gising niya 12nn!! Tapos one time sabi niya, "Ay may nag aalok sakin ng work", sabi ni daddy "go, pasok ka na", sabi niya "Ay nakakatamad". Parang ako, "WTH?!!? Parang ang yaman mo ah? Hindi ka nga nakatapos eh". Eeeeeer!! Nakakainis! How to deal with stepmoms na ganon? Parang walang alam?! Pag nag ggrocery kami, ako ang namimili for out kitchen, our house. Makikita mo siyang nagtitingin ng damit, in short, ng shshopping gamit pera ni daddy!! Minsan nag rereklamo pa yun sa ulam namin, sabi ko "Edi mag luto ka", wala , natahimik. Walang kwenta. Nakakainis.

guilleanne

  • Guest
@nessy, don't take it to heart pag nagtitigas mga ulo nung mga kiddos, talaga namang nagtitigas ang ulo ng bata whether your the bio mom or the stepmom. I realized too na I can't expect them to appreciate me, kasi nga they are bata pa, pero I wish eventually when they are older eh marealize nila yung effort ko. Infact kahit nga yung mga bio kids, we don't appreciate our parents until we are older and realizes things. So just give and be patient, don't think of them as your kompitensya, unang una they did not wish to be in this situation diba. It's not easy to love them unconditionally pero just always think and ask yourself if your are being fair to them and not think if they are being unfair to you because they are after all just kids.

@babbyviltas sadly you have a parasite in your house. How old are you? Well whatever is happening now, don't let it affect your chances for the best future you can have. You study hard, you work hard, you love and respect your parents. Don't let her get to you, don't waste time and energy on her. Just think that she is NOTHING, and you can be everything that you want. You can't control it that your dad is nabobola. In fact its very hard almost impossible to control our parents. As awful as your situation is right now, you can rise above it.

babbyviltas

  • Guest
Hi Guilleane, Im already 21, turning 22 this year. Nagtitiis ako since grade 6. I always act as if she is not around, kaso she always wanted to be in the middle of the picture. Nakakainis talaga. Since my dad welcomed her sa bahay, I never had a home, house na lang.

chefytine

  • Guest
i have 2 beautiful step kids a 8yrs old boy and 12yrs old girl, theyre are good kids and they live with us fulltime.  :)

tanya1109

  • Guest
I'm a stepdaughter too and I hate my stepmom. Binubugbog nya kami nung mga bata pa kami ng mga ate ko. To think na mababait kaming bata at tahimik lang. Never namin syang nilaban dahil alam namin na palalayasin nya kami. Yung father ko kasi is either walang balls or mahal lang talaga nya yung 2nd wife nya. My mom died when I was just 5years old and I'm the youngest.  Binabantaan nya kami na wag magsusumbong kasi gulgulpihin nya kami. Pag nasa work ang tatay ko donya sya sa bahay. Kami kasi ng mga ate ko binigyan nya ng kanya-kanyang assignment sa bahay, meaning yung mga gagawin or lilinisin. Kapag nakita nya na hindi malinis may kurot, sampal or worst sunod-sunod na palo sa buong katawan. 3years din kaming tumira kasama sya hanggang sa kinuha ng tita ko yung eldest sister ko then kaming dalawa ng sister ko napunta sa lola. Until mag graduate kami ng highskul. Binalik nanaman kami sa kanya. That time nagppractice teaching na sa isang private school si eldest sister, kahit papano may sahod na sya. May nag-chismis kay stepmom na may boyfriend na ang 2nd sister ko, galit na galit sya at nagsumbong sa tatay namin. Tapos lalo syang nagalit nung walang reaction ang tatay ko kasi parang ok lang naman sa kanya na mag-bf na ang sister ko kasi college na rin naman. Sa sobrang galit nya ay pinalayas nya kami ng bahay nila. Tinapon nya sa labas ng bahay mga gamit namin. ( Never nya kaming binilhan ng damit, lahat ng gamit/damit namin ay mga bigay ng pinsan namin, pinaglumaan.)...Walang nagawa ang tatay namin. Umalis na lang kami ng bahay. Sumakay ng tricycle at nakisuyo muna sa kaibigan ni eldest sister habang naghahanap kami ng matitirhan....Mula noon ay hindi na kami bumalik sa bahay nila. Nagworking student na lang kami ni 2nd sister hanggang sa mag graduate kami at makakuha ng decent job. Nastroke si tatay at ngayon nakawheelchair na lang sya. Meron silang 3kids at maliit lang ang pension na nakukuha nila from previous job ni tatay. Kaya ngayon lagi silang lumalapit samin para manghingi....

murasaki

  • Guest
What a wicked stepmom u had. kaya ako mabait ako sa stepdaughter ko kasi alam ko ako din ang maggain pag minahal nya ko. pag minahal nya ko mamahalin nya din ang anak namen ng papa nya. parang pay it forward lang yan eh. hindi ata marunong rumespeto stepmom mo. kahit hindi  kayo ituring na anak basta itinuring kayo na mga tao.

nagkaron din ako ng stepdad dati. minahal nya ko na parang anak nya. kaya ganun din ang ginagawa ko sa SD ko ngayon. being loved is priceless and a special gift from someone. kadugo o hindi

tanya1109

  • Guest
^that's right sis. Kaya sa mga sister naten dito na stepmom alagaan nyo ang mga SD nyo. Hindi nyo man sila makuhang mahalin bilang isang tunay na anak, irespeto nyo man lang sila bilang tao at itrato nyo ng tama. Darating ang panahon na babalik sa inyo lahat ng kabutihang ibibigay nyo sa kanila.

sugarpop

  • Guest
Ako sis, I just gave birth...I really don't know what my SD is feeling right now. She's almost 13...for her whole life siya lang ang anak ng bio dad and bio mom niya. Her BM is unmarried...

I would appreciate tips on how to handle her...Nahihirapan ako kasi she's also at that stage na teens na. Plus, one of the things I really dislike about her is that she's burara and makalat..Her dad kasi raised her so minsan parang boy siya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close